watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170721 times)

funstuffjoan0109

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #420 on: February 13, 2014, 01:02:20 pm »
May mga ganun talagang nanay, psychological kasi nila yan.,

jainacute

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #421 on: February 21, 2014, 05:14:39 pm »
Do you feel the same way towards your mother?

Ako it started lately lang. Actually kasi, noon pa lang may mga tampo-tampo na ko sa kanya. Kasi mas favorite nya ang younger sis ko. Though she doesn't admit it of course, pero I can feel it, I can see it.

Magkaiba kami ng sis ko, ako yung tipong responsible and masunurin type na anak. Yung sis ko is more of the independent type pero hindi naman rebeldeng anak. Since we were young, ako yung laging napapagalitan bcoz I'm clumsy, I wet my bed, etc. Yung sis ko naman is super lazy doing household chores, mahirap utusan, etc. so I end up doing all of the chores instead. Sometimes I thought that it's kinda unfair, pero ni minsan wala akong naging ill-feelings or inggit towards my sis.

So the pattern goes on until we grew up. Nung may work na kami ng sis ko pareho, bumukod na kami sa parents, pero hindi kami magkasama ng house na ni-rent. Kasi I'm organized, si sister naman is mejo makalat sa bahay. Tapos, ako pa rin yung laging mas nakaka-alalang dumalaw sa parents, ako pa rin yung mas nakakaalalang magbigay ng money, etc. But everytime I visit them, mom would always ask me "Where's your sister?". Whenever I text my mom, feeling nya lagi is yung sister ko yung nagtetext sa kanya. So next time na magkita kami, magkukwento sya kung anong pinag-usapan nila ng sis ko sa text... eh samantalang ako naman yung ka-text nya nun. Tapos pag Xmas, laging mas bongga ang gift nya kay sis kesa sa akin. I tried talking to her about it, pero sya pa ang nagalit. I'm accusing her of something that is not true daw. So ang nangyari... ako pa rin ang nag-apologize.

Then, nung mag-bf pa lang kami ni hub, gusto sana namin buy muna house then kahit simple wedding na lang. Kaso my parents didn't want a super simple wedding coz shempre invited pa mga relatives. So hindi muna kami bumili ng house and nagpakasal muna. After a year, mom just found out that my sis and bf bought a house, almost same date as my wedding date, and sis just hid it from us. Then she got married recently, a super simple wedding... and mom agreed on that without any qualms.

Then recently lang, some accident happened to me so I consulted a doctor, and I discovered a serious illness. Pero the symptoms of this illness was evident na since I was a kid. I just didn't know why my parents ignored those symptoms that time and hindi man lang ako nagawang ipacheckup sa doctor.

And now when I think about my life...those memories of my childhood sa parents ko, I feel sad and upset. I feel sad coz I know, the cycle of favoritism between me and my sis will never be resolved no matter what I do. I'm upset bcoz, I'm at this stage of my life now that it doesn't matter anymore if mom doesn't love me that much, as long as I have my husband, pero it seems like my illness which has uprooted from my sad past as a child might hinder my happy future. I'm starting to hate it, why mom didn't even bother to bring me to a doctor when I was still a kid. Samantalang when my sis got sick din nuon, I remembered them staying at the hospital and leaving me at home with my aunt. I feel so bad it hurts too much.

By the way it's my mom's bday next week and I'm planning not to go. I'm not sure if I already have the guts to face her, since they don't know yet about my illness.

Please enlighten me sisses...

Tinanong mo na ba sa mother mo kung ampon ka?

kasi dapat pantay lang pagmamahal ng mother sa mga anak niya kasi sa tiyan niya galing iyon, inalagaan kayo at pinakain at pinagaral pa.

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #422 on: February 28, 2014, 02:24:24 pm »
my mom is not perfect pero i can say she is ok. madami kaming differences, yes. as in super dami. pero tinitingnan ko nalang na andito parin siya kahit gusto na niya ako isuka. wala ata siyang choice kase anak niya ako.

naiinis lang ako kase ulit ulit yung sinabi niya. kase pag dating sa kapatid ko, laging kapatid ko tama. nakakainis lang.

dati, i used to "hate" her... pero syempre i realized that "hate" is a strong word. naiinis lang ako sa kanya at pag minsan nabubusit pero love ko parin siya kase siya nagluwal sa akin sa earth and hindi naman niya ako pinababayaan... mas pinapaboran lang talaga niya kapatid ko... and nasasanay nalang talaga ako.

