Ako,gusto kong magalit pero di ko magawa... like ngayon lang na-wrong send si mommy ng text sa cel ko pumasok,dapat dun sa kamag anak namin,yung text nya ganito: "dadaan ka ba dito mamaya? bka pede hum"... so ako na gets ko na,humihiram sya ng pera. naguilty naman ako,tinext ko na ma, wrong send ka. nanghihiram ka kay ? Sagot nya oo kasi wala daw yung kaibigan nya na nahihiraman nya. Syempre as anak,para akong tinusok sa dibdib. napa-isip ako,ganon na ba sila ka-gipit? Background: 3 kami magkakapatid, ako bunso. yung panganay namin may trabaho wala pang asawa. yung pangalawa namin,walang regular na trabaho,wala pa ring asawa. Ako bunso,nurse ako. nung mamatay ang daddy ko,naisipan ko mag abroad,pinalad naka alis ako,pero nakapag asawa na ko dito. Ayaw ng mommy ko sa napangasawa ko, foreigner kasi. may isa kaming anak,magti-3 years old. Simula nung pumunta ako dito hanggang nakapag asawa ako,regular ang padala ko sa kanila. kahit nung magka anak ako,ganun pa din.
Si mommy,papunta punta dito,pero this year di sya pumunta,naoperahan kasi. Dati na kami may issue sa pera,kasi nga last year, nalay-off asawa ko sa work, mga credit cards ko di ko mabayaran,kasi ako lang may full time na work. If you will ask ano nangyari sa credit card ko, sa kanila din naubos. Madami nagsasabi sa akin na tama na daw yung pagpapadala ko, kasi may pamilya na ako. Pero,lagi lagi na lang ako nakukunsensya. Yung last na punta ng mom ko dito, napauwian ko sya ng 1500$, naipon ko yun na di alam ng asawa ko. Then yung asawa ko pinadalhan pa si mommy ng 600$ kasi naipangako daw nya,pambili ng gamit sa bahay na nabili sa probinsya,na sinasabi ng mommy ko sa asawa ko nakapangalang sa anak namin. Sabi din ni mommy, ipagbubukas nya ng dollar account ang anak ko,para pag umuwi kami may madudukot na pera. Nung maoperahan cya, wala akong maipadala na pera kasi nga wala akong ipon, sabi ko ano nangyari dun sa napauwi kong pera sa kanya, ubos na daw. hanggang sa nagka utang utang ako sa payday loan na hindi alam ng asawa ko.
Tapos ngayon nga yung wrong send na text. Sabi ko kasi last month, di muna ako magpapadala kasi nga gusto ko pondohan muna yung savings para sa anak ko. tapos ngayon ayan, may yext na naghihiram ng pera sa ibang tao. sino ba hindi maguguilty. Di nila alam,halos magkanda loka ako sa kakaisip kung saan ko kukunin ipapadala ko. Pag nagsabi naman ako na gipit ako at madaming binabayaran, sasabihin ng kuya ko, umuwi na lang daw kami ng anak ko sa pinas kung kinakapos rin lang daw ako dito. Tapos sasabihin pa,hindi na maganda dito. Kaya minsan tuloy, kung hindi ko lang iniisip ang anak ko, gusto ko na mamatay o maglaho na lang bigla. Nakakainis na kasi e.