watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170658 times)

babyphat

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #320 on: May 16, 2012, 11:53:59 am »
hindi kami nagpapansinan for 3days na. nagalit sya sken kasi humiram ako sa tita ko ng pang ammort ng bahay. bakit? kasi hindi sya nakasingil, e sya nagpapatakbo ng pera namen. for 2mos hindi pa sya nakakasingil then yung 1month kulang pa binigay. nakakainis dahil parang sya pa yung nahihiya sa pinag-investan namen. e pano naman kami dito? may bahay kaming binbayaran. daming tulong na binigay na sa kanya, daming perang napunta sa wala na akala namen e napapatakbo ng maayos. mali ko lang dapat hindi na ko nagtiwala sa kanya pagdating sa pera.

Purple_Power

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #321 on: May 16, 2012, 08:07:06 pm »
hazelbrown_eyes27 ano ba naman yan nagkakasakit na lang hindi pa narerealize yun. I have to admit karamihan ng mga tao hirap magpatawad kahit na physically and emotionally hurt pa sila. Ang lamat ay lamat.

Evo29

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #322 on: August 28, 2012, 02:56:18 am »
I don't hate my mom pero malayo yung loob ko sa kanya mula pagkabata. Ramdam ko na paborito niya yung kuya ko.

-Meron time nun na naoverheard ko siya na kakuentuhan niya yung isang tita ko at sinabi niya na kung di lang daw ganun yung kuya ko (may deperensya sa paglalakad yung kuya ko pero di naman ganun kagrabe) di hamak daw na mas matalino siya kaysa sa akin.

-My time din nun nung bata ako na medyo naging sutil ako kasi nga ramdam ko na di ako mahal nang mommy ko. Di ko makalimutan yung gusto niya akong ipasuntok sa kapatid ko para magtanda daw ako. Kaya din ako siguro lumaki na matapang lalo na sa kanya at sa kapatid ko kahit na ganun siya kasi na instill na sa utak ko na wala akong kakampi.

-Nung bago palang kami nang bf ko, ininvite siya ng isang tita ko sa isang family gathering namin tapos nagcomment ba naman yung mom ko na bakit kailangan daw siyang inmbitahan. Super nahurt ako nun, kaya since nun hindi ko na dinala yung bf ko sa bahay, kung dadalhin ko man siya saglit lang.

Sobrang na iingit ako sa ibang magnanay na sobrang close, pero tanggap ko na din na di yun mangyayari sa amin.

TysLolakins

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #323 on: August 28, 2012, 03:38:53 am »
Purple_Power- sis, sabi pa sa akin, baka daw I deserve all the things that she did to me before. Sabi pa nga, bakit daw ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanya eh, bata pa raw ako noon. Oo bata ako noon, kaya nga tumatatak ang latay sa akin eh. Bakit daw mga kapatid ko di naman daw nag tanim ng masamang loob sa kanya. HELLO! mga kapatid ko, pinalo.. ako BINUGBOG! iba yun! Minsan talaga! Logic ng nanay!
akala ko unique ang attitude and resentmet ko sa mother ko, hindi pala.  what you stated sis is a mirror of my relationship with my mother.   parehong pareho tayo.
nagtataka nga ako, from a very young age (like 2 years old ako) naisip ko, bakit wala akong masyadong amor sa kanya.  i hated what she had me go thru when i was younger, she was a mean woman, she took it out on me whatever she didn't like my dad doing at the time.  now i cannot stand being around both them.   and my goal in life is to be her exact opposite!
yung mga nagco comment dito na nagsasabi bakit ganon ang feeling namin towards our own mothers, you will not be able to understand because you haven't experienced what we've all been thru.  i know it's shocking to read about grown women like us ranting about our mothers.  we each have our stories to tell, you may not want to believe them, but they're true, they happened...

lonelymiss28

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #324 on: August 28, 2012, 07:02:21 am »
mga sis...hope this will open up our eyes kahit konti lang.