EJ2526

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #423 on: March 01, 2014, 08:59:05 am »
Masama ba akong anak kung mas pipiliin kong maghiwalay ang mga magulang ko?
Hindi ko na kasi talaga alam kung magbabago pa mother ko. She's getting worst than ever. Incident happened last time nagpunta relatives ng bf ko then hindi man lang hinarap ng mother ko hiyang hiya tuloy ako. Tapos nagalit sakanya papa ko dahil sa inasal nya tapos sya pang galit. Nakakainis lang i can't take her attitude. She's getting immature.

wizard

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #424 on: March 02, 2014, 06:01:23 pm »
Pagusapan nyo magina problema mo kasi mahirap naiipon mo lang sa loob mo.

EJ2526

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #425 on: March 02, 2014, 07:07:09 pm »
^Hindi kasi ganun ang mother ko. Ayaw nya ng seryosong usapan lalo na pag tungkol sa issues. I remember before i tried to say sorry for all i've done then sagot nya is "tigilan mo nga ko paganyan ganyan ka pa" After that never ko ng inulit.

marsh_candy

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #426 on: March 04, 2014, 07:06:02 pm »
Yung nanay ko, 1 year 2 months di pa rin kami nag-uusap though nasa pinas sya, nasa Sg naman ako.. Sinumpa-sumpa ako ng nanay ko, sobrang sama talaga..

15 Years sya nasa saudi nuon at nasa tita/lola naman kami iniwan nya, umuuwi naman sya every 2 yrs.. Ever since nandun sya, takot kami sa kanya at sobrang nirespeto namin sya, nag-aral kami ng mabuti till nakatapos.. Ganun din kami sa tita ko nag-aruga din sa min.. both namin sila mahal, nirerespeto..

Nightmare came nung umuwi na sya for good.. Pag-uwi nya, sakto nasa Sg naman ako.. So 2 sisters ko nakasama nyang matagal, madami din nangyari sa kanila.. away magkakapatid -tita, tito si mama etc.. Si ate ko, sobra din nangyari sa kanila na ate ko dun na umuuwi sa tita ko.. Ako, nasa gitna kasi both ko sila pinaniniwalaan.. Lahat ng request ng nanay ko na wag tumawag-tawag sa tita ko ginawa ko para i-please sya.. Pero last year talaga (2013) umuwi ako kasi gusto ko ma-feel pagiging nanay din nya sa kin since super depressed ako nun to have a baby (3 yrs TTC kami nun)..

Niloloko nako nila tita, ate na di daw ako makakatiis kay mama.. pero sabi ko, hindi, kaya ko yan.. Pero nanay ko talaga grabe, laging nagku-kwento hidwaan nila ng tita at tito ko nagpalaki sa min. Sinisiraan nya pero ako laging "di naman siguro mama, di ganyan sila tita blah blah" pero ending gusto nya maniwala ako sa kanya at lumabas yung galit ko sa tita-tito ko.. Sobra akong nasaktan. Tahimik pa rin ako pero dada sya ng dada.. Pagtahimik lang ako, bigla na lang sya sumisigaw, way of stress relief nya yun.. ako naman nasha-shock ako.. sabi ko, na-stress ako sa kanya, sabi nya OA daw ako.. tapos hate nya lagi kaming skype ni hubby kasi naiwan sya sa Sg. Gusto nya tumulong ako sa gawaing bahay (11am mainit na kaya sa labas) sya kasi bawat oras laging may ginagawa.. Sa argument, gusto nya lumabas ang galit ko.. nagsisigaw na sya na dinig ng mga kapitbahay - ako bilang professional, di ko ata deserved na sobrang mapahiya ng ganito.. Ganito din ginawa nya sa mga kapatid ko. Ginawa ko, lumayas ako, dun ako kina tita ko.. lalo sya nagalit.. Eh san ako pupunta?! Tapos nung andun na sya, dun na naman sya nagsisigaw blah blah..

