Author Topic: Funny moments with your family  (Read 34718 times)

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5780
Re: Funny moments with your family
« Reply #120 on: January 09, 2018, 06:02:12 pm »
Ang saya ng thread na to haha dami kong tawa :D

-----

Convo with my 7 year old nephew

Nephew: Ate (me), sinong tao ang kayang magtoothbrush habang kumakanta?
Ako: Sino?
Nephew: Eh di si Nanay! (Pertaining to my Lola who wears dentures. So kumakanta sya habang binabrush yung dentures nya on her hands lol)


-----

Convo with my Lola

Ako: Nay, may kokongban ba tayo? (We used to call coupon bond as kokong ban as a joke)
Nanay: Eto oh. Pero mali ka, kasi hindi yan kokongban.
Ako: Sige nga ano tawag dyan?
Nanay: Bam paper.


-------

Convo with my 7 year old nephew. He borrowed my PSP console, tapos naiwan nya sa kapitbahay. After dinner, the neighbor brought home the PSP.

Ako: Naiwan mo yung PSP sa kapitbahay! Pano kung next time mawala yun?
Nephew: Sorry ate.
Ako: Next time maiwan mo to, hindi na kita papahiramin.
Nephew: Ate paano ko pa mahihiram next time eh nawala na nga.

-----

Convo with my nieces over Facetime

Niece 1: Do you want to talk to my famous Daddy?
Me: Why is your daddy famous?
Niece 2: He's an actor.
Me: Is he?
Niece 2: He always acts angry with us.
...all adventurous women do.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Re: Funny moments with your family
« Reply #121 on: January 09, 2018, 06:31:27 pm »
May ganto palang thread! I used to jot down funny moments with my kids. Yun nga lang minsan nadedelete ko lang kasi di ko na pinopost sa fb ko then ayaw ko naman magblog. Tamaders haha!

Parang kagabi lang, my panganay (6yo) peeked at my phone and saw me browsing swimwears:
Sabi nya " mommy, papadeliver ka ng bikini ng zalora?" Nacute-an ako how he pronounced "bikini" at kasi alam nyang nagpapadeliver ako ng bags then akala nya toys for him tapos sya ang magbubukas tapos sasabihin nya with disappointment, "ay bag pala! Hilig ka pala sa bag mommy!" Sabay layas hehe. :D

Then kanina naman nasa salon kami with my bunsong babae (5yo). Ang daldal nya at sabi nya papakulay daw sya ng hair at magpapatrim tulad daw sa picture.. Sabi ko di pa pede kasi bata pa sya at bawal sa school nya yun. Ako lang kako magpapaganda ako ng hair..then daldal na naman sya commenting about lot of things sa salon. Like yung mga pix ng mga babae na model gusto daw nya ganun sya.. Then yung buhok na naputol sa sahig kanino daw ba yun. Then bakit daw yung naggugupit naka-shoes din..Kami lang ang maingay kasi seryoso yun barbero sa paggupit..then biglang tumahimik ang anak ko at inangat ang pwet nya patagilid sabay utot nang malakas! Grabe ang tawa namin. May pagkapilya na ang anak ko hehe.. :D :D

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2600
  • Live and let live. Love and let love.
Re: Funny moments with your family
« Reply #122 on: January 11, 2018, 04:49:03 pm »
^LOL
------

I have very old parents hehe, nasa 78 na Daddy ko frail and sickly, while my mom naman had a stroke mga 20 yrs ago and hinde na totally naka recover, as anticipated since malakas ang stroke ng mama ko, tinamaan talaga brain nya aside pa sa mobility, so madalas medyo wala sa ayos mga sinasabi walang filter haha minsan nakakapikon pero madalas nakakatawa nalang. Like pag may family member or relative/friend na dumalaw or makita nya sabihin nya talaga ang taba mo ngayon poker face at monotone pa since nastroke nga haha!

Dad ko naman natatawa ako and nacu-cute-an pag gumagamit ng terms ng millenial or bago haha, like "haggard" daw sya sa photo na sinend sakin ng kamaganak namin haha, or Download at Upload daw picture sa Facebook haha! I mean sa tanda nyang yun, at weak ang strong pa din ng brain cells, kakatuwa. Nakikiuso pa.
 

