watch now

Author Topic: Novenas  (Read 198124 times)

rinapie

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #280 on: September 07, 2011, 10:03:08 am »
hehe...hindi naman, imo. same God pa din naman. if you feel na mas malapit ka through the intercession of other saints, i think, naiintindihan nila yun kaya palagay ko ayos lang naman.

green-aholic

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #281 on: September 07, 2011, 12:25:12 pm »
thank you so much sis! malaking tulong ang pag agree mo! hehe. it is not also necessary naman na magpunta sa mga church nila di ba?

saka mga sis? me novena ba kayo ni st. jude na maikli lang? ang haba kasi nung akin. kung meron kayo, pa-share naman para no need ko na palitan. hehe. pag kase pagod ako, di ko mabasa sa haba yung novena nya kaya minsan di ko makompleto ang 9 days. ang dami na din kasi nya ako pinagbigyan sa mga hiling ko eh. sana share nyo naman yung inyo. pm nyo na lang ako. thanks!
« Last Edit: September 07, 2011, 12:31:08 pm by green-aholic »

rinapie

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #282 on: September 07, 2011, 12:36:46 pm »
again, palagay ko, ayos lang din. for me kasi, novena or ano mang prayer, ang mahalaga galing sa puso.hehe! kumbaga hindi yung nasabi lang na ni-recite or pinuntahan sa church. yun lang, parang sacrifice din kasi kung pupuntahan talaga. personalin mo na ang pag-hingi ng tulong. hehe!
« Last Edit: September 07, 2011, 02:21:25 pm by rinapie »

yndy

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #283 on: September 07, 2011, 05:25:23 pm »
Sharing the novena prayer my Mom gave to me:


Mga Pangako ng Patawad ng Ating Panginoong Hesukristo

Patawad, O Dioys ko,
Patawad - Ang daing ko,
Patawad sa aking mga sala.
Patawad ang nagaalab na nasa.

Ito ang daing ng isang makasalanan sa

Panginoon na sa kaniya'y lumikha, sa Diyos

na kanyang pinagkasalanan. Makatarungan

ang Diyos, nagbibigay ng gantimpala sa

mabubuti at nagpaparusa sa mga masasama.

gayon man, Siya'y bukal din ng awa. Ang

banal na kasulatan at ang kasaysayan ng

sangkatauhan, ay nagtataglay ng mga

pagpapatawad ng Panginoon.

Sa isang nagkasala ay hinihiling ang

kababang loob, amini ang kahinaan ng puso,

na aminin ang kahinaan, magsisi nang

lubos, at dumulog sa Panginoon:

"Kung inaamin natin ang pakakasalang

nagawa, Siya'y tapat at makatarungan,

upang patawarin ang ating mga kasalanan at

linisin tayo sa karumihan.: (I Juan 1:9)

Huwag mag-atubili sa paghingi ng tawad;

sapat ng ikaw ay nagsisisi; huwag

ipagpaliban ang pagkalungkot sa kasalanan:

"Huwag mong ipagpaliban ang pababalik-loob

sa Panginoon, at huwag ng

magpatumpik-tumpik sa araw-araw. Sapagkat

ang kanyang poot ay maaring dumating sa

isang saglit." (Eccl. 5:8-9)

Ang Diyos at nagbibigay pansin sa

makasalanang nagsisisi:

"o Diyos, hindi MO itinataboy ang isang

pusong nagsisisi't nagpapakababa." (Psalmo

50:19)

Maging tapat at mababang-loob sa pagkilala

sa kasalanan at huwag ikubli sa Panginoon

ang kasamaan:

"Ang sinumang nagtatago ng kanyang mga

kasalanan ay hindi uunlan; datapwat ang

sinumang umaamin sa kasalanan at ito'y

tinatalikdan ay magkakamit ng

kapatawaran." (Prov. 28:13)

Ang Panginoon na rin ang nagsasabi:

"Sa langit ay may higit na kagalakan ang

isang nagkasala na nagsisisi, kaysa siyam

na po't siyam na mabuti na hindi

nangangailangan ng pagbabalik loob."

