watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170385 times)

SillyMeeh

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #80 on: January 23, 2010, 11:57:58 pm »
Sobrang nakakarelate ako sa inyong lahat. For me naman, I think I have all the reasons to be mad at my mom.

1. unang-una, sinabihan nya ko na sana ako na lang daw yung namatay kesa yung older sister ko. it's been years, more than a decade na nga since she said that but everytime I remember it, napapaiyak [textspeak!] ako. I mean, who would want her daughter to die, di ba?

2. lumaki kaming lahat sa palo at mura. When she'll come home from work, nanginginig na ko kasi I know hahanap at hahanap siya ng reason para pagalitan kaming lahat. Walang week na di ako napalo or nasampal. dinig na dinig sa buong street pag minumura nya kami. kaya naging anti-social ako. I didn't have the face to talk to other people kasi for sure alam nila lahat yung flaws ko.

3. Never syang naging proud sa ken. I was an achiever back when I was in school. pero never nyang na appreciate yung mga grades ko. it breaks my heart pag naaalala ko na yung Tita ko yung sobrang saya when she saw my report card.

4. sinisiraan nya ko sa mga relatives namin. lahat ng kamag anak ko sa side nya, they look at me differently. pano ba naman, pag may get together, sasabihin nya sobrang malas nya sa ken, that I'm a constant disappointment. tamad daw ako, baboy pagdating sa bahay, etc. kaya ayun, I always make an excuse para di ako pumunta sa mga family gatherings.

5. When I started working, ewan ko ba but I have the urge to please her. So, nag offer ako na ibibigay ko yung almost 80% ng salary ko pandagdag sa mortgage sa bahay. then one time, i have to buy load sa phone ko so nabawasan yung binigay ko sa kanya. It was early morning and I just got out from graveyard shift. grabeng mura ang inabot ko.

6. mas mahal nya yung older brother ko. this is something that I don't understand. yung kapatid, sobrang black sheep. hindi na nga nagbibigay, nangungutang pa. pero pag dadalaw yan sa bahay, kontodo handa mama ko. magluluto ng mga specialty nya. tapos when my brother start talking, sobrang nag papay siya ng attention. saken, pag nagkukwento ako, yung expression ng mukha nya parang "di ka pa ba tapos?"

7. she doesn't love me. actually, it took 2 person for me to realized na di ako mahal ng nanay ko. when my mom beat up my younger brother for something he did, lumapit sa min yung kapitbahay namin. she was really concerned and in a way sinabi nya na she didn't think my mom loves us. then, yung friend ko. napansin nya sa treatment sa ken ng mama ko. imagine, papasok ako sa work ng gabi, di man lang ako mapagluto.

8. sobrang mapanlait mama ko. pag may pinag uusapan kaming tao, ganito litanya nya "yang diablong paeng na yan", "yang walang hiyang paeng na yan", "yang walang utak na yan"

9. lagi siyang tama. self proclaimed genius siya. feeling nya lahat ng opinion nya tama. pakialamera rin. dapat gawin mo lahat ng bagay based sa preference nya kundi t**** ka.

ay akala ko aabot ng more than 10 ang hinaing ko sa mama ko. hahahahaha

I've been living away from my mom for more than 2 years now. during those times, na realize ko na she doesn't really love me. problema ko lang before is that I care so much about her opinion and I really wanted to please her.

Now I realize na I'm done with all of these. I'll stop pleasing her and I'll just move on with my life. I also stop hating her. I just focus with my kid right now. I realized pag nilet go mo yung pain mo and just accept the fact that mothers are human too, mas gagaan pakiramdam mo.

ms.libra

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #81 on: January 24, 2010, 12:37:45 am »
^I hope and pray mawala lahat ng pain mo sis. Mahirap magpalaki ng anak ng may grudges. I will pray for you sis.

