watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170703 times)

tabbru

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #220 on: May 13, 2011, 09:17:13 pm »
Hmmm. Moms are humans, too. And we have to admit, may mga nanay talaga na pasaway. And they deserve to be hated. We are all humans, we have the right to hate. Ano ang magagawa natin kung iyon talaga ang nararamdaman natin? For sure may basis naman ang hatred na yan, karamihan nga nag-ugat pa sa childhood.

But the thing is, do not dwell on that hatred. Kasi wala na ring mangyayari. We can't choose our parents eh. Kung hindi talaga maganda ang trato ng nanay mo sa iyo, you have no choice but to live with it. But you can minimize your misery naman. Siguro minimal contact with her? Lumayo muna sa kanya. Wag na rin masyadong pansinin pa lahat ng actions niya. Ang advantage ng humans, makakalayo talaga sila sa magulang nila eventually at makakapagsimula ng buhay sa piling ng ibang tao. Ang hindi makuhang affection sa nanay, pwedeng makuha sa piling ng mga kaibigan, asawa, anak, etc. Try to be happy sa ibang aspeto ng buhay mo na may magagawa ka.  ;)

prettygurl00001

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #221 on: May 17, 2011, 04:04:59 am »
Mom and I have been ok for the past couple of months. Actually super bihira na kami magkita and everytime we do, maayos naman. Occasionally hubby and I invite her and dad to our house and they would stay for several days. I would cook for them, pinapasyal namin sila ni hubby. In short, hubby and I do our best to make their stay worthwhile. We even let them use our bedroom and sa guestroom kami ni hubby natutulog coz they’ve been complaining na matigas daw yung mattress sa kabilang room. In short, dad and mom were treated like king and queen pag nasa house namin sila.  Since 15 minutes away lang our house from my sister’s house (her fave daughter), so after staying in our place, they would transfer naman to my sister’s place and dun mag-stay for a few days. Eto na, pag andun sila, she would text me… kesyo dad is complaining of back ache. Yun pala, my sister would let them sleep sa living area, sa floor! Tapos ni hindi man lang sila ipinagluluto ng sis ko. Yung bayaw ko pa ang nag-aasikaso sa kanila. I even remembered what my sis told me a few days before kami makalipat ng house ni hubby. She said, bakit daw hindi ko i-invite si mom to come over para may katulong daw akong magligpit-ligpit and maglinis ng new house. I was surprised with what she said. Becoz never ko naman inobliga our parents na patulungin sa mga ligpitin sa house coz they’re old. And whenever I invite them, hindi para gawin househelp, I treat them as guests. Ang nakakainis lang, pag may reklamo si mom about my sister, mom would always complain to me, pero di naman nya sinasabi sa sister ko, coz she doesn’t want to hurt her feelings. Pero pag sa akin sya galit or may reklamo, she would text me hurtful or offensive words.

Last week, mom and I were texting. I was inviting her to come over sa house since it’s mother’s day. She refused, sabi nya mahirap daw magcommute and andun mga apo nya, so magastos sa pamasahe. So kami na lang ni hubby ang pumunta sa house nya. Si fave daughter hindi dumating to greet her.
Then yesterday, my elder sister texted me and told me na nandun daw si mom, dad and mga apo sa house ni fave daughter since nung weekend pa. I was surprised coz last week I was inviting her and she refused. Tapos now mababalitaan ko that she is in town, and she’s not even texting me. So sabi ko kay elder sis, kung di mo pa sinabi hindi ko pa malalaman. Nag-invite ako ditto sa house namin ayaw nya pumunta. Pero kay fave daughter isang invite lang sugod agad sya. Then ipinagtanggol naman nya, kesyo wala daw load ang mom kaya di ako maitext. Aba, e puede naman sya makitext kay fave daughter nya diba? So naisip ko, ayaw nya talaga ipaalam na nandun sila kay fave daughter. Later on, pinasa-load sya ni elder sis para makatext sa akin. So maya-maya nagtext na, saying na nandun nga sila. Then I replied, sabi ko sana nagtext sila agad para masundo namin ni hubby and sa house na namin sila magstay. Then mom replied, hindi daw sya makakaalis sa house ni fave daughter kasi sya ang magluluto, maglinis ng house and laba ng mga ginamit nila na clothes nung nagswimming sila. Tapos after 5 days need na nila umuwi agad coz yung mga pets sa house walang magpapakain. So my reaction was, ah ok… so mas gusto nya pa talagang magpa-alila sa fave daughter nya kesa dumalaw sa akin, kahit buhay hari at reyna sila ni dad sa bahay ko. Nakaka-offend lang, coz I thought ok na ko and hindi na ko maaapektuhan kahit alam ko na mas paborito nya talagang anak yung isa. Kaso nasasaktan lang talaga ko na, pag ako I’m trying my best para maging mabuting anak sa kanya, pero mas pinipili pa rin nyang mahalin yung sister ko na wala naman ginawa kundi pahirapan sya. Tingin lang sa kanya ng sis ko tagaluto, tagalaba, tagalinis nya. Ang sakit isipin na mas mahal pa rin nya yung sister ko despite what she does.
« Last Edit: May 17, 2011, 04:09:28 am by prettygurl00001 »