(Lukas 15:7)

Ang mga apostoles ay nakakaunawa rin ng

mga paraan upang makamit ang patawad ng

Panginoon. Sa kanilang pangapngaral ay

kanilang sinabi:

"Magisisi kayo at magbalik loob upang ang

inyong mga kasalanan ay maparam." (Act

3:9)

Ang makasalanan, sa anumang sandali at

pagkakataon ay nararapat dumulog sa

Panginoon sa pamamagitan ng Sakramento ng

Pagpapatawad - ang Pangungumpisal -

sapagkat Siya ang nagsabi sa mga

apostoles, tuloy sa kanilang mga kahalili:

"Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo; ang

sinumang inyong patatawarin ay hindi rin

ipinatatawad sa kanila."

yndy

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #284 on: September 07, 2011, 05:27:53 pm »
SIMULA

Dahil sa matagal nang hangarin ni Santa

Brigida na malaman ang bilang ng mga

hampas na tinanggap ng ating panginoon,

noong Kanyang Pagpapakasakit, isang araw

ay nagpakita Siya at sinabing, "Tumanggap

ako ng 5,475 hampas sa Aking Katawan. Kung

nain mong parangalan ang mga ito, bigkasin

ang 15 Ama Namin at 15 Aba Ginoong Maria

kasama ang mga sumusunod na panalangin (na

itinuro sa kanya) sa buong isang taon.

Kapag tapos na ang isang taon, iyong

naparangalan ang bawat isa sa Aking mga

sugat."

Mga Pangako

Ipinangako ng ating Panginoon ang mga

sumusunod sa sinumang bumigkas ng

Panalanging ito sa buong isang taon.

Aking ililigtas mula sa Purgatorio ang 15

mga kalulua sa kanyang angkan.

14 na Kaluluwa sa kanyang angkan ang

magbabalik-loob,

Sinuman ang bumigkas sa mga panalanging

ito'y magtatamo nang pinakamataas na antas

ng kabanalan.

15 Araw bago sumapit ang kanyang

kamatayan, ibibigay ko sa kanya ang aking

kamahal-mahalang katawan upang maligtasan

ang walang hanggang kagutuman; ibibigay ko

sa kanya ang aking kamahal-mahalang dugo

para inumin upang di-mauhaw magpasawalang

hanggan.

15 araw bago sumapit ang kanyang kamatayan

magkakaroon siya ng matinding pagsisisi

para sa lahat ng kanyang mga kasalanan at

ganap na kamalayan sa mga ito.

Ihaharap ko sa kanya ang matagumpay kong

krus bilang tulong at panangga sa

pagsalakay ng kanyang mga kaaway.

Bago siya mamatay ay darating akong

kapiling ang pinakamamahal kong Ina.

Buong giliw kong tatanggapin ang kanyang

kaluluwa at dadalhin ito sa walang

hanggang kaligayahan.

At pagkarating doon ay pagkakalooban ko

siya ngnatatanging inumin mula sa bukas ng

aking kabanalan, bagay na hindi ko gagawin

sa mga hindi bumigkas ng aking mga

panalangin.

Ipinaaalam sa mga sinumang namumuhay sa

kasalanang mortal nang may 30 taon,

subalit bibigkasin nang buong taimtim o

may balak bigkasin ang mga panalanging

ito, ang lahat nang mga kasalanan niya ay

patatawarin ng Panginoon.

Ipagtatanggol ko siya laban sa mga tukso.

Pangangalagaan at babantayan ko ang

kanyang limang pandama. (senses)

Maliligtas ang kanyang kaluluwa sa walang

hanggang kamatayan.

makakamit niya ang lahat niyang hihilingin

mula sa Diyos at sa mahal na birhen.

Kung habambuhay siyang gumagawa ng kanyang

sariling kalooban at mamamatay siya

kinabukasan, ang kanyang buhay ay

palalawigin.

Sa tuwing bibigkasin ninuman ang mga

panalanging ito, magkakamit siya ng 100

araw na indulhensiya.

Makakatitak siyang makakasama sa

katas-taasang koro ng mga anghel.

Sinuman ang magtuturo ng mga panalanging

ito sa ibang tao ay magtatamo ng patuloy

na kaligayahan at kabutihang nararapat

magpasawalang hanggan.

