watch now

Author Topic: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)  (Read 174313 times)

Kady_14

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #240 on: October 13, 2010, 06:04:19 pm »
Kaya naman. working Mom pa ako. Yun nga lang di masyado malinis ang bahay. lol   :o

val

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #241 on: October 18, 2010, 06:42:55 pm »
Kaya naman. working Mom pa ako. Yun nga lang di masyado malinis ang bahay. lol   :o

korek sis. Same here. 

persephone

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #242 on: October 20, 2010, 09:23:50 am »
Kaya naman. working Mom pa ako. Yun nga lang di masyado malinis ang bahay. lol   :o

Me too. After being unexpectedly left without a yaya (or maid) when my baby was still 3 months old, and finally having a reliable yaya when he was already almost 9 months old, I can confidently say na kaya ko. Nakaya ko. Kahit na hindi spotless ang bahay namin nun, at least I was able to keep it safe (and habitable) for our family, especially my baby, there was always decent food on the table, and our house didn't reek of baby urine. Well, even if it did, so what? :D
« Last Edit: October 20, 2010, 09:25:46 am by persephone »

ceejhei

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #243 on: October 30, 2010, 11:34:11 am »
sabi din ni hubby ko kapag malaki na si baby di na din namin kakailanganin ng maid. pag tutulungan nalang namin ang mga chores sa bahay. masakit lang talaga sa ulo ang maids at dagdag sa budget. pero alam ko matututunan ko din ang pag kilos sa bahay without them..

val

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #244 on: November 02, 2010, 03:10:42 am »
Almost 3 moths na. Undas holiday, hubby and I spend it cleaning our house. Hubby who is a sales executive washed the dishes, plantsa and "yayo" sa mga kids. :)

I'm making my own routine on how to survive day after day without a helper. Good thing, I have a labandera. Big help na din.

Actually, one thing that just exhausted my energy is that I also have a freelance job aside from all these household chores and taking care of my 2 sons ( 6 moths and 3yr old).

kitty07

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #245 on: November 03, 2010, 02:31:08 pm »
Actually, ako nga talaga nagdadalawang isip na if kukuha pa ng yaya/maid.  Minsan pag pagod na talaga parang I want one na agad,pero like now parang may makukuha bigla akong nagdadalawang isip.  Nasanay na rin talaga siguro ako na walang ibang intindihin sa bahay..Though minsan talaga nakapapagod kasi malikot din son ko and I work at home in the morning till noon pero pag naiisip ko na may ibang tao na naman akong papakisamahan, tuturuan, iintidihin pati sa pagkain parang bigla akong napapaisip.

chimendoza09

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #246 on: November 03, 2010, 02:39:32 pm »
dati kayang kaya ko :) pero ngayon na may baby na akong inaalagaan, di na kaya ng powers ko kaya kailangan ko talaga ng katulong. At the same time driver na rin, nanganak ako via CS at isa rin sa mga bawal. Sana ngayon lang ito kasi hirap dami sinasahoran.

baby_blue

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #247 on: November 03, 2010, 03:12:51 pm »
Now I can say na we (mothers) can do all things lalo na pag dating sa bahay lol. Before may maid pa kami kahit iisa lang anak namin ni hubby but when we moved abroad ako na lahat yaya/maid/asawa :) Bilib rin ako sa sarili ko kasi wala na tamad tamad at utos sa maid kahit simpleng gawain lang

Entrepreneur

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #248 on: November 04, 2010, 12:55:07 pm »
kinakaya naman...one month na ko walang maid. Im working and so is hubby. I have a two year old toddler na sobrang active at super iyak talaga kapag pumapasok na ko sa office, lagi tuloy akong late, kalurkey! Ang naging gameplan namin ng hubby ko is salitan every week ang anak ko sa mother in law ko (she goes to our house) and next week sa mother ko sa laguna naman.

Yun ang naging resolution namin kasi sobrang nakakapagod for me yung, pagdating sa office, you have to cook, clean, wash clothes, alaga ng bata. Ang hirap kasi hubby ko super aga umaalis at laging overtime kasi he works in a semicon production co. sa laguna pa. 

So far, its working naman. Tiis na lang at least nakakaraos naman ako. kasi this year, naka 3 maid na ko, parang nadala at napagod na ko maghanap ng taong maaasahan at mapagkakatiwalaan ko sa anak ko. The last one, sobrang nakunsume ako..