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #222 on: May 17, 2011, 09:21:03 am »
^yun nga eh. ang hirap ng we are trying our best para sa kanila pero hindi nila nakikita yon kase mas gusto nilang magpakaalila sa mga fave kids nila... we have the same situation sis...

SweetieNela

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #223 on: May 21, 2011, 07:48:51 am »
^^sis pretty. i feel for you..
super same as mine. pero about my bro naman.

you're right.. ginagawa natin yung best para sakanila but then mas pinipili pa nila ang fave nila kesa saten kahit minsan alila na sila. like my mom. kuya kong walang work. ang mama ko taga bigay ng luho,taga hugas ng pinagkainan niya,taga abot ng twalya,taga abot ng tsinelas.
samantalang ako ayaw na ayaw ko siyang magttrabaho at kikilos kapag andun ako sa bahay umuuwi.
my gosh but still pinipili niya parin ang kuya ko.

prettygurl00001

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #224 on: May 24, 2011, 04:45:46 am »
What’s even more depressing is when I try to blurt out all my pain, she doesn’t understand me. She doesn’t even want to hear me out. I tried so many times to tell her, how unfair she has been. Kaya nga madalas kami magtalo, because I try to make her see that she’s not been treating us equally. Pero she’ll become defensive, tapos sa akin pa magagalit and ipapamukha pa sa akin lahat ng mga paghihirap nila ni dad raising us, educating us, etc. Haay, suko na rin ako makipagtalo, nakakapagod na rin lalo na pag yung kausap mo hindi open-minded and puro sarili nya lang ang pinakikinggan. Kaso ewan ko ba, I just love my parents so dearly kaya gustuhin ko man tiisin eh ako rin ang sumusuko. Saka minsan pag tina-try kong hindi magparamdam, parang balewala naman, parang hindi naman sya affected.   :'(

trishpassing

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #225 on: May 25, 2011, 10:03:18 pm »
Uy nakakarelate naman ako. I do not hate my mom though, but the way she has been treating my kuya really ticks me off. My kuya naman has 2 kids na, though hindi sya married, pero magkasama sila nung mom nung mga kids. He has work, and the mom of kids as well. But what ticks me off is that my mom let my kuya treat her like the nanny for his kids. I mean, kailangan ba talaga mom ko lang mag-alaga, magdala sa school, magprepare ng baon for his kid, kapag may sakit, sya pa din napupuyat. I don't get it. Tapos my mom gets bothered (kinda mad) kapag sinisita ko. I should understand the situation daw. She's making my kuya irresponsible. My dad's even paying the tuition of his eldest daughter.

Kapag andito naman sa bahay, si mama pa lahat gumagawa. Of course I help her, tapos you'll see him, lying in the sofa playing his effin' PS3 (at may pambili sya sa luho nya pero tuition sa anak, wala!). Tapos matutulog yan, pagkagising nakahanda ng yung baon nya for work na pwedeng sya naman na gumawa kasi hello, ang tanda nya na kaya.