Doon kung saan binibigkas ang mga

panalanging ito o maaaring bigkasin sa

hinaharap, ang Diyos ay naroroon sa

pamamagitan ng kanyang grasya.

Lahat nang pribilehiyong ito'y ipinangako

kay Santa Brigida sa pamamagitan ng isang

larawan ng ating Panginoong Hesukristo na

nakapako sa Krus sa kundisyon na

bibigkasin niya ang mga ito araw-araw;

ipinangako rin ang mga ito sa lahat ng

bibigkas nito nang buong taimtim

araw-araw, sa loob ng isang taon.

Sinuman ang makatutupad nito sa loob ng

isang taon at kasama nito ay

makapagdarasal 15 Ama namin at 15 Aba

Ginoong Maria sa araw-araw, ay

makapagdarasal ng mga panalangin na kasing

dami ng bilang ng mga hampas sa tinanggap

ng ating Panginoon sa panahon ng Kanyang

Pagpapakasakit. Isinama ni Hesus ang

Pinakadakilang Pangako sa pagsasakatuparan

ng debosyong ito, para sa kapakanan ng mga

tumutupad sa Banal na Gawaing ito, nang

may pananampalataya at pananalig.

yndy

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #285 on: September 07, 2011, 05:29:29 pm »
Unang Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O Hesukristo, katamisang walang hanggansa

mga umiibig sa Iyo, kagalakang hinihigitan

ang lahat ng kagalakan at pag-asa ng lahat

ng makasalanan, sa pag-ako sa kalikasan ng

tao, kahit sa pagkaraan, ibinalabal sa IYo

ang mga pagkutya. Pinagbubugbug ang inyong

mukha at ang Inyong ulo'y pinutungan ng

koronang tinik. Ang Inyong mga mata'y

binulag ng dugo. Itinali Ka sa isang

haligi, nalupaypay sa mga hagupit at

niyanig sa mga insulto at pang-aabuso.

Bilang alaala sa lahat nang pasakit at

pagdurusa na Iyong tiniis bago sumapit ang

Inyong pahihirap sa Krus, Inyong

marapating nawa bago ako mamatay, ako ay

makapangumpisal na may tunay na pagsisisi,

mapatawad na lahat ng aking mga kasalanan.

Amen.

Ikalawang Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O hesus, Tunay na kalayaan ng mga Anghel,

paraiso ng Kagalakan, alalahanin ang labis

na takot at kalungkutang Inyong tiniis,

nang paligiran Ka ng Inyong mga kaaway, na

mistulang mga matatapang na leon, at sa

pamamagitan ng libu-libong mga hampas,

insulto, paglaslas at mga hindi pa

napabalitaang kalupitan ay nagparusa sa

Iyo ng kusa.

Sa pamamagitan ng mga parusa at mga

salitang mapang-insulto, isinasamo ko sa

Iyo, O aking Manunubos, na iligtas akos a

lahat ng aking kaaway, nakikita man o

hindi. Nawa'y aking makamit ang kaganapan

ng walang hanggang kaligtasan sa Inyong

pakakandili. Amen.

Ikatlong Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O Hesus, Lumikha ng Langit at Lupa, Ikaw

na hindi nasasaklawan o natatakdaan! Ikaw

na lumulukob at lumulingap sa lahat ng mga

nilalang na nasa ilalim ng Inyong

makapangyarihang pagmamahal, alalahanin Mo

ang napakapait na sakit na Inyong tiniis,

ng sa pamamagitan ng malalaki't mapupurol

na mga pako at mga palo na sunud-sunod na

inihampas sa Iyo, ay ipinako ng mga Hudyo

ang mga banal Mong kamay at paa sa Krus.

Alalahanin O Panginoon, ang Inyong walang

katapusang dalamhati, nang ang Inyong

malulupit at nagagalit na tagapagparusa'y

hindi nasiyahaan sa kanilang kalupitan ay

pinalaki pang lalo ang Inyong

pagpapakasakit nang kanilang iunat ang

inyong katawan sa Krus at nilisad ang

Inyong mga buto sa walang awa nilang

paghatak ng pahiwalay sa mga ito.

isinasamo ko ko Iyo O Hesus bilang alaala

at tigib ng pagmamahal na pagdurusang ito

sa Krus, na ipagkaloob Mo sa akin ang

biyaya ng katakutan at ibigin Ka. Amen.