Di ko deserved ginagawa ng nanay ko.. wala akong kasalanan talaga.. Gusto nya magalit ako sa tita ko na wala naman ginawa sa akin/amin. Both namin silang mahal, yung tita ko never minsan nagpakita ng masama sa min. Mama ko lang, sobra kung makasakit ng feeling. Sinumpa pa nya, pagnamatay daw sya, gagawin nya ang lahat para di daw kami umasenso blah blah.. sobraaang sakit  :( :'(.. Consistent ako nagbibigay financially and all, that time pa nasa peak ako ng depression, di na sya naawa talaga..   :(

Pinabalik na lang ako ni hubby ng Sg. Ako, siniraan na naman ni mama sa sister ko.. Sobrang bitbit ko mga ginawa ni mama. Pero nung next month, naging tuloy-tuloy blessings nangyari sa akin, nakabalik ako ng work, na-promote ako sa manager (daming na-appreciate sa kin), and greatest blessing, unexpectedly nabuntis ako..

Kung naalala ko mga ginawa ng nanay ko, naiiyak pa rin ako sa trauma.. pero naaawa ako sa kanya dahil dami nyang burden binibitbit sa dibdib nya. Ngayon dapat uuwi ako para dun manganak, nalaman ko na naman, nag-away-away uli sila dun, sobrang hate ng mama ko tita ko talaga.. Di ko magawang kumampi sa nanay ko dahil wala naman ginawang masama tita ko. Sabi nya, lahat ng sacrifices ng tita ko nun, binayaran na daw nya ng alahas, ouch talaga. Kaya dito na lang ako, lumayo sa stress.

Sorry, napahaba hehe.. pero di ko na mapapagkatiwalaan nanay ko kasi basta paggalit na sya, sya na hari ng lahat, wala ng pakialamanan.. Di din kasi uso sa min ang mag-sorry sa mas bata, kaya di daw sya magso-sorry sa kin. Sila ng mga tita ko, tita ko laging nagso-sorry kay mama kahit di nya mali kaya di naso-solve problema kasi paulit-ulit..

Superjoie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #427 on: March 04, 2014, 08:12:18 pm »
@sis marsh, ano kaya ngyari sa mommy mo kaya naging ganun sya no? nasan dadi mo? if u dont mind me asking. :) ano work nia sa saudi? sobrang hirap kasi ng buhay dun lalo na kung may naiwan ka na mga anak sa pinas(torture evryday as described by my dad), hindi kaya nadepress sya dun?

marsh_candy

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #428 on: March 04, 2014, 09:57:07 pm »
hi sis Superjoie, binasa mo pala talaga.. thanks.

Yung mama ko, DH sya dun sa saudi pero kahit di pa sya dun.. ganun na talaga ugali nya, bata pa lang daw talaga matapang na sya, sabi ng tita ko.. Ang nakikita kong dahilan kay mama, galit sya sa mundo.. galit sya sa mga taong umasenso na sinuwerte ng mabilis, galit sya sa kahit kanino na tinulungan nya pero walang balik-tulong sa kanya kasi yung brother nya, naungkat after 20 yrs, galit sya kasi pinagtapos ng school tapos sya hindi pero di daw tumulong.. Galit sya sa mga taong masaya. Masaya kasi kami nung wala pa sya, sharing etc.. pero nung andito na sya, lahat kami nagulo na.. di sya nagbibigay kasi swerte daw kung bigay lang dapat paghirapan.. kahit pera na namin, ayaw nya magbigay kami.. tapos nagtatanim ng galit talaga.. kahit nagsorry at tapos na, uungkatin pa rin..

Galit sya sa papa ko kahit RIP na si papa.. pero dati yun.. mga bata pa lang kami laging bungaga ni mama dinig namin, si papa kasi tahimik lang naman yun.. warfreak kumbaga si mama.. bata pa kami, walang takot yan pupuntahan kabitbahay namin hehe..

Isa pa, galit sya sa side sa papa ko, ayaw nyang makipagreconcile kami dun.. kaya lumaki kami di close sa kanila, pero now narealize namin ok naman.. sya lang di maka-move on talaga.. Nung last year, nagalit ako kasi may pinsan kami from iloilo, first time namin nakita tapos nagmention ba naman na lahi ng may mental issues.. taklesa kasi yun.. tapos nung nag-away na kami, sinabihan ko na "wag ka naman magganyan na may lahing sira ulo sa side nina papa, nakalimutan mo anak kami ni papa" tapos react lang sya na nag-aagree.. sobrang painful.. :'( kaya sobrang trauma ko talaga until now.. Sabi ko lang sa tita ko, magsorry sya, pero sabi ni tita, di nga raw uso yung sorry sa kanila.. Tapos pinipigilan ko lang talaga emotions ko, pero lagi sya naninigaw na para bang gusto nya ilabas galit ko.. para akong monster nun, sa galit ko, lalaban nako kasi sobra na talaga.. nagdilim paningin ko pumasok na lang ako ng kwarto, tumawag ako sa tito ko na kunin ako sa bahay.. tapos sumunod na naman sya kina tita, 2nd time na gulo yun.. tapos dun na, nagpabili nako ticket, bumalik nako ng singapore.. di nako nagpa-alam sa kanya..

