watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170818 times)

bpa

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #380 on: April 30, 2013, 06:23:37 pm »
not hate, but more of i don't really "love". "ayaw daw" kase nya saken nung baby ako sabi ng lola ko. naiingayan daw pag umiiyak ako so lola ko ngpapatahan saken. mas favorite den nya yun 2 siblings ko (takot cia sa "kuya" ko and mas close cia sa sis ko). lumaki ako na di talaga close sa kanya. di ko nga cia kinakausap, di ren naman nya ko kinakausap. mas close ako sa father ko. feeling ko kaya ayaw paren nya saken nun bata na ko kase lahat nasusunod nung father ko. pag may gusto ko, cia inuutusan ng father ko bumili. hehe. now, i'm married the only thing that changed mas kinakausap na nya ko (kase may favor ako ginawa sa kanya). but still not close. i think that won't change coz feeling ko kaya lang naman mas "mabait" na cia saken coz of the favor. 

DasmaMama

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #381 on: May 07, 2013, 02:05:08 pm »
Been here, ang tagal kong nagalit sa mama ko dahil feel ko talaga na mas love nya mga kapatid ko kesa sa akin. Grade school pa lang until 27 y/o na ako. Pero nung nagkabati naman kame, tuloy-tuloy din na ok na :). I thank her kasi naging independent ako. Siguro kung fave nya ko, dependent ako sa kanya and hirap ako mag-adjust nung nawala sya.

As a daughter I will not agree with her rules, I may not even understand them. But as a mom, I super agree with her. Siguro iba lang ine-expect ko at ang pinakita nya, but she definitely loves me. Sorry hindi na ko mag-e-elaborate since settled na yung issue among us.

What I can advice you mga sis, try to understand your moms and try not to compare kasi sabi nga ng mom ko: iba-iba ang needs ng bawat anak. Cherish each moment that you're together. My mom passed away last 2010 and I'm glad na nagkaayos kame years before that. Syempre may mga regrets ako na sana matagal na akong nakipag-ayos para mas maraming happy moments.

Marin

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #382 on: May 25, 2013, 07:23:56 pm »
Sigh of relief. hindi lang pala ako. At most times, I feel this way. Iba lang talaga ako sa family ko and perhaps difficult din yung personality ko kaya hindi niya natutunan kilalanin ako.

I remember when she slapped me twice in front of my siblings/cousins without even asking for my explanation or knowing the whole situation-
( 1) bata ako noon malay ko ba na yung tito ko ay anak sa labas ng lolo ko at hindi ako dapat nagsumbong sa lola ko na inagaw ang laruan ko noong my family gathering sa bahay nina lolo at lola
(2) sinabi naman nung elem classmate/friend ko  na ayaw niya ng ulam niya kaya inubos ko- o sige napahiya ka sa mommy nung friend ko na parang patay-gutom anak mo pero sana pinaliwanag mo na lang sa akin na never kumain ng baon ng iba!

I hate it when she says she misses me

Superjoie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #383 on: May 26, 2013, 10:15:59 pm »
I can relate to you sis Marin when you say that you hate your mom when she said that she misses you. I felt the same way, but ngayun sometimes na lang. For me we felt that way because at the back of our head we question their sincerity. But we all know that at the end of the day, even we accept it or not, they are still our mothers. And we are bound to love them no matter what. Hindi talaga madali magmahal lalo na kung sinasaktan tayo ng taong mahal natin. Based on my experience, it is so hard to let go of pain and hatred. As in. I'm struggling to let it go until now. I'm trying my best to let it go because I'm the one who is suffering more than anyone else. It felt like I'm missing my life by whining and feeling awful toward her while I can be just happy and live the life to fullest. If you are going to ask me how I'm fighting my hatred toward my mom, my only answer is through prayers. Everyday I ask the Lord's help. Indeed I cannot do this alone.