Ikaapat na Panalangin.
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O hesus, Makalangit na Manggagamot, na

itinaas sa Krus upang ang mga sugat namin

ay mapagaling ng Iyong sugat! Alalahanin

Mo ang mga pasa at kahinaang Iyong tiniis

sa Iyong buong Katauhan, mga kirot na

kailanman ay walang makapapantay. Mula ulo

hanggang sa Iyong talampakan, walang

bahagi ng Iyong katawan ang hindi nanakit,

hindi Ka tumigil sa pagdarasal sa Iyong

Banal na Ama para sa Iyong mga kaaway,

nang wikain mong:

"Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi

nila nalalaman ang kanilang ginagawa."

Sa pamamagitan ng Inyong dakilang habag,

at bilang alaala ng pagdurusang ito, ang

pag-alaala nawa ng Iyong pinakamapait na

pagpapakasakit ang makapagdulot sa amin ng

isang tunay na pagsisisi at kapatawaran

para sa lahat ng aming mga kasalanan.

Amen.

Ikalimang Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O Hesus, Salamin ng Walang Hanggang

Kaluwalhatian, alalahanin Mo ang

kalungkutang Iyong nadama nang makita sa

kaliwanagan ng Iyong Kabanalan ang

kapalaran ng mga maliligtas sa

kapakinabangan ng Inyong Banal na

Pagpapakasakit. Kasabay nito, nakita Mo

rin ang kawan ng mga masasama na

mapapahamak dahil sa kanilang kasalanan,

na nagparaing sa Iyo ng buong kapaitan

gawa ng kanilang kawalang pag-asam na

pagkaligaw at kasawiang palad.

Sa pamamagitan ng di-maarok na lalim ng

Iyong awa at lalung-lalo na sa pamamagitan

ng kabutihang Iyong ipinamalas sa butihing

magnanakaw ng Iyong winika sa kanya:

"Sinasabi ko sa Iyo: ngayong araw na ito'y

isasama kita sa Paraiso."

Nagsusumamo ako, O Katamis-tamisang Hesus,

na sa oras ng Aking kamatayan, ako ay

kaawaan Mo. Amen.

yndy

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #286 on: September 07, 2011, 05:30:58 pm »
Ikaanim na Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O hesus, pinakamapagmahal at

pinakahahangad na Hari! Alalahanin mo ang

dalamhating Iyong tiniis, nang ikaw ay

ipako at itaas sa Krus, hubas tulad ng

isang karaniwang kriminal. Tinalikuran Ka

ng Iyong mga kaibigan at kamag-anakan,

maliban sa Iyong pinakamamahal na Ina at

mga ilang naiwan, noong ikaw ay nag-aagaw

buhay.

Alalahanin  Mo ang Iyong dalamhati habang

inihahabilin ang Iying Ina sa Iyong

matapat na disipulo nang winika Mo sa

kanila:

"Babae, hayan ang iyong anak! Hayan ang

iyong ina!"

Sa pamamagitan ng balaraw ng dalamhating

tumagos sa kaluluwa ng Iyong Banal na Ina,

isinasamo ko sa Iyo O aking Manunubos, na

mahabag sa akin sa lahat ng aking

dalamhating espiritwal at pangkatawan, at

tulungan Mo ako sa lahat ng aking mga

pagsubok lalung-lalo na sa oras ng aking

kamatayan. Amen.

Ikapitong Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O hesus, Walang Pagkaubos na Batis ng

Pagkahabag. Sa atas ng matinding pag-ibig,

iong winika mula sa Krus:

"Nauuhaw Ako!"

Ikaw ay nagdusa nang dahil sa pagkauhaw sa

kaligtasan ng lahat ng tao. Isinasamo ko

sa Iyo, ang aking Manunubos, na pag-alabin

sa aming mga puso ang hangaring

mapaging-ganap lahat ang aming gawain,

mapawi sa amin ang kahinaan ng laman at

kasigasigan ng hangaring makamundo. Amen.