Tapos nalaman ko rin kasi after ko magkawork, nagpapadala pa rin ako pera sa kanya.. 10k/month.. sya pa raw galit.. padala ng padala di man lang daw ako tumatawag.. nakikita ko sa mama ko, ang dilim ng aura nya sobra.. kaya sya lang talaga sa bahay ngayon. DAti si tita ko nagagalit sa min kasi pagpasyahan na raw si mama, sya na mismo nakaexperience.. takot na rin sila lahat sa kanya.. Nakakaawa pero ewan ba.. a simple sorry, pakumbaba kelangan ng mama ko sa ngayon talaga, let go all hatred... forgiveness etc. pero na stuck pa rin sya sa ganyan.

babykat

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #429 on: March 05, 2014, 09:23:01 am »
^ Sis, di kaya may problem or pinagdadaanan mama mo?  It could her rage and anger are actually a call for help, di nga lang madiretso.  Wala ba sya nagging problem sa Saudi while working there for so many years?


younis

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #430 on: March 05, 2014, 10:42:26 am »
^^I think may pinaghuhugutan ang Mommy mo. Why don't you try to talk to her heart to heart, tanungin mo sya kung saan ba nanggagaling ang galit nya sa mundo? I-assure mo sya na everything will be alright and she doesn't need to worry.

Sa nakikita ko sa mommy mo, takot sya, dinadaan lang sya sa tapang. Talk to your Mom and tell her na andyan ka lagi to support her no matter what, instead na sigawan mo sya or kalabanin, it will add more hurt to her if you do that.

marsh_candy

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #431 on: March 05, 2014, 01:10:36 pm »
Thanks mga sis sa pagbasa ng istorya ng buhay ng mama ko hehe..

As for kausapin ng masinsinan, uunahan mo sya ng ganyan nagagalit na sya.. kahit sino pa mahabang pasensya kakausap sa kanya di sya makikinig.. kaya kaw na talaga ang susuko sa kanya.. sobraaaaang tapang nya talaga.. nung nag saudi sya, puro kwento naman nya na yung nakasama nya ganto ganyan kaya di pwde sa kanya.. lumalaban din sya.. pagkinakausap namin sya, lagi sya nagbe-beg na sa buong buhay nya sa lang daw..wala syang katuwang (eh kasi inaaway nya papa ko nun, laging may reklamo accdg sa standards nya)..keso buti parents ng hubby ko dalawa sila.. and sometimes to the point nagla-lie sya at mahilig sya magbrainwash talaga.. aming magkakapatid, paggalit sya sa isa tatawag kagad sa iba tapos uunahan magreason out na sya ang kinawawa.. tapos nagco-compare pa sya yung nakakasakit talaga..

As in mga kwento nya sya laging api.. masakit lang talaga sabihan ka na lahi kami ng baliw dahil sa side ng papa ko.. dami nya frustrations talaga na she blames people around here na lang. 61 yrs old na sya now pero sobrang tapang pa rin. Ate ko uuwi dapat this year from canada, nagrequest sina tita na dun sya uuwi kay mama pero ewan lang..parang ayaw na umuwi hehe lahat talaga takot sa kanya na..kaya mauubos talaga pasensya sa kanya.

Superjoie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #432 on: March 06, 2014, 02:39:09 pm »
Hello sis Marsh! based on your description.. kulang ang mama mo, kulang sa pagmamahal.. o hindi nia maramdaman na may nagmamahal sa kanya kaya ganyan ang asta nia. For me, siguro, stop the talking,  napatunayan mo na naman na ang style na yan is not effective when it comes to connecting to your mom. Ipakita nio na lang magkakapatid na love nyo ang mama nyo. More on showing than merely talking. Hindi magiging madali, kasi hindi naman in one snap magbabago yan si mama mo.

