Author Topic: Funny moments with your family  (Read 37300 times)

destiny_27

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 36
Re: Funny moments with your family
« Reply #80 on: July 06, 2011, 04:46:11 pm »
ok mga sis, may naalala na ako! ;D not as funny as your stories pero baka pwede na. ;)

pumunta kami ng sister ko sa mall 168. pasok kami sa isang store dun. Sa peripheral vision ko may mannequin na naka-tayo. unconsciously, hinimas-himas ko yung legs nung mannequin nang bigla na lang gumalaw at sumigaw. "chung kaeng fung la... " (not exactly the words but sounds like) yun pala yung chinese na may-ari at hindi siya mannequin! sabi ko sorry sorry sabay hatak sa sister ko palabas! hahah. kinabahan talaga ako baka isipin niya lesbian ako & minamanyak ko siya! :-[

last year, when i was in bikol naka-bonding ko mga pinsan ni hubby including Daryl 7yrs old. When MIL introduced me to him he asked me, "taga-amerika ka ba? kasi ang puti mo eh!(sabay haplos sa arms ko)!" ahahah. natawa talaga ako sa kanya kaya favorite ko agad siya! Then when lola was making kwento pinakatitigan siya ni daryl then he said: "Lola, matanda ka na kaya malapit ka ng mamatay. Tapos susunod na si papa tapos si Mama. Eh, sino na magpapakain sakin?? mag-isa na lang ako dito??" We were quiet for a moment analyzing what he said then natawa na lang kami kasi yung expression niya was parang he was really scared.  ;D Tinanong ko siya kung ano gusto niya maging paglaki sabi niya architect daw. Sabi ko mag-dr ka na lang para you will take care of lola,papa and mama para hindi ka maiwan mag-isa dito sa house. sabi ba naman, gusto ko nga architect eh kasi sino na gagawa ng bahay ni mama. Baka hindi nila kayang gumawa nung malaking-malaking bahay dun kami titira eh!" ok fine!

About Daryl again: We went swimming nung summer and c daryl tuwang tuwa na pagkadating pa lang namin sa resort ng 9am naligo agad and ayaw magpaawat umahon lang ng 3pm yun pala nilalagnat na. nung pauwi na kami ok na siya kaya madaldal na ulit. asking Uncle who was driving how the steering wheel works, the car accelerator pedal and so on. When uncle asked him "eh, ikaw bat ka na-lowbat kanina? daryl said, :ano ako robot na nalolowbat? tao ako,taong bata"  :P
Find a guy who calls you beautiful instead of hot, who calls you back when you hang up on him, who will lie under the stars and listen to your heartbeat, or will stay awake just to watch you sleep..

cuteapril_1215

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 184
Re: Funny moments with your family
« Reply #81 on: July 07, 2011, 12:08:29 pm »
We went on vacation to Coron last April...sa resort na pinagtulugan namin meron mynah...nung tinour ng owner ang uncle ko, sumama ang 3-year old niece ko...kinausap ng owner ang mynah...sumasagot naman ang mynah...nung may tinanong ang owner sa mynah, hindi na ito sumagot...bigla sumingit pamangkin ko, "lowbat na siya..."
"the blessing of the Lord brings wealth and He adds no trouble to it." -Proverbs 10:22

follow me at twitter @iamaprilancheta

carmichael18

  • nagmamatamis na...
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 574
  • carpe diem
Re: Funny moments with your family
« Reply #82 on: July 11, 2011, 12:48:23 pm »
kami dami funny moments.. close kasi kami magppinsan at magtito tita eh.. tapos baklaan pa kami kung mag-usap kahit mga tita ko.. hehe

pero the best ang conversations with the kids...

kiel to tita carmi: tita may baby ka na?
me: wala pa, bakit mo tinanong
kiel: eh ang laki ng tyan mo eh, pareho kayo ni mommy...

wahahaha!!! langyang bata yun! he's only 4, btw.. super kulit at funny..

whitelady17

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 401
Re: Funny moments with your family
« Reply #83 on: July 15, 2011, 03:48:45 pm »
eto ang akin:

Papasok na ako ng banyo maliligo, nakita ko nanay ko mag luluto ng french fries, sabi ko paki damihan magbabaon ako,

:Mommy: Okay po, senyorita, hija de pot pot daw, hindi niya maituloy may mga bata doon eh.
:Me:        Okay lang na ako ang hija, ikaw naman ang donya de pot pot eh hahaha ayun tumahimik bigla at napahiya ata lol.