Ikawalong Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O Hesus Katamisan ng mga puso at Kaluguran

ng mga kaluluwa! Sa mapait at maasim na

alak na Iyong tinikman sa Krus nang dahil

sa pag-ibig para sa amin, ipagkaloob Mo sa

amin ang biyayang matanggap ang Iyong

pinakamamahal na Dugo't Katawan, habang

kami ay nabubuhay, at sa oras ng aming

kamatayn, upang magsilbing lunas at

kasiyahan ng amin mga kaluluwa. Amen.

Ikasiyam na Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O Hesus, Dakilang Kabutihan at Kagalakan

ng Isip, alalahanin Mo ang sakit na Iyong

tiniis nang tigib ng kapaitan sa pagsapit

ng kamatayan, hinamak at nilapastangan ng

mga Hudyo, sumigaw Ka nang malakas na Ikaw

ay pinabayaan ng Iyong Ama nang Iyong

winika:

"Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo ako

pinabayaan?"

Sa pamamagitan ng dalamhating ito,

isinasamo ko sa Iyo aking Manunubos, na

huwag Mo akong pabayaan sa takot at sakit

ng aking kamatayan. Amen.

Ikasampung Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O Hesus, Ikaw na Simula at Wakas ng lahat

ng bagay, ng buhay at ng kabanalan,

alalahanin Mo na para sa ming kapakanan,

sumuong Ka sa walang kapantay na pagdurusa

mula ulo hanggang talampakan. Sa

pagninilay-nilay sa Iyong di-mabilang na

mga sugat, turuan Mo akong gawin ang Iyong

mga kautusan,sa pamamagitan ng wagas na

pag-ibig, sapagkat ang pagtupad ng Iyong

Banal na Kautusan ay madali para sa mga

umiibig sa Iyo. Amen.

yndy

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #287 on: September 07, 2011, 05:32:15 pm »
Ikalabing-Isang Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginonog Maria

O Hesus, Walang Katapusang Bukal ng Habag,

alang-alang sa mga sugat na tumagos sa

kaloob-looban ng Iyong mga buto at

kaibuturan ng Iyong pagkatao, isinasamo ko

sa Iyo na ilayo sa kasalanan ang hamak na

makasalanang tulad ko, na puspos ng mga

malalaking pakakasala. Itago Mo ako sa

Iyong mukhang may katwirang mayamot, itago

Mo ako sa Iyong mga sugat hanggang sa

mapawi ang Iyong galit at pagkasuklam.

Amen.

Ikalabindalawang Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O Hesus, Salamin ng Katotohanan, Sagisag

ng Pagkakaisa at Tulay ng Pag-Ibig,

alalahanin ang katakut-takot na mga sugat

na nagpasakit sa Iyo mula ulo hanggang paa

- mga sugat na nagpapula at puminit sa

Iyong buong pagkatao sa pagbubu ng Iyong

Banal na Dugo. O Dakila at pandaigdigang

pagpapakasakit na Iyong ipinagdusa sa

Iyong banal na laman ng dahil sa pag-ibig

sa amin. Katamis-tamisang hesus, ano pa

kaya ang Iyong magagawa para sa amin na

hindi Mo pa nagagawa?

Magbunga nawa ang Iyong pagdurusa sa aking

kaluluwa, sa pamamagitan ng matapat na pag

alaala sa ng Iyong pagpapakasakit. Lumago

nawa sa aking puso, ang Iyong Pag-ibig sa

bawat araw, hanggang sa sandaling iyon, na

mamalas KIta magpasawalang-hanggan. Ikaw

na kaban ng lahat ng kabutihan at lahat ng

kagalakan. O katamis-tamisang Hesus,

isinasamo ko sa Iyo na ipagkaloob Mo sa

akin ang mahalagang alay na ito ng Langit.

Amen.

Ikalabintatlong Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O Hesus, Malakas na Leon, Haring Imortal

at di-nalulupig, alalahanin ang sakit na

Iyong tiniis at ang buo mong lakas na

mortal at pisikal ay lubusang napawi ,at

Iyong iniyuko yaring ulo at winika:

"Natapos na."

Sa pamamagitan ng dalamhati at hinagpis na

ito, isinasamo ko sa Iyo, O Panginoon, na

mahabag sa akin sa oras ng kamatayan,

kapag ang isip ko'y lubhang naligalig, at

ang kaluluwa ko'y labis na nagdadalamhati.