The next question now is, how you can show love. Start ka sa small things, like dalan mo sya ng food, linisin mo bahay na tinitirhan nia or even just the kitchen. Punta ka lang sa bahay nia. Bubungangaan ka nun for sure, but let her be sis. Just listen to her. Don't judge her. Just show your love by being patient with her.

I would also suggest that don't focus on negative things about her. It will not help you or your mom. It will just cause frustration and loneliness. Focus on love sis. :) Ang tunay na pagmamahal ay ang pagmamahal sa isang tao kahit na hindi na sya kamahal mahal. Loving the unlovable ika nga. Though as I think you also heard, loving is not easy. It takes commitment and grace from God. So sis, just keep on praying and ask for God's guidance.

Don't give up on your mom. You only have one. :)
« Last Edit: March 06, 2014, 04:25:12 pm by Superjoie »

fgl35

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #433 on: March 06, 2014, 03:38:27 pm »
Thanks mga sis sa pagbasa ng istorya ng buhay ng mama ko hehe..

As for kausapin ng masinsinan, uunahan mo sya ng ganyan nagagalit na sya.. kahit sino pa mahabang pasensya kakausap sa kanya di sya makikinig.. kaya kaw na talaga ang susuko sa kanya.. sobraaaaang tapang nya talaga.. nung nag saudi sya, puro kwento naman nya na yung nakasama nya ganto ganyan kaya di pwde sa kanya.. lumalaban din sya.. pagkinakausap namin sya, lagi sya nagbe-beg na sa buong buhay nya sa lang daw..wala syang katuwang (eh kasi inaaway nya papa ko nun, laging may reklamo accdg sa standards nya)..keso buti parents ng hubby ko dalawa sila.. and sometimes to the point nagla-lie sya at mahilig sya magbrainwash talaga.. aming magkakapatid, paggalit sya sa isa tatawag kagad sa iba tapos uunahan magreason out na sya ang kinawawa.. tapos nagco-compare pa sya yung nakakasakit talaga..

As in mga kwento nya sya laging api.. masakit lang talaga sabihan ka na lahi kami ng baliw dahil sa side ng papa ko.. dami nya frustrations talaga na she blames people around here na lang. 61 yrs old na sya now pero sobrang tapang pa rin. Ate ko uuwi dapat this year from canada, nagrequest sina tita na dun sya uuwi kay mama pero ewan lang..parang ayaw na umuwi hehe lahat talaga takot sa kanya na..kaya mauubos talaga pasensya sa kanya.

oh my god!! this is exactly how my mom is like.. akala ko nag-iisa lang ako >.<

When I was younger, hirap na hirap ako makisama sa kanya... she is still way too alert :P lahat yata ng masasamang salita, nasabi na nya sa amin ng sister ko and just like you, she calls up her friends para maghanap ng kakampi, then kinukuwento ng mom ko samin na sabi ng friends nya walang hiyang anak kami.. routine na yan for years tuwing mag-aaway kami.. kahit matapang parin sya, may times na she still needs me to help her with things, kahit di nya aminin dahil sa sobrang pride chicken nya. She is getting physically weak so I dont argue much with her anymore. I thought what's the point? Matigas talaga ulo ni mommy ko. I argued with her for years until there came a point where everything she says dont affect me anymore. Naging manhid nako. Not angry, manhid lang. She still enjoys threatening me pag nag-aaway kami. At her age now, she is still like that (age 77), and with tantrums getting worse, I learned how to outgrew her and not be affected. As long as I have my hobbies, I'll be just fine. Ganun lang kasimple :) I used to hate her so much, but hate can be so exhausting!

marsh_candy

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #434 on: March 06, 2014, 06:48:25 pm »
Hi sis Superjoie, thanks sa inputs sis.. :)

Actually, di rin namin maintindihan kasi love naman talaga namin sya.. kahit ako, kahit bata pa ko nun, middle child syndrome ba o ano pero si mama kasi nagco-compare sa aming tatlo.. sa murang edad, di mo pa maintindihan yan diba so dapat i-explain mo bat mo ginagawa yan.. like, magcomment sya na, "sa inyong tatlo, si ano ang matalino.. si ate mo, marunong na magblah blah blah.." pero kasi sa totoo lang, sa aming 3 magkakapatid kasi, ako yung nag-eexcel or independent so ako bilang anak, I need appreciation din kasi bitbit ko yung pain.. kung sa isip nya, baka kako lumaki ulo ko or something pag-ina-appreciate ako kaya nya ginagawa yun.. Kaya yung movie na "4 sisters and a wedding" sobrang nakaka-relate ako.. Kaya nung umuwi na sya for good, wala akong ginawa kundi lagi syang i-please... kahit yung tita nag-aaruga sa min parang ini-snob ko kasi ni-request nya na or sometimes laging nagmamakaawa na masakit para sa kanya na mas excited kami dun kina tita kesa sa kanya.. pero hindi talaga..

