watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170767 times)

lonelymiss28

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #280 on: November 04, 2011, 05:48:24 am »
i wouldnt say i hate my mom but definitely may sama ako ng loob sa kanya mula pagkabata. pero base na rin sa mga kwento nyo parang nagiging santo mama ko kumpara sa mga nanay nyo.
pagka naaalala ko na lang ang mga bagay noon about my mom super nagdadasal ako kay Lord na bigyan ako ng malawak na pag-iisp para maintindihan ko mama ko.
And totoo yung pagpapatawad sa sarili. i asked God for forgiveness para sa kasalanan ko sa mama ko at pinapatawad ko na rin sya sa ginawa nya sa akin.
iniisip ko na lang din, may mga batang tinatapon ng nanay sa basurahan, sa ilog,pero ako pinalaki, pinakain, pinag aral so sapat na iyon para mahalin ko mama ko.

prettybarbie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #281 on: December 05, 2011, 01:14:03 pm »
badtrip nga yung nangyari sa house mo sis...kahit sakin mangyari yon magagalit din ako ng bongga.... sa tingin ko okay lang na wag ka muna umuwi, para alam mo yon magkaron din sila ng time makapg isip isip and ganon ka din.... Kung ako ikaw baka nga hindi na rin ako magpadala hehe, well that's me, para lang ma realize nila na importante ka din at importante din na pakinggan ka nila, kasi hindi ka na katulad ng dati na ikaw ang umaasa sa kanila, it's the other way around na kaya dapat kahit konting respect lang naman bigyan ka nila....

I wish you well sis

Mama_Mia

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #282 on: December 10, 2011, 12:04:46 am »
sis mei-mei, I understand your situation, it is quite similar with what I'm going through now. I am married now. I bought a new house when I was still single, my bf and I used our savings for the downpayment, yung monthly halos ako lang nagbabayad. My mother was not able to invest a house kasi nga byuda sya and have worked abroad. When I bought the house of course she was very excited. Lahat na lang sya ang dedecision.... kelan ako pwedeng maglaba, kelan ako tatanggap ng bisita at kung sino ang pupunta. Tapos, when we had our misunderstanding, pinapalayas nya kaming mag asawa. She said me karapatan sya dun dahil kung hinde sa kanya, hinde ako makakapag aral, makakatapos at makakahanap ng magandang trabaho para mabili yun. We have heated argument to the point that I answered back that she has to be grateful that I've been a good child to her but as a parent, she should not oblige her children to payback.

I am not a parent yet but this "payback" thing, it never crossed my mind that I will expect anything from my future children.

Superjoie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #283 on: December 10, 2011, 01:20:07 am »
sis mei-mei, I understand your situation, it is quite similar with what I'm going through now. I am married now. I bought a new house when I was still single, my bf and I used our savings for the downpayment, yung monthly halos ako lang nagbabayad. My mother was not able to invest a house kasi nga byuda sya and have worked abroad. When I bought the house of course she was very excited. Lahat na lang sya ang dedecision.... kelan ako pwedeng maglaba, kelan ako tatanggap ng bisita at kung sino ang pupunta. Tapos, when we had our misunderstanding, pinapalayas nya kaming mag asawa. She said me karapatan sya dun dahil kung hinde sa kanya, hinde ako makakapag aral, makakatapos at makakahanap ng magandang trabaho para mabili yun. We have heated argument to the point that I answered back that she has to be grateful that I've been a good child to her but as a parent, she should not oblige her children to payback.

I am not a parent yet but this "payback" thing, it never crossed my mind that I will expect anything from my future children.
thats also the script of my mom and dad.. kastress... :-s lagi ko sinasabi sa sarili ko hindi na lang [textspeak!] mag aanak kung ang gagawin ko lang din  , ay pag aaralin, pakakainin then sisingilin pag malalaki na sila.

pretty_in_victorian

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #284 on: December 18, 2011, 09:00:33 am »
i used to hate my mom because she cheated on my father.. di ko rin naman masabing my dad didn't cheat on her kasi may napapansin din ako before.. there was a time when i hated them both.. all i could say is that time heals.. this is so cliche i know but it's soo true at least for me.. i still have pain and cry from time to time but it has been lessened.. my parents broke up 4 years ago..

ang problema ko lang is that i seem to have trust issues already which i didn't have before.. i'll deal with it too..