SillyMeeh

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #82 on: January 24, 2010, 09:06:31 pm »
Thanks Ms. Libra (para saken nga ba yung message mo? lol)
Actually, I don't find it difficult raising my kid. sobrang mahal ko [textspeak!] siya. in fact, ayaw ko magyaya. nag decide ako'ng maging hands-on mom kahit nasasacrifice yung ibang needs ko.

Right now, wala na kong weekly massage, pahirapan makahanagp ng time sa pedicure and haircut but I'm loving every minute of it!. :)

pomegranate

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #83 on: January 25, 2010, 10:25:36 pm »
I've read this thread kasi hate ng sister ko mommy ko, baka nag-post siya dito  ;D
Love-hate relationship din ako sa mommy ko, siya din sakin kasi di naman kami perpekto e. Sabe nila, "maiintindihan mo ako pag nagka-anak ka na". Nagpapasalamat ako sa Diyos na umabot ako sa edad na ganito na naintindihan ko na lahat ng sinasabe niya (sans the masasakit na words) ay tama kahit wala pa akong sariling pamilya. Kaya kung magalit siya sakin e alam ko siya rin lang ang tatanggap sakin ng buong buo sa huli.
Ang di ko lang maintindihan e ang kapatid ko, selos factor din (sakin). Lahat naman kami mahal ng nanay ko, prinsipyo ko e kung mas nabibigyan ng atensyon ang isa e un e kasi mas kailangan niya. Like nung one time, gift sakin e 2 shoes sobrang nagalit na kapatid ko kasi isa lang daw sa kanya. She failed to take note that she was given shoes a day before, so 1+1 = 2 pa rin un di ba  ::) Saka bakit kelangan niya bilangin? Kapatid naman niya ako di naman ako ibang tao. Our mother is a single mom, and we are 5. Sabi ko sa kanya gusto mo yata iisang anak ka, paampon ka na sa iba.
Anyway, para di OT, sa ibang sises natin na simple misunderstanding lang, try to work it out. Nung panahon natin nung maliliit pa [textspeak!], we were brought out the way they were brought up, di pa uso psychology self-help books nun. Trial and error din e kaya it's better to let go of the bitterness.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #84 on: February 06, 2010, 12:50:55 pm »
ako rin buwiset na buwiset sa mom ko.

1) she gives short notice kapag magpapa hatid siya somewhere! kung kailan papasok na ako sa work. ayun! magpapa drive! pag magdahilan ka na papsok na ako " tandaan mo mga ginagawa mo sa akin" L3ch3.

2) sumbatera- yung tipong kailangan pa bang bilangin? kapag may binili naman akong coke  nakiki inom din siya, sinusumbat ko ba? pero siya ang galing! " ininom niyo na naman ang coke ko!"

3) feeling napaka talino!na siya ang ang tama! na siya lang ang magaling! at wala kang dapat sabihin sa kanya kundi " OPO" which in my case.. I dont! wala akong paki kahit nanay ko siya. I speak my mind!at sasabihin kong " HINDI at MALI KA PO" kung kailangan.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #85 on: February 06, 2010, 12:57:29 pm »
last year our fight had gone physical. She had always been physical with me, but I had it! hinawakan ko kamay niyang sasapak sa akin. I held her 2 hands from hitting me. I was always being hit as a kid.( ewan ko kung bakit) busog ako sa mga palo.) sa mukha, sa butt.. makulit ako oo. pero sino bang hindi? abnormal ang batang  tuliro lang sa isang tabi. this time... di ko na inaallow na saktan ako. ayun! naglupasay! I was really mad.. buti di ako nag block out sa galit. but I was red and shaking. what a mother!