joeygirly

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #384 on: May 26, 2013, 11:56:49 pm »
I got stunned with this thread “I hate my mom” title pa lang kagulat na  :(  Pero nagbasa parin ako ng mga stories niyo mga sisters since sometimes I feel the same.. and instead of feeling the same grudges some of us feel towards our mothers I just felt blessed. (because I choose to feel blessed) Kanya kanya lang talaga sila ng flaws.. minsan extreme yung faults nila makes us want to hate them pero pag binasa mo and compare some of their mom’s mistakes, it somehow makes you realize na kahit papano I’m still blessed because I know deep down she loves me as her daughter. :-\ God bless you all sisters. :-*

Maria

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #385 on: May 27, 2013, 10:52:35 am »
I don't hate my mom.  Actually, I miss my mom so much kasi wala na sya but I just want to read the posts here as I myself have a teen-aged daughter.  Reading all the posts here is like a wake-up call for me. 

I love my daughter so much and want what is best for her.  I hope I will never push her to the point that she would hate me like most of the posters here.  On the other hand,  I honestly think she needs my guidance because I feel that I have her best interests in mind.  One resolution I can think of is to always find time to talk to her and to listen to what she has to say so that she will never misunderstand my intentions.

I hope and pray all of you will be able to resolve your differences with your own mothers.  It's hard to be at odds with the one person who should be on our side always. 

superbubly

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #386 on: May 27, 2013, 08:37:41 pm »
I don't hate my mom coz I love her kahit panay ang away namin, one thing na na di ko malimutan, nasampal ako ng mama ko gamit ang plato in front of my crush pahiyang pahiya na ako sa sobrang sakit ng naramdaman ko sana sinampal niya ako ng wala sa harap ng ibang tao.

yung mga moms na dito, (wala akong karapatan magbigay ng advise or suggest kasi di pa ako nanay pero...) wag na wag niyo pahihiyain ang mga anak niyo sa harap ng ibang tao, malaking effect yun I swear tatatak yun sa isip nila. meron din ako friend na ganyan di sila close ng mom niya para silang stranger sa isa't isa pag nasa bahay sila grabe, pero kung pagdating diyan dapat mag effort ang nanay, wag na kasing favoritism. . .

sana yung nag start ng thread na ito, okay na at magaling, bless her Lord.
« Last Edit: May 27, 2013, 08:48:06 pm by superbubly »

Scubadoobidoo

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #387 on: May 28, 2013, 01:23:57 pm »
You cant really blame your mom about your illness since iba ang medical knowledge dati and ngayon. That would not be fair. There will always be favorites in families...as they say most families are dysfunctional. But i assume the poster is an adult na so she should deal with it in a mature manner instead of blaming her mom. As for blaming her mom for the medical condition...sobrang below the belt na yan.  :(

euwie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #388 on: June 10, 2013, 05:30:40 pm »
It's not hate that i feel, sama ng loob lang. Yung pinsan ko kasi na super close kami, tinanggihan nyang bumalik sa amin. Since baby yung pinsan ko, sa amin sya lumaki pero nung mag grade 1 na, kinuha ng lolo at lola nya kasi yun gusto ng parents nya. I was devastated that time. Bunso kasi ako and mahilig sa bata. During those times na nasa amin pinsan ko, on off away ng parents ko dahil sabi ng mommy ko may mga magulang naman daw yung bat bakit kinukuha ng daddy ko. Biglang nag ofw parents nya. Ngayon graduating na sya dun sya nakituloy sa other tito tita namin since hs, ngayong mag 4th year college na sya. Maski hindi sya sa amin pinatuloy ng parents nya, lagi pa rin sya sa amin. Sobrang close sya sa amin to the point na mommy daddy rin tawag nya sa parents ko. Ngayong last schoolyear, gusto na nya bumalik dito. Ayaw kasi nya ng pakitungo sa kanya dun sa other tito tita namin. At dun na nagstart maging weird mom ko. Kanina lang ang breakfast namin e sigawan ng parents ko kasi mag eenroll na pinsan ko. Ang katwiran ng mom ko kesyo ayaw daw nyang sumama loob ng tita ko sa kanila kung tatanggapin nila ulit pinsan ko dito. E nakausap na nga ng pinsan ko other tita ko at ok naman pagpapaalam nya. Hanggang sa kung ano anong issues na nadawit. Feling tuloy ng pinsan ko kasalanan nya lahat bakit nag aaway parents ko. Guy pa naman pinsan ko tapos nakita ko syang umiiyak. Sobrang nadurog puso ko as in! Naawa ako ng todo talaga. Kaya kanina maski anong iyak pa ng mom ko, di ko magawang icomfort sya kasi ang sama sama sama to the highest level ng loob ko sa kanya. Sana inisip na lang nya na buntis ako at feelings ko na lang niconsider nya. Between my mom and dad, kampi ako sa mom ko. Pero sa pagkakataong ito, i will never agree with her. Nireject nya pinsan ko. Sobrang nasaktan ako sa ginawa nya. Sana may pag asa pang makabalik dito pinsan ko :'(

