watch now

Author Topic: being eldest!  (Read 38621 times)

Pretty_ava

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #20 on: August 07, 2009, 11:40:50 pm »
^hello sis!  ang galing galing mo naman and you are so strong.

kung ako yun , baka di ko kayanin.  pag pa sensyahan mo na lnag yung bunso mo, mas nakakaintindi ka eh saka panganay ka.  pero pag somobra na sya, kausapin mo na rin, and ipaliwanang na hindi ganun kadali na maghanap ng pera now.

I salute you, talagang bread winner ka.

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #21 on: August 08, 2009, 04:51:15 pm »
^^ parang maalala mo kaya pala ang story mo sis.  tsaka sana naman ma realize ng sis mo ang mga sacrifices mo at mag cooperate naman sya how to ease up the burden on you.   >:(

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #22 on: August 08, 2009, 04:58:08 pm »

Thanks mga sisses sa reply and kay sis blooming, I know your point.  sis freeswan,  how's the wedding preps?Sis pinkish, hirap maging eldest talaga, sana strong tayo lagi.
sis theotherjeckay, galing mo naman, 4 kids, God bless.
Sis harlet, thanks for the advices and to sis cheesecake than k you din sa iyo at naiintindihan mo ako.


Siguro nga kasi hindi ako eldest.  And maybe I was just looking at these things in a practical pov.  how to make it work with no emotions attached. 

Maybe there's is really no clear cut answer to this.  I was just hoping that hindi lang dapat eldest ang may ganitong paninikip ng dibdib. it is a family thing.  each and every person bilang bunso ha (bunso kasi ako) should do their part para naman lahat kayo salo salo sa problema, at hindi lang isang tao ang namomoblema.

blackgreen

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #23 on: August 10, 2009, 11:47:32 am »
Hi sis pretty_ava! Thanks for your support. Nung buhay pa parents ko halos ganun din kami katulad sa inyo, halos bago lahat every school year.  Kaya siguro ganun na lang siya manumbat ngayun kasi hindi ko maibigay lahat ng gusto niya.

Ganun na nga lang ginagawa ko pinagpapasensyahan ko na lang. Pinapaliwanag ko rin na hindi madali ang pera ngayung panahon na ito. Sabi nga ni bf wag ko na rin daw masyado i-spoil. Hindi lahat ng gusto dapat binibigay.  Hope maging okay na kayong lahat.

Hi sis blooming! Sana nga marealize niya yun mga sacrifices ko. 

tabularasa08

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #24 on: August 12, 2009, 11:27:35 pm »
ako din eldest child and i have to siblings who are both in first year college. nagloko kase last year yung sumunod saken kaya nagkasabay na sila ni bunso. im providing them financial support. half ng sweldo ko sa kanila ko binibigay kaya hirap din ako magbudget ng pera para sa sarili ko. yung papa k kase walang work and yung mama ko day care worker lang kaya maliit lang talaga yung kita ni mama. nagre-rent pa kami ng house. sobrang dami talaga ng gastos. ako naman nagre-rent din kase sa makati ang work at ang layo kung uwian ako sa bulacan. minsan, ayoko nalang umuwi samin kase ayoko naririnig yung mga problems namin kase sobrang nade-depress talaga ako. naiinis kase ako na hindi ko maibigay lahat ng kailangan ng family ko. ngayon, humahanap ako ng opportunity para makapag-abroad para mas makatulong sa kanila.

sabi ko nga din kay bf, pag nakatapos yung mga kapatid that's the time we can get married. natatakot din kase ako na pag nag-settle kami agad, baka di na ako makatulong sa family ko..

anetski

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #25 on: August 15, 2009, 05:40:48 am »
ako, eldest. 5 kami lahat: 3 girls, 2 boys. yung boys namin, single. si youngest boy, 4th year college na.