I'm sorry for ranting. Ngayon ko lang kasi nalalabas yung mga ganito. I never experience being treated extra special. I'm not jealous nor asking for attention. I've been independent with my decisions since I was 18 (though I still live with my mom, I can't leave her with this situation). Pero me showing that I am strong doesn't mean na they'll treat me like I can take anything. Sometimes, I do favors pa for my niece instead na parents nya gumagawa. I feel sorry tuloy for my niece and nephew kasi they are growing up having material things rather than love and affection coming from the most important people of their lives. I hope I can fix this soon before I settle down. Ayoko namang habang buhay nagtatrabaho dad ko sa US dahil walang pangtuition yung apo nya. At ayokong nahihirapan ang mom ko because she has to look after my niece all the time. Ganito na ba ang new generation ng mga magulang ngayon na both working? I don't understand it sometimes kaya iyak na lang ako.

Sorry sa haba.  :(
« Last Edit: May 25, 2011, 10:06:09 pm by trishpassing »

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #226 on: May 26, 2011, 09:56:07 am »
pa-comment lang ha... dapat ang bro mo and SIL kahit na both working eh may time parin sa mga anak nila... dapat kahit paano hindi nila inaasa lahat ng parents ninyo lahat. sige, may work sila pareho at laging wala, pero pag andyan na, dapat sila ang nag-aasikaso sa mga bata. if kaya nilang sila ang gumawa ng baon para sa mga bata dapat sila ang gagawa kase mga kids nila iyon eh...

trishpassing

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #227 on: May 26, 2011, 10:06:21 am »
^ hindi ko din maintindihan sis eh. It is as if, wala lang sa kanila. Na parang "eh pagod ako eh" parang ganun. Gusto ko mang intindihin na ganon, pero di ba, they have to sacrifice a little time, kasi even a little time can do much for their kids.

gil_jel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #228 on: June 06, 2011, 11:33:30 pm »
I hate my mom and she doesn't deserve to be called a mother at all! she's in the states now, nagmmessage pa kame sa FB and it got to a point na she told me, nun time na pinanganak niya kame tapos na responsibility niya samin magkakapatid as a mother... ano kaya yun... unang una it wasn't my choice to be born kase siya naman gumawa nun.. hayyy

Purple_Power

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #229 on: June 10, 2011, 01:39:36 pm »
ano kaya yun... unang una it wasn't my choice to be born kase siya naman gumawa nun.. hayyy

Exactly the point there. That is my mentality too. Parang bang yung pagkabuhay natin sa mundo eh! laking utang na loob natin na kelangan maguilty pa tayo sa pagkakayod sa nila sa trabaho. Tapos parang minsan nakakaramdam rin ako na ang laking perwisyo natin sa kanila. Eh samantalang sila ang nagdesisyon for us to exist on this world.

prettygurl00001

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #230 on: June 14, 2011, 03:53:36 am »
naku naalala ko tuloy nun minsan na nagtatalo kami ng mom ko. Nasa kainitan na kami ng pagtatalo nun tapos bigla ko nasabi na "buti pa yung mommy ng bestfriend ko, kahit may work na silang magkakapatid, inaasikaso pa din sila ng mom nila pag uuwi sila ng province. Kahit nga ako, inaasikaso din nun pag nandun ako." Tapos sabi ng mom ko, "Ang tagal ko nang graduate sa pag-iintindi sa inyo no! Matatanda na kayo para asikasuhin ko pa!". Isa lang 'to sa mga attitude na kinaiinis ko sa kanya. Feeling nya since matatanda na kami, tapos na rin ang pagiging ina nya sa amin. Ni hindi ko nga naranasan maglambing sa kanya e. Dati nga pag maysakit ako, galit pa yan. Sasabihin pa "O ano na naman masakit sayo?". Para ba namang gusto kong nagkakasakit ako.

^kaye^

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #231 on: June 14, 2011, 03:24:26 pm »
Yung nanay ko hindi ko maintindihan kung paano gumana ang isip. Ang damot niya!! Pag may ibang taong kaharap, grabe kung makapag-promise ng mga bagay-bagay, pero pag tinanong mo na kung saan yung ipinangako niya, biglang nagbabago ang kwento niya.

Okay na sana kami ng nanay ko, kaya lang kanina nagsumbong sa akin yung kapatid ko, humahagulgol.

