Ako, I'm thankful for my mom and I do love her. Thankful ako sa lahat ng efforts niya in providing everything I need pero sa totoo lang, as soon as I'm capable, lalayo na ako sa kanya.
Mula bata ako, kada butil ng bigas na isusubo ko, gusto niyang singilin. Almost everyday nakakarinig "Gusto mo ipasuka ko sa'yo lahat ng mga pinakain ko sa'yo?" Kahit maliit lang mali mo, susumbatan ka agad. Nakakapagod lumaki nang ganon, mga sis.
Nung high school graduation, nagpaalam siya sa boss niya't umuwi from abroad nang mas maaga para makaattend. Naaalala ko pa yung umagang kinuha ko yung toga at program ko sa school. Akala ko matutuwa siya kasi at last, kahit sa high school level man lang, may napagraduate na siya. Ang nangyari disappointed siya't sinigaw-sigawan niya ako. Akala raw ba niya, honor student ako. Napa-huh talaga ako. Never naman akong nagsabi ng ganon. Iyak na lang ako nang iyak nung maghapon na iyon. Kahit umiiyak na ako, sige pa rin siya sa sigaw. Paulit-ulit. "Akala ko ba matalino ka ha?

Sinayang mo yung uwi ko dito!" Buti pa yung nanay ng kaklase kong puro palakol ang grade, ang saya-saya. Ako na mataas ang grade, sinigaw-sigawan lang na parang walang nagawang mabuti. Imbis na masaya ako dahil umuwi pa talaga siya for grad, ang lungkot-lungkot ko nung siya kasama ko sa march and seeing the happy faces of other parents na nasa venue. Sakit pa rin pag naaalala ko.
Nung college din, sinunod ko yung kursong gusto niya. Hurt pa rin ako sa nangyari sa grad pero wala eh. Mama ko yun eh. I wanted her to be happy. Well, that and she kept on threatening me na di niya raw ako pag-aaralin kapag kinuha ko yung kursong gusto ko. Eh nahirapan ako during the beginning. Di ko talaga makita sarili ko dun sa field na yun at di ako sanay na di ako nakakasabay sa classmates ko. Grabe, nagmakaawa ako to the point na umiiyak na ako sa Skype calls namin para payagan niya akong mag-shift, pero she didn't budge. Na-depress ako nun kasi I felt like my life wouldn't turn out any good dahil di naman yun yung path para sa akin. Plus the pressure na kailangan kong makatapos on time kasi kahit elementary years (yes!!!), they already made it a point na ako magpapaaral sa mga kapatid ko kasi nga panganay ako. Ang lungkot na kahit ganon na iyak na lang ako nang iyak sa Skype, mas kinukumusta niya grades ko. Pag kinukwentuhan ko siya ng struggles ko, ayan na naman siya sa "Akala ko ba matalino ka?" Little did she know na sa sobrang dami kong iniisip I was already considering suicide. I'm thankful I found good friends in college kasi otherwise, I never would have made it. Good thing din na I started to appreciate the course eventually and graduated.
Ang malupit na plot twist dito friends ay nung turn na ng kapatid kong magcollege, at kukunin niya yung course na kinuha ko, sabi ba naman ng nanay ko "Bakit yan eh wala namang kwenta yan?

" *VERBATIM* So just when I was starting to live with it, ganon naman siya magsalita eh siya may gusto nun dati.
During my late college years, the thesis years, sobrang active niyang i-threaten ako na di niya ako pag-aaralin everytime magtatalo kami kahit siya naman ang may mali. Di ako pwedeng magworking student kasi those years required us to be at school almost everyday to work on our thesis and other requirements. Kaya naman siguro kung willing akong di grumaduate on time! Eh pag nadelay ako, lalo siyang mabeabeastmode sa akin. Isip na naman ako nang isip eh ang dami-dami na ngang kailangang gawin sa school. Naiinis pa rin ako pag naaalala ko! Imbis na i-encourage ako, dumagdag pa sa isipin ko.
Lagi niyang wineweaponize yung fact na wala pa akong kakayahan at wala akong ibang mapupuntahan ever since when I was a kid. Kuya ko noon, di nakayanan, naglayas, hinanap, only to get hurt again when we retrieved him. Because of that, never kong binalak maglayas kasi nakakahiya lang. Maririnig pa ng buong neighborhood mga sasabihin sa'yo sa lakas ng boses.