newlifemom

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #285 on: December 19, 2011, 12:15:58 am »
Quote "Pakealamera din sya, celfon ko binabasa, wallet namin binubuksan, kumukuha ng pera ng wlang paalam. Pakiramdam ko hindi nia kme nirerespeto. Mas lalong syang badtrip pag wala syang pera. ako sumasgot lahat sa bahay namin, then pag wala n ko mabgay, sinasbahan nia aqng madamot. di sya naniniwla n wala anqg pera. "

- natatawa ako kasi ganitong ganito ang mom ko.  Let me share a classic instance, pili ako ng best.
The greatest instance ay nung buntis ako at kumuha siya ng pera at akala ay may iba pa akong wallet na tinataguan ng pera. Pagdating ko ng Ayala aba wala ako pambayad, sabi ko na lang sa driver "eh manong bukas na lang ah, wala pla akong dalang wallet" pero kitang kita ni manong na nagkakalkal ako at halos baliktarin ko na [textspeak!] wallet ko. Buti na lang kilala niya ako na araw-araw na pasahero at naawa siguro kasi buntis ako.
WHAAHAHHAHAHAH!! over diba, naiiling na lang ako nung pagdating ko ng office.
Kako sa anak ko sa tyan ko eh.."anak hindi ko gagawin sayo [textspeak!] nangyari sa atin kanina sa fx, nakakahiya noh.."

craziestqueenever

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #286 on: December 19, 2011, 03:01:34 am »
i also hate my mom, know why? she's the reason( i think) why our family is in a mess. Bata pa lang ako alam ko na may iba siyang lalaki, hindi lang isa kundi marami. 3 or 4 years ago  dumating sa point na hindi na sila nakatira sa isang bahay until today magkahiwalay na sila ng bahay pero hindi pa sa papel. And now, confirmed na may babae ang papa ako at inanakan niya ang babae. I all blame it  to my mother.  Baka nga isang araw pag magalit ako sa kanya ilalabas ko ang sama ng loob ko sa kanya. Ang mom ko may lalaki din hindi lang isa kundi dalawa.

whitelady17

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #287 on: December 19, 2011, 02:44:55 pm »
sis mei-mei, if you still have a budget, then pa renovate mo ang sarili mong bahay sa gusto at sa style na type mo. Huwag ka pa affect sa kanila. Question lang, doon ba sila sa townhouse mo nakatira? KAsi kung hindi, you can ask your MIL to assist sa pag renovate mas considerate iyon sa iyo kesa sa mom mo eh. And try to lessen iyong budget na pinadala mo sa mom mo, it seems na subconsciously ginagawa na niya sa inyo ang experiences niya before sa grandma mo. my cents lang

chirochan

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #288 on: December 20, 2011, 05:24:33 am »
sisPrettyinvictorian siguro nga kagaya mo ko may trust issues din kaya lagi ko inaaway si hubs eh, i hate my mom but grateful pa din ako sakanya naaawa na din ako sakanya kasi wala ng mag,gguide sakanya kasi wala na ko sa buhay niya, bata pa lang ako alam ko naman may bisyo siya at lalake eh tanggap ko stepfather ko kahit alam namin na  niloloko yun daddy ko na nagpapakahirap sa japan, ganitong set-up ako lumaki lahat painful at traumatic, kaso lumala ng inaya siya magcasino ng lola ko mga 11 ako nun pinaghiwalay ng lola ko si mama at stepfather ko dahil wala ng makuhang pera kay stepfather, after nun iba iba naging lalake niya naging sugar mommy siya halos hindi na umuuwi ng bahay. napariwara ako dahil sakanya hindi ako nakapagtapos kasi hindi nila binabayaran ng maayos tuition ko kaya nawalan ako ng gana lagi din niya sinasabi na wag na ko magaral pero yun una niyang anak napagtapos niya, lahat  ng family ko gold digger puro pera tingin  samin, kahit kelan hindi niya ko inasikaso pero minsa okay siya, ang time lang na nagkikita kami is kapag every 2 months umuuwi daddy ko at 1 week siya dito, dahil sa bisyo niya nawalan na kami ng 2 kotse baka yun bahay mabenta niya  din kasi wala na ko dun, after   ko siya parehab mga 1 month pa lang tinulungan siya ng lola ko na makaalis dun kasi nga hindi sila  magkakapera kung nasa rehab si mama, kaya ako bago pa siya makalabas sinabihan na ko ng daddy ko na umalis dun, binabantaan pa ko ng mama ko na papatayin niya ko at yun mga nakakilala sakin na kapag di ako tinuro dadamay niya pati sabi sakin na hindi niya daw akoanak binili lang daw ako sa ospital, pero naaawa lang ako sakanya kasi pag tanda niya pano na siya ? lalo nasa dami niyang bisyo impossible na hindi siya magkasakit, sana yun mga pinili niyang tao alagaan siya, naiyak tuloy ako, mama kahit ganyan hindi ko magawang magalit ng  matagal sayo, bakit ako lang ang hindi mo napapansin samantalang ako lang at  si daddy ang walang hinihiling sayo gusto lang namin maging masaya  tayo, pero  sabi nga ni daddy sana maging masaya ka sa lalake mo pero hindi pwede na sakanya kayo hihingi ng pera pangbisyo, nakakaawa sa lahat ang daddy ko sana makaya niya sobrang layo  ko para bantayan siya

