watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170447 times)

molybdenumstudios

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #460 on: January 08, 2015, 11:58:23 pm »
Buti na lang hindi ko hate ang mother ko. BTW, sumama loob ko sa kanya kanina because hate to say this, but stupidity runs through their veins (not in a derogatory manner)--they have difficulty in comprehending other people's obvious characteristics, and yes, ang hirap ngang i-explain how stupid they really are. Kaya, I'd say that I strongly discriminate stupid people. If a person is stupid, I'll definitely look down on him/her.

Stupid people do not understand people who are very difficult to handle. My mom told me that she cannot handle me until now. It shows her stupid side--she failed to develop a sense of wisdom, which is very obvious in her maternal side. Lack of wisdom is actually a sign of stupidity.

'Yun lang naman ang conflict samin eh.

sugar n spice

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #461 on: January 14, 2015, 09:56:44 am »
i feel so bad. i turned off my "chat" sa fb kasi kapag nakikita ako ng mommy ko naka-online bigla sya magme-message sakin. either she would tell me she loves me or magsu-sumbong dahil inaaway sya ng ate ko. nasa dubai sila ngayon. nag-aalaga ng apo. baby pa kasi. reklamo nya napupuyat sya sa gabi. mabigat daw ang baby. malikot. hindi naman kasi pwede magpuyat yung mag-asawa kasi mga may pasok pa kinabukasan. 

whenever she would tell she loves me, i would tell her likewise. siyempre totoo yon. mahal na mahal ko ang mommy ko. pero minsan hindi ako kumportable na sabihin yon. tapos nun magsusumbong na sya tungkol sa pag-aalaga ng apo nya at pang-aaway ng ate ko, naawa ako kay ate kasi kilala ko ang mommy. noon ko pa kasi sinabi kay ate na walang mother instinct ang mommy namin. na baka hindi kaya ng mommy ko ang pag-aalagang ginawa samin ng lolo at lola. never kasi nakasama ni ate ang mommy noong nag-aaral kami. ngayon nya na lang naintindihan yung pinanggalingan ko. at kahit kuya ko iniiwasan ang mommy ko wag lang sila magkabangga. mommy ko kasi andami nya sinasabi, ayaw ng hindi sya komportable. mas lalong ayaw nya ng nahihirapan. wala sya sa kalingkingan ni lolo at lola.  mahal naman namin pare-pareho ang nanay namin pero talagang kakaiba sya. iniwasan ko nga noon na paalagaan sa kanya yung daughters ko kasi narinig ko dati kung pano nya minura yung mga pamangkin ko sa youngest sis namin. nagulat ako kasi ambabait naman nung mga pamangkin ko, normal lang sa mga  bata ang maglaro at mangulit.

nagsusumbong din ate ko kasi nahihiya sya sa mag-asawang umuupa ng kwarto sa kanila. naiintindihan ko naman kasi alam ko kung gano kaingay at unreasonable ang mommy kapag nagagalit. ngayon magbabakasyon sila dito by march. buo na ang desisyon ni ate na hindi na isama pabalik ang mommy ko. kinausap nya sis-in-law ko na sya na ang dadalin sa dubai, tutulungan na lang nila si kuya sa pag-aaral ng mga pamangkin at kung gugustuhin ng kuya ko ihahanap sya doon ng work ni ate. mahina kasi loob ng kuya ko e kaya unsure si ate kung mapapapayag nya si kuya na madala din. kelangan ng matinding kumbinsihan. mas gugustuhin ni ate na gumastos ng malaki wag lang sila magkabangga pa ng mommy ko.

malas lang namin dahil wala sa vocabulary nya ang salitang "aruga". buti na lang natutunan namin yon sa lolo't lola. pasensya na. dito ako naglalabas ng sama ng loob.

kikaygirl5810

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #462 on: February 10, 2015, 01:49:31 pm »
I don't know what to say about this topic...Kasi mommy narin ako ng two little girls.
I both love them kasi yun naman talaga ang dapat.

Pag yung panganay ko ang nilalaro ng hubby ko i see to it yung bunso naman ang kalaro or vise versa. Yung attention hati sakanila.

Ayaw ko maka feel ng ganyang feelings mga anak ko na may favoritism.

rhykiesg09

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #463 on: February 10, 2015, 07:13:21 pm »
To those who posted stories about their moms before,kamusta na relationship nyo with your moms?

miiilovestravis

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #464 on: February 13, 2015, 04:33:12 am »
Same here...