angeljhoyz

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #86 on: February 06, 2010, 08:28:42 pm »
hay naku, malapit narin akong mapuno sa kanya, ewan parang naging hate ko na rin sya..ngayon lang masama talaga loob ko sa kanya..kasi ba naman, sabi ko sa kanya, kailangan ko ng magtrabaho kasi kulang yong kinikita ng asawa ko, syempre may anak ako, papaalagaan ko sa kanya..tumanggi sya, kasi daw nakakapagod mag-alaga, matanda na raw sya at madami na raw sya sakit, di lang daw nia sinasabi sakin,ano ba sakit nia? yung sakit sa ulo? paano ba naman kasi tagal kumakain tapos kunti lang kinakain e d sasakit talaga ang ulo..dati naman nagpacheck up sya UTI ang findings, sabi ko inom lang ng marAMING TUBIG DI NAMAN GINAGAWA..parang wala sya care sa anak ko,ni hindi sya masaya na may apo sya..she's only 58 but she's always complaining na matanda na at maraming sakit..wala naman talaga syang grabeng sakit...at tsaka,pag may trabaho naman ako, hahanapan ko naman sya ng makakatulong at sasahuran ko rin sya..sobrang dissapointed talaga ako sa kanya akala ko sya makakatulong sakin...nakalimutan ko pala na hindi nga sya supportive sakin dati pa..wala sya pakialam sa future ko..sinisi pa nia ako bakit  daw ako nag-asawa...

chloe

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #87 on: February 08, 2010, 02:44:57 pm »
Dear all,

I hope that your relationship with your mothers will get better.

Hate is a strong word, and you may regret stating that later.

I believe that our mothers are born in another generation and iba ang beliefs nila. Minsan sa pagtanda nila, mas nagiging papansin sila at lagi silang tama. Minsan nagbibitaw sila ng masamang salita. Minsan nanunumbat sila. Ganyan din ang nanay ko non. Love-hate relationship din sa amin.

But Motherhood is not a subject taught in school. And we have to understand that motherhood is the most diffucult job a woman may have faced. Lahat trial and error. Kahit madalas nagkakamali,  our mothers would get up again and try another hand at it. Pero they wouldn't give up because they chose to be your mother. Nanay pa rin sila kahit ayaw o gusto mo. God gave each of us a mother for a reason. whatever it is, it is up to Him and him alone.

I am a mother too. I love my children so much. When my daughters grows up and have a mind of her own, I hope I could do the right things for her, say the right words.  I hope I could be that perfect mother and I would not get in her way and wishes. I hope I could carry all her pains.

If I could...

chloe

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #88 on: February 09, 2010, 11:11:26 am »
I'll stop pleasing her and I'll just move on with my life. I also stop hating her. I just focus with my kid right now. I realized pag nilet go mo yung pain mo and just accept the fact that mothers are human too, mas gagaan pakiramdam mo.

I think it's a good thing to do. Lalo na when we have kids. Instead of being bitter with the way your mother's been treating you, we can see the life's gifts in our children.

I still think that "hate" is too strong. It is okay to be angry at your mom, but "hate" is a definitely something.

When we hate somebody, we tend to lose control of our emotions. We tend to make bad choices if we base it on our emotions.

Being mad is okay. It's good to release negative feelings once in a while. We are only human and sometimes, release make us feel good. But when being mad leads to hate, parang ibang level na.

Life sucks when we hate others, more so, our mother. Mabigat. Like what Sis SillyMeeh did, I hope we could move on and forgive. It will make life more wonderful. Life is short, and I would rather be happy and enjoy the good things I have than be bitter, wallow in self-pity and hate. Let's focus on things we are blessed with and life would be more worth living for.

Praying for you all.

Peace

guilleanne

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #89 on: March 18, 2010, 11:06:12 am »
Hate is such a strong word. I can't say I hate my mom pero marami na rin akong sama ng loob sa kanya.

1. nalulunong sya sa sugal at because of that ay naglayas ako nun, I never came home na, naging independent, I worked hard, was able to rent and furnished my apartment. Naging wise ako sa buhay. Nagkabati rin kami, sabi nya hindi na sya mag cacasino. well up until now she still sneak out and gamble. di na natuto. Sabi nya nun nabudol budol gang sya at nakuha pang tuition ng kapatid ko, tapos hindi nag report sa pulis, malaki hinala ko natalo yun sa casino.