isa.v00

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #389 on: June 14, 2013, 05:06:08 pm »
GIRLS! Don't hate your moms. This may sound cliche, but in the end, kayo rin kasi ang magkakampi eh. Love your mothers (and fathers) while you still can. Trust me, if you don't love them now, you''ll regret it for the rest of your lives.

Nuninuninu

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #390 on: June 14, 2013, 07:32:33 pm »
Matagal na ako nagbabasa sa forum na to. Pero ngayon lang ako magpopost kasi tagos sa akin ang topic. Well di ko naman hate ang Mama ko. Pero masama ang loob ko sa kanya, mula pa nung bata ako.

Maaga namatay si Papa, only child ako. Mula 11 years old kami lang ni Mama magkasama. Di sya malambing. Palautos pa nga eh, tapos tipong wala ka karapatan humindi sa utos nya. Pagbunot ng buhok sa kilikili, bunot ng puting buhok, paglilinis ng mukha nya sa gabi (cleanser, toner, moisturizer, the works, ako gumagawa) - tamad kasi siya, kaya madalas utos sa akin. Kahit pagod or antok ako, basta utos na nya, kelangan sundin. Ewan ko, takot siguro ako na magalit sya.

grade six ako, bigla sya nagtanong kung may crush ako. Natuwa ako kasi parang me girl talk na kami. Bonding! :) So sinabi ko sino. Sabi nya "anak, hanap ka na lang ng iba. Gwapo yun e, e di ka naman maganda, di ka magugustuhan nun." With matching tawa pa kasi mataas daw standards ko, talagang gwapo pinili ko. Napahiya ako. at mula noon, naging insecure na ako lalo na sa opposite sex. Lagi nakatatak sa akin na yung Mama ko nga sinabi na mismo na pangit ako, pano pa kaya ang tingin ng iba sa akin? Dala-dala ko yun hanggang paglaki. Pag me nagko-compliment sa akin, lagi ko pinagdududahan ang intensyon. Lagi ko naiisip na binobola lang ako. Aminado naman ako na di ko namana ang ganda ng Mama ko, pero masakit pa din marinig yun sa mismong Mama ko pa.

Achiever ako academically, siguro dala na rin na insecure ako sa looks ko, binabawi ko sa utak. Medyo popular din sa school kasi marunong naman ako makisama at madami din extra-curricular activities Na sinasalihan. Wala akong nakaaway kahit minsan kasi nga naisip ko, pangit na nga ako, dapat hindi pangit ang ugali ko para naman me pangbalanse. :)

Nag-college ako sa Maynila. Lalo nadagdagan hinanakit ko. Never na sya ang nauna tumawag sa akin para mangumusta, kahit 1st yr college pa lang ako. Sinubukan ko talaga wag tumawag ng one week, kung hahanapin ako, sadly, hindi ako hinanap. Nung finally tumawag ako, di man lang ako tinanong kung ano nangyari, kung bakit matagal ako di nakatawag. Actually, kahit yung regular na tawag ko, di rin talaga sya masyado nagtatanong kung kumusta ako. General lang, pumapasa ba ako, me pera pa ba, kelan ang exam/sembreak. Small talk.

