Author Topic: Funny moments with your family  (Read 37359 times)

Miss Taken

  • His one & only
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1905
Re: Funny moments with your family
« Reply #100 on: January 08, 2016, 02:21:19 am »
^ Sis ang harsh pero natawa din ako sa kwentuhan niyo ng ex bf mo about your baby ;D Actually nangyari din samen yan nung nanganak yung cousin ko. Nung nakita naming yung baby sa hospital, lahat kami nagtinginan kasi kakaiba pa yung hitsura pero syempre walang nagco comment xD Sabay yung isa naming tita na taklesa sabay banat ng "Ay jusko anong nangyari dyan?!" LOL Pero ngayon super cute naman na, ganun naman ata pag baby pa lang eh hahaha.

***

Convo between me and my youngest brother when he was still 6 years old.

Me: Uy post ko yung pic mo sa facebook na naliligo ha ;D

Baby bro: Ate naman eh! Ayoko nakahubad ako dun eh!

Me: Okay lang yan, baby ka pa naman eh. Tag kita.

Baby bro: Sige subukan mo ibblock na kita! Dapat hindi na kita binigyan ng chocolate kanina eh!

HAHAHAHAHAHA ang saya talaga mangasar ng siblings.
"Kiss me, and you will see how important I am."

ri-anne

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 547
Re: Funny moments with your family
« Reply #101 on: January 08, 2016, 06:00:41 am »

Scene 2:
Ring ring ring
Ma:hello sino to?
Caller : (his name) pwede po ba kay (my surname).
Ma:ha ano?lahat kami dito (insert our surname)
Caller: hahaha sorry po. I mean pwede po bang makausap si (myname).


Scene 3:
Ma : te !! ay Ne! ay kangkang! Pakikuha nga nun.
Me and my sis: Ma sino ba talaga samin?
Ma: wag na ako nalang.
Me and my sis: hahaha lahat tayo tinawag, napagod ata kaya sya nalang kumuha. :P

Oh my.. Yung Scene 2 is reminiscent of my college days. That happened to me when i called my guy classmate and his father answered the phone. Nakakahiya! Lol.

Scene 3 din happens quite a lot..naro-roll call ko na mga kids even my hubby nasasama sa roll call. Lol!

Anyway, funny moments with my family.... there's a lot! can't remember specific dialogues. But it usually happens when we're goofing around, playing with words, riddles, guessing games, changing the lyrics of songs, or any situation we think that's weird or funny, etc
Yes, it's true, (yes it's true) I'm so happy to be stuck with you
'Cause I can see, (I can see) that you're happy to be stuck with me

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 813
Re: Funny moments with your family
« Reply #102 on: January 08, 2016, 07:30:15 am »
^cute nga kapag lahat natatawag. Tapos ikaw din gagawa. Hahaha
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

donya_dyosa

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 518
  • self proclaimed donya
Re: Funny moments with your family
« Reply #103 on: January 08, 2016, 10:10:09 am »
@miss taken thanks  ;D ;D

Nung nagpuntahan barkada ko. Pinagpipicturan nila. Jusko ang kaba ko. Sabi ko. Wag nyo picturan! Hindi photogenic! Tapos tumawa na yung pinakbestfriend ko, sabi hindi naman pangit ahh kamukha mo nga eh, pero pigil yung pagtawa ng may luha na.. Nakakaoffend pero nakakatawa talaga.. Lahat nagtawanan na. Ang sakit pero ang saya.. Mabuti nang nanggaling muna sakin kesa sa iba...


simpleemie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 288
Re: Funny moments with your family
« Reply #104 on: January 08, 2016, 01:02:05 pm »
joining...

