Nakakatuwa naman magbasa dito. naalala ko tuloy mga ginagawa ko din dati hahha!
- yung magrecord sa tape galing sa radio, tas naasar pa ako pag nahaluan ng jingle ng radio or boses ng dj hahha kasi hindi ko naistop agad.
- bumili ng pirated cds ng compilation like yung Lost and Found, Chorus Girls, Cruisin, etc. Ang mahal parang 250 yata ang isang CD hehe
- Kunin ang lahat ng song titles ng kanta at go ka sa Raon, para magparecord sa tape.
- Nung nauso ang CD ang una kong binili eh Fra Lippo Lippi at Backstreet boys. Then feeling mayaman na nung nagkaCD player. Level up from Walkman! hehe
- Songhits and magazines din! Wala pa kasing internet eh hehhe.
- Tapos mga posters ng BSB, streetboys, NSYNC and Britney Spears hahaa!
- OPMs are the best during 90s. Introvoys, Neocolors, Eheads, True Faith, RiverMaya, and a lot more!
- Natry ko din tumawag sa Radio nung nagkaphone kami. That time ang hirap hirap mag apply sa PLDT kaya nung kinabitan kami isa yon sa pangarap namen ang makatawag sa radio hahah! Magrerequest ng kanta, greet and all.
- and yes, Disco pa ang tawag before, Fat willy's, Abg's, common ground, Insomnia, Mars and lahat ng R&B and Hiphop music na pinapatugtog. Kaya ngayon favourite ko any Magic 899 pag Saturday because of these songs that bring back our clubbing memories nung High School. Bone Thugs, TLC, JLo, TQ, Jarule, etc.
- ^ I remember Grin Dept at Urban Flow, medyo jologs pero ang sayang pakinggan haha!
Ang saya maging 90s kid!