« Last Edit: January 11, 2018, 04:57:24 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

preciousjulia

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 91
Re: Funny moments with your family
« Reply #123 on: January 18, 2018, 10:37:55 am »
Share lang din ako :)

Just this morning, hubby and I woke up at 5:30am. Our 15th month old baby girl still sleeping. Kwentuhan kami ni hubby while drinking coffee then bigla kumislot si baby at bumangon facing us..

Baby: Sssshhhh!!!..(with hand gesture na kasama, nakalagay yung isang finger nya sa lips nya)
Ako: (nagkatinginan kami ni Hubby) Dad wag daw tayo maingay..
Baby: Humiga ulit at natulog  ;D

Another one..
Baby girl usually woke up sa madaling araw, ewan ko ba bigla na lang nagbago sleeping pattern nya..
Baby: (nagising ng 2am, facing her Daddy)
Me: oh wag ka maingay sleeping pa si Daddy
Baby: (in a super sweet and mahinang voice) Papa? Papa? (parang sinu-sure nya kung tulog talaga si Daddy nya, she call him Papa kahit sabi namin Daddy tawag nya) tapos tinapik tapik nya sa tagiliran Daddy nya na parang pinapatulog nya, ganun kasi ginagawa namin sa kanya. :D

Katuwa pag mga babies gumagawa nyan..nakakatuwa sila mag-isip :D
"Admire someone else's beauty without questioning your own"  - Unknown

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2600
  • Live and let live. Love and let love.
Re: Funny moments with your family
« Reply #124 on: January 18, 2018, 01:54:08 pm »
^cute

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Re: Funny moments with your family
« Reply #125 on: January 20, 2018, 04:59:13 pm »
My son was reading a science workbook when he asked me what a caviar is. I told him those are eggs of a fish. Like from a beluga. Remember the movie "Finding Dory"? It's the one that makes the sound "oooohhh" to ecolocate Dory.. Then he said: "No, when you mix taho, you will see the caviar". Ako naman "huh? Pano nagkaron ng caviar sa taho?" (Ang sushal naman ng taho na yun). He showed me the illustration of the caviar, it looked like sago. Anglakas ng tawa ko. Akala nya, yung maliliit na sago sa taho ay caviar.. Haha! :D

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Re: Funny moments with your family
« Reply #126 on: May 08, 2018, 12:18:21 am »
Funny moments with my little princess.
while papuntang palengke:
anak: mommy, may dala ka bang LIPSTICK?
ako: ha?? Oo... bakit? 🤔
Anak: naiwan ko kasi ang LIPSTICK ko sa bahay eh! Penge ha?
(😝 5yo pa lang yan kumi-kikay na! )

Then kanina while watching movie, sabi nya, "mommy, umalis na si daddy, papayat ka na!"
😝😝

Brightfin

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
Re: Funny moments with your family
« Reply #127 on: June 23, 2018, 11:19:58 am »
may ganitong thread para dito. nakaka lift ng mood  ;D

share ko din yung story ko.

Nung bata ako, nakakanood kami ng TV kahit kumakain. That time nanood kami ng horror, The Mummy, while having dinner with the whole family. Nung scene na naging malaking sand monster yung mummy natakot kami ng mga cousin ko, kaso kung bunso namin na cousin sobrang natakot siya. sa sobrang takot niya napatayo siya sa upuan niya and naapakan niya yung plato habang nayakap sa mommy niya. we were all laughing but that was the last time na puwede manood ng tv habang kumakain  ;D

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 791
Re: Funny moments with your family
« Reply #128 on: July 02, 2018, 11:03:39 am »
Convo namin kani kanina lang
Me: Kang inquire tayo magkano session ng muay thai
Kang: ayoko, wala akong pera.
Me: sabe ko diba inquire lang???
Kang: Advance kasi ako mag isip

Mama: E wala ka naman isip.

Bigla akong tumawa ng malakas. Savage buset! 😂
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

kaythrielle

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 486
Re: Funny moments with your family
« Reply #129 on: August 18, 2018, 05:15:55 am »
These past few days puro OPM songs (Janno, Ogie, Louie Heredia,Dingdong A, Randy S), or 80s and 90s love songs, ang pinapatugtog ko.

Bunso: Mommy, why do you like listening to old songs?

Me: eh kasi it is nice to listen to, it is relaxing. and maybe because of the feeling i get when listening to those songs...it is like i am transported back in time......

Bunso: NO! Mommy!! Stay with meeee.....