Nagpapasalamat talaga ako sa mother ko at mother in law ko, sila ang mga saviour ko :)

sxymnky

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #249 on: November 04, 2010, 09:18:16 pm »
ay may naalala na naman ako sa kayabangan mo imagine nung panahon na medyo hikahos ka pa gusto mong pasuutin ng white uniform ang mga kasambahay mo hehe

feeling DON at DONYA? mag feeling  milyonaryo ka nga ? silaban ko kaya asawa mo para matigil ang kayabangan  :D


val

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #250 on: November 04, 2010, 10:58:02 pm »
sis sxymnky, sino ang pinatatama-an mo? :)

grace08

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #251 on: November 07, 2010, 05:17:54 pm »
kami siguro almost 3mos na totally wala. pero prior to that mga isang taon na kaming papalit palit ng maid.  merong 2wks lang, merong 3 mos and yung huli 3 days. 

kinakaya naman business lang kami ni hubby kaya tulong na lang siya sa akin. talagang time management lang.  i wake up before 6 o clock to prepare breakfast for my eldest while she prepares for her school.  tapos yung 4 na maliliit minsan tulog pa.  after kong prepare ng breakfast,  lipat na ko sa business sa harap ng house .  tapos pag kumpleto na clerk namin balik na ulit sa house.   tapos mga 11 am bath na kami ng 4 chikitings ,  hati kami pag ako nag bath hubby magbibihis or th other way around. 

pagod lang din talaga kasi almost ako everything, tapos asikaso pa business.  i just invested on automatic washing machine, clothes dryer pero hang ko pa din kasi  nakakasira din ng damit lalo na ang tagal ng drying time.  tapos dishwasher,  ito ang biggest help sa akin  ,  this ang pinakamahirap,  imagine all those dishes,  tapos [textspeak!] 4 kids ko pa nag bottle feeding pa din kasi ang papayat.   inawat na namin before yung 6years old kaya lang  lalong pumapayat iba daw kasi lasa ng milk. 

nung una feeling ko overworked ako pero katagalan nasasanay na din.  di nga lang malinis house namin kasi makalat ang kids.  kahit maglinis ako after dinner next morning ang gulo ulit. 

minsan si hubby luto or minsan me.  di naman kami nag iron ng clothes [textspeak!] uniform lang and pag may special occassions.  wash and wear tapos i bought mga 500 pcs na hangers para pagkagaling sampayan diretso hang na sa cabinet.   

kakayanin na lang talaga namin bukod sa laki matitipid kakadala na kumuha ng maid and kakatakot.  minsan mahirap lang isipin 5 kids tapos asikaso pa ng business pero   time management lang talaga .

val

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #252 on: November 07, 2010, 08:48:51 pm »
wow! kudos to you sis! you're my inspiration. Same here ,almost 3 months na ring wala and hindi ako naghahanap. I had a nice helper for 2 yrs kaso, she wants to study full-time. If only selfish ako, I would ask for her price and tatapatan ko talaga. She's such a wonder. Pero, I want her to be more than just a helper. She still helps me though when I really need an extra hand.

I used to send our laundry shop kaso, nasisira yung damit namin. Luckily, I got a labandera from a parent sa school ng anak ko.

Tama ka sis, time management talaga and multi-tasking. Now parang we are used to this set-up already. I'm doing my own routine na rin kasi I also work as a freelancer.

So far, okay ra rin. I only have 2 kids - 4 yrs old and a 6 month old baby. It's better talage if the maid was like my old helper pero kung the usual na pasaway, never mind.

And yeah, laki ng tinipid namin from utilities to food. Sometimes it pays if you are not 100% dependent sa mga maids. Kasi even before, hands-on talaga ako sa anak ko.