my dad was an OFW. as early as 5 years old, natuto akong maging responsible hindi lang para sa sarili ko kundi para rin sa mga kapatid ko at nanay ko. nung bata ako, feel na feel ko yung tini-treat ako ng lahat as an adult. i guess i can say na maaga akong tumanda because of the responsibilities and the sacrifices i had to make at a very young age(tipong sige yung para sa kin, ibigay nyo na lang mga kapatid ko para menos gastos, etc). nadala ko yun hanggang ngayon na may pamilya na ko. para sa akin, isang malaking failure on my part pag napabayaan ko parents ko at mga kapatid ko. hindi ako perfect ate, dahil marami din akong kapalpakan na na nagawa noon. naging single mother ako at 19, didn't finish Uni because I had to work to support myself and my kid. there were times na hindi ako nagpakita sa kanila for so many years because i dont want them to see me in my darkest times. nakaaway ko rin mga kapatid ko, as in to the point na "tinakwil" nila ko as Ate. pero iba talaga pag ikaw ang Ate who everyone depends on, be it on small or big things, dahil kahit ilang beses nila kong "tinakwil", when they have problems or they need someone to talk to, or they need anything, kay Ate pa rin sila tatakbo. sa amin ngayon, ako ang may last say when it comes to family matters: pera, assets, health, problema, etc.

being eldest means being the responsible and strong one. hindi ka pwedeng bumagsak o magpakita ng kahinaan dahil your siblings emulate you. kung pwede nga lang na hindi ka magkamali, hindi ka nga dapat magkamali dahil accountable ka sa mga kapatid mo. lahat ng sasabihin at pangaral mo sa mga kapatid mo, kailangan ina-apply mo rin sa sarili mo dahil kung hindi, babalikan ka nila at tatanungin ka pa ng "eh bakit ikaw?". being eldest means in your parents' twilight years, ikaw ang aalalay sa kanila. actually, kung pwede mo nga sigurong buhatin, eh buhatin mo na.

for me, never na naging burden ang pagiging panganay. i dunno, pero siguro dahil close-knit ang pamilya namin at ang turo samin ng mga magulang namin is walang ibang magdadamayan kundi kami-kaming magkakapatid. naaalala ko pa nun nung maliliit kami, pag nag-aaway kami ng mga kapatid ko(away-bata lang naman), umiiyak pa nanay ko, ang dialogue nya, pareho-pareho naman daw kaming lumabas sa kanya at nag-breastfeed sa kanya pero bakit daw kung mag-angilan daw kami para daw kaming mga ibang tao. so tumatak sakin yon. na wala namang ibang dadamay sa mga kapatid ko kundi ako at parents ko lang din.

of cors, being eldest also has its perks. and best perk of it all is, when you see your siblings well-placed, you can say with pride that you did a good job taking care of them.

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #26 on: August 15, 2009, 09:47:23 am »

being eldest means being the responsible and strong one. hindi ka pwedeng bumagsak o magpakita ng kahinaan dahil your siblings emulate you. kung pwede nga lang na hindi ka magkamali, hindi ka nga dapat magkamali dahil accountable ka sa mga kapatid mo.


Kaka admire naman sis ang perspective mo being the eldest.  Ako kasi bunso.  pero I never depended on our eldest.  kasi adult narin naman ako. and as much as possible, I do not want to burden others as buhay ko, or sisihin ang ibang tao kapag may kapalpakan sa buhay ko.  I am accountable for myself and hindi ang eldest namin ang accountable sakin.  but this is just my opinion.

naiisip ko lang sa culture natin, kadalasan inaako lahat ng eldest.  so ang nangyayari ngayon e yung mga siblings, tumatanda nang being dependent on the eldest.  kahit na adults na, sometimes (not all naman) eh hindi pa marunong tumayo sa sariling paa kasi nasanay sila na inaako ng eldest ang problema at hindi nasanay to face it themselves.

quennna

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #27 on: August 17, 2009, 01:05:10 pm »
sis,

dapat, focus on the current situation kasi the more you look back, the more it will cause you pain..
nakaraan na yun.. naranasan nyo na naging maayos buhay nyo before..
kung nakakaexperience kayo ng trials.. face it.. accept it and do something..

siguro reality na rin na dapat talaga, focus muna kayo sa basic needs..kung di rin kayang
bumili ng bagong damit.. so what.. walang namamatay sa pagsuot ng luma.. kahet sabihin mo
pang birthday mo.. attend ng party? baka pwde na yung lumang damit.. party ba kamo?
gastos lang yan.. sa pamasahe, sa gift.. pwede naman siguro di umattend ng party.. ang importante,
nakaalala kapatid mo sa friend nya..