2. ako ay isang atm machine para sa kanya. nugn una walang problema sakin basta alam ko na pambayad sa electricity or pang grocery kahit alam ko na kaya sya short ay dahil sa pangbabayad ng credit card nya na nalubog sya dahil ginamit rin sa casino. Ok lang sana yun kung marami ba akong sobra lalo na nung dalaga ako kaso may pamilya na ako now.

3. nakikipag sabayan sa gastos, seaman ang asawa ko, nung nabuntis ako pinag bakasyon ko sya ng 1 year. syempre ako sagot lahat sa gastos sa bahay namin. hala kung tratuhin ba naman ang asawa ko parang maid, kung utusutusan kala mo pinapakain nya. tapos nakikipag sabayan ng gastos. para sa kanya dapat sila ang ginagastusan ko hindi ang pamilya ko. helo 3 na lang sila sa bahay, sya at 2 bros ko, yung isa 24 na, part time lang tarbaho, yung isa college. pero sustentado naman sila ng dad ko, pero short parin sya kasi naman may lifestyle sya. lang ginagawa lang nya maghapon, nuod TV at mag facebook! kaya obese na sya. sana sya na lang gumagawa ng gawaing bahay. ni mag luto nga ayaw. pag walang katulong, magpapadeliver na lang sya ng pagkain.

3. nung nagbuntis sister ko nasa hawaii sya nun. gustong gusto ni mama pumnta ng hawaii para matulungan sister ko. talagang twice pa sya nagpa interview sa embassy kaso bagsak. nung ako nag buntis, parang gusto pa malaglag yung baby ko. san kapa diba? nung first trimester ko, super negative nya, mahiluhin kasi ako nun, sabi nya naku mahina ang kapit ng bata baka malaglag yan. hello. imbis na sabihin hala itanong mo sa doctor mo para hindi ka makunan eh pinagdadasal pa yata. Pano kasi feeling yata pag nag kaanak ako eh magsasara ang ATM machine nya. Tapos nung nanganak ako, binigyan ako ng dad ko ng budget dahil para daw hindi ko tipiran pag gastos sa hospital and just in case ma-CS ako. Eh normal delivery ako. nagpasundo pa sa asawa ko para daw makadalaw sya sa hospital eh dalawang sakay lang naman ng jeep papuntang hospital ko. tapos yung sister ko may dalang red ribbon, si hubby naman binigyan yung sister ko ng 1k pang bili ng KFC bucket para may pagkain nga si mama. nung hinanap ng hubby ko yung sukli sa sister ko sabi ba naman ng mama ko, "ay ganun, hala singilin mo yang ensaymada1" eh kahit icharge pa ng sis ko sa hubby ko yung ensaymada may sukli parin yun! pero binigay naman ng sister ko yung sukli w/out charging her pasalubong. tapos nag share lang kami ni hubby sa isang chicken kasi nagtabi na sya ng pasalubong para sa mga bros ko para di na raw sila magluto. at ang malupit, nung pauwi na kami, dahil nga almost magkapit bahay lang kami, dumaan yung car namin kela mama, sabi ba naman "o magpapa yellow cab kana nyan dahil maraming sukli!" dahil nga normal ako nanganak. sabi ko lang hindi, pambili ng gatas at diapers.

4. mas favorite ang apo sa sister ko kasi US citizen. Kala nung iba swerte ako dahil malapit ako sa mama ko nung nanganak ako. well... kala mo kelangan ng visa para pumunta sa bahay namain.. di kaya dumadalaw.. kaya pag may hindi ako alam tungkol sa pag aalaga ng newborn, sa internet ako nag sesearch. akala ko nun madadalahan ako ng mga sabw tulad nung kapit bahay naming nanganak, araw araw pinag luluto ng mama nya at dinadala sa kanila. ako ni instant noodles wala. at ako pa daw ang hindi dumadalaw sa kanya, eh ako nga tong dapat dalawin. tapos nung nakaklabas na baby ko at dinadala ko sa bahay nila. laging na lang compare dun sa pamangkin ko. kesyo bat yung niece ko raw ganito, ganyan. ngayon nga pati laruan ng anak ko hinihingi para daw sa niece ko dahil di pa naman daw marunong magbasa ng books si baby. eh binibilhan ko naman pamangkin ko, love na love ko nga yun pero yung para sa baby ko para sa baby ko. saka di sya patatalo pag baby ko pinag uusapan, baby ko kasi 2 months pa lang nag rerespond na pag kinakausap mo, sabi ko parang maaga mag sasalita baby ko, tapos banat nya yung pamangkin mo rin nagsasalita na,, 18 months na yun i compare mo ba sa 2 months.