Medyo nagtatampo talaga ako sa mom ko kasi parang kinahihiya nya apo nia at lived in partner ko ngayon. (May baby na ko sa una he's 7 y.o now. Ang bunso ko ngayon mag 2 sa March) So yun, just last month may mga family gatherings kami di nya direkta na sinasabi na wag ko sila isama pero yung ngpapahaging sya na mas ok kung hindi ko sila isama magama kesyo malikot daw si baby maiinip. Mga ganung palusot. Then last month lang wedding ng cousin ko. Nalaman ko na sabi ng Mom ko kay hubby na pag reception time na daw mag SM na lang daw sila magama  :'( (wala kasi ako nun kasama ko yung pinsan ko na ikakasal nasa hotel kami nun sila nasa bahay nung mapapangasawa ng pinsan ko) Sobrang mangiyak ngiyak ako nun. Ang nangyare parang sabi lang ni Hubby "Ay oo nga po un din po plano ko para hindi po makaabala sa reception" sabi daw kasi ng mom ko maiinip daw baby ko. Ayun ending umuwi na lang kami nila hubby at baby.

And sa facebook hindi inaaccept ng mom ko friend request ko sa kanya kasi alam nya na sa pic ng baby ko na bunso. Na ayaw nya na makita ng friends/relatives. Tapos plan namin umuwi sa province sa March sa bithday ni baby. Nagpaparinig din sya na sayang daw pamasahe dito na lang daw sa amin mag birthday si baby. Nalaman ng father ko yun. Sa galit niya sabi niya blocked ko daw si mom sa fb. lol.

Haaay.

molybdenumstudios

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #465 on: February 13, 2015, 08:18:36 am »
I still demand an apology from her for being irate. Gah, she made a mistake on marrying my dad tbh. I won't follow her footsteps at all.

pocahontas

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #466 on: February 24, 2016, 05:09:32 pm »
Sometimes hate my mom  :-[

I was only 4 y/o and my bro was 1 y/o when mom went abroad to work. Nasuportahan naman nya  yung pag aaral namin kaya lang I felt like I lost my childhood. I had to be independent and matured at an early age because mom was not around. Hindi kasi hands on sa pag alaga samin si dad ko kasi may work din sya. Hindi ganun kalaki ang kinikita nila kaya wala kami maid. So at the age of 7 ako na ang nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba at nag iigib ng tubig samin. Nung 10 y/o ako namamalengke nako mag isa. Pagpapalantsa ang pinakahuli ko natutunan, I was 12 y/o then. Wala ako masaya memories as a child. Parang di ako dumaan sa pagkabata.

Ang nakakalungkot lang hindi kaming mga anak nya priority ng mom ko kundi mga kapatid nya. Almost 30years na sya work abroad ayaw pdin magretire kasi iniisip nya pano mga kapatid nya. Pero samin magkapatid matagal na sya hindi nagpapadala. Ok lang sana kung bata pa mga kapatid nya e kaso matatanda na sila at may mga sariling family nadin. Yung isang anak nga ng bro ko special child e pero wala manlang binibigay financial support mom ko kahit na alam nyang hirap sa din buhay yung bro ko.

Sabi ko sa mom ko wag na sya magwork kaya naman nmin sya suportahan ng hubby ko pero ayaw nya. Nakakainis kasi gustong gusto namin makasama mom ko para ma-experience naman namin magkaron ng nanay. Kya lang yung nanay namin mas piniling maging dakilang kapatid kesa maging dakilang ina.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #467 on: March 06, 2016, 09:30:03 am »
Ako naman hate ko talaga. I love my Dad. Hindi ko naramdaman mom ko eh. Puros Ate and Kuya ang bukambibig. Pero pag nasa Hk ako working, tanong ng tanong when ako uuwi, pag andito ako, nambubuwiset!although, 2 weeks lang naman ako lagi. Pero mas type ko longer ang stay ko sa Hk.  Para di ko nakikita nanay ko. I like my auntie more.  Nakaka stress makasama si mama.kaya pag wala ako.. Free ako! Free of stress!  Pag isang araw na nga lang ako bago umuwi, ayoko ng umuwi. At pag uwi ko, aarangkada na naman nanay ko sa pang iinis! I hope she wont ask me anymore when Iam coming home. Wala naman kwenta pag nasa bahay ako. Stressed out lang ako with her!

young_maiden

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #468 on: March 06, 2016, 11:47:20 am »
I hated my mom during my childhood days until my late teens. I know walang perfect mother. Lahat ng mga nanay magkakamali talaga pero hindi ko noon matanggap flaws ng mom ko.