kung pwede ding encourage mo rin yung siblings mo na magworking student.. at least, di
lahat ng burden nasa iyo.. para habang bata pa sila, natututo na silang magbanat ng buto..
mahirap din yung sinasanay na laging may nasasandalan..
ganon talaga ang ate.. problema ng kapatid, di mo rin matitiis na di
problemahin.. alam ko.. kasi panganay din ako sa tatlong magkakapatid..

di kami mayaman.. infact, now ko lang nare-realize na nung bata pala kami mahirap pala kami
magaling lang talaga parents ko.. kasi di nila pinaramdam na naghihirap kami..
pero tanda ko, masaya pamilya namin... bata pa lang kami, naturuan na.. maging masinop.. wag
manghihingi sa ibang tao ng pagkain or any material things.. pagbutihin ang pag aaral.

nung nasa abroad ang father ko, lagi syang nagtatanong kung ano gusto namin.. pero wala kaming
hinihingi kasi alam ko, kahet bata pa kami, alam namin na, baka pag may hiningin kami sa
father ko at di kayang maibigay, masasaktan lang at mahihirapan lang sya.. so kami, di na
lang nagrerequest.. ano ang punto ko dito? wag masyado nakafocus sa materyal na bagay..

sis.. tulad mo, kahet papano, tumutulong pa rin ako sa mga magulang ko.. ganon din ang husband ko..
sagot ko til now yung rental ng upa ng parents ko.. agreement namin mag asawa.. magulang lang dapat
ipriority, kung sa mga kapatid kung may excess..pwede na rin.. kung wala.. supurtahan pa rin
sa ibang paraan.. basta ako, biglang ate nila.. hahayaan ko silang mamili ng tatahaking landas,
magbibigay ng payo kung kinakailangan pero never magbibigay basta basta ng isda sa kanila..
hayaan ko silang matutong mamingwit na may hirap at tyaga..

ang mga dakilang ATE.. :D

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #28 on: August 17, 2009, 11:50:28 pm »
^ sis, sobra akong agree sa lahat ng sinabi mo. parang you read my mind.  ;D

ito qinuote ko lang ulit:


siguro reality na rin na dapat talaga, focus muna kayo sa basic needs..kung di rin kayang
bumili ng bagong damit.. so what.. walang namamatay sa pagsuot ng luma..


kung pwede ding encourage mo rin yung siblings mo na magworking student..


wag
manghihingi sa ibang tao ng pagkain or any material things.. pagbutihin ang pag aaral.


wag masyado nakafocus sa materyal na bagay..

I think minsan ito ang nakakasira kasi sa tao, nagiging depress pero hindi naman dapat. kung hindi naman nagugutom, ok lang kahit hindi magsteak.  May gulay naman at isda.



magulang lang dapat ipriority, kung sa mga kapatid kung may excess..pwede na rin.. kung wala.. supurtahan pa rin sa ibang paraan.. basta ako, bilang ate nila.. hahayaan ko silang mamili ng tatahaking landas,
magbibigay ng payo kung kinakailangan pero never magbibigay basta basta ng isda sa kanila..
hayaan ko silang matutong mamingwit na may hirap at tyaga..


agree sis! yan ang tinatawag na tough love. lagi kang andyan not to be the provider but guiding them through how to face life's challenges.  para maging independent sila, at hindi dependent sayo.

Pretty_ava

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #29 on: August 18, 2009, 12:29:55 am »
Hello sisses!

I've been reading all your posts and talaga naman may point kayo lahat. 

Just an update, may work na bro ko start sya sa Monday, sa hospital sa amin, Casual lang sya and I think he'll earn 12K a month, not bad diba?  Pinasok sya ni Nanay, work muna sya and at the same time mag rereview din sya sa October, siguro every weekend lang yung review nya sa review center.

Need lang talaga mag tiis kung anong meron kami now.  Ngayon ko na aaply yung saying na, kung maiksi ang kumot matutong mamaluktot.

as for my other 2 sisters, kinausap ko sila na huwag na muna nila isipin yung mga new clothes, cell phone kasi makukuha din nila yun pag nag work na sila.

nga pala, di papayag nanay and tatay ko na mag working students mga sis ko, igagapang nila yung studies nila.  Kasi we have our lifetime daw para mag work kaya as much as possible mag focus kami sa studies namin.  kasi nung college ako, gusto ko din mag working student, nakikiuso kasi ako nun, and di sila pumayag.  sabi nila, magtapos daw muna ako at ako din daw magsasawa kaka work after I graduated from college which is totoo.  hahaha.