http://www.4shared.com/mp3/S7Lb5Ubu/2012_080_24_3_-_TLC.html

iamoptimistic

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #325 on: August 31, 2012, 01:33:04 pm »
ganyan talaga siguro ang life, minsan unfair. We can never choose our parents. But we can choose the life we have.. either bitter or better. :) At the end of the day mother nyo pa rin sila. Maybe they cause you too much heartaches, it molds you ladies for who you are today. A better woman or a better mom on your own kids.

i hope you girls can settle it all good sa mga mom's nyo. I'm one of those lucky kids, im blessed with an awesome hearted mother. :)

fibia

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #326 on: August 31, 2012, 06:14:05 pm »
^ life is indeed unfair. But  the peeps who rant in this thread are not bitter in life. Naglalabas lang sila ng sama ng loob. Dont invalidate other users  feelings and opinions if they dont agree with yours.  If anyone  cant relate to this thread, why waste time posting here?  Isnt that TROLLING by definition? Why not create your own thread  instead? Let girtlakers speak their hearts out.

lelaii

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #327 on: September 01, 2012, 06:47:24 pm »
Away na naman. Sakit sakit kapag ang nanay mo hindi supportive sayo, tingin sayo walang silbi, pinalaki ka nga pero pinaparamdam naman sayo na sana mawala ka na sa mundo, ano yun?! sorry lang di ko ma-gets ma..

Kaya ako hindi ako naniniwala na "walang ina ang naghahangad ng di maganda para sa kanyang anak" at "hindi natitiis ng isang ina ang kanyang anak".
 :'( :'( :'( :'( :'(Gaano ba kasakit sa inyo ang mapagsabihan ng "Sana pinatay nalang kita noong pinagbubuntis ka pa!"-Nanay.
Ang sakit sakit lang, narinig ko na naman ito sa nanay ko kanina. . . :'(

Huntress Krystle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #328 on: September 01, 2012, 08:09:28 pm »
@Thread starter: I totally understand how you feel.

Nakakalungkot isipin na madaming tao talaga ang naru-ruin ang mga buhay hanggang sa adulthood nila dahil sa favoritism. Para kasi sa iba, hindi big deal yun eh. Ang hindi nila alam, it could really destroy someone's life lalo na kung lantaran talaga yung favoritism.

Ganyan din kasi Mom ko. 3 kami siblings. Pero yung bunso (half-sister ko) ang pinaka paborito nya. Biruin mo ha, 14 year old lang yun pero sya pa ang nakaka alam ng personal at financial problems ng pamilya. Sya yung pinaka maganda ang school, updated sa gadgets, clothes, naka-punta na sa U.S, etc. Maski wallet at office desk ng mommy ko, puro picture nung bunso. Hindi sa nangdidiscriminate ako, pero diba, ang usual case is yung half-sibling ang parating kawawa? Sa amin, baliktad. Sya yung pinaka-loved.

Would you believe that I'm 27 years old already pero never ako naka-experience mag club/bar-hopping, outing or kahit nga slumber party man lang. Never ako naka-experience na mag-lakwatsa na inabot ng liwanag. Dahil sobrang controlling ng nanay ko. Akala nya, she's protecting me. Pero ang di nya alam, nasira yung youth ko dahil sa ginawa nya. Sobrang lungkot ng kabataan ko kasi para akong naka-hawlang ibon.

Nakaka-relate din ako dun sa sinabi mong walang pakialam sayo kahit may sakit ka na. Sadly, may mga parents talagang ganyan. Mapapansin lang siguro nila na may sakit ka kung naka-swero kana sa ospital.

I'm not saying na tama na maka-feel ng galit sa magulang dahil magulang pa din natin sila. Pero nauunawaan ko kung bakit may mga anak na ganyan ang nararamdaman (myself included). Naniniwala kasi ako na hindi naman mauuwi sa "hate" yung emotion kung hindi grabe yung experience nung anak eh. And although we should always love and respect our parents, madami din talagang mga magulang na hindi ganun ka-buti sa anak nila.