Sa tuwing magkaaway sila ng Dad ko, may ugali siya na ilalabas niya sa aming mga anak niya ang galit niya. I also used to be verbally abused by her. Hindi ko lang masagot ng tama assignments ko, she would call me bobo. Nung may dandruff buhok ko, she told me baboy at bastos daw ako. Isa talaga siya sa mga dahilan bakit lumaki akong walang self-confidence eh. Kung sariling nanay mo mababa tingin sayo, paano pa kaya ibang tao di ba?

Ayoko din sa attitude niya na ako sinisisi sa mga bagay na di ko naman kontrolado pero somehow nadamay ako. Ilang beses ko na naisip mag suicide dahil sa kanila ni dad. I hate those memories na nag-aaway sila sa harap naming magkakapatid. Akala nila wala kaming alam pero aware talaga kami. Sila dahilan kaya hindi kami lumaking masayahin ng brother ko na sumunod sa akin. Maswerte pa youngest bro ko kasi hindi na nakatira sa iisang house parents ko nung dumating siya kaya bihira na lang niya mawitness mga away nila. Hindi tulad sa amin nung other brother ko na halos araw-araw nakakarinig kami ng sigawan at bugbugan.

Ayoko din iyong ugali ni mom na minumura kami pag galit siya. Kaya nga nung natuto na ako magmura at nagalit siya, sabi ko "Hindi ako matututo magmura kung hindi ako minumura." May point naman ako di ba? Kung ayaw mong nagmumura anak mo, huwag mo siya murahin in the first place.

Kaya nga nangako ako sa sarili ko na pag ako naging ina, lahat ng ayaw ko sa parents ko hindi ko gagawin sa magiging anak ko. Pinapangako ko sa sarili ko na lalaki siyang masayahin. Minsan lang maging bata ang isang tao kaya please sa mga moms out there do your best para magkaroon ng happy childhood mga anak ninyo. May impact iyan sa paglaki nila.

Shadow Angel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #469 on: March 31, 2016, 04:44:56 am »
^kung hindi mo titiisin magiging cycle lang. Emotional blackmail gingawa ng mom mo. Ikaw lang makakapagdecide kung ano maganda gawin about dahil ikaw mas nakakakilala sa kanya. Tough love ang kailangan para matuto.

Girltalker2

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #470 on: March 31, 2016, 08:26:38 am »

^^ are you staying in the same house? Di mo sya maiwasan?

Move out. Dalawin mo lang weekly with groceries(not cash).

Block her number sa celfone mo para di ka mastress.

Girltalker2

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #471 on: March 31, 2016, 11:16:09 am »

^ nasabi mo na ba sa kanya kung bakit sya ganun magsalita at mag demand?

Baka style nya lang iyan coz based on your story, your Mom reared you on her own, despite the grief she experienced with your dad. Malamang binuhos nya lahat lahat sayo. And she might be expecting you do the same.

Paano ka mag aasawa nyan? Kailangan mo din isama mom mo kasi wala na syang kasama.

Girltalker2

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #472 on: March 31, 2016, 03:34:43 pm »

^ siguro don't give her money nalang. Try to ignore her comments, and always tell her 'Ma I love you but I don't want you to be a gambler. I love you'. Just shower her with gifts and groceries na di nya ma encash.

Girltalker2

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #473 on: April 01, 2016, 11:28:30 am »

^ ay forgot to tell you, u have a friend kasi na ganyan, she is a single mom, and her mom lives with her. So thankful sya her mom is taking care of her daughter while she is at work. The only problem is her mom gambles too. The last time her kwento was she was so disappointed kasi sakto nga lang kinikita nya then malaman laman nya na hindi pala binayaran ng mom nya ang monthly rental nila for 3 months na. So kininfront nya mom nya where the money she gave went, pambayad daw ng 5/6 utang.  Then after she has settled the 5/6 utang and recovered from the late rental payments, may mga 5/6 loan sharks pa naghahabol. This friend was really frustrated. But at the same time, she can't leave her mom alone. Malaki narin daughter nya 15yo. Naiiyak nalang sya every time may issue with the mom.