5. at ito malupit, nung bakasyon si hubby lagi akong pina pahaginngan na palita ko asawa ko, mag asawa ako ng amerikano para maka punta sya states (di kasi kami kasal ni hubby) ngayon kaalis lang ni hubby, aba mabango sya sa kanya ngayon. may pabilin bilin pa.

6. super tamad ng mama ko. bills na [textspeak!] nila iiutos pang ipabayad either sakin or sa sister ko, tamad din mga bros ko kasi nagkahawaan na sila dun sa bahay. biruin mo buntis na ako, ako pa inuutusan mag bayad ng meralco. ngayon may baby na ako, no way. never ko iwan sa kanya baby ko. baka di mabantayan ng ayos..

but bottomline mama ko parin sya. kaya eto pasensya lang ng pasensya..

harlet

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #90 on: March 18, 2010, 02:31:18 pm »
^tama sis, pasensiya na lang sa mga nanay na ganyan....focus ka na lang sa family mo.....

mga sis, kung magagawa niyong bumukod yun na lang ang gawin kesa laging nagka-clash....mahirap yung nasa isang bahay tapos araw-araw nakikita yung problema, pero wag namang mag-aasawa para makabukod o makaiwas lang..., baka mas worst pa mangyari....

cuteapril_1215

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #91 on: March 26, 2010, 03:14:36 pm »
mga sis, i don't think it's right to say that you "hate" your mom...kami ng mom ko may times din na may misunderstanding...yung pakiramdam na hindi ako mahal...pero i still thank God for her kasi never niya kami pinabayaan...may time nung bata kami ang pangpalo niya sa amin yung bakal ng sitron...meron din time na she threathened na pasuin ako dahil sa pagkakamali ko...pero nagbago nagbago mom ko when she committed her life to Christ...she may not be perfect but i still love her...
i pray na sana yung mga hatred niyo sa mom niyo mawala..kahit hindi niya naappreciate yung efforts niyo, patuloy niyo siya mahalin...isipin niyo na lang na pag naging nanay na kayo, ayaw niyo rin naman na "hate" kayo ng magiging anak niyo...
kung hindi niyo siya kaya mahalin dahil sa faults niya, try to think of good things she has done for you...siguro naman kahit papaano meron siya nagawa to make you feel loved

Tigershark09

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #92 on: April 07, 2010, 05:31:39 am »
@guilleanne, tumaas ang blood pressure ko sa nanay mo! hehe. habang binabasa ko yung post mo, talagang feel na feel ko yung inis mo dahil kung ako nasa position mo, matagal na siguro akong nagpakalayo-layo.

@gilenn, omg! nakaka-sad naman ginawa ng mom mo. sana nga mabasa niya ang thread na to.

ako naman me mga angst din sa nanay ko noon pero hindi naman grabe para magtanim ako ng galit. love ko pa din nanay ko. siguro ang pinaka-nakakaasar lang e yung gusto niya akong magpapayat para matuwa ang biyenan ko. heler?! e yung biyenan ko ang taba din kala mo kung sinong sexy at nilalait ang figure ko. tumingin muna kaya siya sa salamin! at isa pa, hindi ako magpapapayat para sa kanya! siguro para sa sarili ko, pero hinding-hindi for her.

yinchii

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #93 on: April 07, 2010, 07:52:39 am »
I don't hate my mom but there are times when all i can feel is disappointment.