Kasi gusto ni sister mag-start ng business. nakiusap siya sa akin kagabi na tanungin sa banko kung pwede siyang mag-loan. sabi ko subukan niya munang humiram sa nanay namin kasi kung sa banko, tatagain siya ng interes. hindi naman siya pwedeng mag-cash advance sa credit card kasi one time payment ang kailangan at may interest pa na umaabot ng 6.5%. nagsumbong sa akin yung kapatid ko kanina na sinabihan daw siya ng nanay namin na hindi siya pwedeng magpautang kasi sinabihan daw siya ng tita namin na huwag pautangin yung kapatid ko. my mom and my tita are both abroad, in different countries.

Yung kapatid ko umiiyak kanina, bakit daw ganoon yung nanay namin. hindi naman daw siya nanghihingi ng pera, babayaran naman niya.

Kinausap ko yung tita ko para tanungin kung bakit niya sinabihan ng ganoon yung nanay ko. Gulat na gulat yung tita ko kasi wala daw siyang alam sa sinasabi ng nanay ko. Halos dalawang linggo na silang hindi nag-uusap.

Madamot lang talaga nanay namin. Mayabang siya pag may ibang tao, pero pag kami-kami na lang, ang damot niya.

My sister used to work as a nurse in a hospital. Nung nabuntis siya, sinabihan siya ng nanay ko na tumigil na siya sa pagtratrabaho. Sabi pa daw ng nanay ko sagot na siya panganganak at pambayad sa yaya ng kapatid ko. Nanganak na at lahat ang kapatid ko, wala pa rin siyang natatanggap na pera galing sa nanay ko. Hindi na rin siya humingi kasi may ipon naman silang mag-asawa. Pagkapanganak ng kapatid ko, heto na naman si mommy, sinasabihan siyang kumuha ng yaya para may katulong siya sa pag alaga sa anak niya, sabay promise na siya na magbabayad ng yaya. Yung kapatid ko naman, naghanap rin ng yaya.

Nung may nakita nang yaya yung kapatid ko, sinabihan niya yung mommy namin. Sabay sabi kung magkano yung sweldo ng yaya every month. Nabigla na lang siya nung sinabihan siya ni mommy ng, "bakit ka sa akin humihingi ng pambayad ng yaya? Doon ka sa asawa mo humingi!" Siyempre hindi na lang kumibo yung kapatid ko.

Kanzaki

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #232 on: June 17, 2011, 02:13:52 pm »
@^kaye^ Nakakainis ang Mom mo ha!  >:( no offense pero ang tingin ko sa kanya barbera siya saka parang may disorder yung ganyan eh! na nababaliktad na lang usapan. Actually sakit na yan eh! And frankly speaking ang nakakatakot dyan is kung siya yung tipong manloloko sa iba na magaling siyang magpaikot.