Then nasa bahay ako, sa office area namin, andoon ang dalawa kong kapatid nag cocomputer rin, kanya kanyang harap sa computer. mga 10pm na ata ng gabi iyon eh.

tumahol ang aso, so binuksan ko na ang door access ng office, eh si BF doon pala sa door sa sala dumaan. eh ayan na pasok agad siya sa indoor access mula sala to office:

ME: SAAN KA DUMAAN? (galit-galitan tone talaga) tapos nakikita ko sa vision ko na parang kinakabahan na dalawang kapatid ko, parang iniisip nila naku away na ito
BF: eh...........sa sala
ME: Mali (galit tone ulit) tapos mahabang pause, ang dalawang bagets hindi na mapakali, naka yuko na kunyari walang naririnig, sabay sabi ko,

**Sa pintuan ka dumaan, alangang sa bintana*** hahaha sobrang natawa ako sa mga reactions nila kasi pati si bf nakahinga ng maluwag alam kasi nila na nangigiyera ako lol
     

eekai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 128
Re: Funny moments with your family
« Reply #84 on: April 30, 2013, 10:59:06 pm »
tagal na to pero nakakatawa pa din.

my mom said she wanted pizza pero the way she said it was: "gusto ko ng PICHA"

so i told her: ma hindi yun picha  PIZZA yun.

mom: ay naku tigilan mo ako matanda na ako picha pizza pareho na din yun.

a week passed by and some of her  friends dropped by sa house. mom told me to get food for the visitors.

mom: anak, pa deliver ka nga ng peeeessa

toinks. na over naman

lol.

nessy

  • the drama queen
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 401
Re: Funny moments with your family
« Reply #85 on: May 01, 2013, 01:50:15 pm »
I have a niece (6 years old) and a nephew (8 years old). Si nephew may crush na,ask ko:

Ako: Kuya, sino crush mo? (eh alam ko naman na ang name ng crush niya ay Cora)
Nephew: Cora.

butt in naman ni Niece:
Niece: Mommynie (tawag nila sa akin), baka akala mo si Cora Aquino crush ni kuya ha, hindi! Si Cora yong taga diyan sa kabila, oh!

:D
Sure God created man before woman.  But then you always make a rough draft before the final masterpiece.

chofontanilla

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 293
Re: Funny moments with your family
« Reply #86 on: May 01, 2013, 03:48:26 pm »
Madami din kaming funny moments ng family ko. Lalo na parents ko and si kuya super joker. Nakalimutan ko na yung iba eh pero ito conversation ni daddy saka ng mga tumatawag samin magkakapatid sa phone panahon to na hot ang issue ng pandaraya ni PGMA:
Dad: hello garci? (Or minsan hello mental hos
pital?)
Caller: hello good evening po, wede po kay cho?
Dad: ay sandali lang nasa music room eh tumatae.

So sikat kami lagi sa school dahil may music room kami. Tawa ng tawa mga classmate ko kada tatawag sila samen. Haay nakakamiss sila kasi may sariling family na ako now buti nalang joker din tong asawa ko. Hehe!

jared

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
Re: Funny moments with your family
« Reply #87 on: May 02, 2013, 04:02:38 am »
love this thread! ;D dami din naming laugh trip sa hauz. courtesy of my hubby and kids.  :) here's one.

when my siblings and i were still kids, my mom would always say this each time we refused to do a household chores, "sige, tawagin nyo si (name ng kapitbahay) para sya na gumawa nyan".

so, ngayon na nanay na din ako sinabi ko to sa anak kong panganay:
me: sige, tawagin mo si (name ng neighbor), sya na paglutuin mo!
jared: hindi yun gagawin ni (name ng neighbor) kasi nagluluto din sya ngayon sa kanila.
me:  :o

I had to go to the other room of the house just so i can laugh.  ;D literal talaga yung pagkakaintindi nya.
I have to bounce back because I AM LIMITED. :)

babykat

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 679
Re: Funny moments with your family
« Reply #88 on: May 30, 2013, 12:22:18 pm »
i like this thread.  nakakawalang stress.  isip muna ako ng funny moments namin sa family din.

red_one

  • mrs.architect
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 224
Re: Funny moments with your family
« Reply #89 on: May 31, 2013, 05:12:11 pm »
dumalaw kami ng mga sister ko,hubby ko, father ko kasama yung step mother so at half brother ko sa puntod ng mother ko.
we used to call my mother as mama, then my father as papa. then nung paalis na kami dun sa cemetery sabi naming magkapatid, mama, bye na alis na kami.
then si papa, sabi nya: mama bye na alis na kami
then nagsalita yung half brother ko: mama mo rin yan?
 ;D

iceheaven31

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 629
Re: Funny moments with your family
« Reply #90 on: May 31, 2013, 05:55:18 pm »
My dad replied to my Malaysian number with this text message:

