i'll share mine na din po:
when I was young ramdam ko na ang hirap sa pamilya namin, 6 kaming magkakapatid, si tatay undergrad, ang grandparents ko kina tatay farmers talaga, si nanay highschool lang natapos, nagtanan sila 18 pa lang sila, so medyo against ang parents nina nanay, medyo may kaya na sila nanay nung panahon na yun, pero naubos din sa sugal ng aking lolo, kaya sina nanay at tatay, todo kayod talaga, from pagtitinda sa palengke ng groceries, then buy ng jeep from it kasi lugi sa grocery na tinayo nila, tapos sell ng jeep mahina daw ang kita, tapos ng saudi si tatay, ngdriver sya dun for 5 years, si nanay naman ngtatao sa electric shop ng tita ko. during those times, sabay sabay kami nag-aaral, 3 sa highschool at 2 sa elementary tapos may baby pa. nakikitira lang kami nuon sa lupa ng ninang ko, pero looban pa rin ng mga grandparents ko sa mother side. bata pa lang ako nararamdaman ko na ang hirap, kasi ba naman ang yayaman ng mga pinsan ko, ang gaganda ng mga bahay nila, nag-aaral sa mga exclusive schools, ang daming toys, may mga business ang mga tita at tito ko. kami mga pinaglumaan lang lahat, kami lang talaga yung family na isang kahig, isang tuka. I remember those times pa na inaaway at sinisisi ng lola ko ang tatay ko kasi nga hindi kami maiahon sa hirap. kahit na ganun ang estado namin sa buhay, nagsumikap pa rin ang mga magulang ko, ang goal nila is mapatapos kaming anim na magkakapatid sa pag-aaral. 3 na ang college sa amin, 2 na ang highschool at isang elementary, ang tatay bumalik na galing saudi dahil gulf war nun delikado magstay, nagtinda ng baboy, manok sa palengke naman, hanggang sa hindi din sinuwerte sa pagtitinda, si nanay naman ang ng-ofw sa hongkong for 5 years, bumalik na rin ang nanay ko after mapagraduate ang 3 naming kapatid sa college, graduating naman ako ng highschool nun. nung nagcollege ako, dun ako nagkaron ng tampo sa magulang ko, parang naghanap ako ng kalinga from them (emotional support), hindi ko kasi maintindihan bakit kailangan nila lagi magtrabaho, hindi ko pa narerealize na para sa amin pala yung mga ginagawa nila, kasi every time na bayaran na ng tuition, laging nakasimangot ang magulang ko, nag-iisip kung saan uutang, panay utang ang ginamit nila pambayad ng tuition ko, kahit na may scholarship grant kami ina-aaplyan hindi naman full tuition ang cover nya. laging may sama ako ng loob sa kanila, kasi nga pagdarating sa akin, pahirapan akong humingi ng budget for schooling, selos na rin in a way, pagdating sa mga kapatid ko madali lang.after two years, nagdecide naman sina nanay at tatay na magmigrate sa amerika, usong uso nun ang caregiving, parang sila ata ang unang batch ng mga caregiver dun, pagtuntong ko ng 3rd yr. college, hindi na ko nahihirapan, they can pay na full tuition and sunod sunod na ang swerte dumating sa magulang ko, nung nagpunta sila ng states. napatapos din nila kami ng pag-aaral, nakabili na sila ng bahay as investment here sa atin, dun sa states dalawa ang kotse nila, samantalang dito ni tricycle hindi kami makabili, may bahay na rin sila, kamakailan lang binenta nila ang lumang bahay nila dun and bumili sila ng malaki laking bahay. ang mga kapatid ko, successful na rin in their own field, (ill tell my success story afterwards). then after graduating from college (si ako) dun ko lang narealize ang hirap nila para sa aming magkakapatid, dun ko narealize na namimiss ko na sila, yung mga pangaral nila sa amin palagi na mag-aral mabuti. and thankful also dahil sa hirap at pagod nila, nagbunga naman ito ng kasaganahan hindi lang sa amin kundi para sa kanila. ayaw na nga nila umuwi ng Pilipinas...
