watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170438 times)

Shadow Angel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #480 on: August 24, 2016, 07:41:55 am »
^tama ka pag close minded hindi ka maiintindihan kahit anong paliwanag mo. Kaya better wag mo muna silang kausapin. Wag ka munang mag fb kung sa fb mo sila nakakausap. Gawa ka na lang ng bagong account. Kahit anong gawin mo feeling nila hindi mo sila mababayaran. Makapagpadala ka man ngayon dadating ulit ang time susumbatan ka ulit kapag hindi ka nakapagpadala. Stress lang sila. Kung ako yan nasagot ko na yan. Baka nga masabi ko pa magkalimutan na. Hindi rin naman kapamilya tingin sayo. Maging cycle yan kung hindi mo puputulin ang communication mo sa kanila. Time will tell kung kelan mo sila kaya kausapin na wala ng halong kahit ano.

Mari603

  • Guest
Mom and me- advice lang po.
« Reply #481 on: August 25, 2016, 06:29:06 am »
@shadowangel
Noon ko pa naramdaman na parang gusto ko na lang silang kalimutan pero di ko magawa kasi nga family eh. Kahit anong gawin ko, mali or tama parang wala silang pakiramdam. Tama ka, cycle nga talaga. Paghinayaan ko ulit na maguusap kami, uulitin na naman nila, ilang beses na kasi nangyari ng ganito eh pero hinahayaan ko lang. Tiniis ko lang lahat ng masasakit na salita kasi nga family eh pero nakakapagod din pala pag ikaw na lang lagi nagbibigay at nagpapasensya, di ko na kaya. Maraming salamat Ms. Shadowangel.

Shadow Angel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #482 on: August 27, 2016, 08:11:56 am »
Your welcome.
Anyway what means family to you?
You already have your own family. And isa pa hindi lang blood related ang masasabi mong kapamilya. Minsan pa nga mas mabuti pa ang ibang tao kesa sa sariling kapamilya.

Mari603

  • Guest
Mom and me- advice lang po.
« Reply #483 on: August 31, 2016, 02:58:09 am »
@shadowangel
Kulang kasi ako sa love ng family kaya ganito ako, nagtyatyaga kahit di ko naramdaman sa sarili kong nanay or auntie. Hiwalay din kasi ang mom ko, ni hinde ko nga nakilala ang papa ko. Kaya kahit gaano na kasakit ang naranasan ko sa mom and aunt ko, tinitiis ko lang. Naranasan ko yun love sa family nong elementary pa ako nong buhay pa sila lola and lolo ko. Kaya naging close ako sa mga friends ko kasi sila yun nandyan para sa akin everytime nagkaproblema ako. Tapos lagi pa sinusumbat sa akin na magaling lang daw ako sa mga kaibigan ko, sila kasi yun nandyan para sa akin eh. Takbuhan ko nong high school and college. Kahit nong nakilala ko yun ibang pinsan ko, naging close ko din kaso pinagseselosan pa nila ng mom and aunt ko. Pag nagkaka problema kasi ako di ako makapag confide sa family ko kasi imbes na icomfort ka, sinasabi eh buti nga sa iyo, etc etc. Kaya dun ako sa mga friends ko nagiiyak. Kaya din siguro nangyari tong nagresign husband ko para wala na kaming mapadala kasi di ko na din sila kaya eh. Pinapamukha sa iyo na kaya ako pinagaral para suportahan ang lola ko, which is ginawa ko naman tapos nong nawala na lola ko, suportado ko naman ang mama ko hanggang nagresign ang husband ko, wala na kami mapadala. Sobra na din kasi yun sakit na binibigay nila sa akin kaya nangyayari to. Binibigay ko naman ang mga gusto nila kahit pakonti konti kaso laging ganito pag wala ako naibigay ang sama na ng ugali ko. Pinagtutulungan pa nila ako ng auntie at mama ko. Pag hind eko naibigay ang gusto nila nagagalit sila aside pa sa suporta ng mama ko ha, tapos pag hinde naibigay hinde ka kakausapin lalo na ang auntie ko, ako lagi nagre-reach out sa kanila, ako lagi nagpapasensya, ako nagso-sorry, nakakapagod grabe. Auntie ko kasi natatak sa utak nya na paaral lang kita, parang wala kang karapatan sumagot,kahit nga ang fb ko nagagalit sya pag inuuna ko mag communicate or magcomment dun sa pinsan ko, eh fb na nga lang ang kaligayan kasi nasa malayo ka pakikialaman pa. Personal ko na yun pakikialaman pa. Gusto ka nyang hawakan sa leeg. Parang wala ka ng freedom sa kanila. Eh kung saksakin ko na lang kaya ang sarili ko at ipost sa fb malamang matutuwa pa sila. Bago ko nga sila bi-nlock sa fb, sinumbat pa sa akin kung ano ano sinasabi. Paano ko sila di ibo-block ang sasakit magsalita pati nga sa comment eh, ang papanget ng mga sinasabi. Bawal kang sumagot sa kanila dahil wala ka ng respeto, eh talagang mawawalan ka ng respeto kasi panget ang treatment sa iyo eh. Wala na akong ginawang tama sa kanila. Ang gusto ko lang sana na kahit ngayon lang intindihin naman nila ako kasi di naman ako nagdamot sa kanila, kung wala man akong maibigay, eh wala talaga eh. Kaso ang papanget pa ng mga sinasabi. Kaya nitong huli lang na message nila yun husband ko na pina reply ko tapos nagdeactivate muna ako ng fb kasi di ko na nakayanan. Pasensya ka na @shadowangel na carried away lang ako, naging nobela na to.