One time nag stay samin pamangkin ko. While kwentuhan, bigla syang hirit ng... "tita! anong lasa ng kulangot? "
waaahhh! ako talaga tinanong malay ko ba sa lasa nun. She was around 5 y.o siguro that time.

iska-hazel

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 454
Re: Funny moments with your family
« Reply #105 on: January 20, 2016, 07:45:44 am »
 ;D ;D ;D

yung pilit namin ilusot yung pinsan kong 15yrs old para manood ng van helsing kasi R-18 sya nun tapos nung papasok na kami, nahalata nung crew sa sinehan na bata pa yung pinsan ko, tinanong anong year sya pinanganak, sabay sagot sya 1942 hahahaha patay :D

macaroonz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
  • a mutant
Re: Funny moments with your family
« Reply #106 on: January 21, 2016, 03:30:35 pm »
nakakatuwa naman dito. :))

mine, kagabi lang

while conversing with mama on the phone

ma: anak, bakit di kita matawagan?
me: hahaha paano tayo naguusap? :))
ma:pauwi na kami ng papa mo, magsaing kayo
me: (me to cousin) oi magsaing ka daw; (me to mom) ano pa po?
ma: initin yung ulam sa ref
me: (me to cousin na tawang tawa) oi initin mo daw ulam sa ref, paano nga pala iinit yung ulam sa ref? :)) ; (me to mom) ano pa ma?
ma: sabi ko magsaing kayo at initin yung ulam na nasa ref.
me: yeah, we heard you ma, i mean meron ka pang uutos?
ma:nasa ref yung ulam, tapos magsaing kayo. gutom na kami ng papa mo.
me: haha ma unli lang? gutom ka na nga :))
ma: oi anak naririnig mo ba ko? sabi ko, magsaing at maginit. tanong ka pa ng tanong kung ano iuutos.
me: haha labo mo kausap ma!
ma: bingi mo kasi nak, buti nalang maganda ka.
me: alright (drop the call) ang kulit na nila. :))

at home*

kinuwento ko yung convo namin while having dinner. tawa din siya ng tawa. nangaasar lang daw siya to reverse her mistake "na initin yung ulam sa ref".  :D

i don't know tuloy kung nature na kumukulit at paulit ulit sila as they getting older. ;D ;D ;D

« Last Edit: January 21, 2016, 04:00:08 pm by macaroonz »
Although we think we know it all, we don't, you will for a fact learn something new everyday. ;)

ohcmon

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1491
Re: Funny moments with your family
« Reply #107 on: January 21, 2016, 04:42:47 pm »
Dad: Ano ba ibig sabihin ng OTW?

Me: On the way

Dad: Eh 'yung AFAIK?

Me: As far as I know. Wala ka naman yatang alam na acronym.

Dad: Meron kaya. TBH alam ko.

Me: Weh ano 'yung TBH?

Dad: Throwback Huwebes ;D ;D ;D

mrshero15

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Funny moments with your family
« Reply #108 on: January 21, 2016, 05:34:08 pm »
share ko kakulitan ng tatay ko.. hehe

nag commute sila ng mommy ko kasama yung bunso naming punta daw sila ng sm north edsa...

eksena sa bus:

kundoktor: Sir san po ang baba nyo?
daddy: sa panorama!
kundoktor? san po sir? (nagiisip siguro kung san ang panorama!)
daddy: (inis na) SA PANORAMA NGA DUN SA BABAAN SA MAY SM NORTH!!!!!
hindi na nakatiis ang nanay ko heheh
mommy: tange!!!! paramount un ndi panorama!!!!

mindiegirl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 490
Re: Funny moments with your family
« Reply #109 on: May 20, 2016, 04:20:57 pm »
Back at this thread and it never fails to make me laugh!  ;D ;D

Dahil sa sharing ni mrshero15 naalala ko tatay ko.

Nagbeach sila last month, with my mom and their friends na yung ia may kasamang kids nila. Biglang nawala yung 2 kids ng friend nila as in angulo lahat buong resort and resorts nearby. Ending nakita din naman daw yung 2 kids. Namumulot lang daw pala ng shells sa far end ng resort. Kinukwento to ng tatay ko sakin. Tapos sabi nya:

dad: nagulo talaga buong resort at nagpanic mga tao. e kasi naman yung bata pala yun bang hindi normal yung kilos nya sa edad nya. yung walang pakialam sa paligid. ano nga ba tawag dun... ayun yun bang "authentic"!
(he means autistic)

me: ahhhh ganun po *trying so hard not to laugh hard* then excused myself and LAUGH SO HARD sa room!

hahahahaha! tatay ko talaga!
Life is as kind as you let it be. - Charles Bukowski

bollin_pop

  • Tough Cookie
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 739
  • I'm a tough cookie!
Re: Funny moments with your family
« Reply #110 on: May 21, 2016, 01:11:24 am »
Panalo yung TBH - throwback huwebes!
At authentic! Wahaha

Ang dami kong tawa. Mga fifty!😂😂😂

Ako naman one time nagbeach kami noon noong bago pa lang nauuso ang digicam.