Grabe ito na naman ako. Nanghihina ako sa Nanay ko kahit kailan. She asked me to fix the bags inside our cabinet. You know what she did? hinagis niya yung ibang bags na pagalit siya pero hindi naman niya ako hinagisan. The point is akong ako lang talaga ang nakakakita ng totoong sama ng ugali niya na hindi nakikita ng ibang tao ni kahit ang ama ko at kapatid ko. Nagtitimpi lang siya kapag inaaway siya ng Papa ko as in kaya niyang magpaawa effect to think she ever thought na kakampi niya ako. But NO WAY! I have no sympathy on her side. Hindi ko lang pinakikita sa kanya kapag hindi ako umaayon sa kanya because all that she wants is kakampihan ko siya. She is type of a person na ayaw ng confrontation but then ako ang pinagbabalingan niya sa lahat ng hinanakit niya sa ibang tao.  >:( Tuloy akong ako ang nagsusuffer sa depression halos minsan napapaisip ako na magtake ng anti depressant eh! Nahuheart burn na ako dahil sa dinadala kong hinanakit sa pamilya ko. Nagtitimpi lang ako sa pagmamaltrato nila sa akin. She is wondering ever since of why my Dad is being bastos to her ever since na pinahihiya kaming lahat sa harap ng maraming tao. Actually the answer was very simple it is because my mom is tolerating it na akala niya kapag magtitimpi siya at mananahimik na lang eh! maiiwasan ang gulo pero dun siya mali lalong nagiging lason to the point of leveling up. Akala niya siguro when there are people that she can earn respect her mentality is her husband should bow on him as well or she does not deserve it. At some point feeling ko she deserves it. You know why? Nung binabastos ako ng Tatay ko sa harap ng maraming tao lalo na nung nagdadalaga ako sobrang below the belt yun at never niya akong ipinagtanggol instead sinasakyan pa niya at hinayaan niya akong mapahiya. But look at the repercussion siya ngayon ang hirap na hirap sa asawa niya. Hindi nga niya inaaway pero ako naman ang binabangayan niya. Eh di ako tuloy ang nagdadala ng matinding hinanakit. Tapos bias pa siya sa aming magkapatid. Kakampihan niya yung lalake. Ewan ko ba bakit parang sa lalake siya nagpiplease tapos galit siya sa akin nandahil hindi lang ako achiever or top notcher. To think she is teaching the professors in some reputable university about curriculum on how to handle students. she is well respected on that university by the students, teachers and other professional people. Langya she is down to earth in front of them na hindi makabasag pinggan pero pagdating sa harap ko brutal siyang magmura sa akin. Lalo na when I was a kid matunog pa rin ang pang-iinsulto niya sa akin ng bobo at t**** sabay sigaw. Grabe student pa man din niya yung nagsabi sa Psychology subject namin na masama yung pagsasabi ng magulang sa anak ng bobo at t**** as in sobrang laking epekto nun. Kaya nga I grew up without self confidence na parating conscious sa sarili. Ewan ko ba kung bakit until now hiyang hiya ako sa sarili ko nandahil sa ginawa nila. Buong buhay ko na sinikmura ang pandedegrade nila lalo na itong nanay ko. That could be another repercussion on her part na inaakala niyang she deserves the bow of all people. Kita mo nga matindi rin siyang pahiyain ng Tatay ko in front of other people which is in front of the professors pa na karespe respeto.   

Marquita

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #233 on: June 30, 2011, 12:32:39 pm »
mine is simple lang.

i hate my mom today.. just today.. ito ang conversation:
*after cooking maling and putting rice na kagabi pa sinaing for lunch + century tuna leftovers from breakfast
*kain lang kami di siya masiyado kumain
ME: Parang malapit na tong kanin mo mapanis
MOM: eh kaya nga bilisan niyo na kainin at bibigay ko narin sa aso yan mamaya
*so we just continue eating
ME: Alam mo next time dapat try natin mag grill kasi ang oily nitong mga kinakain natin palagi
ME: para rin naman sa inyo yan sa health niyo
DAD: sumangayon lang pero tuloy kain
MOM: eh kung ayaw niyo nyan edi ikaw magluto, dahil ako career woman ako, di ako pang bahay
MOM: wala akong kahilig hilig sa pagluluto na yan
ME: (Sabat ako) di ako nagccomplain nagssuggest lang ako
DAD: oo nagssuggest lang ito naman
MOM: kung panay kayo reklamo kayo na magluto, lagi kayo nakakasakit ng feelings yung lola mo kayo!
          andami dami kong gingawa tapos magrereklamo pa kayo diya
MOM: ikaw kaya magasawa ka na tapos ipagluto mo yung asawa mo, tignan natin kung di yun
          magreklamo
DAD: (natawa lang)
MOM: tutal ikaw nandito sa bahay pagaralan mo magluto ikaw magluto!
ME: sige penge pera? (nakasmile)
MOM: (dada lang ng dada)
ME: hindi ako nagccomplain sabi ko para lang sa atin naman yung di tayo mag oily or fried foods araw araw
MOM: (tuloy tyloy and dada) ikaw kailangan ka pa gisingin sa umaga ang tamad tamad mo magbago ka na
           kung gusto ikaw magluto hindi yung nagrereklamo ka dyan. magbago ka na! ikaw ang galing galing
            mo sa ibang tao, samin ang sama ng ugali mo! sasagot ka pa talaga! (pasigaw na)
ME: wala akong sinasagot sayo ah ang sabi ko subuhan nating mag grill at wala akong sinasabing di masarap
        yung niluto mo!!! unhealthy lang!
MOM: at talagang sumasagot ka pa ah! wala ka talagang kwentang anak!
ME: ikaw di kita inaaway ah! nagaalburoto ka nanaman dyan! guilty ka lang kasi sa pagluluto!
MOM: ako pa ngayon ang guilty! baka gusto mong matapos na ang mga pangarap mo! di kita tulungan diyan!
          tapon ko tong lahat ng mga bag na to pati yang ukay (pang biz) mo itapon ko yan! ikaw na bahala
          sa buhay mo!
ME: sige itapon mo!
MOM: (dada pa ng dada) grabe yang anak mo talaga sasagot pa(to DAD)
ME:(natawa ako saglit kasi may nabasa ako sa computer)
MOM: tapos tatawa tawa ka pa dyan ah! ang bastos mo talagang anak! lumayas ka nga dyan
           ayaw ko makita yang pagmumuka mo! umalis ka
ME: no choice naglakad pabalik sa kwarto dala laptop
MOM: oh ayan ikaw di ka pag naliligo ang baho baho mo na
ME: (sobrang bwisit ko sabi ko) IKAW LALO ANG BAHO BAHO MO! (sabay lock ng kwarto)