Kaya sis, thanks for sharing your story. Kung kaya mo with 5 kids and a business, kaya din ng iba dba? more power sis! God bless!

mdy

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #253 on: November 08, 2010, 12:00:11 am »
Before kaya ko without helper. But since magrereview ako this coming months, I'm not sure kung kayo ko ng wala. My daughter's yaya will be leaving this december for a 1 month vacation "daw". She's still undecided kung babalik or hindi, so I assumed na hindi na. The problem now is how to handle 2 kids, 7 years old gradeschooler and a 1 1/2 yrs old toddler, and my review classes? Kaya I'm looking already for a replacement.

raven03

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #254 on: November 08, 2010, 12:13:59 am »
Trying my best. Pero definitely, kailangan ko ng ironong lady.

thess

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #255 on: November 09, 2010, 10:27:45 am »
Na experience ko mawalan ng household helper for about 3 months, kasi napagod na rin ako papalit palit so nagpahinga muna ako...sa paghahanap hehe. Kinaya ko naman. I have three kids, grade 1, kinder and 1 yr and 6 mos old. Tapos nagrereview pa ko, self review, for the LET. Nakaya ko, kaso super pagod tas hindi ko masyado natututukan pag aaral ng mga kids ko. Nasa star section  si grade one ko kasi dating nasa top nung kinder, pero nangyari nag uuwi ng 50 na exam. Ka guilty. Si kinder ko naman pag hinahatid ko sa school kasama si baBY DI NAMAN MALAYO 5 - 10 mins walk lang pero syempre lahat kami maliligo, magpapalit kapagod. Tapos pag uwi sa house laba linis. O diba nakaka losyang. Buti na lang meron na uling helper. Nakakaubos ng energy pag wala.

prettymom

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #256 on: November 22, 2010, 04:49:07 pm »
i used to have 2 helpers, napapansin ko masakit sa ulo kasi mga pasaway.. tsssk. then during our recent US trip we observed how our cousin and his family lived without a helper, we then realized we could do it too..timing lang kasi we will soon be building our own home and we wanna design it the the way it is designed na everything is easy and accessible in the US. we will invest in a dish washer and a automatic washing machine.
kanina lang i sent the other helper home na..aba naman abusada na, nananakit pa sa anak ko..naku ha..the nerve...akala kasi niya hindi na namin kakayanin pag wala sya..

sis grace08 where did you get a dishwsher? thanks
« Last Edit: November 22, 2010, 04:50:54 pm by prettymom »

Marquita

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #257 on: November 24, 2010, 11:23:11 am »
wala na kameng helper since i started highschool. until now. tuloy feeling ko out of shape na ang bahay

at ayoko pa man din ng style ng mom ko sa pagaayos ng mga bagay bagay. even cooking.

wish we get a trust worthy helper soon. or better yet when i get married nalang!

pinkk

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #258 on: November 28, 2010, 12:59:11 pm »
carry naman,mas marami pa akong iisipin kapag iniwan ko ang maid sa haus at baka masunog o manakawan pa. Ako nalang ang gagawa. magbabayad nalang ako ng mag extra kapag day-off maid na gusto ng extra 350pesos+food for a day's work.
« Last Edit: December 07, 2010, 11:41:07 am by pinkk »

pinkypop_30

  • Guest
Re: Kaya mo bang walang katulong/driver (househelp)
« Reply #259 on: December 03, 2010, 10:04:33 am »
As of the meantime na wala kaming yaya-all around kasambahay ... I can say na mahirap siya sa simula lalo na't I am also working fulltime and my baby is only 3 yrs. old. But currently, I can say na mas parang enjoy ako at mas stress free pag walang kasambahay :)

Mahirap sa mahirap pero kaya talaga :) Maigi nalang marunong din si hubby sa ibang gawaing bahay, like laba, plantsa, linis, hugas pinggan, alaga ng bata ... except luto nga lang hehe. Kaya take turns kami ... solo lang ako sa cooking pero carry na yon.

Sa baby namin naman, ayun pinasok namin siya sa day-care malapit sa pinapasukan namin. Bale hatid-sundo namin si baby ... and I am/we're proud to say na mas nakatipid kami and mas nade-develop pa ang socialization skills and learning ni baby namin. One thing more, mas bonded and discipline si baby sa amin, coz we can now spend more time with her. 

Ako naman ... one advantage of not having a kasambahay is that I get to lose weight by doing household tasks even though no matter how pagod me ... kelangan kasi eh. So talagang exercise ko na rin siya in a way. O diba ... advantage hehe.

There are really advantages and disadvantages of having and not having a kasambahay. Nasa sa tao na yan kun paano niya ito titignan ... either in a positive or negative way. But as for me ... super advantage talaga siya ;) 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close