Yung nanay ko, 1 year 2 months di pa rin kami nag-uusap though nasa pinas sya, nasa Sg naman ako.. Sinumpa-sumpa ako ng nanay ko, sobrang sama talaga..
15 Years sya nasa saudi nuon at nasa tita/lola naman kami iniwan nya, umuuwi naman sya every 2 yrs.. Ever since nandun sya, takot kami sa kanya at sobrang nirespeto namin sya, nag-aral kami ng mabuti till nakatapos.. Ganun din kami sa tita ko nag-aruga din sa min.. both namin sila mahal, nirerespeto..
Nightmare came nung umuwi na sya for good.. Pag-uwi nya, sakto nasa Sg naman ako.. So 2 sisters ko nakasama nyang matagal, madami din nangyari sa kanila.. away magkakapatid -tita, tito si mama etc.. Si ate ko, sobra din nangyari sa kanila na ate ko dun na umuuwi sa tita ko.. Ako, nasa gitna kasi both ko sila pinaniniwalaan.. Lahat ng request ng nanay ko na wag tumawag-tawag sa tita ko ginawa ko para i-please sya.. Pero last year talaga (2013) umuwi ako kasi gusto ko ma-feel pagiging nanay din nya sa kin since super depressed ako nun to have a baby (3 yrs TTC kami nun)..
Niloloko nako nila tita, ate na di daw ako makakatiis kay mama.. pero sabi ko, hindi, kaya ko yan.. Pero nanay ko talaga grabe, laging nagku-kwento hidwaan nila ng tita at tito ko nagpalaki sa min. Sinisiraan nya pero ako laging "di naman siguro mama, di ganyan sila tita blah blah" pero ending gusto nya maniwala ako sa kanya at lumabas yung galit ko sa tita-tito ko.. Sobra akong nasaktan. Tahimik pa rin ako pero dada sya ng dada.. Pagtahimik lang ako, bigla na lang sya sumisigaw, way of stress relief nya yun.. ako naman nasha-shock ako.. sabi ko, na-stress ako sa kanya, sabi nya OA daw ako.. tapos hate nya lagi kaming skype ni hubby kasi naiwan sya sa Sg. Gusto nya tumulong ako sa gawaing bahay (11am mainit na kaya sa labas) sya kasi bawat oras laging may ginagawa.. Sa argument, gusto nya lumabas ang galit ko.. nagsisigaw na sya na dinig ng mga kapitbahay - ako bilang professional, di ko ata deserved na sobrang mapahiya ng ganito.. Ganito din ginawa nya sa mga kapatid ko. Ginawa ko, lumayas ako, dun ako kina tita ko.. lalo sya nagalit.. Eh san ako pupunta?! Tapos nung andun na sya, dun na naman sya nagsisigaw blah blah..
Di ko deserved ginagawa ng nanay ko.. wala akong kasalanan talaga.. Gusto nya magalit ako sa tita ko na wala naman ginawa sa akin/amin. Both namin silang mahal, yung tita ko never minsan nagpakita ng masama sa min. Mama ko lang, sobra kung makasakit ng feeling. Sinumpa pa nya, pagnamatay daw sya, gagawin nya ang lahat para di daw kami umasenso blah blah.. sobraaang sakit

.. Consistent ako nagbibigay financially and all, that time pa nasa peak ako ng depression, di na sya naawa talaga..
Pinabalik na lang ako ni hubby ng Sg. Ako, siniraan na naman ni mama sa sister ko.. Sobrang bitbit ko mga ginawa ni mama. Pero nung next month, naging tuloy-tuloy blessings nangyari sa akin, nakabalik ako ng work, na-promote ako sa manager (daming na-appreciate sa kin), and greatest blessing, unexpectedly nabuntis ako..
Kung naalala ko mga ginawa ng nanay ko, naiiyak pa rin ako sa trauma.. pero naaawa ako sa kanya dahil dami nyang burden binibitbit sa dibdib nya. Ngayon dapat uuwi ako para dun manganak, nalaman ko na naman, nag-away-away uli sila dun, sobrang hate ng mama ko tita ko talaga.. Di ko magawang kumampi sa nanay ko dahil wala naman ginawang masama tita ko. Sabi nya, lahat ng sacrifices ng tita ko nun, binayaran na daw nya ng alahas, ouch talaga. Kaya dito na lang ako, lumayo sa stress.
Sorry, napahaba hehe.. pero di ko na mapapagkatiwalaan nanay ko kasi basta paggalit na sya, sya na hari ng lahat, wala ng pakialamanan.. Di din kasi uso sa min ang mag-sorry sa mas bata, kaya di daw sya magso-sorry sa kin. Sila ng mga tita ko, tita ko laging nagso-sorry kay mama kahit di nya mali kaya di naso-solve problema kasi paulit-ulit..