Author Topic: Funny moments with your family  (Read 37587 times)

prish

  • post with style, argue with sense and be a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1426
    • looklet
Funny moments with your family
« on: July 13, 2009, 09:20:41 pm »
share naman kayo! ;D

i'll start:

kanina lang, after dinner natulog mama ko. i was beside her sitting sa computer table. after awhile, ginising ko sya to ask her if matutulog na talaga sya. she was half-awake then sabi nya manood sya ng "dalawa kami", she meant tayong dalawa. hehe tawa kami ng tawa.

when she was awake naman i told her to talk to me in english, eh di nag-english din sya and nakakatawa sya kasi hindi naman sya nag-eenglish tapos chinese pa. sabi ko sa kanya "you should talk to me in english because after you retire from your job you will work in the call center!" hayun tawa kami ng tawa.  :D
"As with any information found on the internet,
you should always consider that the information might not be accurate...
Some of what you read is simply not true.

suPer girL

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 88
  • Damn that Mother Chuck-er!
Re: Funny moments with your family
« Reply #1 on: July 13, 2009, 09:26:53 pm »
^lol

1) nung bata kami, paniwalang paniwala kami na ex ng mommy ko si tom cruise pero na inlove siya kay daddy kaya sila nag break. tinanong pa nga ng ate ko kung may possibility ba na si tom cruise yung real father niya. lol

2) just last week, nag contest si mommy and daddy kung sino yung mas magaling mag moonwalk. both my parents can't dance kaya nakakatawa talaga.
I love a girl in blue jeans and a white, worn-in, torn t-shirt, no bra, just really casual.
-Ed Westwick

miss resilient

  • Nagbabalik......
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 964
  • IloveJeremiah
Re: Funny moments with your family
« Reply #2 on: July 14, 2009, 04:34:20 am »
funny moment? di ko matandaan masyado kasing seryoso ang family ko..

pero siguro nung inalis nung ate ko yung uupuan ko tapos napaupo tuloy ako sa sahig..inis na inis ako tapos tawa ng tawa ang ate ko..salbahe talaga..to think she's 16 yrs older than me...

pero dream ko na magkasama sama kami sa isang outing...sagot ko ...sana magkamilyon ako..hehe. hindi pa namin yun nagagawa, kanya kanya kasi kami at di uso yung outing na ganyan..ewan ko ba..tatay ko kasi walang puwang sa kanya ang mga ganung bagay..siguro yun ang magiging funny moment sa buhay namin ng family ko.
« Last Edit: July 14, 2009, 04:35:54 am by miss resilient »

MADAPACKER

  • OnE TaLkaTivE
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 87
  • NiCe BuT NaUgHty
Re: Funny moments with your family
« Reply #3 on: July 14, 2009, 04:28:32 pm »
last month i got sick with a fever. nakahiga ako sa kama ng mommy ko. eh hot na hot pa yung swine flu nung mga panahong yon. pumasok yung brother ko sa room nila mommy with a face mask and he was laughing at me. tawa ng tawa mommy ko. san kaya nya nakuha yung face mask niya? anyway, before he went out, he left his face mask. akala niya siguro carrier na ko ng virus.

a day after that, he went home from a school event. sabi niya madami daw foreigners na dumating. when he started coughing, nagtakip kami ng ilong nila mommy and daddy. and no one's talking to him or going near him. kawawa. haha
I dOn't hAvE an ATTITUDE PROBLEM. YoU hAvE a PERCEPTION PROBLEM..



God may have created the man before the WOMAN... But there IS always A rough-draft before the MASTERPIECE... Don't you agree?

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: Funny moments with your family
« Reply #4 on: July 15, 2009, 04:30:52 am »
The Family-I-Came-From is "kalokers" (a term I got from Leela, thanks!)

When my dad just died in the ICU .. my mom was crying like heck...nakakatakot kasi baka sya naman magka heart failure.   Dad, Dad!  Sabi mo sabay tayo!
Ako:  Ma!  hindi puede mag pa schedule sa ganyan!
(Achi rolled her eyes at me... siguro wanted to slap me too)

Tapos,  a few minutes later, she cries out:
Dad!  Antayin mo ako, aayusin ko lang ang mga anak natin (isip ko agad, mga sons mo lang, kami daughters maayos)
Ako:  Ma!  Sabi mo kanina gusto mo sumabay.  Ngayon kelangan mag antay si Dad. Make up your mind!
(Achi moved closer, as if to slap me so I moved away.)