Amen.

Ikalabing-Apat na Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria

O hesus, bugtong na Anak ng Ama, Luwalhati

ng at Anyo ng Kanyang Diwa, alalahanin ang

payak, ngunit mapagkumbabang pagbbibilin

ng Iyong Kaluluwa sa Walang Maliw Mong Ama

nang Iyong winika:

"Ama, sa Iyong mga kamay, inihahabilin ko

ang Aking Kaluluwa."

Sa pagkadurog nang Iyong Katawan at Puso,

at sa bukal ng Iyong habag, na bumalot sa

min upang matubos kami, nalagutan Ka ng

hininga.

Sa pamamagitan ng Iyong napakahalagang

kamatayan, O Hari ng mga Santo, isinasamo

ko sa Iyo na aliwin ako at palakasin upang

labanan ang masasama, ang lamn at

kamunduhan, upang sa aking pagpanaw sa

sanlibutan, makapamuhay akong tangi para

sa Iyo. Isinasamo ko sa Iyo na tanggapin

ako, isang manlalakbay at isang itinapon

na bumabalik sa Iyo sa oras ng aking

kamatayan. Amen.
Ikalabinlimang Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria
[/b]

O hesus, Tunay na Mabunga, alalahanin ang

masaganang pagbububo ng Dugo, na buong

puso Mong ibinuhos, katulad ng ubas na

dinurog at piniga upang maging alak.

Alalahanin Mo na inulos ng sibat ang Iyong

tagiliran, ng isang kawal at doo'y dumaloy

ang masaganang dugo at tubig mula sa Iyong

katawan. Tulad ng isang bungkos ng mira,

nalanta ang Iyong murang Katawan, at ang

kaloob-looban ng Iyong mga buto'y

natigang.

Sa mapait na Pagpapakasakit na ito at sa

pamamagitan ng pagbububo ng Iyong

Kamahal-mahalang Dugo, isinasamo ko sa

Iyo, Mahal na Hesus, na tanggapin ang

aking kaluluwa kung ako'y mamamatay. Amen.

yndy

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #288 on: September 07, 2011, 05:32:57 pm »
Katapusan

Katamis-tamisang Hesus, ulusin mo ang

aking puso, upang ang aking luha ng

pasisisi at pag-ibig ang magsilbing

tinapay para sa akin sa araw at gabi.

Nawa'y magbalik-loob ako sa Iyo ng

lubusan. manahan ka nawa sa aking puso

habang panahon. makasiya nawa sa Iyo ang

aking pagbabalik-loob at ang katapusan

nawa ng aking buhay ay maging kapuri-puri,

upang ako ay maging marapat sa kalangitan,

at doon kasama ng mga Santo at mag Banal

akin Kang pupurihin magpasawalang hanggan.

Amen.

Panalangin

Aking panginoong Hesukristo, alalahanin

Mong ako'y isang makasalanan.

Kabanal-banalang Birhen, ipanalangin mo po

ako. Ikaw ay laging pupurihin at

luluwalhatiin. Ipanalangin ang

makasalanang ito sa iyong pinakaiirog na

anak. Kamahal-mahalang Kariktan ng mga

Anghel, ng mga Propeta at Patriyarka.

Korona ng mga Martir, Apostoles, Kompesor,

Luwalhati ng mga Serapim, Korona ng Mga

Birhen, iligtas mo po ako sa lubhang

nakakatakot na anyo ng demonyo kapag ang

kaluluwa ko'y humihiwalay na sa king

katawan.

O kabanl-banalang Bukal ng Kagandahan ni

Hesukristo, Kagalakan ng langit, Aliw ng

mga Pari, Lunas sa aming mga gawain sa

piling mo, O Birheng Karunung-runungan,

masasaya ang mga Anghel. Ihabilin mo ang

aking kaluluwa, at ang kaluluwa ng lahat

nang mga debotong Kristiyano, Ipanalangin

mo kami sa iyong pinagpalang anak, akayin

kami sa Paraisong Walang hanggan, kung

saan ka naghahari at nabubuhay

magpasawalang hanggan. Amen.