Isa pang kinasama ng loob ko, mas naniniwala sya sa mga pinsan ko kesa sa akin. Me pinsan ako mahilig gumawa ng kwento, dati pa yun na reputasyon nun. Nagsumbong sa tita ko na tinarayan at tinaasan ko daw sya ng boses sa phone. Nagkataon, me mini-reunion nung coming weekend, ayun, sa harap ng mga tita at ibang pinsan, sinabi ni Mama bakit ko daw inaway ang pinsan ko. Yumabang na daw ako kesyo nakapag-aral lang sa maynila. At ever since walang modo daw ako. Nagulat ako, sabi ko wala akong maalalang ganung incident. Oo once, tumawag ako sa landline nila, si pinsan nakasagot, hinanap ko lang tita ko, e umalis daw so nag babay na ako, sabi ko pa "ah ok. sige, salamat *pinsan*, ipi-page ko na lang din si tita". Pero tuloy pa rin sya sa dakdak. Ayaw makinig sa akin, mayabang daw talaga ako porke di matalino yung pinsan ko, minamaliit ko. Sumagot na ako:  "iharap nyo sa akin ngayon si *pinsan* at sabihin nya sa harapan ko kung ano ang nangyari. Magharap na kami dito ngayon para magkaalaman na kung sino nagsisinungaling".  Yung tita ko, tinawag ang anak nya, aba nagkandautal-utal na pinsan ko sa pagrecall ng kwento nya. Until finally nagwalkout si pinsan, wag na daw palakihin ang issue. Sakto, andun din sa gathering isang pinsan (older girl cousin) na kasama ko nung tumawag ako sa tita ko, so narinig nya conversation namin (well, at least rinig nya yung side ko). Nagsalita na sya, sabi nya di nya narinig na nagtaray ako or nangmata dun sa isang pinsan namin. Sabi nya malamang gawa-gawang kwento na naman yung ni pinsan, just like all the other issues na inimbento nya before. Masama loob ko kasi never man lang ako kinausap ng Mama ko about it, ni di nya tinanong ang side ko, at ni hindi sya nag-apologize sa pagpahiya nya sa akin para sa isang bagay na di ko naman ginawa. Buti pa tita ko, nagsorrry sa ginawa ng anak niya at nagsorry kasi nagsumbong sya agad sa nanay ko. Di daw nya inexpect na ipapahiya ako ng Mama ko. Naiyak na lang ako nun, naawa ako sa sarili ko.

Over the years, di talaga kami naging close na. Kahit nung kinasal ako, Kahit ngayon na me anak na ako. Parang for show na lang ang mother-daughter relationship namin. In fact, nadagdagan pa sama ng loob ko. Retired na kasi sya, so sabi ko baka gusto nya magbakasyon dito kahit sandali lang (1week, 1month, sya bahala). Para makasama naman nya apo nya, lumalaki kasi na minsan isang taon nya lang makita. Ako gagastos ng pamasahe syempre. Madaming dahilan, kesyo me inaasikaso doon sa probinsya, boring sa maynila kasi pag weekend lang sya makakalabas, kesyo gagawin ko lang syang yaya ng anak ko, etc. tapos nalalaman ko, naga-out of town sila ng mga kumare nyang retirees din, minsan twice a month ang byahe. Pag umuuwi naman kami sa probinsya, sa isang linggo na andun kami, 3 days lang siguro sya nasa bahay. kadalasan nasa labas, me lakad kasama mga kaibigan, ibinibilin na lang kami sa katulong nya. kaya parang nakakawalang-gana din umuwi kasi parang feeling ko di naman kami welcome. me yaya ang anak ko, di ko sya kelangan para mag-alaga sa anak ko, gusto ko lang sana na magkakilanlan naman sila ng apo nya. Di ko rin iniexpect na tumulong sya sa bahay kasi alam ko naman na tamad sya at sanay syang nag-uutos lang lagi - sa katulong or sa akin. Iniyak ko na lang sa asawa ko ang sama ng loob ko.