😄
****
And there was this time my kids and i were using ?ant? and ?aunt? in sentences, and interchanging them because apparently ?aunt? can also be pronounced as ?ant? 😂







bratty

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1001
Re: Funny moments with your family
« Reply #130 on: August 18, 2018, 09:48:42 am »
Yung pinsan ko na-ospital, medyo malala na kaya emotional si tita (mother ni pinsan) so dumalaw kami, nay nadatnan ibang relatives. Nag-ask ang tita ko na i-pray over ng ate ko si pinsan para daw gumaling. Habang nag-dadasal kami, bigla namatay ang ilaw na parang sa horror movies (back story, diabetes ang findings ng doctor pero di naagapan kasi inasa nila sa albularyo) naghihiyaw si tita at naging hysterical... Natakot din kami kasi saktong nagdadasal nung namatay ang ilaw. Binuksan yung pinto, may ilaw naman sa hallway, yun pala nasandalan yung switch ng ilaw ng isang pinsan ko na matangkad. Nung na-on na yung ilaw, lahat nagpipigil ng tawa, hanggang isa isa ng lumabas ng room kasi di na kaya ang bungisngis. Medyo bata bata pa kami that time kaya mga bungisngis talaga. Twing maaalala ko ito, kahit mag-isa ako naiiyak ako katatawa. hehe 😂😂😂
Everyday I'm shufflin'

young_maiden

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1579
  • Love yourself.
Re: Funny moments with your family
« Reply #131 on: January 24, 2019, 10:35:18 am »
miss ko na kulitan namin ni bunso. miss ko na iyong nag-aasaran kami na ampon lang kami.

kahit 19 na siya, baby pa rin turing ko sa kanya. niyayakap at kinikiss ko pa rin. inis na inis na siya sa akin pero dahil mahal na mahal ko siya, deadma ako.

ganito pala pag love mo unconditionally iyong tao. kahit inis na siya sa affections mo, sige ka pa rin.

i love him very much. kahit umabot siya ng 30 o 40 years old, he is still my baby brother. patuloy ko pa rin siya bibigyan ng mga gusto niya.
The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become.

Kiara027

  • Ingeniero| Sagitario | Buey
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 984
  • I don't get mad. I get even. :D
Re: Funny moments with your family
« Reply #132 on: January 24, 2019, 11:56:27 pm »
Bday ng Lola ko sa father side last week. Mejo malabo na mata ni lola pero matalas pa pandinig at maayos pa magsalita. I am one na laking Lolo at Lola. So umuwi ako sa Bulacan last week para dalawin sya, 1 year ko syang di nadalaw. Pag dating ko:

Me: kilala mo pa ba ko?
Lola: hindi na
Me: sige wala kang pa birthday.
Lola: ( tumawa ng malakas ) sympre ikaw si Kiara.

Sa lahat ng apo nya, ako yung pinalaki nya na kasa kasama nya palage. Parang barkada lang kame mag usap pero yung iba kong pinsan, aloof sa kanya. Masungit kasi sya pero saken hindi. I miss her. Dadalawin ko ulit sya sa Chinese New Year. 😊😊😊
i am for everybody yet i am for none. nobody owns me neither i own one...

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2102
Re: Funny moments with your family
« Reply #133 on: January 25, 2019, 01:10:21 pm »
Dati pa to wala pa kaming anak ni hubby:

One time umalis kami para kunin un bike sa kakilala nya gabi na nun mga 9pm kaya di na kami nag car maglalagay pa kami ng bracket sa top/roof ng car so nagbus na lang kami di so nun makuha na namin bike nya di kami pinasakay sa bus kasi un bus nagkataon na walang holder sa harap para sa bike. Weekend so limited ang bus upon checking sa bus trip kung kelan ang next omg last bus na pala yun no choice si hubby kundi magbike na sa harap ako nakasakay di uso un may pede may angkas sa likod. Puro paakyat pa naman ang road kaya ayun hating gabi na kami nakauwi. Natatawa pa rin kami pag naalala namin.

Eto ilang weeks pa lang anak namin. Natutulog ako so nagising ako habang hinahaplos ng banad nI hubby un face ko until arms ko. Medyo inis ako kala ko gusto agad ng lovemaking may tahi pa ako. Un pala tulog pa kaya di sumasagot sa tanong ko. Nagising lang ng inalis ko kamay nya sa mukha ko nanaginip pala na hinahaplos nya anak namin hahaha. Tawang tawa ako di agad kami nakabalik pagtulog.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close