Makapangyarihang Birhen maria, Ina ng

nabubuhay na Diyos, sapagkat iniluwal mo

siya, ipanalangin mo kaming mga

makasalanan, upang sa gayon kami ay

mapatawad, iligtas kami sa masasamanng mga

kaaway na nakikipaglaban sa amin, at

pagkalooban kami ng wlang hanggang

kaluwalhatian.

Purihin magpasawalang hanggan ang Banal na

Pagpapakasakit at Kamatayan ng aming

Panginoong Hesukristo. Amen. 

yndy

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #289 on: September 07, 2011, 05:33:53 pm »
Sugat na nasa Balikat ng Ating Panginoon

Tinanong minsann ni San Bernardo sa

Panginoon, kung alin sa Kanyang pagdusa at

sakripisyo ang pinakamasakit at hindi man

lamang halos nalaman. Sumagot ang ating

panginoon: "Mayroon Akong napakasakit na

sugat sa aking balikat sa pagpasan ko ng

Krus patungo sa mapait na Kalbaryo,

pinakamasakit nang higit sa iba kong

sugat; subalit di kailanman nalaman dahil

hindi ito nakita. Parangalan mo ang mga

sugat na ito sa iyong mga panalangin at

ipagkakaloob Ko ang anuman hilingin mo sa

pamamagitan ng merito ng sugat ding ito.

At lahat nang magpiputagan sa sugat na

ito'y magkakamit ng kapatawaran ng

kanilang mga kasalanan at kakalimutan ko

na ang mga kasalanang mortal na kanilang

nagawa at napatawad na.

Panalangin
O pinakamamahal na Hesus, maamong Kordero

ng Diyos, ako, na isang hamak na

makasalanan, ay nagpupugay at sumasamba sa

sugat na nasa balikat Mo gawa ng mabigat

na Krus na Iying pinasan. dahil sa bigat

nito'y inukit ang laman at lumabas ang

buto sa Iyong balikat, na nagpasakit sa

Iyo ng higit sa iba Mong sugat. Sinasamba

kita O nahahapis na hesus, pinupuri kita,

pinasasalamatan kita dahil sa Iyong

kaibig-ibig at walang kasing-sakit na

sugat. Sa pamamagitan ng sobra-sobrang

sakit na dulot nito, patawarin mo ako sa

aking mga kasalanang mortal at benyal at

patnubayan Mo po ako patungong langit sa

pamamagitan ng Daan ng Iyong Banal na

Krus. Amen.

Hesus na Pinabayaan

Pinakamamahal na Hesus! Ilang panahon nang

Ikaw ay nakapako sa Iyong Krus at

dinadaan-daanan Ka pa rin ng tao at hindi

pansin.

Ganno kita kadalas dinaanan, nagwalang

bahala sa Iyong matinding dalamhati, sa

Iyong maraming sugat, sa Iyong walang

hanggang pag-ibig.

Gaano kadalas na ako'y lumayo sa Iyong

harapan, hindi upang aliwin at

paginhawahinKa, kundi upang dagdagan ang

Iyong mga dalamhati, palalimin ang Iyong

mga sugat, at tanggihan ang Iyong

pag-ibig.

Iniabot Mo ang Iyong mga kamay upang iahon

ako, at kinuha ko naman ang kamay na iyo

at idinipang muli sa Krus.

Inibig Mo ako ng walang hanggang pag-ibig

na iyon, upang lalo lamang magkasala sa

Iyo.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga

kasalanan ng sanlibutan. Maawa ka sa akin.

Amen. (3x)

stormy_princess

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #290 on: September 08, 2011, 01:16:31 pm »
My husband is an answered prayer of Mother of Perpetual Help ng baclaran. Sayang nga eh di na ako nakakadalaw dun malayo na kasi workplace ko.
Maya will start my novena to st. jude and st. therese. Actually dito ko lang nalaman bout st. therese and when i saw her pic ang gaan ng loob ko. ang innocent ng face. Thanks sisses for inspiring me again :)

mamacita

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #291 on: September 09, 2011, 12:26:48 am »
pasali din ako mga sis :)

