Unang Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria
O Hesukristo, katamisang walang hanggansa
mga umiibig sa Iyo, kagalakang hinihigitan
ang lahat ng kagalakan at pag-asa ng lahat
ng makasalanan, sa pag-ako sa kalikasan ng
tao, kahit sa pagkaraan, ibinalabal sa IYo
ang mga pagkutya. Pinagbubugbug ang inyong
mukha at ang Inyong ulo'y pinutungan ng
koronang tinik. Ang Inyong mga mata'y
binulag ng dugo. Itinali Ka sa isang
haligi, nalupaypay sa mga hagupit at
niyanig sa mga insulto at pang-aabuso.
Bilang alaala sa lahat nang pasakit at
pagdurusa na Iyong tiniis bago sumapit ang
Inyong pahihirap sa Krus, Inyong
marapating nawa bago ako mamatay, ako ay
makapangumpisal na may tunay na pagsisisi,
mapatawad na lahat ng aking mga kasalanan.
Amen.
Ikalawang Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria
O hesus, Tunay na kalayaan ng mga Anghel,
paraiso ng Kagalakan, alalahanin ang labis
na takot at kalungkutang Inyong tiniis,
nang paligiran Ka ng Inyong mga kaaway, na
mistulang mga matatapang na leon, at sa
pamamagitan ng libu-libong mga hampas,
insulto, paglaslas at mga hindi pa
napabalitaang kalupitan ay nagparusa sa
Iyo ng kusa.
Sa pamamagitan ng mga parusa at mga
salitang mapang-insulto, isinasamo ko sa
Iyo, O aking Manunubos, na iligtas akos a
lahat ng aking kaaway, nakikita man o
hindi. Nawa'y aking makamit ang kaganapan
ng walang hanggang kaligtasan sa Inyong
pakakandili. Amen.
Ikatlong Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria
O Hesus, Lumikha ng Langit at Lupa, Ikaw
na hindi nasasaklawan o natatakdaan! Ikaw
na lumulukob at lumulingap sa lahat ng mga
nilalang na nasa ilalim ng Inyong
makapangyarihang pagmamahal, alalahanin Mo
ang napakapait na sakit na Inyong tiniis,
ng sa pamamagitan ng malalaki't mapupurol
na mga pako at mga palo na sunud-sunod na
inihampas sa Iyo, ay ipinako ng mga Hudyo
ang mga banal Mong kamay at paa sa Krus.
Alalahanin O Panginoon, ang Inyong walang
katapusang dalamhati, nang ang Inyong
malulupit at nagagalit na tagapagparusa'y
hindi nasiyahaan sa kanilang kalupitan ay
pinalaki pang lalo ang Inyong
pagpapakasakit nang kanilang iunat ang
inyong katawan sa Krus at nilisad ang
Inyong mga buto sa walang awa nilang
paghatak ng pahiwalay sa mga ito.
isinasamo ko ko Iyo O Hesus bilang alaala
at tigib ng pagmamahal na pagdurusang ito
sa Krus, na ipagkaloob Mo sa akin ang
biyaya ng katakutan at ibigin Ka. Amen.
Ikaapat na Panalangin.
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria
O hesus, Makalangit na Manggagamot, na
itinaas sa Krus upang ang mga sugat namin
ay mapagaling ng Iyong sugat! Alalahanin
Mo ang mga pasa at kahinaang Iyong tiniis
sa Iyong buong Katauhan, mga kirot na
kailanman ay walang makapapantay. Mula ulo
hanggang sa Iyong talampakan, walang
bahagi ng Iyong katawan ang hindi nanakit,
hindi Ka tumigil sa pagdarasal sa Iyong
Banal na Ama para sa Iyong mga kaaway,
nang wikain mong:
"Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi
nila nalalaman ang kanilang ginagawa."
Sa pamamagitan ng Inyong dakilang habag,
at bilang alaala ng pagdurusang ito, ang
pag-alaala nawa ng Iyong pinakamapait na
pagpapakasakit ang makapagdulot sa amin ng
isang tunay na pagsisisi at kapatawaran
para sa lahat ng aming mga kasalanan.
Amen.
Ikalimang Panalangin
1 Ama Namin at 1 Aba Ginoong Maria
O Hesus, Salamin ng Walang Hanggang
Kaluwalhatian, alalahanin Mo ang
kalungkutang Iyong nadama nang makita sa
kaliwanagan ng Iyong Kabanalan ang
kapalaran ng mga maliligtas sa
kapakinabangan ng Inyong Banal na
Pagpapakasakit. Kasabay nito, nakita Mo
rin ang kawan ng mga masasama na
mapapahamak dahil sa kanilang kasalanan,
na nagparaing sa Iyo ng buong kapaitan
gawa ng kanilang kawalang pag-asam na
pagkaligaw at kasawiang palad.
Sa pamamagitan ng di-maarok na lalim ng
Iyong awa at lalung-lalo na sa pamamagitan
ng kabutihang Iyong ipinamalas sa butihing
magnanakaw ng Iyong winika sa kanya:
"Sinasabi ko sa Iyo: ngayong araw na ito'y
isasama kita sa Paraiso."
Nagsusumamo ako, O Katamis-tamisang Hesus,
na sa oras ng Aking kamatayan, ako ay
kaawaan Mo. Amen.