Shadow Angel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #484 on: September 01, 2016, 04:34:54 am »
^ok lang nasa ibang bansa rin ako. Kahit ganyan deprived kasa family attention sa husband at anak mo na lang ikaw bumawi at kumuha ng pagmamahal. Isa pa baka pede na baguhin mo na dreams mo na instead maging ok kayo ng mama mo bakit hindi mo na lang pagbutihan maging ina sa anak mo para hindi sya matulad sa situation mo. Maging mabuting asawa at mapanati na buo kayo. Sa ngayon best to do hwag mo muna silang kausapin gawa ka na lang ng new fb new life new friends. Makikita mo mas peaceful.

hidinginseoul

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #485 on: October 12, 2016, 03:04:23 pm »
I thought I was the only who has a weird relationship with my mom.

Generally, my mom is a nice person naman. What I hate lang is siguro [textspeak!] way of speaking niya when she's preaching and masyadong self-righteous. Her words really leave scars. Takot na takot akong magkamali kasi lagi akong nasisigawan. Kaya ang nangyayari tuloy, di ako comfortable kumilos around her. Di ko mapakita [textspeak!] side ko na confident at kayang gumawa ng maayos. Feeling niya kasi kapag di mo ginawa sa pamamaraan niya, mali ka na. Wala ka ng alam.

And I'm not allowed to answer back even if I just want to explain something. Sasabihin niya "walang kwenta yang mga sagot mo". Kaya siguro nagiging defensive ako.

My mom and I are okay naman in other things. Like I'm usually the one who assists her with stuff. Kaya lang pag nagkamali ka, all of a sudden parang lahat ng ginawa mong maganda, di na nagmamatter sa kanya. And minsan nakaka-down, kasi her words will really bring you down. Minsan masama [textspeak!] loob ko kasi minsan siya [textspeak!] inaasahan ko na mag-uplift sa akin, pero siya rin iyong parang nagpapa-down sa akin. Kayso walang bilib sa akin kasi palpak daw ako.

But yea, kahit parboil-baliktarin ko ang mundo, she's still my mom and I still love her but sometimes it's so hard na hindi sumama iyong loob mo.