quennna

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #30 on: August 18, 2009, 02:43:34 pm »
share ko lang ulet ha..

yung bro ko pinakapasaway sa aming magkakapatid..
palibhasa, laking-lola.. ops, walang mag re-react ha.. alam nyo naman ang mga grannies.. taga-spoil.. kung tutuusin, sarap buhay sya.. swerte nya na di nya narasanan maghirap (althought, again.. never pinamukha ng parents namin na mahirap pala kami.. lol)

yung tinitirhan nila ngayon, libre, paki kuryente/tubig..
so, sasagutin nya lang is yung food and tuition fee ng anak nya..
ako, bilang ate.. syempre natuturog ang puso ko sa situation nila pag di enough yung food nila plus pag kulang ang tuition fee..


bilang ate nya, pinasok nyo sya as ahente sa printing company na nagsu-supply sa amin.. plus effort to the max talagang magbigay ng contact sa mga kakilala.. last week, nakacommission sya.. alam nyo kung magkano? P3,500.. maliit na amount pero dyos ko at dyos nating lahat.. :p laking pasasalamat ko talaga sa dyos na answered prayer talaga sya.. at least di ba, nakuha nya yung pinaghirapan nya...

ako nung bata ako.. since di ako talaga palahingi sa magulang ko.. pero sa totoo lang mahilig talaga ako sa damit.. so ako, binubusog ko na lang yung isipan ko na... nagsusuot ng magagandang damit.. inshort, daydreaming ang beauty to the point na, ay, ayaw ko na sa damit na yan.. nagsawa na ako.. kasi sa isipan ko, lagi ko syang pinangrarampa.. LOL.. kanya kanyang style lang yan..

mahirap ang buhay, yes.. pero wag mong pamumukha na naghihirap ka talaga.. at take note.. di rin maganda sa paningin yung nag ri-richy richy..

to the threadstarter.. sis, may reason yan.. kung bakit pinapaexperience sa inyo ha.. use that experience to motivate you and your siblings.. turuan mo rin maging madiskarte sa buhay sina bunso.. remind mo lang sila na.. be ready sa mga consequence ng mga decisions nila.. and most importanly, pray harder.. for strength and guidance.. :)


quennna

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #31 on: August 18, 2009, 02:47:03 pm »
pretty ava.. wow, congrat.. may improvement naman pala si brother mo..

hay naku, sabihan mo si mahal na nanay at tatay na..
at least, may mailalagay na si sister na working experience sa resume nya.. ganda point yung sa record nya.. or kung talagang gusto ng bagong clothes, cellphone.. paghirapan nila.. how? by being a working student.. or baka pwede sideline.. buy and sell.. tutal mahilig naman pala sya sa clothes eh.. :D

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #32 on: August 18, 2009, 10:49:23 pm »
sis Ava! congrats sa bro mo!  Prayers lang talaga minsan ang kulang, after all the hardwork.


as for my other 2 sisters, kinausap ko sila na huwag na muna nila isipin yung mga new clothes, cell phone kasi makukuha din nila yun pag nag work na sila.

nga pala, di papayag nanay and tatay ko na mag working students mga sis ko, igagapang nila yung studies nila.  Kasi we have our lifetime daw para mag work kaya as much as possible mag focus kami sa studies namin.  kasi nung college ako, gusto ko din mag working student, nakikiuso kasi ako nun, and di sila pumayag.  sabi nila, magtapos daw muna ako at ako din daw magsasawa kaka work after I graduated from college which is totoo.  LOL.

siguro iba iba din ang pov ng mga tao dito. there are advantages in working early.  (1) for one sabi na ni sis quennna, may mailagay ka sa resume.

(2) sakin naman ang advantage nito ay mas matuto din maghandle ang mga bata in different situations, which normally sa school di naman tinuturo -  like magmanage ng time.

(3) when I was in HS, I started tutoring na. All the way through college. It gives me extra money to save up for things I like to buy.  Di kami shinower sa luho, so minsan kapag may gusto akong sapatos, magsave ako. Then kapag nakasave nako, nanghinayang nako bumili (but this is another story). Point is, mas may freedom ka, kapag may ipon or money at your own disposal, even at a young age.