Trust me sis, I understand what you're going through. And I'm praying na sana maging mabuti na yung kalusugan mo. Kasi you don't deserve to be sick. Masyado nang mahirap yung pinagdaanan mo eh. And since nakabukod ka naman na, I suggest na mag focus ka nalang talaga sa sarili mo. It's time that you think of your OWN happiness. Yes, it sounds selfish, pero you deserve it. Kasi marami ka na ding sinakripisyo para sa mom mo eh. Pero I advice na kahit galit na galit ka na, keep your respect for her. I isolate mo yung sarili mo pero wag mawawala yung respeto mo. Matanda na kasi mom mo eh. And sadly, mahirap na mabago pa ang ugali nya. You just have to accept it, learn from it, and try not to commit the same mistake in the future. Kung ano man yung mga pagkukulang ng mom mo, si God na bahala dun sis. Basta mahalin mo at mag-focus ka nalang sa sarili mo and share your love sa ibang tao na deserve din yan. ^_^ God bless! Di ka nag-iisa! ^_^
« Last Edit: September 11, 2012, 09:39:18 pm by Huntress Krystle »

sonia62

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #329 on: September 01, 2012, 09:50:40 pm »
Hindi ko rin kasundo mom ko mula pagkabata ko. Fave nya si bro. Napakainsecure nya. Napaka judgemental to think na everyday sya nagsisimba. Walang alam kungdi manghingi ng pera sa mga anak kahit pa may 7k pension sya sa SSS every month. Napakahilig nyang silipin yung perang pumapasok sa mga anak at ultimo kaibigan nya na tila hindi nya iniisip yung expenses ng mga tao. Iniasa na lang nya ang buhay nya sa amin na para bang ang tingin nya sa aming mga anak eh hanapbuhay tapos pag naririnig ko sya na kakwentuhan mga friends nya sa fone ang kapal pa na sabihin na sya daw hindi humihingi sa mga anak nya, etc. samantalang lahat ng needs at kahit luho nya kami gumagastos. Ultimo pangsine nya hihingi pa sa kapatid ko tapos kung magsalita yan wala daw nagbibigay sa kanya ng pera. Eh may pension naman sya. Tapos pag may friend sya na nagkapera, asang asa sya na pati sya meron dapat parte dun. Isa pa sa pinakahate ko sa kanya eh yung pag ako kausap ang dami nyang sumbong o reklamo tungkol sa dalawa kong kapatid, tapos pag ang kausap naman nya yung isa kong kapatid, kami naman nung isa pang kapatid ko ang sinusumbong o nirereklamo nya. So minsan tuloy kami naiisipan namin ng di maganda ang isa't isa. Buti na lang alam na namin style nya. Napakahilig pang magdrama na kala mo inaapi namin sya. At higit sa lahat napakasinungaling. Mula ng lumipat kami ni hubby sa sarili naming bahay never man lang nya ko sinilip dito sa bahay namin to think na sobrang walking distance ito sa bahay nila. And the list goes on...I'm terribly disappointed in her. Sometimes i want to hate her, kaya lang minsan nakukunsensya ako cos i don't know if it's right to hate my mother dahil bottom line sa kanya ako galing. I'm really torn. Hindi ko alam kung ano dapat ko mafeel. Pero sa ngayon nanlamig na ko sa kanya dahil sa mga ginagawa nya sa akin. Kaya kahit humihingi sya sa akin ng pera tinitiis ko talaga sya. Kaya lagi ko sinasabi kay God na sana maintindihan nya how I feel towards my mother at sana help Nya ko to just let go of what i feel kaya inooffer komna lang kay Lord lahat ng nafifeel ko. Ayoko man ng nafifeel ko sa kanya, kaso dahil sa mga nangyari at ginawa nya, kahit anong haba ng pasensya ko talagang naubos. Nung nabasa ko ang thread na to saka ko narealize na hindi pala ako nagiisa.