ako naman i just started my Novena to St. Clare yesterday. Matagal ko ng naririnig si St. Clare na pag nagpray ka maga-grant talaga especially sa mga humihiling or gusto ng magkababy.  Yung tita ko kasi matagal sila bago nagka-anak ng asawa nya. Me nakapag suggest na pumunta sila sa Poor Clare Monastery.  Dun nila pinagpray na magkababy sila and dininig naman yung dasal nila, binigyan sila ng 2 kids and yung names ng mga pinsan ko me Clare parehas  :P  Last August 11, yung feast ni St. Clare, I was in Cebu, and nag-attend kami ng mass that day sa Poor Clare monastery, and swerte lang namin kasi kasama namin yung  ex-monk ng Poor Clare Monastery kaya we had the chance to talk to one of the monks there na friend nya sa loob, like privately talaga namin naka-usap yung mongha na pwede tanungin or hingan ng payo regarding problems sa buhay-buhay :) so ayun, nung nagpunta kami dun, nag ask ako ng favor/petitions kay St. Clare and nagrant naman nya pero hindi pa din ako nag novena.  :P not until yesterday na feeling ko need ko na talaga simulan dahil me hinihiling ako na malaking favor. and i even went to St. Clare Church Katipunan QC this morning para talaga mag offer ng eggs/drop my petitions. And St. Clare never fails to grant my request(s) talaga, dahil binigay na nya sa akin yung isa sa hiniling ko kaninang hapon, ganun kabilis :) kaya i will continue my novena and will go back to St. Clare Church on the 9th day.







baby_chichay

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #292 on: September 11, 2011, 03:33:29 pm »
And St. Clare never fails to grant my request(s) talaga, dahil binigay na nya sa akin yung isa sa hiniling ko kaninang hapon, ganun kabilis :) kaya i will continue my novena and will go back to St. Clare Church on the 9th day.

I'm glad to hear this sis. ^^

rinapie

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #293 on: September 11, 2011, 09:52:48 pm »
anong novena kay st.clare meron kayo? lately lang ako nagkaroon, galing doon sa mga papel na provided ng monasteryo para sulatan ng petitions pero highschool pa lang, pumupunta na ako doon.

mamacita

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #294 on: September 12, 2011, 02:38:35 pm »
thanks sis baby_chichay  :P i started my novena after i read your post last week. kaya i printed out the novena you wrote here. and then when i went to St. Clare the next day, I asked one of the staff for a prayer book of St. Clare, which is free by the way :)

@rinapie:  hi sis, we have the same prayer book kasi i got mine from St. Clare church. basically it's the same prayer that sis baby_chichay posted here on this thread  ;)

rinapie

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #295 on: September 12, 2011, 03:02:04 pm »
Aw, sorry, may naka post pala. Di ko napansin nung mobile gamit ko. Thanks!!

Yung maigsi lang din ba sa iyo? Yung walang pang 9 days? every wednesday ko dinadasal sa monastery after ng perpetual help novena ko. Infairness kahit wala talaga akong novena kay st.clare, naga-grant petitions ko.

mamacita

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #296 on: September 12, 2011, 10:04:51 pm »
@rinapie hi sis, until 9 days yung sa akin.  para syang mini booklet. yung staff ang nagbigay sa akin ng prayer booklet ko ΓΌ iba ata yung prayer na nakasulat sa likod nung papers where u write down your petitions.  try mo ask dun sa staff sis, yung taga receive nung mga eggs/donations, pag balik mo dun.
« Last Edit: September 12, 2011, 10:10:09 pm by mamacita »

zxcvb

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #297 on: October 08, 2011, 01:50:28 pm »
over several years marami na kong nadasl na novena, to st Jude, st Therese, our Lady, st Joseph, st Philomena etc

mamy_maldy

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #298 on: October 09, 2011, 08:46:50 pm »
Does St. Therese really gives answers through roses? Nalito kasi ako mas madaming white rose na di pa open ang nakita ko kesa sa iisang red rose na open na. Di ko tuloy alam sagot. help please.

green-aholic

  • Guest
Re: Novenas
« Reply #299 on: October 11, 2011, 12:19:46 pm »
i wanted to add a question re mamy_maldy's post, yung rose ba in any forms lang or kelangan bud pa lang for it to serve as a sign from St. Therese? and is it necessary na you ask for a certain color of a rose so you can prove its from St. Therese or makakita ka lang ng rose enough na to say that St. Therese answered your prayer?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close