pretty_in_victorian

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #289 on: December 20, 2011, 07:32:57 am »
^ aw.. pareho tayong naaawa sa daddy natin pero ako naman pag nagkaroon ako ng family of my own, isasama ko daddy ko sa bahay ko pero parang ayaw nya kasi ayaw nya daw mag interfere with my life.. i live with him now eh.. i don't see them often both.. i see my dad only when he comes home-which is twice a year.. my mom naman, minsan na nga lang umuwi ng Philippines, bawal pa pumunta dito sa bahay.. kasi galit sa kanya lahat ng mga kamag anak namin.. ang bait bait kasi ng daddy ko eh.. nung una mas galit ako sa mom ko pero i learned to accept that sh*t happens..

yes, trust issues and all, 8 years na kami ng BF ko.. hopefully sya na.. he has it planned out na eh.. kasama sa plan nya parents ko kahit magkahiwalay sila.. ang prob ko lang, pag kinasal ako (in 5 years or so..) kung pano yung arrangement.. di ko alam kung dapat ko i-invite mom ko.. i'm ok with or without her.. ang BF ko naman, di pwedeng wala mom ko.. kahit nung una, ayaw sya ng mom ko, he secretly went behind my back and talked to my mom to talk to me kasi di ko talaga sya kayang kausapin nung una..

rastagurl11

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #290 on: December 20, 2011, 10:24:47 am »
Hindi pala ako nagiisa sa mundo, but my mom is by far the worst mom of all. try nyo magkaron ng nanay na hindi nagkakamali. Paikot-ikot kayo magdidiskusyon and in the end, para nalang matapos na kasi baluktot na ang katuwiran, ikaw na ang susuko. Super sumbatera and super sama ng ugali. Kung dati hate na hate ko sabihin na kamukha ko erpat ko, ngayon, di bale ng kamukha ko papa ko, wag lang ermat ko kasi I fear na baka pati ugali, mamana ko sa kanya. She treats me like s*** and we already had a talk at pinanindigan niya na patapon ako, sinong nanay ang sasabihin yan sa anak niya at babae pa? Ang dami niyang sinabing unimaginable, no mother would ever tell that to her daughter but she said it and even reiterated it, the bad part is, you know you're not like that pero at some point, it got to me narin, ganun siya katindi.

Hindi ako nasestress sa work, pero i feel restless minsan, until a friend pointed out na sa sarili kong bahay ako nasestress because of my "perfect" mother, and my friend is right.

Kaya by first quarter of next year, i will move out (again), oras naman para maging makasarili ako.

hotchokey

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #291 on: December 22, 2011, 01:27:59 pm »
i just found out something na yung so-called cousin ko na kinaiinisan ko dahil kahit mali yung ginawa niya not just sa akin but also sa mga kapatid ko at kasambahay eh kinakampihan niya, siya pa magagalit sa amin.. is unang anak pala niya.. nabuntis siya ng 1st bf niya then hindi siya napanagutan dahil hindi daw maka akyat sa bahay (sabi ng bio-dad ko).. then pinalabas na lang na pinaampon sa kanya ng isang bisaya..