Ni di nga yun tumatawag para mangumusta. Nagtitext lang pag birthday namin (ako, asawa at anak ko) - isang text lang. Generic "happy birthday xxx". Or magtitext lang pag hihingi pera (yung anak ni kumare, sasali sa ganito, naghahanap ng sponsors, gusto ko magbigay, padala ka xxxxx). Or pag may namatay (yung xxx ni xxx namatay kanina, kawawa naman, magbibigay ako abuloy, padala ka xxxxx). Pag di agad na-replyan or napadalhan, magagalit. di muna magtanong bakit. Sya actually ang me kayabangan, lagi nya pinapakita sa mga amiga nya na madami sya pera. Generous sya (sa pera at time) sa ibang tao, pero sa amin, never man lang nag-abot kahit para sa apo man lang.

Pasensya na mga sis napahaba tong nobela ko. Kelangan ko lang talaga mailabas. Sinubukan ko naman sya kausapin tungkol sa mga sama ng loob ko sa kanya, pero everytime maoopen ko yung topic, sasabihin nya "anong ikasasama ng loob mo. Binuhay kita, pinaaral kita (allowance lang actually kasi naghanap ako ng scholarship), kahit mag-isa lang ako mula namatay Papa mo. Wag mo ako daanin sa talino mo, yung mga big words na yan. Anak lang kita. Wag mo ko daanin sa drama.".

Ngayon, sobrang naa-appreciate ko MIL ko, kahit si hubby ang naiinis kasi minsan pakialamera na din hehe. Pero ok lang sa akin at least ramdam ko yung concern nya. Kahit nung bedrest ako sa pagbubuntis ko si MIL nagalaga sa akin. Tinext ko mama ko na bedrest ako, kasi high-risk preg, reply lang - "ah ganun ba, sige magrest ka na lang jan, kung yun ang sabi ng doctor". Tinext ko nung nanganak ako, sabi lang nya "congrats, bisita na lang kayo dito". Parang kay MIL ko naramdaman ang alaga talaga ng isang nanay.

Shadow Angel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #391 on: June 14, 2013, 08:14:41 pm »
^sure ka ba na nanay mo sya kasi parang ang weird lang unica hija tapos ganun pa treatment sayo. But sana kung may favorite sya na iba anak kaso solo ka nga lang. Kung hindi naman sya showy hindi naman sana ganun lagi treatment sayo lalo na ngayon may apo na sya solong apo pa..

Nuninuninu

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #392 on: June 15, 2013, 03:19:16 am »
Sure naman akong nanay ko sya. :) Me mga nakuha din naman ako sa kanya, mas madami lang sa Papa ko. Pareho kami ng birthmark sa may tyan, and ngayon sinasabi ng mga tita ko (kapatid ni Mama) na me mga current photos ako na kamukha ng Mama ko nung nasa edad ko sya.

Financially, di naman sya nagkulang. Di naman ako naghirap or anything, nung nagaaral ako pag humingi, bibigyan. pag hindi humingi, e di wala. ganun palagi, kelangan ako ang humingi, kelangan ako ang mauna. Hindi tatanungin kung ano kelangan, ako dapat ang magsabi. Pag di ako nagsabi, ina-assume nya na ok lang, walang kelangan.