Tapos ewan ko ba.   After the cremation, ayaw lumabas ng house for 2 weeks unless she goes to Church.  Tapos,  goes out shopping na walang kamatayan. 
A sister who always goes with her (ako no time, no tiaga)  says she buys loads of black clothes.. tops, pants, dresses... etc.  Bra ask ko, dami din?  Panty na black dami din?
Tapos, when we go abroad.. I went to the US for a week .. buy her daw black clothes.  goodness!  Sige sabi ko,  tutal you will wear black for 10  years. LOL ... dyan thumbs up si Achi.  Grabe.

Tapos sabi ni Mother another time:  maka 10 years more lang ako, .. eh okay na.
Ako:  10 years?  Eh gusto mo na nga sabayan si Dad right there sa ICU tapos ngayon apply ka for 10 years... ano yon US visa?
(Achi rolled her eyes again at me)

Once we all had a Mass and dinner at my house.
Naku, eto si Mother, she has a new additional yaya .. ang main task eh hawakan that bag containing the urn of my Dad. 
Ako:  hindi ba nahihilo si Dad sa kakalipat lipat mo?
Mom:  Ah basta, gusto ko eh.  Okay lang yan sa kanya. 
Ako:  Really?  He told you okay lang mahilo sya?

Tapos eto,  after the mass, eh di magulo kasi dinner. Kalokers nga kami kaya maingay.
Tapos, linipat ko the urn -- ewan ko who, pinatong sa ibabaw ng baby grand.  Kasi linigpit na the consola ginamit for the mass.
Linipat ko doon sa formal dining na consola.  Parang hindi nabubulabog kasi kami lahat nasa garden.

Nang oras na umuwi si Mom... naku! panic!  asan si Dad! Asan  si Dad?!
Sabi ni hubby:  Eto pala madaling pagkitahan eh. Kidnapin mo lang si Dad... walang laban, walang pakain, walang escape.  Talagang i-ransom ni Mom yan.

Well, hand-over ko naman agad si Dad -- kasi panic na si Mom.  The week after, bago na ang yaya holding the urn when she moves it...  Sabi ko mabuti pa kabitan mo nang bodyguard yang urn na yan sa kalipat lipat kadala dala mo  kung saan saan.

O di ba kalokers kami?


kyuting13

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 119
    • FashionablyWet
Re: Funny moments with your family
« Reply #5 on: July 16, 2009, 05:21:33 pm »
Before bumili ako ng blouse sa ukay, ganda pink and white. Kaso late na ako umuwi so I placed it in the ironing board. The following day, medyo ginising ako ni mommy. Yung tipong half awake and half asleep ka pa. Parang ang naintindihan ko na lang sa mommy ko "uyy... anak, thank you sa blouse." Eh wala pa ako sa sarili ko. After ilang minutes pag gising ko, haha suot na niya at ineexamine na ang sarili sa salamin. Eh sabi ko nga blouse ko yan haha... sige na nga ako na lang manghihiram hahaha :)

Hay miss ko na si mommy :(

greyish

  • miracles continue to happen!
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 171
  • stay positive!
Re: Funny moments with your family
« Reply #6 on: July 17, 2009, 02:35:49 pm »
meron pa ko naisip...

motherhood doesn't really know kung ano ang panlalake at pambabae..

btw, backgrounder lang...mama is medyo tibo looking :) she prefers walking shorts, tshrt, rubber shoes + socks na mid length (pero di ang pambasketball) sa mga teens sya minsan buy ng tshirt at polo. sa ducks lang ata sya nakakabili ng for women.

anyway, eto na sale sa Levi's, mga nasa 1500 lang ata. so buy si mother...dumating sa haus at pinasukat sa akin...

isang tingin ko pa lang sympre panlalake...pero sa kagustuhan nyang makita na suot ko, so sinuot ko. tinatanong kung kasya sa akin, sabi ko naman sympre at panlalake yan. e medyo gifted ako sa behind, e di hindi sexy tignan..loka loka talaga nanay ko

then, 2nd incident. buy again ng pants si mother for papa naman. so uwi na naman sya with the pants. so ako uzi. diskumpyado kasi ko e. so isang tingin ko pa lang pambabae naman...

to satisfy again si mother, sinukat ng tatay ko ang pants. sympre ako uzi, habang sinusukat ni papa, natatawa na ko. e since pambabae, sumabit si birdie ni papa! just imagine, magsusuot ng pants na medyo masikit, at si birdie e sumabit at trying to close the zipper!!!! hindi nasara ni papa ang zipper...tawa kami ng tawa ni papa...sabi ko kasi "ay papa, sumabit!"

btw, hindi sa amin accepted ang mga bastos na salita e, nahihiya ako sa parents ko! pero pag friends at si bf yan, naku iba nasabi ko, sumabit si "b"

tapos since pambabae, kita na din guhit ng behind ni papa. sabi ko kay mama, "ikaw di ka talaga marunong tumingin! sayo na yang pants!"