1. pag nagagalit siya dahil makalat ang bahay, 10 times ang lakas ng boses nya. heler. malaki kaya bahay namen at mega echo ang boses niya.
2. Magaling siyang magsabi na tamad kami from my dad up to bunso..mga tamad daw.. pero siya, wala siyang ginawa kundi magbabad sa computer at magbasa ng mga anime/manga/yaoi. pati pagluluto, inaasa pa niya sa mga kapatid ko.
3. intrigera mom ko. sinisiraan niya magulang ng bf ko pati bf ko mismo, sinisiraan niya. which for me, wala naman ako nakikitang masama sa kanila.
4. she always sees the wrong doing of my dad. pati pa naman basura sa labas ng bahay namen e kasalanan ng dad ko. wdh. sometime I agree with her point with my dad but there are times na, may fault din siya and ayaw niyang aminin. kakaloka.
5. may favorite din siya.. my elder sister. parehas na kami nagtra-trabaho ng sis ko. pero pag need ng pera ng sis ko, bigay agad siya. samantalang ako, may sumbat pa.
6. mas magaling siyang magkalat kaysa maglinis. pag naglilinis siya, nagiging kalat in the end.. ako pa tuloy maglilinis..

though ganito reklamo ko sa mom ko, I love her naman compared to my dad. sometimes I just understand her pag nangyayari ito since she also came from a problematic family. She said she's not happy with her life and with my dad. we, her daughters, don't know how to please her.. pero no matter what naman.. I love her paren dahil I can't see myself without my mom. dad siguro pwede pa. I have daddy issues kasi.

Mom_S

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #94 on: April 19, 2010, 11:43:50 pm »
i feel for all of you sisses na may hinanakit sa mga mom... before, i always said to myself that life has been so unfair for me kasi even when we were still young, my mom was so vulgar of showing more of her affections to my ate. lahat na lang siya kinakampihan, even the food that we ate, yun ate ko laging mas masarap (she's an asthmatic), toys/dresses ate ko laging mas lamang, sa akin lagi hand me-downs... but i tried to understand all of it even at a young age as it's in my mind that she is just over-protective of my ate kasi nga may hika.

when we grew up & went to college, as usual, ate ko din lagi mas malaki allowance kasi nga may hika. so i tried to make things easier for me not to get jealous that i find ways para din magkapera ako extra like selling some things to my friends. masama pa niyan, yun ate ko, naging pasaway. laging nangungutang kahit kanino, pambili mga luho niya & pasikat sa mga friends nya like i-treat niya sa mga kainan but my parents esp my mom, it's just okay with them. ayun bayad lang sila ng bayad sa mga pinaguutangan ate ko & i was so ashamed of her deed... i graduated ahead of my ate paano nga lakwatsa lang alam and when i started working, i really saved so i could stay away from my mom & my ate...

to make the story short, i had a wonderful life now with a good husband & kids. my ate, she's jobless & wasn't able to finish college. nag-asawa na at nagkaanak, umaasa pa rin sa parents namin (from her wedding, pati sa pang-tuition sa 2 kids niya) kasi jobless then hubby niya. haaay!

sometimes, it's better to be the "underdog" as it would mean you'll be strong to face life and will strive hard to be the person that you want to be... my mom may not love me the way she loves my ate but i still wanna thank her for making me the way i am today... we just have to love them & respect them for giving life to us  :)

angel.of.mine

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #95 on: May 02, 2010, 10:30:23 am »
ako din i hate my mom. she left me when i was 4 mos old sa kapatid ng dad ko para mag work abroad. walang mother image. then naubos lahat ng pinag ipunan nila ng dad ko (na benta un house namin, nabaon silang pareho sa utang) kasi na pyramid scam siya. then when i was in h.s nag hiwalay sila ng dad ko kasi sobrang nagger na daw ni mama. now nanay na rin ako hirap ako maging mommy sa anak ko kasi di ko alam panu ko siya papalakihin ng maayos, ang hirap pag walang nag gguide. sa kapitbahay ko pa natutunan panu mag paligo ng baby.  :(