jhenpretty

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #330 on: September 03, 2012, 10:01:41 am »
I don't really hate my mom pero lagi na lang kasi siya wala sa lahat ng pangyayari sa buhay ko. Ever since I was 2 years old, that was when my mom and dad broke up, hindi ko na talaga maramdaman ang presence niya. My dad took care and raise us. Tapos nung naging grade 4 ako (10y/o), kinakapos na si daddy kasi andami niya din naging anak sa step mom ko. Kaya instead na ilipat kami ng ate ko at younger brother ko sa public school, my grandmother volunteered to support and raise us kaya tumira kami kina lola at nakisama sa kanila. Buti na lang andun si lola para tulungan kami. Kahit masakit para sa amin ang malayo ng maaga sa daddy ko nun. Wala na ngang mommy, wala pang daddy at kailangan nang matutong makisama sa mga kamag-anak sa murang edad. Siyempre sa mga pangyayari na yun missing na naman ang mom ko. I really tried my best na maplease ko ang lola ko, my other relatives and my dad of course. I always tried my best na maging outstanding at honor pupil/student nun. I joined any extra-curricular activities pero syempre not even my father nor my mother is there to support me. Kahit nung ilang beses akong naging honor, hirap na hirap pa ang loob ko na iinvite kahit kanino sa lola, auntie at uncle ko ang umattend para sabitan ako kasi very busy din sila.  Kahit bata pa ako nun, I learned how to do every house hold chores. I even helped in the business of our lola while I am maintaining my grades na maging consistent honor pupil/student ako..  Siyempre wala pa din ang presence ng mom ko nun and even my dad. Hanggang sa umabot sa time na naging sakitin ako and they thought I am dying na. Siguro my mom heard about it kaya bigla siyang bumisita sa house ng lola ko.. Pwede naman pala siya magparamdam pero hinintay pa niyang dumating ako sa point na yun. Buti na lang nadaan sa medication. Si lola naman ang nagkasakit nun and she passed away. I was very down during those times and all I ever wanted was to be loved kaya siguro nainlove ako ng sobra nun sa bf ko at napreggy ng biglaan. Pero syempre pinaalam ko sa mom ko yun. Nandun naman siya, pero not totally. Tapos nalaman din ng iba kong relatives and of course my dad. They were very sad about the fact na maaga akong napreggy pero I was very happy na they still supported me. During my HS graduation, my mom was there pero my dad wasn't there. Only my two aunties and cousin was there. When I graduated HS, I received a lot of medal and awards and one of them was my child in my womb. Syempre during the time na preggy ako nun, wala akong idea so all I do was to consult my OB and read some informative references, pero my mom was not totally there for me. Hanggang sa manganak ako and hanggang sa lahat ng pangyayari sa buhay ko ng pagpapalaki ko sa anak ko at ng ilang months pa lang ang anak ko nagloko na ang tatay ng anak ko. Syempre my mom was not totally there parin.. hanggang ngayon na 9 years old na ang anak ko at ako naman 26 years old na ako.. Ganun pa din my mom w as not totally there parin.. Siguro the last time I am with my mom was nung birthday ko year 2011 ata or 2010.. Ano pa yan hindi ko na matandaan.. Pero syempre dahil sa mga pangyayari sa buhay ko natuto akong maging strong at tumayo sa sarili ko.. ^_^

Purple_Power

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #331 on: September 03, 2012, 10:57:05 am »
^Wow naman sis nakakabilib ka naman. Honor na tapos nakaya mo pang magwork. 17 ka ba nun during that time nung napreggy ka? Nagalit ba parents mo sayo? Sana man lang nag-analyze muna sila kung bakit ka napreggy ng maaga. Sana nagreflect rin sila na may connection rin ito to them.

jhenpretty

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #332 on: September 03, 2012, 03:03:58 pm »
During the time na napreggy ako, I was 16 nun and was living in my grannies house together with my auntie and uncle.. Okay naman sila, they were sad na napreggy ako kagad pero they supported me parin and they didn't get mad at me.. Okay na ang lahat sis.. Actually 26 na nga ako ngayon and 9 years old na yung son ko.. I was wondering lang na sana magvolunteer naman yung mommy ko na bantayan at alagaan yung anak ko lalo na ngayon na nagttrabaho na ako.. Sana lang.. ^_^

Purple_Power

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #333 on: September 03, 2012, 03:10:20 pm »
Buti na lang okay na lahat ngayon.  ;)

jhenpretty

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #334 on: September 03, 2012, 03:47:11 pm »
Buti na lang andiyan lagi si God for me kahit wala si Mommy.. ^_^

ayami

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #335 on: September 03, 2012, 05:20:02 pm »
ayyy parang gusto ko ipost ang buhay ko dito. medyo madalas ko kasi nasasabi to lalo na nung bata-bata pa ako. stage mom ang nanay ko and basta. napwersa nya ko sa maraming bagay na ayaw ko. tapos pwersahan din para maging achiever sa school. basta pressure.