thank you for the blessings :)

prish

  • post with style, argue with sense and be a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1426
    • looklet
Re: Funny moments with your family
« Reply #7 on: July 19, 2009, 12:32:25 am »
me watching 2ne's "i dont care" performance and dancing along with their steps

my mom looked at me and said: PARA KANG BALIW.
"As with any information found on the internet,
you should always consider that the information might not be accurate...
Some of what you read is simply not true.

suPer girL

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 88
  • Damn that Mother Chuck-er!
Re: Funny moments with your family
« Reply #8 on: July 20, 2009, 04:33:32 pm »
si mommy mahilig talaga manood ng teleserye. favorite niya ngayon tayong dalawa. after namin mag mass kahapon napansin ng daddy ko na tahimik siya so he asked mom why. sagot ng mommy ko, "iniisip ko kasi kung magkakabalikan pa sina audrey at jr. ako kasi nasasaktan para sa kanila" lol tawa kami nang tawa. affected na affected si mommy.
I love a girl in blue jeans and a white, worn-in, torn t-shirt, no bra, just really casual.
-Ed Westwick

wkt

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 852
    • my kikay blurbs
Re: Funny moments with your family
« Reply #9 on: July 21, 2009, 11:12:36 am »
tatay ko funny, minsan ni-text ako ng
"dito na ako sa labas, umuulan so bring ka ng umbrella-ella-ella-yeah-yeah"

kalurki :D
you know you love me!

amy_blu77

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 40
  • Mangarap Ka....
    • Vanity is my Addiction
Re: Funny moments with your family
« Reply #10 on: July 22, 2009, 08:13:54 am »
nung naglunch kami ng entire family ko bago ako umalis ng pinas. ako ang taya so sabi ko punta na sila sa resto at susunod na lang ako and mag-order na sila kasi may bibilin pa ako. panay ang text ng tatay ko na ano daw oorderin nila, na package meal na lang daw ba, na ang tagal tagal ko daw mamili malamig na daw ang food na inabot na daw ng 6k yung total. so ako naman, mejo kinabahan kasi wala sa budget ko yung 6k, e 5 lang naman kami. then habang kumakain kami panay sabi ni papa ng "o, enjoy mo yung food mo kasi 6k yan" (mejo may pagkakuripot din kasi ako) ending hindi ako masyado nakakain kasi iniisip ko yung bill, ayoko naman maghugas ng pinggan. then eto na yung bill, sabi ng tatay ko dun sa waitress bigay n lang daw sa akin. nung nakita ko [textspeak!] bill eh wala pang 2k. asus hagalpak ng tawa ang tatay nanay at mga kapatid ko...

chinkywinky

  • Prinsesa at adik na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1575
Re: Funny moments with your family
« Reply #11 on: July 22, 2009, 01:05:19 pm »
Eto naman kwento with my 4-year old nephew.

Nag-away sis at bro ko. Nakita ng nephew ko sis ko umiiyak.
Sabi ng nephew ko, "galit ako kay tito, niaway ka nya."
Sabi ng sis ko, "ok lang yon anak, pagpray na lang natin kunin na siya ni Lord" (luka-luka din sis ko eh)
Sabi ng nephew ko innocently, "eh...ipakuha na natin siya mommy, kelan ba?"  ;D ;D ;D ;D
Biglang tawa ng malakas sis ko, labas sipon  ;D ;D ;D
i would love to love you like you do to me....

suPer girL

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 88
  • Damn that Mother Chuck-er!
Re: Funny moments with your family
« Reply #12 on: July 23, 2009, 06:07:29 pm »
kagabi pag uwi ng daddy ko sa bahay pagkatapos na pagkatapos niya kami ikiss ng mommy & brother ko bigla na lang siya sumayaw ng "i want nobody, nobody but you" lol.
I love a girl in blue jeans and a white, worn-in, torn t-shirt, no bra, just really casual.
-Ed Westwick

tut_chang

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1223
  • never fails to visit GT every single day.. :-)
Re: Funny moments with your family
« Reply #13 on: August 18, 2009, 03:47:13 pm »
i had this scratch on my toes caused by my dog (matapang kasi ang dog ko) so tampo ako sa kanya, ayaw ko naman paluin. instead, i am giving him cold treatment. no lambing lambing muna.

the other night when i arrived home, sinalubong ako ng aso ko and he was happy to see me, but i ignored him.  so i whispered to my daughter "paki GREET mo nga muna si cookie, hindi ko pa din sya kasi pinapansin eh".

my daughter innocently said "happy birthday cookie! :-)) sabay hug sa dog.

as in birthday greetings talaga eh hindi naman birthday ng aso?