Ang ganda ng pose naming magkakapatid kasi nagvolunteer si Mommy siya daw magshot. Medyo malabo mata kaya naku sabi nya kaya naman daw nya.

Super pose kami tapos chineck pa namin si Mommy kuha ba kami lahat. Oo daw.

Pagtingin namin ng picture kuha nga kaming lahat kaso hati hati di kami magkakasama sa frame haha 😂

Jechmys

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
  • You can DO MORE than you think you can! :-)
Re: Funny moments with your family
« Reply #111 on: June 02, 2016, 02:43:28 pm »
katatapos lang ng liga ng basketball sa aming lugar.
Di natapos kasi nagkaroon ng dayaan :-(

Pagdating sa hapag kainan dahil bad trip lahat ay kumain na lamang kami.
Sabi ng pinaka bunso ay palibhasa unang barangay kaya nadadaya...
Sabi ng kanyang ina, "juja anak minsan di masamang gamitin ang utak... hindi tayong unang barangay, zone 1 tayo anak, zone 1"....
Natapos na kaming magtawanan, saka sumunod ang anak na tumawa ng malakas, kakadigest lang daw sa kanyang utak... lol
with love :-) JECHMYS :-):-):-)
"Life is boring if you don't laugh, joke around and be a little crazy every now and then."

girlwhohustle

  • Probationary
  • Posts: 6
Re: Funny moments with your family
« Reply #112 on: September 12, 2017, 01:07:22 am »
I was a die hard fan of Westlife back in Highschool. I went to my Dad's office to ask for money to buy a ticket for their concert.

Paguwi sa house.

Dad talking to my Mom: Yang anak mo pinuntahan ako sa office para humingi ng pera, ang mahal!
Mom: Para san daw?
Dad: Manonood daw sya concert ng WAISTLINE.

-------------

Another one from Dad.

Dad to my mom: Manood tayo movie, yung bago ngayon.
Mom: Anong title?
Dad: Nakalimutan ko basta si JUN Lloyd ang bida
Me: ROFL

Ghell06

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 237
Re: Funny moments with your family
« Reply #113 on: September 12, 2017, 11:42:51 am »
The Family-I-Came-From is "kalokers" (a term I got from Leela, thanks!)

When my dad just died in the ICU .. my mom was crying like heck...nakakatakot kasi baka sya naman magka heart failure.   Dad, Dad!  Sabi mo sabay tayo!
Ako:  Ma!  hindi puede mag pa schedule sa ganyan!
(Achi rolled her eyes at me... siguro wanted to slap me too)

Tapos,  a few minutes later, she cries out:
Dad!  Antayin mo ako, aayusin ko lang ang mga anak natin (isip ko agad, mga sons mo lang, kami daughters maayos)
Ako:  Ma!  Sabi mo kanina gusto mo sumabay.  Ngayon kelangan mag antay si Dad. Make up your mind!
(Achi moved closer, as if to slap me so I moved away.)

Tapos ewan ko ba.   After the cremation, ayaw lumabas ng house for 2 weeks unless she goes to Church.  Tapos,  goes out shopping na walang kamatayan. 
A sister who always goes with her (ako no time, no tiaga)  says she buys loads of black clothes.. tops, pants, dresses... etc.  Bra ask ko, dami din?  Panty na black dami din?
Tapos, when we go abroad.. I went to the US for a week .. buy her daw black clothes.  goodness!  Sige sabi ko,  tutal you will wear black for 10  years. LOL ... dyan thumbs up si Achi.  Grabe.

Tapos sabi ni Mother another time:  maka 10 years more lang ako, .. eh okay na.
Ako:  10 years?  Eh gusto mo na nga sabayan si Dad right there sa ICU tapos ngayon apply ka for 10 years... ano yon US visa?
(Achi rolled her eyes again at me)

Once we all had a Mass and dinner at my house.
Naku, eto si Mother, she has a new additional yaya .. ang main task eh hawakan that bag containing the urn of my Dad. 
Ako:  hindi ba nahihilo si Dad sa kakalipat lipat mo?
Mom:  Ah basta, gusto ko eh.  Okay lang yan sa kanya. 
Ako:  Really?  He told you okay lang mahilo sya?