Iniiwasan ko na talaga siyang kausap para di na humantong sa ganon pero kulang na lang, bumili siya ng away eh! Tulad kahapon, first "final job interview" ko ever. Pagdating ko, tanong siya nang tanong. Edi kinwento ko na di pa ako tanggap kasi sabi may iba pang candidates na kailangan ding i-assess. Di ko sure kung totoo ba yun o di lang sinabi sa'kin flat out na di ako tanggap. Yung nanay ko, binlow out of proportion na naman! Inaway-away ako kesyo raw pumunta lang ako dun para magpaganda porke I jokingly said "Okay lang. Maganda naman ako eh." Kung pumunta lang ako pala ako para magpaganda, sa Ortigas ako rarampa no para near Megamall! Hindi sa mainit na outskirts ng Caloocan! Pero I really wanted that job! Joke lang talaga yung sa maganda part. Di na ako natuto. Wala nga pala siyang sense of humor. Hanggang sa humaba nang humaba at sinabi niya na kahit saan daw ako magpunta, di raw ako matatanggap. Kahit raw siya, di niya ako tatanggapin. Hindi na rin daw niya ako bibigyan ng pamasahe kasi pabalik-balik daw ako dun kahit second time ko pa lang kahapon. Di naman ako bothered na di ako tanggap eh hanggang sa nagsalita pa siya. Ewan. She gets to me talaga. Iyak ako nang iyak. Anniversary namin ng bf ko kahapon pero di na nagpush through plans namin na pinrepare niya kakangalngal ko. Pagkagising ko nga ngayon, kinukwento niya pa sa tita ko through the phone yung nangyari. Yung sadness ko, akala ko itutulog ko lang tas kinabukasan, okay na. Di pa pala.
Lagi na lang nangyayari yung dapat siya nagpapalakas ng loob ko pero siya pa yung nangdadown. Actually, siya lang yung nangda-down! Wala namang ibang nangdadown sa akin bukod sa kanya.
Sobrang sakit niya magsalita at namamahiya. Naninigaw at nananakit pa in public places. Maitim ako so ang tawag niya sa akin ever since, baluga, kahit in public places. Ang weird kasi siya lang tumatawag sa akin nang ganon with matching facial experession na parang nandidiri. Kaya feeling ko nung maliit ako, kaya tampulan ako ng tukso sa family kasi mom ko rin pasimuno.
Non-sense kausap. Siya lang lagi tama. Siya lang magaling. Kahit mali-mali na sinasabi, siya pa rin. Ending, mag-aaway kami to think siya naman nag-eengage ng conversation kahit ayaw ko siyang kausap. Puro negative lumalabas sa bibig. Inggitera. Sabihin mong maganda si ano, may masasabi pa rin na di maganda.
Nagpapasalamat ako sa lahat ng ibinigay niya pero yun na yun. Pag nagkatrabaho ako, gagawin ko lahat para makabawi para lang wala na siyang masabi! At pag capable na ako, lalayo talaga ako. Distance does us good. Ganon na lang para walang nasasaktan. Nakakapag-I love you lang siya pag nasa abroad pero pag-uwi, walang masabi kundi "kung alam ko lang na ganyan kayo, sana di na lang ako nanganak." Grabe lang? Over overlooked house chores na pwede namang maayos agad? Grabe nega vibes na dulot niya sa buhay ko.
Naiinggit ako sa mga taong super close sa mommy nila. Ako, I get super anxious meeting the mother of my friends. No exaggeration. Takot sa mga nanay. Di ko lang sure kung bunga yun ng bad relationship namin ni Mama. Kaya grabe tuwa ko kapag nalalaman kong mababait moms nila.
Bago ako mag-family someday, aayusin ko sarili ko. Siguro mangyayari to pag nakalayo na ako kasi I can't do it while I'm still around her! Sobrang nega! I don't want to be like her and it scares me that whenever I scold my younger sisters, I sound like her! God, I regret it afterwards and apologize sa kanila kasi sobrang hurtful. Sana mabago ko kasi I don't want anybody to feel the same way as I do around Mama, especially my future kids.