Author Topic: rags to riches stories  (Read 79077 times)

momlory

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 430
Re: rags to riches stories
« Reply #160 on: October 22, 2014, 01:15:36 pm »
nagapply na siya ngayon sa qatar para makasunod ako soon. sana after 5 years makapag share din kami ng rags to riches. Plan ko nga mag business sa abroad kung ano maganda hindi ko pa alam. Ang dami namin plano

shyreen

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 165
Re: rags to riches stories
« Reply #161 on: February 18, 2015, 02:35:28 am »
Very inspiring ang mga story dito! :)

Naalala ko yung mother ko, sinabi niya sa akin na kahit elementary di sya nkagraduate hanggang grade 2 lang. Sariling sikap lang kaya natutunan niyang magbasa magsulat, at siya rin nagtuturo sakin parati sa pagaaral kaya naging valedictorian ako at ngayon nkatapos na ng college at halos 5 years ng nagtatrabaho sa isang IT company. Sikreto lang ito ni mama, kahit ata si papa ang alam ay HS graduate siya. Si papa naman hanggang 2nd yr college lang din natapos. Yun ang nagmotivate sakin para pagbutihin ang pagaaral ko at sikaping tuparin ang mga pangarap ng magulang ko dahil simula nung maliit pa ko nakita ko na ang hirap at sakripisyo nila.

Last year pinadala ko ng company sa London for 2 months, at ngayon naman sa US ako pinadala mag isang taon na. Pinapagawa na ang bahay namin ngayon sa subdivision, nakabili na kami ng 1 hectare na lupa sa probinsya pangfarm at ngayon nagiipon na ko pangtubos nung isa pang lupa ng lolo ko. Goal ko din bago ko umuwi sa June makpagipon ako ng pangbili ng kotse para kay papa at puhunan para sa mini grocery ni mama. Masaya pala sa pakiramdam na paunti unti natutupad ko ang pangarap nila mama. Palagi niya sinasabing proud siya sakin dahil dati hindi nila iniisip na magkakaron sila ng mga bagay na meron sila ngayon.

Hindi ko pa masasabing mayaman kami, pero tuloy tuloy lang na pagiipon at pagtyatyaga alam kong darating din don.
You're always gonna miss your chance, if you never take a risk.

pocahontas

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 113
Re: rags to riches stories
« Reply #162 on: February 09, 2016, 03:03:40 pm »
Very inspiring yung mga stories dito. Cant help but share my MIL's story. Hindi sya super rich pero she's now living a very comfortable life because of her hardwork.

MIL was a housewife with a low paying sideline of making keychains. F-I-L used to work as a driver in a government office. They have 3 sons, hubby's the youngest. When F-I-L died, his boss offered MIL a job so she can raise her 3 children as a solo parent. Si F-I-L may namana bukid from his parents (na super sipag na farmers according to my MIL) Binenta ni MIL yung bukid then nagpatayo sya ng 2 apartments. Yung ibang pera ipinautang nya with very small interest kaya ang dami umuutang sa kanya. Magaling magpaikot ng pera si MIL kaya nakabili pa ulit sya lupa at nakapagpagawa pa ulit sya apartments. As of now meron na sya 7 apartments at iba pang mga properties. Nakapagpagawa nadin sya ng dream house nya at nagpapaaral ng mga apo. Napupuntahan nadin nya yung mga lugar na gusto nya puntahan at nobibili nadin nya lahat ng gusto nya. Hindi na sya nag asawa ulit. She's now 58 years old pero ayaw padin nya magretire sa work nya inspite of being financially stable na. By the way she works as a utility personnel (janitress) at yung mga nag oopisina sa work nya sa kanya umuutang.

quennna

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1820
Re: rags to riches stories
« Reply #163 on: February 09, 2016, 03:39:08 pm »
^shyreen... i was so touched with that you shared....
God bless you and your family

ayi0119

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 386
Re: rags to riches stories
« Reply #164 on: February 10, 2016, 11:15:21 am »
Very inspiring!!! Sana madami pang magshare.

Mag-share din ako.. sa tamanag panahon.  ;D
GOOD vibes attract GOOD lives!

cutemama

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1164
Re: rags to riches stories
« Reply #165 on: February 10, 2016, 12:03:36 pm »
I also want to share the story of my Lolo and Lola (father side).. according to my father they grew up in a humble home in a BUKID (farm).. 8 silang magkakapatid and sa public school lang sila nag aral..