ang unfair kasi siya (1st daughter) lahat nagagawa niya, lahat ng lakad niya okey lang kay mom.. may i-suggest siya go naman itong mom ko.. tapos kamukha pa niya, sa paglalakad, sa kilos, pareho silang nagkakaintindihan ng language (chavacano kasi)..

i know i am ma-rebelde before but i say sorry naman.. but siya? since na-ambush siya..things change, having an affair with her body guard na walang binatbat sa step dad ko, seeing her kissing that man, holding hands kahit nasa cinehan, and the like.. then ganun may anak siya, lahat ng gusto kong gawin hindi pwede pero yung anak niyang yun na inaakala naming pinsan namin pwede, wala siyang tutol??? ang unfair talaga!!!

ang sakit na nga nung ginawa niya sa amin ng ex fiance ko then malalaman ko na lang na ganun??

tapos ngayon kung tratuhin niya na lang kami parang ewan, nagtitipid sa foods for us kesyo wala na siyang pera, but for her rotary org meron siyang nailalabas? i am not being madamot for sharing some things with others pero kami anak niya, pamilya niya ibang trato?

she always say "charity begins at home" then why ganun? walang charity sa bahay, may charity lang kapag may ibang tao, may bisita (para na kaming goma na nakikipag plastikan sa iba)..

hai nakaka low morale..

bachoi

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #292 on: January 14, 2012, 05:23:09 am »
3 weeks na akong walang yaya at alam ni mother yun. nakiusap ako sa kanya na kung pwede pumunta muna siya sa bahay kasi walang mag-aalaga kay baby. nagtatrabaho kasi ako sa gabi. kailangan lang na may katabi si baby sa pagtulog kasi sa umaga naman ako ang mag-aalaga. kaso si mother ayaw kasi daw walang kasama sa bahay yung kapatid ko na 18yo. kesyo hindi daw marunong magluto, maglaba at magplantsa yun. dalawa lang kasi sila sa bahay nila. so, ang sabi ko na lang, sige salamat na lang. ang nakakainis, ang laki-laki na ng kapatid ko hindi niya maiwan-iwan. alam naman niyang nagtatrabaho kami pareho ng asawa ko at walang mag-aalaga sa anak ko. buti sana kung hindi ko babayaran yung pagbabantay niya kaso babayaran ko naman. yes! kelangan kong bayaran si mother para lang alagaan yung apo niya. hindi papayag yun ng walang bayad. last week, inopen ko yung fb account ni mother. tamang nakichismis ako sa mga kachat niya. kaya pala ayaw alagaan si baby kasi sarap ng buhay dun sa bahay nila. syempre pachat-chat lang then panood-nood lang ng sine. tsk tsk! nakakainis lang pag kailangan nila ng pera, nagbibigay agad ako. in short, madali akong maawa sa kanila pero ngayon na kailangan ko sila, hindi man lang nila ko matulungan. parang hindi ko siya nanay sa ginagawa niya. buti pa yung ibang tao, i mean yung tita ni hubby na hindi ko ineexpect na tutulong sa amin ay tinulungan kami.

swt_fem

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #293 on: January 29, 2012, 03:18:23 am »
Hi mga sis, hindi na ako nag backread pero gusto ko lang sana sabihin (wag sana maoffend) na life is too short para mag away kayo ng parents nyo, we'll never know kung kelan sila kukunin ni Lord. It might be too late to say sorry kaya as soon as you can, settle your issues na with your parents. Get to the bottom of it and learn to forgive.

When I lost my father, andami kong "What Ifs" and "Should haves", you wouldn't want to live with that.

harlet

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #294 on: January 29, 2012, 12:30:32 pm »
^ i agree sis...pero iigsi talaga buhay ko sa ginagawa ng nanay ko sa kin..... :)

Superjoie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #295 on: January 29, 2012, 04:28:52 pm »
^ i agree sis...pero iigsi talaga buhay ko sa ginagawa ng nanay ko sa kin..... :)
hahahaha natawa ako haha

harlet

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #296 on: January 29, 2012, 06:56:57 pm »
^hayz naku....dami ko pinagdadaanan ke ina.....dumating na ko sa puntong punong puno na ko....andun na ko sa let go na lang....kung mawawala man siya.....parang go ahead na lang ang drama ko......parang pag nawala siya, more of a relief.....sad to say pero yun ang nararamdaman ko.....

swt_fem

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #297 on: January 31, 2012, 06:03:20 am »
I'm happy for you sis mei-mei. :)

Let's cherish our relationships with our parents while they are still with us or we are still with them. Ipagpasa-Diyos nalang natin. Ipag-pray nalang na magbago sila kung ano man sa tingin nyo ang dapat nilang baguhin at ipag-pray nalang din natin na bigyan tayo ng mas malawak na panguunawa sa kanila.