Kaya mothers, can't live with them but can't live without them.

ayami

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #486 on: October 12, 2016, 04:22:45 pm »
Kanina kakabasa ko lang nitong article na to at medyo nanumbalik yung ilang naranasan ko sa mom ko: https://www.psychologytoday.com/blog/tech-support/201601/5-things-loving-parents-would-never-say Sabi nga sa article na yan e "Words wound just as much, sometimes more, than slaps.".

ninabhel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #487 on: October 13, 2016, 01:46:19 am »
My mom has another family. Anak ako sa pakadalaga. I did not grew up with her kasi laking lolo and lola ako. When I went to college, un yung time na nag stay na ako sakanya with my stepfather and half siblings. Okay kami ng mga kapatid ko, pero sa step dad ko, ewan. hindi ko masabi na casual kami kasi we never talk. Take note 25 years na since kinasal sila ng mom ko. Pag nagagalit yung step dad ko sakin, My mom would never defend me. as in deadma sya. yUng parang d ako nag eexist. Tapos, pag my ibang tao around, hindi nya ako pinapakilala as anak. yung mga Half siblings ko lang ang anak nya. Minsan pinapakilala pa ako as pamangkin. Never nya ako narinig na nag reklamo. I just keep my mouth shut and sinasarili ko nalang yung pain. Lahat ng friends nya, kamag anak ng step dad ko, officemates and mga kilala nila, they know me as pamangkin of my mom, Not as anak. She would tell na anak ako ng sister nya na nasa states. Pag my utos sya I follow. Nakakatakot sya magalit to the point na nasasampal nya ako. The physical pain doesn't hurt me. What hurts me is the words and yung pag tago nya sakin as anak. Take note, hindi na ako baby na pwede itago. Im on my late 20's na. 

babykat

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #488 on: October 13, 2016, 08:05:30 am »
^Are you still living with them?

ninabhel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #489 on: October 13, 2016, 11:46:00 pm »
^Are you still living with them?

Hi Sis,

Hindi na. im renting a place near my office but I still visit them once in a while.

Shadow Angel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #490 on: October 14, 2016, 05:10:04 am »
^buti naman, darating din ang time na sasaya ka rin. Be positive lang what I mean is magkakaroon ng sariling pamilya masasabi sayo at kahit kelan hindi ka itatanggi gaya ng mom mo. Kung ako yan at hindi naman ako tanggap never ko na para puntahan pa. Pagnagka baby ka paano mo explain na ang lola nya hindi alam ng iba na anak ang mommy nya. Malaki lang siguro ang puso mo para matanggap mo na ganyan mom mo sayo.

ninabhel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #491 on: October 14, 2016, 05:51:24 am »

I still visit them dahil sa mga kapatid ko. Wala akong masabi sa mga kapatid ko since super bait nila sakin and hindi naman nila ako trinato na iba. Napakadrama ng kwento ng buhay ko na pwedeng pang MMK. Pero I just let God do his thing. Iniisip ko nalang, hindi forever na matatago nila since lalabas at lalabas din ang katotohanan. Ang alam ko, hindi alam ng side ng step dad ko na my anak sa pag ka dalaga yung mom ko. So pag my handaan and nandun yung side ng step dad ko, its either ipakilala ako as pamangkin or hindi ako invited. Which is nakasanayan ko nalang so minsan deadma nalang. I am just happy na hindi ako napariwara. By the way, ang nag paaral sakin and nag bigay ng lahat ng needs ko eh yung tita ko na nasa states and my grand parents.
Pag nag kaanak ako in the future, I don't intend to sugar coat my life with my mom. I will tell my true story para alam nya kung bakit hindi kami madalas or hindi kami pumupunta sa bahay ng mom and step dad ko.

serpensortia

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #492 on: October 26, 2016, 11:26:29 am »
Ako, I'm thankful for my mom and I do love her. Thankful ako sa lahat ng efforts niya in providing everything I need pero sa totoo lang, as soon as I'm capable, lalayo na ako sa kanya.

Mula bata ako, kada butil ng bigas na isusubo ko, gusto niyang singilin. Almost everyday nakakarinig "Gusto mo ipasuka ko sa'yo lahat ng mga pinakain ko sa'yo?" Kahit maliit lang mali mo, susumbatan ka agad. Nakakapagod lumaki nang ganon, mga sis.