"K"

Bongga. Goodbye P15 in one character. :))

greyzie

  • in reHav
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 809
Re: Funny moments with your family
« Reply #91 on: June 01, 2013, 02:50:41 pm »
my niece (close friend's dau) naman studies in an exclusive school. one time medyo mala-late na sa flag ceremony tapos nagbabantay raw yun masunget na nun. she and her friend greeted "Good morning, Sister!"... sagot ni nun "Faster!"...my niece said in a faster way: "Good morning, sister!" Ayun, pinatawag yun nanay, akala niloloko si sister pero hindi naman hahaha!
"D period of gr8st gain in knowledge & experience is d most difficult period in one's life. Thru a difficult period, u can learn, u can develop inner strength, determination, & courage to face d problem. Who gives u this chance? Your enemy." -- Dalai Lama

saidee

  • humble, simple and sweet but struggling to be happy
  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
Re: Funny moments with your family
« Reply #92 on: June 02, 2013, 12:08:46 pm »
nakakatawa mga stories dito eto naman ang sa akin ewan ko lang kung nakakatawa  ;D

1. well kaming family laging nagwoworship sa gabi ngayon itong kapatid kong bunso 10 or 11 years old ata sya nuon, pinag-pray ng tatay ko eh yung time nayon ang balita lagi sa tv ay yung mga namatay sa bagyong ondy at kasagsagan parin nuong time nayon. so si little brother naman sige sa pagpray "salamat po sa blessings na binibigay nyo sa amin ingatan nyo po kami.." tapos biglang sinabi "sana po konti lang ang mamatay sa bagyo" lol edi iyon tawanan kami hanggang matapos yung prayer nya.

2. kuya ko naman nuong bata p kmi 8 years ang tanda sa akin sobrang liit ko pa mahilig akong kulitin kasi nag-iisa akong girl na anak.

kuya: anong tagalog sa "i don't know"

me: hindi ko alam

kuya: ay hindi mo alam ang tagalog sa i dont know? inang hindi alam (nang-aasar)

me: sabi ko ang tagalog sa i don't know ay hindi ko alam (naiirita na) hehe

kuya: sabi mo hindi mo alam edi hingi mo nga alam ang tagalog sa i don't know.

hanggang sa paulit ulit na tinatanong ako at pinag hahampas ko na sya. hehe


3. kapatid kong namang bunso nuong maliit pa sya nagtanong ako. kc dalawa lang kami ng nanay kong babae sa family lahat ng kapatid ko lalake.

me: paano kapag bigla kaming namatay ni nanay, wala ka nang nanay at ate wala ng babae sa buhay mo.

bunso: edi mag-aasawa ako ng dalawang babae ang pangalan ay (pangalan ng nanay ko at pangalan ko) hehe

me: lol
I love you more than there are stars in the sky and fishes in the sea. -NS

mindiegirl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 490
Re: Funny moments with your family
« Reply #93 on: November 13, 2015, 01:17:41 pm »
super nakakatuwa ang thread na to  ;D ;D

Mahilig magbiruan sa bahay kaya may maishe-share ako. ;p

Convo between my younger bro and mom:
Bro: Ma ang galing ng mukha ko, nagaadopt sya kung sino yung sikat ngayon na artista. Diba nung sikat si enchong, kahawig ko sya...
Mommy: Tango lang (without looking at my bro), tuloy sa pag gagames sa cellphone...
Bro: ngayon si james reid, nakahawig ko din...
Mommy: napahinto pero tango pa din.. tuloy lang sa games
Bro: Tapos si ALDEN...(di na naituloy yung sasabihin)
Mommy: ANO?!?!? Si ALDEN????? Napamulagat at napabitaw sa cp nya! Sino nagsabi sayo, sapakin mo! Niloloko ka!!!

At this point tawang tawa na talaga kami as umalingawngaw sa buong bahay. HAHAHA!!! (Moreno bro ko super layo sa features ni alden)..

Mommy(may pahabol pa): ALDEN ka dyan, wala ka naming dimples!

Bwahaha! Ngayon lang di nagging supportive si madir sa hirit ng bro ko. Napikon yata.
Life is as kind as you let it be. - Charles Bukowski

mindiegirl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 490
Re: Funny moments with your family
« Reply #94 on: November 13, 2015, 01:37:55 pm »
Meron pa ko naalala.. super funny kasi ni mom ko..