genivy21

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #96 on: May 02, 2010, 12:18:24 pm »
nuong bata bata ako, i think i did came to a point na i hate my mom. kahit me asawa na ako, hate ko pa din siya. at sa relationship naman namin, tanggap naman niyang hate ko siya. pero reading your stories di naman siya ganun kagarapal o kasama. mas garapal pa siguro ako. i try to isolate her on every occasion that i can. huntahan about some intellectual things, deadma ko ideas niya. going to the grocery, papa ko lang ask ko what he likes. going to restaurants, ill love my butt in between her and my papa while walking. i call my papa incessantly throughout the day, siya che!

pero nalaman ko kung gaano siya kaimportante sa akin nuong namatay ang papa ko. nuong nanganak ako. ngayon habang pinapalaki ko mga anak ko. di man tama for me lahat ng suggestions niya, pero i know she's only thinking of my welfare.

sinasaktan niya ako ng sobra nuong bata. mga kapatid ko hinde. nasasaktan pero parang lahat yata ng energy natuon sa akin. maldita daw kasi ako.

pinagplaplantsa niya ako, pinaghuhugas ng pinggan, pinaglilinis ng bahay. pero my sister, kapag tantrum na, fine fine. huwag na lang.

aminin man nila o hindi. me favoritism, nuong bata ako, iyong only brother ko. now, my sister.

pero di na ako nagrereklamo. kasi alam ko, in her way mahal nila ako. alam ko iyon sa puso ko. di man pantay, pero di puwedeng sabihing hindi mahal. me anak na din ako now. i said dati na pantay pantay ang tingin dapat! pero i act based on what they need. mas maaalalahanin ako sa second child ko kasi madami siyang sakit. mas malambing kasi that's what works with his ugali. kay first born, matapang ako. kasi nadadala iyon sa sindakan. i try to balance din naman at the end of the day by being a friend and talking to them. sometimes i explain, and i think will continue to explain till they get older for them to understand why i do what i do.

mothers do their best. but at the end of the day, they do what they can lang talaga. sa effort palang, okay na sa akin. pagdating ng panahon i know my kids will understand that too.

fibia

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #97 on: May 21, 2010, 02:34:05 am »
I hate my mom too. I grew up fearing her because she was physically andemotiinslly abusive. There was a time I cannot g
forget this, that she bit me. Yes kinagat Nya ako sobrang galit Nya. And now as a grown up the more couldn't bring  myself to understand why she treated me that way. Yung pinsan kong 10y/o kaht makulit yun he was never THAT makulit para gulpihin ng todo. I was also a typical child makulit at nakikipagaway sa younger brother ko.

Ngayong nagkaanak na ako Hindi ko maimagine bakit nagign ganun sya sakin. Kasi it breaks my heart thinking I could do the things she did to me to my own baby


 

Mama_Mia

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #98 on: May 21, 2010, 04:59:21 am »
^ I feel for you sis. There are things that I don't I understand about my Mom too.  I'm getting married soon and I'm currently preparing for my wedding. During our conversation yesterday, in a sarcastic tone nasabi nya "Sana lang hinde maging palpak yung kasal mo." Ang sakit ng feeling... parang nagbabanta sa tone nya na magiging palpak dahil ako nag aasikaso. Naiiyak ako ngayon. Imbes na i wish nya maging maayos ang lahat, napaka negative ng naiisip nya sakin. Na challenge at me takot tuloy ako sa preparation ng wedding ko :(

Romina

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #99 on: May 21, 2010, 05:08:30 am »
Oh my God! Upon reading the title of your thread, tears started rolling... How can you hate someone who gave you life.. I mean.... Oh well. I didnt backread so I dont know what's going on. I just lost my mother. And you'll never know what it feels like. Dont say " I feel you" or whatever, kasi hinding hindi mo malalaman ang pakiramdam unless wala na sya. Buti nga kayo kasama nyo pa mga ina nyo eh, nakikita nyo, nakakausap, nakakaaway. Ako, I would give up everything, just to be with her again.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close