Gambling is a vice, it is serious, it destroys relationships and the family. If you have to show tough love on your mom, always bear this in mind, it is for her own good and for your relationship with her not to be destroyed.

Sylph

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #474 on: June 01, 2016, 11:49:23 am »
Hello girls! I just want to share some of my not-so-good-feelings towards my mom...

I came from a Chinese-Filipino family and ever since I was a kid, my mom's words cut like a knife. I'm loved by my mom very much (I knew that and I can feel it), but her words towards me and my brother is so sharp that most of the time she would hurt me. I'm not quite sure if this is the outcome of my parents' separation (my dad left us with his secretary kabit) or this is the cause that's why they separated.

I always talk to my mom that she can converse with me in a nice way and not to shout and insult her response back. I always talk to my mom in a nice way but would ended up in an heated argument (95% of the time). I'm not a kid nor teenager anymore. By the way, I'm 34 - mother of 3 children. The only firm response I got from her is that this is her style and if I can't bear with her, then I go away!

I still remember vividly from my 1st pregnancy that she argued with my brother, making my SIL mistakenly thought I said something to my mom about my brother that caused their rift. The argument got big because I got into a fight with my SIL and she even told me she can hire someone to kill me! To bring the story short, my mom just did nothing but tell me just to stay away from their house (She lives with my brother and SIL).

You see, my mom treats everybody nice. Even my SIL did something wrong, di nya pinagsasabihan. Di ko talaga maintindihan bakit ganun sya makipag-usap sakin. One time me, my mom and SIL were in dining table having lunch, I discuss with my mom about something which leads to money matters. My SIL then butt in and said, "kinasal kana so labas kana dito sa bahay. wag kana umasa sa mana dapat. Tignan mo mom ko, wala din nakuha sa parents nya. Lahat andun sa brother nya". In which she expects all the inheritance should surely go to my brother, her husband. Sinabi nya ito sa harapan ng mom ko, and my mom di man lang nagreact.

Another thing that is bugging me right now is... in Chinese, when a daughter gets marry, parents would give dowry. The time I got married, my mom told me she would give me X amount of money but never gets it out from her pocket. She would then ask me if I wanted to get the money na ba? She keep asking and asking and asking but never get the money out. So I thought, talaga ba gusto nya ito ibigay or [textspeak!]? After quite sometime, the so called promised X amount of money got smaller. Still, tatanong lang nya sakin, "ano kukunin mo na ba?" ano gusto mo na ba kunin? Si brother mo sinabihan ko din pero di daw nya kukunin share nya". With respect nalang, I declined. Now that I have 3 kids, sinabi nya sakin sabi daw ng uncle ko, no need to give me mana kasi may [textspeak!] and MIL pa naman daw ako na pwedeng sandalan.

Ouch! A big ouch! words cut, indeed. I'm really not running for the inheritance, really. If my mom give me, well a big thank you. If none, it's ok. But kelangan pa ba nya sabihin lahat ng ito vocally? Sakit kaya! I know in Chinese mas matimbang ang lalake. Sana di nalang sya mangako magbibigay, sana di nalang din nya sinabi literally na di nadin ako kelangan bigyan. I know my mom's worth kasi ako financier at home. I took charge in summarizing her investment's amount yearly.

Lastly, for 13 years of my life (college till I get married), I'm the one charging my dad all our household expenses. I summarized all our expenses, sent it to my dad for reimbursement. The process wasn't easy at all because I have dealt with my dad as he would almost always ignores me or pinapahiya nya ako. Yung money ng mom ko, portion of it comes from here.












hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #475 on: June 12, 2016, 03:55:14 pm »
Wala lang kwenta kausap. Lahat na lang incoconnect sa iyo, wala naman sense. Yung mag aaway lang kayo kasi iniiba ang tema ng pinag uusapan. Mema sabi lang, para may masabi siya sa iyo. Ganun. Mas gusto ko kausap Papa ko, very sensible kausap, sharp, intelligent. Hindi nakakaboba. Kahit mas matanda tatay ko, mas gusto ko kausap si papa. Full of sense.. Hindi yung  ewan kausap.. Tapos, sasabihan kang pintasera, as if naman siya hindi!   Mag uusap kayo for example about Jose Rizal. Mamaya, ipapasok niya about you na. Walang connect! Pag sinabi mo, " ha? Pinag uusapan natin si Rizal, bakit napunta sa akin?" Sagot.. " eh gusto ko eh!" Ayan! Labo labo na usapan! Kaya di ko na siya kinakausap! Naiinis lang ako.