Ayaw lang talaga namin sa kanya yung naninira sya, magsasalita ng masakit para siraan lang nya yung tao, kahit kami na anak nya, at lagi..laging damdamin nya inuuna parati, magsabi ng masasakit para lang maging ok pakiramdam nya.. Kaya nga nung umuwi ako, sabi nila.. tatahimik lang ako pero maliit lang kasi bahay namin, bigla na lang sya sisigaw sa galit na di ko alam na galit pala sya.

Nakakaawa, totoo.. pero nagtry na kami kahit anong strategies pero wala talagang nakakatagal.. di lang naman kami dapat ang tutulong, sya din.. pero pano nya magagawa yun kung in denial sya? Tapos ang dami nyang assumptions na bad na akala nya talaga totoo.. like uuwi ako ng bahay galing sa friend ko, bigla sya magtatanong na "ano na naman kinu-kwento ng mga tita/tito mo sa yo?" eh di naman sya naging topic dun kasi nga kaakibat name nya "stressed" kina tita kaya di sya nababanggit dun.

Bitter sya sobra.. paulit-ulit ang topic nya mga ginawa ng kapatid nya, ni papa, mga tita ko o kami kahit ilang beses na nagsorry.. Buong buhay nya kasi sobrang pinaghirapan nya tapos minsan di nakukuha.. as lagi nyang panaginip raw na, kahit anong lipad nya pataas, mababa pa rin daw lipad nya.. kaya galit sya sa mga taong madali lang nakamtan yung dream nila kasi sya matanda na pero yung dream nya di pa rin nakukuha.. diba may ganun, sobrang maiinis ka na di nakuha gusto mo i-achieve kahit sobrang naghirap ka.. Kaya sa dami ng experience nya sa buhay, di na sya nakikinig kasi napagdaanan na raw nya, instead dapat may wise way pero hindi sya nakikinig kasi nga "pride". Yung mentality na ma-pride, never talaga yan makikinig.. kaya kung saan sya nuon, same mentality, ganun pa rin mangyayari..  hanggang may babaguhin ka. Yun dapat sa kanya, baguhin nya sarili nya.. andito kami lagi sa kanya..

Girltalker2

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #435 on: March 08, 2014, 08:04:22 am »

Pagdating sa mga parents natin, I don't think na puede pa sila magbago. Sa age ba naman nila, given na iyon.  All we can do is accept them as they are.

Tayo naman bilang mga anak, since adults na tayo ngayon, tayo nalang umunawa. Puedeng nagkaron ng negative effect satin yung mga pinagagagawa ng parenta natin noong mga bata tayo, but I guess that's the best way they know how.  Kahit pa ngayon based on our opinion ay hindi tama ang pagpalaki sa atin ng magulang natin, pero sa mata ng parents natin eh walang mali --- the ball is in our court now to be more understanding, as mature adults.  Kasi tingin ko naman, tayo ang mas nakapag-aral, tayo ang mas exposed, kaya dapat lang din na tayo nalang ang mas umunawa.

 

EJ2526

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #436 on: March 08, 2014, 02:00:30 pm »
Mahirap na talaga umasa na magbabago ps sila. Kaya lang shempre hindi rin ganun kadaling tanggapin at intindihin sila. Kung ano mang mga bagay yung magawa natin dahil din sa inaasal nila, hindi natin kasalanan yun. Tao lang din naman tayo.

helenoftroy2013

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #437 on: March 15, 2014, 02:05:37 am »
I hate my mom! I super hate my sister!  >:(