Tapos eto,  after the mass, eh di magulo kasi dinner. Kalokers nga kami kaya maingay.
Tapos, linipat ko the urn -- ewan ko who, pinatong sa ibabaw ng baby grand.  Kasi linigpit na the consola ginamit for the mass.
Linipat ko doon sa formal dining na consola.  Parang hindi nabubulabog kasi kami lahat nasa garden.

Nang oras na umuwi si Mom... naku! panic!  asan si Dad! Asan  si Dad?!
Sabi ni hubby:  Eto pala madaling pagkitahan eh. Kidnapin mo lang si Dad... walang laban, walang pakain, walang escape.  Talagang i-ransom ni Mom yan.

Well, hand-over ko naman agad si Dad -- kasi panic na si Mom.  The week after, bago na ang yaya holding the urn when she moves it...  Sabi ko mabuti pa kabitan mo nang bodyguard yang urn na yan sa kalipat lipat kadala dala mo  kung saan saan.

O di ba kalokers kami?

- Ang funny neto sis. Haha

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2642
  • GuyTalker
Re: Funny moments with your family
« Reply #114 on: October 08, 2017, 05:42:16 pm »
tatay ko tatawagin kaming magkakapatid, ako at (2 babae) uupo kami ng pabilog, ilalabas yung baraha at maglalaro kami ng pusoy dos o di kaya tong its.... magpa praktis daw kasi siya (erpat) para pag napalaban may praktis na.. pikon sa amin pag natatalo.  ;D
« Last Edit: October 09, 2017, 05:45:56 pm by three8one »
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
Re: Funny moments with your family
« Reply #115 on: October 09, 2017, 04:06:32 pm »
LOL GV dito, isip din ako maishare!  ;D

morningdivabeam

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
    • Carousell
Re: Funny moments with your family
« Reply #116 on: October 10, 2017, 02:27:13 pm »
Ewan ko lang kung funny to kasi more of embarassing. Nanood kami ni mother ng Gangnam Blues sa bahay. Syempre Lee Min Ho crush na crush ni mother. E malay ko ba sa SANGKATUTAK NA SEX SCENES DON. so ang awkward. pero mas awkward [textspeak!] mga side comments ni mother.

"tignan mo [textspeak!] babae o ang galing."
"kaya yang mga lalaking yan mga baboy talaga e."
"tignan mo dali [textspeak!] ginagawa nila para pag may asawa ka na malaman mong baboy yang mga lalaki."

juskopopurdoy. akala ko malulusaw na ako sa kakatawa at hiya. xD
Be yourself.
Especially, do not feign affection.
Neither be cynical about love;
for in the face of all aridity and disenchantment
it is as perennial as the grass.

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2642
  • GuyTalker
Re: Funny moments with your family
« Reply #117 on: October 16, 2017, 01:28:11 pm »
^ haha.. LT sis.. kaya ikaw sis kung ayaw mong makapag asawa ng baboy, wag ka mag aasawa ng lalake.  ;D
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

morningdivabeam

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
    • Carousell
Re: Funny moments with your family
« Reply #118 on: October 27, 2017, 09:25:13 am »
Umariba nanaman [textspeak!] nanay kong comedy. Tinatanong niya ako kung anong ibig sabihin ng "werpa". Eh ayokong sabihin, hayaan ko na lang siyang iresearch sa FB nya kung ano. Tapos biglang nagkwento, nung lumabas daw  siya kahapon papuntang ukay2, may narinig daw siyang dalawang bagets na nagtatanungan kung ano [textspeak!] "lodi", sumabat daw siya sabi niya "idol", tawang-tawa yung mga bagets kasi talo pa daw sila ni mother. Kahit ako nagulat eh kung san nya napulot [textspeak!] lodi. xD
Be yourself.
Especially, do not feign affection.
Neither be cynical about love;
for in the face of all aridity and disenchantment
it is as perennial as the grass.

kvan

  • Introvert, Demisexual
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3325
  • Accidental Cougar
Re: Funny moments with your family
« Reply #119 on: October 27, 2017, 09:52:16 am »
Nakakatawa storya dito...lol!
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

 


Latest Stories

Load More Stories
Close