(4) regarding working all your life na, kaya concentrate muna sa studies. may point din parents mo. pero for me, I teach my kids to work na kahit mga bata pa sila. hindi naman yung work na pagod. more of helping in the household chores (prepare ng mesa, bring this/that) etc.  Kasi for me, work is part of life.  No one can live without working, maliban nalang if you are part of royalty, which we are not.  Kaya if possible, sa murang edad palang ng mga anak ko, tinatatak ko na sa mind nila na working is a positive thing, it is a good thing. It is part of life and we should love it. 

pfeouscheah

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #33 on: August 19, 2009, 06:43:41 am »
I'm not a panganay, but my mom is, & I wouldn't forget the things I experienced when I was growing up.
I can't say naman na tinipid ako nila mommy. I still studied in a good school & laging kumpleto sa gamit, hindi nga lang mahal. but I never like the financial management that she does.
pagdating sa mga kapatid nya, mga may work & family na, konting drama lang bigay kaagad sya. say my uncle is ill,  kahit maglakad sya ng madaling araw kahahanap ng uutangan gagawin nya. pero pag magaling na uncle ko, pag nagkukwentuhan kaming cousins, nakarating na daw sila sa baguio ganun, eh ako ang tagal ko ng nirerequest sa mommy ko wala daw pera. then pag nagpadala si daddy pati mga pinsan ko may mga bagong shoes, etc. ang sama pa non, magbibigay sya kahit enough lang samin yung budget kasi lagi nyang reason panganay sya obligation daw nya yun, then pag masama ang loob nya sa mga kapatid nya ako ang tagasalo ng blame. I never ask for things nung bata ako, kasi sermon lang aabutin ko eh. inaantay ko na lang na bigyan ako nila mommy.
now, my bro is a different story. sya ang panganay, & sobrang naspoiled sya. as in sunod talaga sa luho. kasi naguiguilty si mommy kasi nung bata pa daw si kuya iniwan sya kila lola ko. so parang yun yung compensation nya. till now, may asawa na si kuya si mommy pa din ang gumagastos sa kanya. si mommy nagsimula ng business nya, bumili ng bahay nya & sasakyan nya. I got married literally days after I graduated, & because of my experience kahit singkong lukot wala akong hiningi sa kanila after the wedding. kami pa nga gumastos sa kasal (3k lang kasama na food & pics.hehe)
my point is, be very careful about 'guilt' because there are 'real guilt' & 'false guilt'. kung naguiguilty lang dahil hindi natikman ng siblings ang natikman nyo, then teach the siblings pano nila matitikman yung mga natikman nyo. I know it's hard, but believe me, once you oblige yourself to do things 'kasi nakakaawa naman sila', it will NEVER stop after graduation. must admit masama ang loob ko kay mommy because of this, but sabi nga, you can't mould an old lump of clay. kaya habang bata pa, it's better to teach them how to 'dumiskarte' coz this life is not always that easy :)

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #34 on: August 19, 2009, 08:14:00 am »

^ sis, natumbok mo ang nararamdaman ko. Just did not express it, but at times I resent my mil for the exact things you mentioned that your mom did.

Pero ang akin lang, mil ko naman yun.  So hayaan nalang. ang bad lang e nagiging masama si hubby kasi nga hindi daw sya palabigay sa mga kapatid nya.  So ang nangyayari ngayon, si mil lagi nagk kwento sa mga siblings ni hubby na swapang si hubby, etc.  so lumalabas si mil pa ang nag-e-encourage sa mga siblings ni hubby manghingi or magsabi na si hubby ang panganay ang therefore he has to provide for the entire clan! duh!?  e nakikita ko nga sila bil/sil, mas maganda pa ang celphone kesa samin eh!  sila nga naka broadband at kami naka dial up sa internet.  tapos pagdating sa trips abroad, asa pa si mil na kami ang magsponsor ng trip ni sil! duh!?