Nung high school graduation, nagpaalam siya sa boss niya't umuwi  from abroad nang mas maaga para makaattend. Naaalala ko pa yung umagang kinuha ko yung toga at program ko sa school. Akala ko matutuwa siya kasi at last, kahit sa high school level man lang, may napagraduate na siya. Ang nangyari disappointed siya't sinigaw-sigawan niya ako. Akala raw ba niya, honor student ako. Napa-huh talaga ako. Never naman akong nagsabi ng ganon. Iyak na lang ako nang iyak nung maghapon na iyon. Kahit umiiyak na ako, sige pa rin siya sa sigaw. Paulit-ulit. "Akala ko ba matalino ka ha???? Sinayang mo yung uwi ko dito!" Buti pa yung nanay ng kaklase kong puro palakol ang grade, ang saya-saya. Ako na mataas ang grade, sinigaw-sigawan lang na parang walang nagawang mabuti. Imbis na masaya ako dahil umuwi pa talaga siya for grad, ang lungkot-lungkot ko nung siya kasama ko sa march and seeing the happy faces of other parents na nasa venue. Sakit pa rin pag naaalala ko.

Nung college din, sinunod ko yung kursong gusto niya. Hurt pa rin ako sa nangyari sa grad pero wala eh. Mama ko yun eh. I wanted her to be happy. Well, that and she kept on threatening me na di niya raw ako pag-aaralin kapag kinuha ko yung kursong gusto ko. Eh nahirapan ako during the beginning. Di ko talaga makita sarili ko dun sa field na yun at di ako sanay na di ako nakakasabay sa classmates ko. Grabe, nagmakaawa ako to the point na umiiyak na ako sa Skype calls namin para payagan niya akong mag-shift, pero she didn't budge. Na-depress ako nun kasi I felt like my life wouldn't turn out any good dahil di naman yun yung path para sa akin. Plus the pressure na kailangan kong makatapos on time kasi kahit elementary years (yes!!!), they already made it a point na ako magpapaaral sa mga kapatid ko kasi nga panganay ako. Ang lungkot na kahit ganon na iyak na lang ako nang iyak sa Skype, mas kinukumusta niya grades ko. Pag kinukwentuhan ko siya ng struggles ko, ayan na naman siya sa "Akala ko ba matalino ka?" Little did she know na sa sobrang dami kong iniisip I was already considering suicide.  I'm thankful I found good friends in college kasi otherwise, I never would have made it. Good thing din na I started to appreciate the course eventually and graduated.

Ang malupit na plot twist dito friends ay nung turn na ng kapatid kong magcollege, at kukunin niya yung course na kinuha ko, sabi ba naman ng nanay ko "Bakit yan eh wala namang kwenta yan????" *VERBATIM* So just when I was starting to live with it, ganon naman siya magsalita eh siya may gusto nun dati.

During my late college years, the thesis years, sobrang active niyang i-threaten ako na di niya ako pag-aaralin everytime magtatalo kami kahit siya naman ang may mali. Di ako pwedeng magworking student kasi those years required us to be at school almost everyday to work on our thesis and other requirements. Kaya naman siguro kung willing akong di grumaduate on time! Eh pag nadelay ako, lalo siyang mabeabeastmode sa akin. Isip na naman ako nang isip eh ang dami-dami na ngang kailangang gawin sa school. Naiinis pa rin ako pag naaalala ko! Imbis na i-encourage ako, dumagdag pa sa isipin ko.

Lagi niyang wineweaponize yung fact na wala pa akong kakayahan at wala akong ibang mapupuntahan ever since when I was a kid. Kuya ko noon, di nakayanan, naglayas, hinanap, only to get hurt again when we retrieved him. Because of that, never kong binalak maglayas kasi nakakahiya lang. Maririnig pa ng buong neighborhood mga sasabihin sa'yo sa lakas ng boses.