Me and my sister nagpapaalam na mag bora:
Sis: Ma, magbobora kami ni ate next year
Ma: Sama nyo ko anak, di pa ko nakakapunta dun!
Sis: E pang bagets lang dun, party party
Ma: Promise, di ko kayo pagbabawalan! Ako magbabayad sa sarili ko
(willing gumastos si mommy)
Ma: Ako din magbabayad sa papa nyo (ABA! nagsama na! HAHA!)
Me: A isasama nyo na din? So kasama na din si bunso?? (5 lang kami sa family)
Ma: oo sige sagot ko na din!
Sis: Sure kayo ma? Mga 5k each yun.
Ma: ....silence...nagiisip... sige ako nalang isama nyo!
Me and Sis: HAHAHAHAHAHA!!!!
Life is as kind as you let it be. - Charles Bukowski

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 810
Re: Funny moments with your family
« Reply #95 on: December 28, 2015, 12:47:50 am »
^Hahaha ang cute ng mommy mo hehe.

Buhayin muli natin to, nakaka goodvibes e.
Scene 1:
Sis: ate nabobobo ako today. Ano spelling ng tomorrow? Double R ba?
Ako: gusto mo triplehin mo para sure.
Sis: ay adik. Wag ka na nga!

Scene 2:
Ring ring ring
Ma:hello sino to?
Caller : (his name) pwede po ba kay (my surname).
Ma:ha ano?lahat kami dito (insert our surname)
Caller: hahaha sorry po. I mean pwede po bang makausap si (myname).
Basag si caller.

Scene 3:
Ma : te !! ay Ne! ay kangkang! Pakikuha nga nun.
Me and my sis: Ma sino ba talaga samin?
Ma: wag na ako nalang.
Me and my sis: hahaha lahat tayo tinawag, napagod ata kaya sya nalang kumuha. :P
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

super bratinella

  • I am officially a HomeOwner;queen of the house; a non stop
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2480
  • To God be the Glory!!!
    • Blog
Re: Funny moments with your family
« Reply #96 on: December 28, 2015, 11:35:02 am »
When family are having dinner

Papa : Anak ako ba pwede din magpa brace (we were talking about my braces in my teeth)

Me : Pwede po, basta po ang pustiso niyo sungki para pwede kabitan ng braces.

Laughtrip..
I am nobody.

Nobody is PERFECT.

Therefore, I am PERFECT!.

http://superbratinella.blogspot.com/

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 810
Re: Funny moments with your family
« Reply #97 on: December 28, 2015, 11:37:41 am »
^hahaha may point
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

reighnyielle

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 584
Re: Funny moments with your family
« Reply #98 on: December 28, 2015, 12:01:45 pm »
This happened three years ago. May nagsabi sa amin that this crazy woman from our subdivision plans on going to our house to celebrate noche buena with us and me and my fam doesn't like the idea of her ruining our feast so nung naka receive na kami ng go signal from our neighbor na malapit na siya, kanya kanya kaming dampot sa table ng food na itatago from her. It was chaotic and so much fun at the same time. She ended up leaving after two minutes because she was disappointed that the only thing we have left are left over raisins hahaha. It was quite mean on our part but we have to do that since we don't want her around lol. Mas malala pa yung ginawa ng ibang neighbors namin lol. After that, back to normal ang peg. Kain ulit kami ng fam while talking about our hilarious and ridiculous act ;D ;D ;D Pero kapag namamasko naman siya ay binibigyan naman namin along with her more than 10 na pamangkins na lahat ay isasama. Kaloka talaga  ;D ;D ;D
If you can't accept me at my worst then you sure as hell don't deserve me at my best.

donya_dyosa

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 518
  • self proclaimed donya
Re: Funny moments with your family
« Reply #99 on: January 08, 2016, 12:55:40 am »
Funny moment with my ex bf, the dad of my son.

Nung pinanganak ko son ko sobrang payat niya. Mga 4.2 pounds lang, sakto naman sa buwan, pero mukha talagang fetus... 4th day na niya, pinipicturan ko siya, panay delete ko.. Pero quiet lang ako.
Eh di nako makapagpigil. Tapos sabi ko. Dad. Ako lang ba? Bakit ang pangit ng anak natin? Tapos sabi niya, hindi lang ikaw, ako rin napapangitan. (Habang tumatawa) Tapos nireview namin lahat ng photo, tapos zinozoom pa namin. tawa kami ng tawa na halos bumuka na yung tahi ko. Ang bad noh??

Pero nung nagkalaman na yung anak namin by first month sobrang gwapo at cute na, very headturner na...   ;D ;D ;D

 


Latest Stories

Load More Stories
Close