Mama ko hindi nakikinig sa akin, Yung ate ko naman pabigat sa buhay. 3 years na siya tapos sa college wala pa rin trabaho. Ngaun siya na nagmamanage ng online shop ni mama tapos yung mga bayad ng customers sa sarili niya bank account napupunta yung pera. Ang kapal ng mukha! Nakakaasar! Sinabi ko na kay mama yun eh. Hindi nakikinig ang dami palusot para kay ate. Kesyo ganto ganyan. Palibhasa kasi nasa ibang bansa siya kaya hindi niya alam na araw araw umaalis si ate at paworkshop workshop pa siya. Halos wala na napupunta sa bank account mismo ng shop eh dun kinukuha daily expenses naman 3 na college at dorm at tuition tapos etong l*che ko ate wala ginawa kung hindi gamitin yung pera na para dapat sa amin. Hello dapat kaya mag work na siya tagal na niya nakatapos tapos nasa bahay lang siya. Kapal talaga ng mukha ng ate ko eh. Tong mama ko naman hindi nakikinig. Hayy. Kaasar. Concern lang ako kasi nagttrabaho siya sa ibang bansa para mapagaral kami tapos yung pera na para sa sa panggastos namin eh napupunta sa ate ko na wala naman ginawa kung hindi magpakasarap sa buhay. Nakakaasar talaga!!!!  >:(

ikaela

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #438 on: March 15, 2014, 09:57:06 pm »
^Nako, and daming thread ngayon na puro ganyan ang kwento. Buti nga ate mo, siya talaga nagpapatakbo ng business at may kita pa siya na nabubulsa. And three years pa lang mula nung nakagraduate siya? Kuya ko hindi nakapagtapos, mid-30s na wala pa rin trabaho, and ang binubulsa niyang pera ay yung retirement income ng parents namin. Kahit anong kausap ko sa mom ko, wala, ayaw makinig. Ako pa ang ginagawang contrabida, na bakit hindi ko na lang daw hayaan sila!

bellalicious

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #439 on: March 27, 2014, 10:32:03 am »
I love my mom, but sometimes I hate her for loving my father too much and naging t**** and sobrang martyr na siya. Ilang beses na siyang pinangakuan na dadalhin sa States until now nandito pa din siya sa Pinas, 30 yrs na siyang naghihintay. Mahal ba talaga, oh.. shunga lang!

I think, ang daming mga maling desisyon ng nanay ko, kaya until now ganito pa din ang buhay namin. I'm an only child, my mother took care of me, but never naging maginhawa buhay ko. Di ko nga alam kung paano kami nagsurvive na dalawa kasi nag-stop na siya mag-work since 7 yrs old pa lang ako, because my father told her to stop working and he will take care of anything. Si mother, sumunod naman kay father, wrong move. Kasi simula noon naging magulo buhay namin. Sabi ng tatay ko, dadalhin niya daw kame sa state, but until now dito pa din kame sa Pinas.

I really love my mom, because she took care of me very well, kahit salat ako sa material na bagay, busog ako pagmamahal.. so never akong naiinggit sa iba. And because of her, nakapagtapos ako ng pagaaral.. nabaon siya sa utang kasi every 3 to 4 months lang nagpapadala ang tatay ko.

But there are few times that I hate her so much, na gusto ko ng sumuko at iwan siya. Ayaw makinig sa mga payo ko and naging dependent na siya sakin. Ever since kasing nagstart na ko magwork, ako na ang breadwinner. Gusto ko ng bumukod ng bahay kasi may sarili na kong family pero di ko siya maiwan. Naiinis pako nung mga time na nagchchange ako ng job, nagagalit siya kahit di niya ipakita, naiinis siya kasi lage niya ko sinusungitan at di niya ko inaasikaso. Pinaparamdam na wala kang silbi sa magulang..

Napaka masunurin ko naman, to the point na di muna ako nagpakasal kasi ayaw ng mother and father ko. Sabi ng mother ko, sumunod daw muna ako. Lage ko siyang iniisip paggagawa ako ng desisyon.. pero parang di nila iniisip yung ikakaligaya ko.

Naiinis pa ko, kapag naririnig ko sa magulang ko na "Ang swete nila, yung anak nila nagwork abroad at nakakatulong sa pamilya". I'm like, wtf, never ba kong tumulong sa kanila, utang na loob.. I want to get out of the house and start my own life and family, pero nagsakripisyo akong wag iwan ang nanay ko.. ako lahat gumagastos.. at napakamasunurin ko sa kanila.. talagang umusok yung tenga ako sa mga naririnig ko..

Haist! sarap maglabas ng sama ng loob..  >:(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close