Iniiwasan ko na talaga siyang kausap para di na humantong sa ganon pero kulang na lang, bumili siya ng away eh! Tulad kahapon, first "final job interview" ko ever. Pagdating ko, tanong siya nang tanong. Edi kinwento ko na di pa ako tanggap kasi sabi may iba pang candidates na kailangan ding i-assess. Di ko sure kung totoo ba yun o di lang sinabi sa'kin flat out na di ako tanggap. Yung nanay ko, binlow out of proportion na naman! Inaway-away ako kesyo raw pumunta lang ako dun para magpaganda porke I jokingly said "Okay lang. Maganda naman ako eh." Kung pumunta lang ako pala ako para magpaganda, sa Ortigas ako rarampa no para near Megamall! Hindi sa mainit na outskirts ng Caloocan! Pero I really wanted that job! Joke lang talaga yung sa maganda part. Di na ako natuto. Wala nga pala siyang sense of humor. Hanggang sa humaba nang humaba at sinabi niya na kahit saan daw ako magpunta, di raw ako matatanggap. Kahit raw siya, di niya ako tatanggapin. Hindi na rin daw niya ako bibigyan ng pamasahe kasi pabalik-balik daw ako dun kahit second time ko pa lang kahapon. Di naman ako bothered na di ako tanggap eh hanggang sa nagsalita pa siya. Ewan. She gets to me talaga. Iyak ako nang iyak. Anniversary namin ng bf ko kahapon pero di na nagpush through plans namin na pinrepare niya kakangalngal ko. Pagkagising ko nga ngayon, kinukwento niya pa sa tita ko through the phone yung nangyari. Yung sadness ko, akala ko itutulog ko lang tas kinabukasan, okay na. Di pa pala.

Lagi na lang nangyayari yung dapat siya nagpapalakas ng loob ko pero siya pa yung nangdadown. Actually, siya lang yung nangda-down! Wala namang ibang nangdadown sa akin bukod sa kanya.

Sobrang sakit niya magsalita at namamahiya. Naninigaw at nananakit pa in public places. Maitim ako so ang tawag niya sa akin ever since, baluga, kahit in public places. Ang weird kasi siya lang tumatawag sa akin nang ganon with matching facial experession na parang nandidiri. Kaya feeling ko nung maliit ako, kaya tampulan ako ng tukso sa family kasi mom ko rin pasimuno.

Non-sense kausap. Siya lang lagi tama. Siya lang magaling. Kahit mali-mali na sinasabi, siya pa rin. Ending, mag-aaway kami to think siya naman nag-eengage ng conversation kahit ayaw ko siyang kausap. Puro negative lumalabas sa bibig. Inggitera. Sabihin mong maganda si ano, may masasabi pa rin na di maganda.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng ibinigay niya pero yun na yun. Pag nagkatrabaho ako, gagawin ko lahat para makabawi para lang wala na siyang masabi! At pag capable na ako, lalayo talaga ako. Distance does us good. Ganon na lang para walang nasasaktan. Nakakapag-I love you lang siya pag nasa abroad pero pag-uwi, walang masabi kundi "kung alam ko lang na ganyan kayo, sana di na lang ako nanganak." Grabe lang? Over overlooked house chores na pwede namang maayos agad? Grabe nega vibes na dulot niya sa buhay ko.

Naiinggit ako sa mga taong super close sa mommy nila. Ako, I get super anxious meeting the mother of my friends. No exaggeration. Takot sa mga nanay. Di ko lang sure kung bunga yun ng bad relationship namin ni Mama. Kaya grabe tuwa ko kapag nalalaman kong mababait moms nila.

Bago ako mag-family someday, aayusin ko sarili ko. Siguro mangyayari to pag nakalayo na ako kasi I can't do it while I'm still around her! Sobrang nega! I don't want to be like her and it scares me that whenever I scold my younger sisters, I sound like her! God, I regret it afterwards and apologize sa kanila kasi sobrang hurtful. Sana mabago ko kasi I don't want anybody to feel the same way as I do around Mama, especially my future kids.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close