« Last Edit: August 19, 2009, 08:59:40 am by tut_chang »
The early bird may get the worm, but the second mouse gets the cheese.

trustingsoul

  • I'm Perfectly Imperfect
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 209
  • young. old. just words.
Re: Funny moments with your family
« Reply #14 on: August 19, 2009, 12:30:54 am »
eto naman sa family namin kahit na medyo seryoso kami, may mga funny m0ments din:

1) madalas sa gabi nangyayari, may magffart tapos kung sinuman ang gumawa nun ipinapasa sa iba like sasabihin "kadiri ka naman, naghasik ka na naman ng lagim" sabay tawa

2) may 4yr-old cousin talking to his father, "pa, bakit po yun face mo parang ampalaya?" L0L, 'cause my uncle have pimple scars..natahimik na lang kami..hehe
... c",)

riandrew

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1845
    • No Spam, No Virus, No Kiddin'!
Re: Funny moments with your family
« Reply #15 on: August 19, 2009, 04:06:52 am »
pwede bang sweet moments?

1. after 27 yrs of marriage, sabay pa din naliligo ang mama at papa ko (beat that!)

2. for 25 yrs, never ko narinig na tinawag nila ang isa't-isa sa first name. laging Ma at Pa.

3. pag umuuwe ako sa bahay, lagi ko silang inaabutang magkatabing nanonood ng tv, magkaholding hands.

4. sa gabi, naririnig ko sa kwarto nilang nagkwekwentuhan sila at nagtatawanan bago matulog. (as if di nagkita buong araw)

I dont believe in FOREVER pero I cant deny ibang level ang parents ko.

maika14

  • it's fun bein a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
Re: Funny moments with your family
« Reply #16 on: August 19, 2009, 05:53:52 am »
laughtrip ako sa famillies nyo! LOL!  ;D ang cute and cool nilang lahat promise!

^ sis, ang sweet naman ng parents mo.:) sana ganyan din kami pagtanda namin ni hubby. :)

wala akong mai-share eh! feeling ko kasi ang korni ng akin compared sa joke-time nyo. keep them coming sis! nothing beats the family that loves to laugh. :) makes my heart go giddyyap. haha! :D
Always believe that something wonderful is about to happen.

"enjoy life. take it easy. anyway, nobody gets out of here alive." ^_^

tut_chang

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1223
  • never fails to visit GT every single day.. :-)
Re: Funny moments with your family
« Reply #17 on: August 19, 2009, 08:49:45 am »
about my daughter again, while naliligo sya and i was cooking something, she told me..

mommy alam ko ulam natin. i said what. she said TOGA :-) (it should be toge) ulamin ba ang pang graduation attire.

one time again, she said, mommy what's this, loaf meat? (meat loaf kaya?)

my daughter is 12, at that time maybe she was 9 or 10 :-)
she's bright in school, patawa lang talaga na di sadya.

The early bird may get the worm, but the second mouse gets the cheese.

maika14

  • it's fun bein a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1226
Re: Funny moments with your family
« Reply #18 on: August 19, 2009, 03:36:13 pm »
ngayon lang, kakauwi lang ng niece ko from her school. she's 6 and grade one.

she said: ninang, i need olso paper.
me: baka oslo paper?
niece: olso nga eh sabi ni teacher.
me: bebe, oslo paper yun.
niece: hay naku, yun ang sabi ni teacher eh! (mejo naiinis na sya :D)
me: ??? (natatawa nako nyan)
niece: sige ka, pag oslo paper pinadala mo, magagalit sakin si teacher! (sabay simangot!)

sabi ko nga, mas alam nya yung sinasabi nya! si teacher kasi eh! hehe! :D
Always believe that something wonderful is about to happen.

"enjoy life. take it easy. anyway, nobody gets out of here alive." ^_^

alna

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 172
    • Random Ramblings
Re: Funny moments with your family
« Reply #19 on: August 19, 2009, 04:44:13 pm »
I remember one time, nagbabalot ng lumpia ang daughter ko and hubby, tapos, pang seal ng lumpia nila yung water na nakalagay sa isang cup... so eto na ko dumating, uhaw na uhaw, nakito ko si cup,  dinampot ko at ininom ang tubig.... sabi ko pa, bakit ganun... maalat-alat itong tubig... naku, tawa ng tawa si daughter and hubby... sino ba raw may sabi inumin ko yung sinasawsawan nila ng daliri nila ... :)
God doesn't play dice with the universe - Einstein

 


Latest Stories

Load More Stories
Close