Hate is such a strong word. I can't say I hate my mom pero marami na rin akong sama ng loob sa kanya.
1. nalulunong sya sa sugal at because of that ay naglayas ako nun, I never came home na, naging independent, I worked hard, was able to rent and furnished my apartment. Naging wise ako sa buhay. Nagkabati rin kami, sabi nya hindi na sya mag cacasino. well up until now she still sneak out and gamble. di na natuto. Sabi nya nun nabudol budol gang sya at nakuha pang tuition ng kapatid ko, tapos hindi nag report sa pulis, malaki hinala ko natalo yun sa casino.
2. ako ay isang atm machine para sa kanya. nugn una walang problema sakin basta alam ko na pambayad sa electricity or pang grocery kahit alam ko na kaya sya short ay dahil sa pangbabayad ng credit card nya na nalubog sya dahil ginamit rin sa casino. Ok lang sana yun kung marami ba akong sobra lalo na nung dalaga ako kaso may pamilya na ako now.
3. nakikipag sabayan sa gastos, seaman ang asawa ko, nung nabuntis ako pinag bakasyon ko sya ng 1 year. syempre ako sagot lahat sa gastos sa bahay namin. hala kung tratuhin ba naman ang asawa ko parang maid, kung utusutusan kala mo pinapakain nya. tapos nakikipag sabayan ng gastos. para sa kanya dapat sila ang ginagastusan ko hindi ang pamilya ko. helo 3 na lang sila sa bahay, sya at 2 bros ko, yung isa 24 na, part time lang tarbaho, yung isa college. pero sustentado naman sila ng dad ko, pero short parin sya kasi naman may lifestyle sya. lang ginagawa lang nya maghapon, nuod TV at mag facebook! kaya obese na sya. sana sya na lang gumagawa ng gawaing bahay. ni mag luto nga ayaw. pag walang katulong, magpapadeliver na lang sya ng pagkain.
3. nung nagbuntis sister ko nasa hawaii sya nun. gustong gusto ni mama pumnta ng hawaii para matulungan sister ko. talagang twice pa sya nagpa interview sa embassy kaso bagsak. nung ako nag buntis, parang gusto pa malaglag yung baby ko. san kapa diba? nung first trimester ko, super negative nya, mahiluhin kasi ako nun, sabi nya naku mahina ang kapit ng bata baka malaglag yan. hello. imbis na sabihin hala itanong mo sa doctor mo para hindi ka makunan eh pinagdadasal pa yata. Pano kasi feeling yata pag nag kaanak ako eh magsasara ang ATM machine nya. Tapos nung nanganak ako, binigyan ako ng dad ko ng budget dahil para daw hindi ko tipiran pag gastos sa hospital and just in case ma-CS ako. Eh normal delivery ako. nagpasundo pa sa asawa ko para daw makadalaw sya sa hospital eh dalawang sakay lang naman ng jeep papuntang hospital ko. tapos yung sister ko may dalang red ribbon, si hubby naman binigyan yung sister ko ng 1k pang bili ng KFC bucket para may pagkain nga si mama. nung hinanap ng hubby ko yung sukli sa sister ko sabi ba naman ng mama ko, "ay ganun, hala singilin mo yang ensaymada1" eh kahit icharge pa ng sis ko sa hubby ko yung ensaymada may sukli parin yun! pero binigay naman ng sister ko yung sukli w/out charging her pasalubong. tapos nag share lang kami ni hubby sa isang chicken kasi nagtabi na sya ng pasalubong para sa mga bros ko para di na raw sila magluto. at ang malupit, nung pauwi na kami, dahil nga almost magkapit bahay lang kami, dumaan yung car namin kela mama, sabi ba naman "o magpapa yellow cab kana nyan dahil maraming sukli!" dahil nga normal ako nanganak. sabi ko lang hindi, pambili ng gatas at diapers.
4. mas favorite ang apo sa sister ko kasi US citizen. Kala nung iba swerte ako dahil malapit ako sa mama ko nung nanganak ako. well... kala mo kelangan ng visa para pumunta sa bahay namain.. di kaya dumadalaw.. kaya pag may hindi ako alam tungkol sa pag aalaga ng newborn, sa internet ako nag sesearch. akala ko nun madadalahan ako ng mga sabw tulad nung kapit bahay naming nanganak, araw araw pinag luluto ng mama nya at dinadala sa kanila. ako ni instant noodles wala. at ako pa daw ang hindi dumadalaw sa kanya, eh ako nga tong dapat dalawin. tapos nung nakaklabas na baby ko at dinadala ko sa bahay nila. laging na lang compare dun sa pamangkin ko. kesyo bat yung niece ko raw ganito, ganyan. ngayon nga pati laruan ng anak ko hinihingi para daw sa niece ko dahil di pa naman daw marunong magbasa ng books si baby. eh binibilhan ko naman pamangkin ko, love na love ko nga yun pero yung para sa baby ko para sa baby ko. saka di sya patatalo pag baby ko pinag uusapan, baby ko kasi 2 months pa lang nag rerespond na pag kinakausap mo, sabi ko parang maaga mag sasalita baby ko, tapos banat nya yung pamangkin mo rin nagsasalita na,, 18 months na yun i compare mo ba sa 2 months.
5. at ito malupit, nung bakasyon si hubby lagi akong pina pahaginngan na palita ko asawa ko, mag asawa ako ng amerikano para maka punta sya states (di kasi kami kasal ni hubby) ngayon kaalis lang ni hubby, aba mabango sya sa kanya ngayon. may pabilin bilin pa.
6. super tamad ng mama ko. bills na [textspeak!] nila iiutos pang ipabayad either sakin or sa sister ko, tamad din mga bros ko kasi nagkahawaan na sila dun sa bahay. biruin mo buntis na ako, ako pa inuutusan mag bayad ng meralco. ngayon may baby na ako, no way. never ko iwan sa kanya baby ko. baka di mabantayan ng ayos..
but bottomline mama ko parin sya. kaya eto pasensya lang ng pasensya..