pero ngayon since ok kami wala sa wisyo ko yung mga kinaiinisan ko sa kanya. Iuupdate ko to. haha

heybeybey

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #336 on: September 16, 2012, 03:15:00 pm »
 Hi mga ss, I just had a huge fight with my mom. Buntis kase ako and h2b is otc. So si mama lang yung kasama ko sa bay vhaka yung 12yo kong brother (special child). Kapon sinuntok ng kapatid ko yung tiyan ko, since is is my second pregnabcy and my 1st i had a miscarriage, sobrang ingat na ingat ako. As siblings, pinalo ko yung kapatid ko sa galit ko. At pinagalitan ako ng mama ko. Okay na. I just brush it off. Naglalambing ako sa ma ko ng tinapay at peanut butter. kase gom nako. Ang dami na agad sinabi kesyo ang hirap ko daw maglihi. Na parang ang dami dami naman bakery dito sa labas. And knowing na nahlilihi ako sana naman pagbigyan ako. Tapos umiiyak nako. Kase nagself pity nako. Sabi ko porket ba wala ko work pabigat na ko sa kanya. Samantalang nung nagtratrabaho ako lahat ng hilingin nila sakin binigay ko. Tapos naungkat na nung nakunan ako nasan siya, mas pinili niyang pumunta sa probinsya dahil namatay tito ko kesa bantayan ako sa ospital. Mga sis, nasabihan ko ng walang kwenta ang mama ko. And sobrang sakit sakin dahil alamk kong hindi totoo. Nagsorry na ko sa kanya, niyakap ko na siya, pero i know the damage has been done. Mahal na mahal ko mama ko pero lagi din kame nagaaway.


fab_mom03

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #337 on: September 22, 2012, 08:24:43 pm »
super nakaka-relate naman ako sa inyo mga sis, lalo na kay sis jhenpretty, parang pareho ang story ng buhay namin. :'( while sakin naman, nag-abroad [textspeak!] mom ko kaya lagi sya wala. pero di lang yun yung issue, sobrang dami pa. naisip ko lang, kung sana mas inisip nya kaming mga anak nya kesa mga kapatid nya, di na nya kailangan lumayo. habambuhay na nya kasi binubuhay ang mga kapatid nya. buti sana kung nasuklian yung effort nya. puro naman mga tamad yung mga kapatid nya.

Sa kaka-prioritize nya sa mga yun, kami ng kapatid ko ang nag sacrifice. imagine 2 lang naman kami, kaya naman nya sana kaming buhayin kahit nandito sya. Hindi naman sa sinisisi ko sya pero siguro mas naging achiever ako kung nandyan sya to guide me. i was an honor student din before and my teachers believed in me. kaso na-distract din ang goals ko when i had bf and fell preggy. nanghihinayang lang ako, kasi syempre as parents we should help our child make the right decisions. yun [textspeak!] di ko nakuha sa kanya. but i am not regretful naman, i love my husband and daughter. yung pinanghhinayang ko is yung sa acdemics and career side nv buhay ko. hehe. kaya eto, parang malayo loob ko sa mom ko. pero patong-patong na kasi, hindi lang ito, sobrang dami pa. and yes, sometimes i feel like i hate her. sorry mga sis napahaba kwento. ;D

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #338 on: September 24, 2012, 09:39:37 am »
My mother is a hypocrite and mukhang pera. But i cannot say i hate her. Wala lang akong amor maski pa kausap ko sya in a civilized way. It is to maintain relationship kasi masasaktan naman ang tatay at mga kapatid ko kung sabihin kong galit akosa nanay ko.

jhenpretty

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #339 on: September 24, 2012, 04:14:27 pm »
^^ Okay lang yan sis fab_mom03. Atleast nakasurvice tayo at nalampasan natin lahat ng problems. Buti na lang andyan si God kahit wala si Mom.. Bawi na lang tayo sa anak natin and try our best to be the best mom we wish we had.. ^_^

 

Latest Stories

Load More Stories
Close