Nakaka-relate din ako sa thread nato before, dati feeling ko isang malaking kontrabida ang mommy ko pero nung mas nagka-isip ako and nagkaron ng sariling anak, mas naintindihan ko sya. Sa totoo lang, hindi pa nga ako nagso-sorry sa kanya for all the disappointments I've caused her. Nagiipon pa ng lakas ng loob at naghahanap ng right timing. We're ok naman, mas naging tumatag ang relationship namin. Gusto ko lang mag-sorry parin.

nessy

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #298 on: March 15, 2012, 08:51:02 am »
hi!i decided to post in here kasi i cant seem to find the "new topic" button. i aLSO dont know if another topic like my situation was started already. here is my story. i am an adopted child by a married couple.they got married december 21, 1980.meron din akong sister na adopted din.we did not have a chance to know who our biological parents are kaya we treat the people who adopted us parents na rin talaga.wala kaming adoption papers,pero meron kaming birth certificate from NSO na pinirmahan nilang dalawang mag-asawa.my brithdae is on july 8, 1983 and sister's is december 16, 1986.i dont know how they were able to do that pero sa [textspeak!] namin ni sis eh pinanganak kame ng mom namin na hilot ang nagpaanak sa kanya at taga duon sa province nila.malaki talaga ang utang na loob namin sa kanila.kaso yung mom namin lagi talaga naming kaaway yun.lagi namin kakampi ang dad namin.when dad died 10 years ago, lumala ang problema namin ng sister ko.yung perang iniwan ng dad ko,napunta sa mom ko.pati yung pera na galing sa company where he worked,napunta din sa kanya.including those that are for us.i know na para sa amin yun kasi ang cheque nakapangalan sa amin ng kapatid ko and hindi talaga siya binigay sa mom ko without us going to dad's office to claIM it.nung nakuha na namin ang cheque we had it deposited sa bank.magkaiba kami ng bank ng sister ko.kaso kinausap kami ng mom na ilipat daw sa bangko niya  ang pera namin.so pumayag kami kasi mga bata pa kami non.wala lang naman sa amin yon ng sister ko that time, kasi nga hindi naman namin alam kung ano ang mangyayari e.ngayon. everytime na mag-aaway kame ng mom ko. kahit sila ng sis ko. lage nya sinasabi na babawiin nya daw ang apilido ng dad ko sa amin.at wala daw kami karapatan sa lahat ng iniwan ng dad ko.pati yung kapatid ng mom ko,at pamilya ng kapatid nya, sinasabi na sila lang daw ang may karapatan makinabang ng lahat ng maiiwan ng mom ko if ever, na kung tutuusin eh iniwan lang din ng dad ko yun sa mom ko.di ba yung lahat ng iniwan ng dad ko sa mom ko, conjugal property yun, so dapat yung 50% should go to my mom  and the other 50 will be going to us .kaso wala nga kaming adoption papers pero my dad allowed us to use his last name.pirmado nya pa ang [textspeak!] namin.ang sinasabi ng mom ko pati ng kapatid nya at pamilya ng kapatid nya, wala daw kaming adoption papers kaya wala daw kaming karapatan,at sa kanila daw mapupunta lahat ng sa mommy ko if ever.is this true?i really need and opinion regarding this matter.

yndy

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #299 on: March 15, 2012, 09:06:54 am »
sis you may want to post this sa Your Legal Rights Thread, eto link, http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/board,51.0.html

I think you still have the rights kasi may birth certificate kayo na signed ng parents mo signifying na biological kids kayo. Biological ha hindi adopted since birth cert yun and wala naman adoption paper and mukhang ang pinalabas talaga from the start is biological kids nila kayo. If ever sasabihin nila na hindi kayo biological kids and it was challenged and proven thru DNA testing, pwede sila kasuhan ng Falsification of Public Documents sa pagkakaalam ko ha though I may be wrong.

Post mo dun sa Your Legal Rights section yan sis I'm sure madami ka makukiha na advice dun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close