@Thread starter: I totally understand how you feel.
Nakakalungkot isipin na madaming tao talaga ang naru-ruin ang mga buhay hanggang sa adulthood nila dahil sa favoritism. Para kasi sa iba, hindi big deal yun eh. Ang hindi nila alam, it could really destroy someone's life lalo na kung lantaran talaga yung favoritism.
Ganyan din kasi Mom ko. 3 kami siblings. Pero yung bunso (half-sister ko) ang pinaka paborito nya. Biruin mo ha, 14 year old lang yun pero sya pa ang nakaka alam ng personal at financial problems ng pamilya. Sya yung pinaka maganda ang school, updated sa gadgets, clothes, naka-punta na sa U.S, etc. Maski wallet at office desk ng mommy ko, puro picture nung bunso. Hindi sa nangdidiscriminate ako, pero diba, ang usual case is yung half-sibling ang parating kawawa? Sa amin, baliktad. Sya yung pinaka-loved.
Would you believe that I'm 27 years old already pero never ako naka-experience mag club/bar-hopping, outing or kahit nga slumber party man lang. Never ako naka-experience na mag-lakwatsa na inabot ng liwanag. Dahil sobrang controlling ng nanay ko. Akala nya, she's protecting me. Pero ang di nya alam, nasira yung youth ko dahil sa ginawa nya. Sobrang lungkot ng kabataan ko kasi para akong naka-hawlang ibon.
Nakaka-relate din ako dun sa sinabi mong walang pakialam sayo kahit may sakit ka na. Sadly, may mga parents talagang ganyan. Mapapansin lang siguro nila na may sakit ka kung naka-swero kana sa ospital.
I'm not saying na tama na maka-feel ng galit sa magulang dahil magulang pa din natin sila. Pero nauunawaan ko kung bakit may mga anak na ganyan ang nararamdaman (myself included). Naniniwala kasi ako na hindi naman mauuwi sa "hate" yung emotion kung hindi grabe yung experience nung anak eh. And although we should always love and respect our parents, madami din talagang mga magulang na hindi ganun ka-buti sa anak nila.
Trust me sis, I understand what you're going through. And I'm praying na sana maging mabuti na yung kalusugan mo. Kasi you don't deserve to be sick. Masyado nang mahirap yung pinagdaanan mo eh. And since nakabukod ka naman na, I suggest na mag focus ka nalang talaga sa sarili mo. It's time that you think of your OWN happiness. Yes, it sounds selfish, pero you deserve it. Kasi marami ka na ding sinakripisyo para sa mom mo eh. Pero I advice na kahit galit na galit ka na, keep your respect for her. I isolate mo yung sarili mo pero wag mawawala yung respeto mo. Matanda na kasi mom mo eh. And sadly, mahirap na mabago pa ang ugali nya. You just have to accept it, learn from it, and try not to commit the same mistake in the future. Kung ano man yung mga pagkukulang ng mom mo, si God na bahala dun sis. Basta mahalin mo at mag-focus ka nalang sa sarili mo and share your love sa ibang tao na deserve din yan. ^_^ God bless! Di ka nag-iisa! ^_^