
to all the ladies who gave g2g women respect and recognition, hats off to you. your deep understanding is deeply appreciated.
yes, saming mga nasa g2g love surpasses all circumstances talaga, be it biological gender.
pero i hope na sana sa mga bi or bi curious or mga galing may g2g relationships na ngayun na first time and settled to be happy, sana you can understand us din being in love at a much deeper level.
kasi recently na involve ako with a single mom never married. first encounter nya ito with a gurl (soft butch bale). ok naman ako sa bahay nila sa buong fanily nya pati sa mga bata. pero never sya naging comfortable sa family ko. eh legal naman na ako sa amin at pwede ko na din syang gawing ok sa family namin.
when we hit it off last year mid-2009, we were inseparable. from 7am til 12midnyt kami madalas magkasama. and kung weekends lumalabas kami kasama daughter nya. eh di for a while, wow, eh mala-tatay ang dating ko pati sa mga ibang pamangkin nya.
natutulog din ako sa kanila on some nights kung kelangan kasi the next day may road trip kaming gagawin. pero no sex pa naman nun.
at ayun, mahilig kami magroad trip at kung saan saan kami napapadpad mapa north or south, sometimes kasama daughter nya, sometimes kaming 2 lang. she enjoyed my company at she felt happy being with me. kain, movies, lagi kami pa-spa. and i have been receiving suggestful hints from her how big her interest is to be in a relationship with a grl.
at habang nagdadrive ako nilalambing ko sya at i hold her hand and touch her face, even look in her eyes without blinking kapag nakastop yung car. at every now and then pag magkasama kami sa car that's the kind of affection i showed her. seryoso kasi ako with relationships.
madalas kami magkita at pag sinusundo ko siya sa work nya, she would go out of her way just to see me.
dumating ang panahon na may mga nangyayari na samin. eh ako being serious, nakakatakot na yung ganung setup na may nangyayari tapos walang commitment. di ko kasi trip ang fubu, fling, MU tapos may nangyayari.
so nung tinanong ko sya kung pwede na ba maging kami, sinagot nya ako kaya lang sya yung taong natutulala bigla at nagwawander ang eyes. kaya first akong masagot ng isang babaeng nagwawander eyes at di pala buo ang loob nya. pero sinabi nyang hinintay lang naman nya ako magtanong na sa kanya kasi kala niya di pa ako ready for a relationship.
2 weeks later, nawala sya ng parang bula as in hindi nagparamdam. kasi nagalit sya sa pagiging playful ko. sweet ako at playful kasi sa kanya na malambing. a week later nung nag-usap na kami at tinapat na din niya ako yun pala di siya ok with the relationship na ganito. at syempre diba, i asked bakit may nangyayari at ang sasabihin lang eh natural lang daw ang ganon?
e what was that all about diba? di naman pala in love gagawa pa ng ganun. and kung gusto nya daw ng long-lasting partnership, ayaw daw nya ng ganito. eh knowing ang history niya sa ex nyang father ng anak nya, pakakasalan na siya nun umatras pa sya. at lahat na ng iba nyang ex ay lalake na din.
e ayun, so kung broken ang relationship nito sa lalake at ayun na pakakasalan na talaga at magiging ok na sana, broken din ang relationship nito sa babae at heto seryoso talaga ako sa kanya.
e yon, may commitment phobia pala, at half-aware lang sya about that sa sarili niya.
at pero ako ngayun, nanghinayan dahil namimiss ko talaga siya at sayang ang buong pinagsamahan namin.
at ngayon, we can't even be friends anymore as in zilch! dahil nagkaron kami ng verbal na away.
sa mga ladies, when love comes to your life sana huwag niyong sayangin kasi kahit maraming complications ngayon, may mga tao pa din na true love ang offer sa inyo.
peace to all.