hahabol pa sana siya eh nalock ko na yung room so end of story. so now im typing this. ugh!

kaiz

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #234 on: June 30, 2011, 12:44:37 pm »
Kanina pumunta dito mama ko, humingi money pampagamot daw. Ayoko na ng mahabang usapan kaya binigyan ko na. Masama lang loob ko kasi alam ko ibibigay niya lang yun sa kapatid kong adik. Pinaghihirapan ko pera ko, hindi dapat pinambibisyo lang.

Kapag kasi ako nagdadala mismo sa doctor at bibili ng gamot ayaw niya kasi magastos lang daw tapos ngayon bigla gustong magpagamot.

maldita_ako

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #235 on: July 02, 2011, 06:34:53 pm »
Ako,gusto kong magalit pero di ko magawa... like ngayon lang na-wrong send si mommy ng text sa cel ko pumasok,dapat dun sa kamag anak namin,yung text nya ganito: "dadaan ka ba dito mamaya? bka pede hum"... so ako na gets ko na,humihiram sya ng pera. naguilty naman ako,tinext ko na ma, wrong send ka. nanghihiram ka kay ? Sagot nya oo kasi wala daw yung kaibigan nya na nahihiraman nya. Syempre as anak,para akong tinusok sa dibdib. napa-isip ako,ganon na ba sila ka-gipit? Background: 3 kami magkakapatid, ako bunso. yung panganay namin may trabaho wala pang asawa. yung pangalawa namin,walang regular na trabaho,wala pa ring asawa. Ako bunso,nurse ako. nung mamatay ang daddy ko,naisipan ko mag abroad,pinalad naka alis ako,pero nakapag asawa na ko dito. Ayaw ng mommy ko sa napangasawa ko, foreigner kasi. may isa kaming anak,magti-3 years old. Simula nung pumunta ako dito hanggang nakapag asawa ako,regular ang padala ko sa kanila. kahit nung magka anak ako,ganun pa din.

Si mommy,papunta punta dito,pero this year di sya pumunta,naoperahan kasi. Dati na kami may issue sa pera,kasi nga last year, nalay-off asawa ko sa work, mga credit cards ko di ko mabayaran,kasi ako lang may full time na work. If you will ask ano nangyari sa credit card ko, sa kanila din naubos. Madami nagsasabi sa akin na tama na daw yung pagpapadala ko, kasi may pamilya na ako. Pero,lagi lagi na lang ako nakukunsensya. Yung last na punta ng mom ko dito, napauwian ko sya ng 1500$, naipon ko yun na di alam ng asawa ko. Then yung asawa ko pinadalhan pa si mommy ng 600$ kasi naipangako daw nya,pambili ng gamit sa bahay na nabili sa probinsya,na sinasabi ng mommy ko sa asawa ko nakapangalang sa anak namin. Sabi din ni mommy, ipagbubukas nya ng dollar account ang anak ko,para pag umuwi kami may madudukot na pera. Nung maoperahan cya, wala akong maipadala na pera kasi nga wala akong ipon, sabi ko ano nangyari dun sa napauwi kong pera sa kanya, ubos na daw. hanggang sa nagka utang utang ako sa payday loan na hindi alam ng asawa ko.