Tatanungin pa sa iyo " bakit? Di ba pwedeng iba ang ipasok na topic? Putek! Paano kayo magkakakintindihan kung si Rizal pinag uusapan, ipapasok ang banggaan sa Edsa shrine, ipapasok ang mga aso.. Ipapasok ang lahat ng gusto niya ipasok?  " ahhh, dapat ba parang karera ng mga kabayo ito?"  Wtf?!  Walang kwenta kausap! Tapos papalabasin ikaw ang wala sa topic. Kaya pag nasa Hk ako, hindi ako tumatawag sa bahay. i dont check on my mom. Ayokong ma stress out sa kanya.  Stressful Kaya when Iam in HK, nakaka refresh! Walang stress kausap na nanay. Di ako pipintasan, sasabihan ng kung ano anong masakit.

Shadow Angel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #476 on: August 21, 2016, 08:08:15 am »
To be honest with you,cut your ties with her. Baka kailangan mo munang hindi magparamdam para malaman nya halaga mo. Isa pa wala ka obligasyon sa kanya sya may obligasyon sayo na hindi man lang ata nya kailaman nya ginawa sayo. Baka niluwal ka lang nya sa mundo dun lang natapos ang pagiging ina nya sayo. Paano mo natatagalan ang ganyan. Wag ka mamalimos Ng pagmamahal. May sarili ka Ng pamilya sila na lang intindihin mo. Balang araw when time comes baka maging ok din kayo. Kapag alam na nya wala ka ng paki sa kanya baka doon lang mauntog.Ilang taon ka na naghintay minsan hindi samang sumuko sa laban. May iba pang taong nagmamahal sayo. Mabait ka lang pero kung ako gangan baka matagalan ko na rin sya itinakwil gaya ng pagtakwil nya sa akin.
« Last Edit: August 22, 2016, 12:32:01 pm by Shadow Angel »

Mari603

  • Guest
Mom and me- advice lang po.
« Reply #477 on: August 22, 2016, 03:10:27 am »
Thanks @shadowangel! Di mo alam kung gaano mo pinagaan ang pakiramdam ko ngayon. Alam ko magiging ok din kami balang araw. Sa ngayon, di ko na talaga kaya. Ganyan din ang mga sinasabi ng mga friends ko. Salamat ulit.

Shadow Angel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #478 on: August 22, 2016, 12:33:42 pm »
^welcome, i hope maging ok ka na.

Mari603

  • Guest
Mom and me- advice lang po.
« Reply #479 on: August 23, 2016, 06:55:06 pm »
Hi @shadowangel,share ko lang sa iyo to, may message na naman kasi ako galing sa mama ko. Grabe ang sakit ng mga pinagsasabi, di na kasi ako nagpapadala ng pera di ba dahil kasi wala talaga kaming pampadala. Kung ano ano na naman ang pinagsasabi sa akin  pinagtulungan nila ako ng auntie ko, auntie ko kasi ang nagpaaral sa akin at ang kapalit non ay suportahan ko ang lola ko na mama nila. Hinde ko daw marating kung ano ang kinalalagyan ko ngayon kung hinde dahil sa auntie ko.  KUng ano ano na ang mga pinagsasabi sa akin wag daw ako pumunta sa burol ng mama ko pag namatay sya. Bakit ganon, bakit puro nararamdaman nila ang iniisip nila. Mabuti pa daw ang ibang tao kinakausap ko, parang gusto ko sabihin mabuti pa ibang tao may malasakit sa akin pero sila wala silang malasakit sa akin. Parang gusto ko silang sagutin tungkol sa nararamdaman ko pero kung sarado kasi ang utak nila wala ring kwenta ang paliwanag ko. Bakit puro nararamdaman nila lagi, kaya ba sila nagkakaganyan dahil hinde ako nagpadala ng pera. Kung puro masasakit na din lang ang sasabihin nila sa akin. Gusto kong dedmahin pero gusto ko din sagutin lahat ng mga sinasabi nila sa akin. Alam ko kaya sila nagkakaganito dahil  wala akong pampadala sa kanila. Grabe sila kung magsalita sa akin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close