Sabi nung isang tita ko (sa father side), siguro daw kasi medyo maaga sila nagpakasal. Tapos after 1yr nabuntis na sa akin. Baka daw di pa handa maging nanay. Nung buhay pa si Papa, kay Papa ako lagi nakadikit. Sya yung punong-abala sa celebrations pag kunyari birthday or me award sa school. Di kasi nagluluto Mama ko, si Papa ang mas gumagalaw sa kusina sa kanila. Si Mama, sanay na me katulong na palaging nauutusan, me yaya na lagi nasasabihan para mag-alaga sa akin. Kwento sa akin, nung bata daw ako, dun ako natutulog sa kwarto ng parents ko, pero pag umiiyak daw ako sa gabi, ginigising nya either si Papa or yung yaya para timpla ng milk ko. kasi di daw nya kaya labanan ang antok. Spoiled kasi sya sa Papa ko, so nung na-byuda, baka daw na-resent nya si Papa kasi "iniwan" sya. Biglaan kasi pagkamatay ni Papa, naaksidente. E mas kamukha ko pa si Papa habang lumalaki so baka ganun daw.

Ah ewan, like i said sa previous post, di ko sya hate. Masama lang loob ko. Sana pag nagsawa na sya kakagala kasama mga kumare nya e maisipan naman nya kami kumustahin at dalawin.

isa.v00

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #393 on: June 15, 2013, 01:21:43 pm »
Feeling ko nasasabi lang nating nagagalit tayo sa mga moms natin pero in the end, Gaya nga ng sabi ng iba sa forum na 'to, hindi naman talaga yun galit. Sama lang ng loob. Like what I said, sana iwasan natin magalit kasi magulang pa rin natin yun eh. Bad times come and go but family will always be there. I already said this in another thread, pero why don't we all try do do something special for our parents. Lalo na bukas, Fathers Day na. I know some of us don't have fathers anymore for various reasons pero I suggest you do something special for your father figure, madalas mga single moms yun or guardians. Anyway, I still hope none of the people here REALLY hate their moms/parents. Hirap nun... Kayo rin ang magsisisi sa huli.

ayami

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #394 on: June 19, 2013, 05:09:07 pm »
^ tama! Madalas din ako nagpopost dito na naaasar ako sa nanay ko, etc. pero yun sigurado bugso lang ng damdamin at hormones siguro dahil buntis ako non, di rin ako ganong makatanim ng galit or parang nasanay na lang din ako na love-hate ang relationship namin hehe. Deep inside naman love namin isa't isa. Namimiss ko rin yung bonding namin nung bata-bata ako though di niya ko ganong inalagaan kasi may yaya ako pero tinututukan ako sa pag-aaral, dati rin shineshare ko lahat ng sikreto ko (until nagboyfriend ako kasi bawal :P) sa kanya. Naalala ko bigla na close din pala kami kahit papano (gawa nga rin na ako lang anak niya at wala siyang choice! Lol).

grace0619

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #395 on: June 19, 2013, 05:44:52 pm »
Nakaka-shock pala mga topic dito... Sana panandalian lang yung galit nyo sa mga mom nyo. Mahirap yatang makaaway ang nanay. I can't imagine my life without my mom.

carlijn

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #396 on: July 25, 2013, 03:06:15 pm »
I just wanna say noong una nagpipigil pa ko to say that I hate my mom, pero now hindi na because I really hate her with every fiber of my being.  Ok granting hindi man sya naging pabaya financially pero is that enough reason para controllin ang buhay ko.  Now that I have started making my own decisions and just because hindi nya tanggap, she has made every effort to ruin me and make my life miserable.  Kaliwa't kanang sumbat at paniningil. Buti sana kung ako lang eh, pero dinamay nya ang pamilyang binubuo ko. As in literal na gusto nya wasakin buhay pamilya ko dahil daw sa walang utang na loob. So parang porke't sa tingin nya hindi nya ako mapakinabangan the way that she wants eh wala pwede makinabang sa akin kaya sisirain nya ang buhay na meron ako  ngayon dahil para sa kanya eh sya ang nagbigay sakin ng buhay, edukasyon at lahat so pwede nya bawiin at may karapatan sya.  Gusto nya ko literal na gumapang sa lupa at sa hirap.  Siguro naiisip nya na kapag desperada na ako at hindi ko kinaya ang hirap ng buhay eh magmamakaawa ako at babalik sa kanya.  And that will never happen.  Dumating na nga ako sa point na naiisip ko na kahit tumanda sya at magmakaawa sya sakin eh hindi ko sya papatawarin.  Dahil siguro kung ano man ang dinanas nyang hirap noon sa pagpapamilya, eh walang wala sa dinadanas ko ngayon.. eh yung experience nya dala mismo ng agos ng buhay samantalang ako, eh sya ang may kagagawan para talagang mahirapan ako.  To think buntis ako and she never even considered it.  Pati asawa ko at mga anak ko dinamay nya sa kabaliwan nyang gumanti at makapanakit.