pfeouscheah

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #35 on: August 19, 2009, 09:06:02 am »
^nako sis pareho kami ni hub mo!! ako din ang 'swapang' sa pamiya! lol!
naku at eto pa, nung umuwi ako galing abroad, ang kuya ko naka ipod, naka sony cybershot, naka sosy na mobile phone, as in ang ganda! samantalang ako, kung hindi pa nagsale yung camera ko na samsung na AA ang battery, hindi pa ako magkaka cam. & yung phone ko & hub, hindi na gumagana yung star key ginagamit pa rin namin. ang banat ba naman sakin wala daw ba kong uwi na branded or kahit magpa reunion man lang. naku nakakainis talaga! laging sinasabi sakin nuon wag daw akong magbigay ng problema, kaya nung nag asawa ako kahit magbukas kami ng alkansiya dahil wala kaming pambili hapunan ginagawa namin para wag lang umasa, tapos pag uwi ko yung kuya ko may bahay na! san ka pa!
hehe. sorry for the rant :) minsan talaga nakaka frustrate lang. halata kasi. hehe.

freeswan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #36 on: August 19, 2009, 09:27:09 am »
i agree with sis anet, pag panganay ka, you have to be strong. wag kang magpakita na down ka sa mga kapatid mo dahil naabsorb nila yun.

minsan, kahit personal problem ng kapatid ko, report na kaagad si mommy sa akin para daw pagsabihan ko siya.

quennna

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #37 on: August 19, 2009, 01:43:58 pm »
nung nagkaproblem kami ng husband ko..
dumating sa point na.. nagkahiwalay kami for 4months..
nakikita nila ako na parang walang problema..
parang normal talaga.. ah, normal without faking it..

then etong si bunso, nagkaproblem sila ng husband nya..
so nagopen up sa akin.. natouch lang ako na.. sabi nya..
admire nya ako kasi kahet may problem ako ang galing ko daw magdala.. same with my sister in law..

isa pang role ng ate, minsan mediator pagnagtatalo ang mga magulang... LOL

anetski

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #38 on: August 19, 2009, 11:31:12 pm »
i agree with blooming and quenna. though being eldest means being the responsible one, it doesnt mean na we are also meant to carry their burdens. Ate can only do so much, you see. She will help to the best she can but trust her that she knows until when she would help. Sa mga kapatid ko, thank God, hindi ko naman naging problema ang attitude nila. they also grew up to be mature and responsible adults. dala na rin siguro ng panahon, remember nung hindi ako nagpakita sa kanila ng matagal because i was too busy dealing with my own problems? in my absence, they learned that they too, have to stand on their own feet, that they won't have Ate, or Papa and Mama beside them all the time. in those times na hindi ko sila natutulungan dahil may sarili rin akong problema, na-realize din nila ah, kailangan ko ring maging Ate at harapin ko ang problema ko on my own.

when my siblings talk to me or ask for advice, i show them the options they could take. kasama pati pros and cons ng options na yon. i dont force my opinion on them. but i assure them na kahit anong choice pa piliin nila, que ano pa mangyari, aalalay ako sa kanila. and, i only give them advice if they ask. hindi kasi kalakaran sa family namin ang mag-meddle into each other's affairs.

anyway, i-share ko lang. itong si youngest na 4h year college, nagpa-part time work. last year, nag-pledge ako sa kanya and parents ko na sasagutin ko ang everyday allowance nya na 100 per day basta wag na siya humingi sa parents ko. ngayon nagkatrabaho na siya, siya na mismo ang nagsabi sa kin na wag ko na siya bigyan ng allowance kasi naman daw may sweldo na naman siya. for me, he showed maturity and malasakit with that. i mean, kasi di ba, pwede namang solohin nya na lang yung sweldo nya at continue ask me for daily allowance since pledge ko na yun sa kanya noon pa di ba? that's why im so proud of him. same with the 4th sibling(single guy, works in a call center). hindi masalita yon pero nagkakaintindihan kami. my 4th sibling gives allowance to my parents and pays their house rent in his own free will. nobody asked him to. but he did. he did it out of malasakit. you see, hindi kasi uso samin ang hingian ng pera eh(pwede pa yung naglambing halimbawa na "te akin na lang 'tong half-full bottle ng perfume mo" with matching kiss pa).

para sa mga panganay out there, we are proud of you!

quennna

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #39 on: August 20, 2009, 09:20:31 pm »
anetshi..

yeah.. i agree..
ganon din kami.. may malasaket sa isat isa..
at may respeto sa gamit.. kung bago asking permission muna bago kunin.. or pagramdam ng gipit sila.. kusang loob kami nag ooffer ng tulong.. :)

minsan, sabi ko nga.. mas maganda sigurong babae ng panganay kasi maalaga at mas responsible sa family.. :D ops, baka may mag object.. hehe... peace!! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close