Tapos ngayon nga yung wrong send na text. Sabi ko kasi last month, di muna ako magpapadala kasi nga gusto ko pondohan muna yung savings para sa anak ko. tapos ngayon ayan, may yext na naghihiram ng pera sa ibang tao. sino ba hindi maguguilty. Di nila alam,halos magkanda loka ako sa kakaisip kung saan ko kukunin ipapadala ko. Pag nagsabi naman ako na gipit ako at madaming binabayaran, sasabihin ng kuya ko, umuwi na lang daw kami ng anak ko sa pinas kung kinakapos rin lang daw ako dito. Tapos sasabihin pa,hindi na maganda dito. Kaya minsan tuloy, kung hindi ko lang iniisip ang anak ko, gusto ko na mamatay o maglaho na lang bigla. Nakakainis na kasi e.

charrel

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #236 on: July 06, 2011, 04:42:05 pm »
"Honor your father and mother"--which is the first commandment with a promise-  :)

Purple_Power

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #237 on: July 07, 2011, 08:32:55 pm »
^Exactly the point sobrang sinunod natin yan. Too bad others are abusing it in the sense of over using for the powers tsk tsk!!!!!

Princess Abbie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #238 on: July 14, 2011, 04:17:08 pm »
Mejo strong word nga ang hate, siguro for me annoyed.

I can relate sa 'unfair' issues kasi I've been dealing with that din almost all my life. Sad and very true na usually ang mabubuting anak pa ang hindi nakakareceive ng positive responses from our parents. Tatlo (3) kaming magkakapatid, all girls. Middle child ako. (self-confessed with Middle-Child Syndrome). Our youngest ang pinakamalaking trial sa family namin. We went to the point na we need to seek na the help of a Family Counselor. Through counselling, doon ko rin nalaman together with the whole family except with my eldest sister kasi nasa abroad sya, about Middle-Child Syndrome (MCS). My parents were advised by the counselor that above anyone else ako daw ang may kailangan ng attention. The counselor advised for a follow-up counseling with me and my parents alone but they declined. Their reason? I don't know why. I was really hurt and no words can really described what I felt at the moment.

Currently, mejo okay na si younger sister but still she receives almost all the attention of my parents. Kahit married na, they still give things to her freely every now and then. Her eldest child, parents ko ang nagpapaaral. More or less to be in short, always in favor sa kanya.

Am I jealous? Of course I am. I believe that I deserve that kind of attention but looks like it won't ever come true. How do I deal with it? I always try to look at the brighter side na lang (easier said than done) but atleast I'm trying.
« Last Edit: July 14, 2011, 04:27:15 pm by Princess Abbie »

whitelady17

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #239 on: July 15, 2011, 04:49:02 pm »
mga sis, i think ang mentality ng mga mothers po in general eh tulungan ang mga anak nila na wala sa magandang direksyon ang buhay and maybe they expect that the other siblings will understand. Or minsan pupunta sila sa bahay ng anak nila kasi alam nila na kailangan sila, something like that. IT is hard to judge them right now kasi personally I'am not yet a mother, although meron rin akong mga grievances sa mom ko, pero not to the extend na i'l hate her. Minsan na lang rin ako umuwi sa bahay during weekends, naka boarding house ako sa Makati, my mom always attend to me naman kapag nasa bahay ako, since may mas bata pa kaming kapatid, ako ang isinasangkalan ng mother ko, pati sa pamangkin ko, let's say gusto noong isa magpa rebond ng hair eh ako ayoko ipagalaw ang hair niya, sasabihin niya magpaalam ka doon sa kapatid mo. Mas naging open minded ang mom ko ngayong nagdadalaga na ang younger siblings ko. Mas naging open kami :)

I really hope na maging okay ang relationship ninyo with your mothers mga sis, pray lang ng pray. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close