Mas gugustuhin ko pa nga siguro yung magulang na wala na lang pakialam eh kesa yung sobrang pakialamera naman to the point of insanity na gagawin lahat and will really go out of their way para gawin kang miserable.

Sana nga bugso lang ng damdamin na nasasabi ko that I hate her kaso hinde because I really hate her existence right now. 

fibia

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #397 on: July 25, 2013, 08:05:31 pm »
^ i can so relate to your post.


jeune

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #398 on: July 27, 2013, 06:38:07 am »
I don't hate my mom but I dislike what she did to our family. I'm not trying to be righteous but I still believe in my heart that I am to honor her as the first commandment says. She may have made bad decisions in her older life but she's still my mom. I always pray for her wisdom that she may be able to realize the things she's done and still doing before our hearts hardens. I miss her, I miss the mom I looked up to and I wanted to see my family together again. It makes me sad that when I go home for a visit everyone's there except her and I look at my dad and my sibling's eyes, I know they all wish she's home with us.

This is making me cry.

pinkswirls12

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #399 on: July 30, 2013, 10:38:18 pm »
ngayong nanay na rin ako, minsan natatanong ko sa sarili ko bakit ganito ako at ang younger siblings ko tratuhin ng mama namin. hindi kasama ang kuya ko dahil tingin niya yun pinakamagaling niyang anak kahit after 10 years nakagrad literally at napakaraming taong tambay sa bahay. hindi siya ang tipo ng mommy na kapag may pagsubok na pinagdadaan ang anak, suportahan at iuplift ang spirit. sasabihan pa nya na yan talaga ang deserve ng taong matigas ang ulo o kaya nakikinita na niya hinding hindi kami aasenso sa buhay o kaya dapat hindi niya na lang kami binuhay. ngayong mommy na ako, lahat na lang napapansin niya sa way ng pagaalaga ko sa anak ko. linya niya lagi sa akin, "nagkaapat na anak ako, ni minsan hindi ako blah blah or ganito ako blah blah." imbis na sabihan ako na anak, ganito dapat hindi ganyan. na kung tutuusin wala naman siya inalagaan samin, puro yaya at lola start 1-2 months kami except kapag gabi sa kanya nakatabi. siya ang nanay ko pero ni isang tip sa pagalaga ng bata wala akong nakuha sa kanya kundi galing sa lola, tita, cousin at friends ko. tulo ang luha ko habang tinatype to. prinomise ko talaga sa sarili ko na hinding hindi ko idodown ang anak ko. ang sakit sakit kasi. ako ang number one fan at supporter niya hindi number one hater. kung ayaw niya talaga sa akin sana pinigilan niya na lang ang bibig niya na sabihing triny nya ako ipalaglag kaso ayun nga, malakas ang kapit. bakit hindi pa natuluyan. hindi ako makaiyak ng ayos dahil ang baby ko kahit 2 months pa lang, nakikisabay din ng hikbi. pagstop ko smile naman ng smile sakin at kinakausap ako kahit puro whoooo at aahhh lang. hindi ko hate ang mama ko. masama lang ang loob ko sa pagtrato niya sa akin. bakit mas mabait pa siya sa ibang tao kaysa sa anak niya..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close