My lolo and lola were a caretaker ng isang mayamang pamilya sa lugar na yun.. that's why nakatira sila sa FARM, para magbantay doon.. and dun din lumaki yung father ko..

when I was  a kid, paulit ulit kami nireremind ng father ko na mag aral ng mabuti, kasi daw nung bata pa sila, wala silang pambili ng papel, kelangan pa nilang umakyat ng puno ng bayabas at mamitas nito kapalit ng papel.at ang baon nila laging camote.. pero kahit mahirap sila, pinagtapos sila ng pag aaral ng lolo ko, yung mga eldest hanggang highschool lang natapos at sila na ang gumawa ng paraan para makatapos ng college. swerte yung mga bunso kasi napagtapos sila ng college ng lolo ko..

yung isang tita ko, namasukan pang katulong sa mayamang kamag anak nila.. pero nagsumikap siya at nagtapos ng midwifery.. yung dalawang tito ko namasukan ng security guard para lang makapag aral, working students sila.. ngayon, retired seaman na yung isa, at yung isa kapitan  ng barko (international)..at yung iba dentist, commerce and mechanical engineer..

nung buhay pa yung lola ko, naiiyak kami pag nagkukwento siya ng past nila.. sabi niya, lahat ng nakikita niyo, pag aari na namin.. dati caretaker lang sila nun, pero now sila na ang may ari.. binenta na sa kanila ng may ari yung buong lupa na yun... yung mayaman noon, mahirap na ngayon.. yung mga anak ng mayayaman noon ngayon naghihirap na,., dahil siguro hindi marunong humawak ng pera..

yung mga amo dati ng lolo ko, ngayon mas mayaman na siya..

OfficeGirl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 169
Re: rags to riches stories
« Reply #166 on: October 19, 2016, 04:19:27 am »
Sisses, sharing the story of my lolo.

Sa lolo at lola (father's side) ko ako lumaki. Ang Lolo ko nagtitinda ng dyaryo gamit ang bike nya at ang Lola ko naman ay nagtitinda ng Avon products. Nung namatay ang Lola ko sa tuhod, (nanay ng lolo ko), umuwi kami ng probinsya at nagtayo ng maliit na sari sari store ang lolo ko. 2003 yata yun. Awang awa ako sa lolo ko kasi pinagtatawanan sya ng mga kapatid nyang mayayaman. Pinagaral nya ako ng high school hanggang college gamit lang yung kita ng sari sari store nya. Hanggang sa year 2012, lumago ng lumago ang sari sari store ng lolo ko, ang kita nya hindi bumaba sa 20k kada isang araw. Sobrang lakas ng tindahan kasi malapit lang kami sa University sa probinsya. Nakapagpatayo na ang lolo ko ng isang building kung saan nakapwesto ang Mini Grocery store nya. May 4 na paupahang commercial space na din yung building nya at may tig-iisang unit na para tirahan ang kanyang 7 na anak, though nasa Manila kami ngayon.

Sobrang proud ako sa lolo ko at mahal na mahal ko sya. Kawawa kasi ngayon kuba na sya, wala na sya lakas I-enjoy yung mga naipundar nya. Medyo nagiging ulyanin na din. Pero lagi nyang sinasabi samin na para samin all of his sacrifices.

Hayy, sya talaga ang role model ko at alam ko kakayanin ko din maging successful sa buhay. :)
Humankind. Be both.

Dainty Sacha

  • Probationary
  • Posts: 4
Re: rags to riches stories
« Reply #167 on: September 26, 2018, 03:06:21 pm »
well, i just wanna share my parents' experience. they are now very successful and marami na rin naipundar.


another story, i consider this as rags to riches also. this is my ex's story. dati junk shop lang siya pero nalugi kasi hindi siya ang namamalakad pero yung friend niya. nakita niya kung pano sila nalugi at dahil hindi naman niya alam ang business na ganon, hinayaan niya na ang kaibigan niya. pero nung palugi na, try niya pa rin na isave yung business pero hindi na talaga kinaya dahil nag-away sila nung friend niya. 1 month after, umuwi siya sa tito niya. nagwork siya don for 2 months. pero sa 2 months na yon, naghanap siya ng pwesto niya na pwede siya magtayo ng business. forte niya ang hardware kaya yun ang gusto niya. after 2 months, nag-open siya ng business niya. maaga siya gumigising, late din nagsasara. 60-40 ang hati. 60% sa tito niya, 40% sa kanya. after 3 months, nagclick ang business niya at nagtayo ulit ng bago. hati ulit sila ng tito niya. 50-50 naman. after 4 months, dumating yung friend niya from china at nagtayo sila ng business niya sa province. same business, hardware pa din. ang hati 70-30. 70% sa kanya, 30% sa friend niya. tapos yun.. ngayon, sobrang click ang business niya. obviously, he's very diligent. pansin ko na aga palagi siya gumising.. ngayon, nakabili na siya ng laptop niya, own car, gadgets, at magandang cellphone. masaya ako para sa kanya kasi nung time na naghiwalay kami, okay na siya at medyo stable na siya.

Sis @ iamyoursweetheart may idea ka ba sis kung saan o paano nakakuha si ex bf mo ng supplier for hardware  :)  TIA

pinesfly

  • GUYTALKER
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 36
Re: rags to riches stories
« Reply #168 on: November 28, 2019, 07:56:58 pm »
Sarap balikbalikan [textspeak!] mga story dito. nakaka inspire. Hoping one day I can share mine.
I was born to make you happy.

Ghell06

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 212
Re: rags to riches stories
« Reply #169 on: November 29, 2019, 10:20:55 am »
More stories sissies. Binasa ko from the start and truly very inspiring tong thread na to. Like our other sissies, I hope someday I could share my own story here too! :)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close