watch now

Author Topic: Maid older than you?  (Read 38389 times)

ms. independent

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #60 on: December 09, 2009, 02:06:37 am »
may worry din ako regarding getting yayas older than me. i'm only 25 yo and since bata pa ko, we live malapit sa mga kamag-anak. laking lola pa ko so usually pag may maids kami, nagiging friends ko lang. but we purchased a house na malayo sa relatives and malapit na kami lumipat. pag nagkataon, 2 lang kami ng sister ko na 12 yo yung titira dun plus the maid. ang dilemma ko, if older, baka manduhan kami. if younger, baka mawili sa mga kapitbahay at sa pagtetext. hai...

britneyjen

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #61 on: January 29, 2010, 04:18:45 pm »
mas effective talaga ang older nanny or maid, once we had a nanny na bata pa and single, grabe text ng text di bininitawan ang cellphone niya, at take note ang haba pa ng nails, kahit pagsabihan mo na putulin ang nails ayaw,at nagpepedicure pa sa house namin, natatakot kasi ako na makalmot niya si baby. she only lasted for 2 months, now we have my son's nanny whose around 50+, mas maasikaso and we see and feel na love niya son ko. ;)

natawa ako dito..hahaha..[textspeak!] current maid namin din haba ng kuko, may nail polish pa.. linis cia ng linis ng kuko.. 18 years old pa lang cia.. tapos last week, nakita ko na lang [textspeak!] manicure kit ko, ubos na..e dun un nakalagay sa may room nia, kc dun din namin stock iba naming gamit..tapos ask ko cia if ginagamit nia, ang bilis ng sagot, hindi po.. sinungaling!!

pero papalitan na din namin cia kc 3 weeks pa lang gusto na naman magadvance, hindi pa nga tapos pagtrabahuhan inadvance niang una.. at pati pangload uutangin pa sakin..
at eto pa ha, matapos namin gastusan sa pamasahe, asikasuhin ng parents ko, pinabaunan pa ng food para sa byahe at sunduin namin sa terminal e aalis lang din pala sa april kc mag-aaral daw ci.. sus me!!!e di sana sinabi nia agad para di na namin cia kinuha pa...hay kaya next month papalitan na namin cia at sisingilin namin cia sa pinamasahe namin sa kanya...

genivy21

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #62 on: May 26, 2010, 10:08:01 pm »
i had a maid dati older than me. around 40s.

ganun din, ma-epal. saka umuwi lang para sa birthday ng anak, di na bumalik. pero di ko magawang magalit talaga sa kanya.

kasi nakita ko iyong asikaso niya sa akin nuong nanganak ako at sa baby ko. mahirap kasi makakuha ng yaya na talagang marunong sa mga babies.

now im about to give birth with 2 yayas na parehong less than 20 years old at parehong bukas ko palang kukunin pamalit. iniisip ko na lang buti malapit ako sa mama ko now nakatira at AT least mababawasan ng nakasibangot sa bahay. bad trip kasi iyong isang yaya, parang laging galit. araw araw ba naman na ginawa ng Dyos e iyon ang mabubungaran mo sa umaga kundi ka din mabuwiset!

juicy

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #63 on: May 26, 2010, 11:00:28 pm »
i dont like maid na older than me... mahirap sabihan at madami dinadamdam na sakit.  :(

got 2 maids before na mas matanda sakin, ako mismo umayaw sa kanila... pero i fired them in a nice way and gave them some of our old gamit na hindi na rin ginagamit.

by the way, i have a spare helper... PM me if you are interested.

thanks

liyapot

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #64 on: May 28, 2010, 11:04:01 am »
nagkaron ako once ng yaya for my baby nung newborn pa lang sya..56yrs old. daw..nung nakita ko mukhang mas old pa sa nanay ko who is 64yrs old.
mga inlaws ko kumuha noon..when i saw her natakot ako mukhang ako pa mag-aalaga sa kanya eh..i didnt trust her enough na mag paligo ng baby..hanggang bantay lang sya when i try to get some much needed sleep.. pero halos lahat ako gumawa since naka maternity leave pa ako.. di sya nag last ng 1 month.. she left on grounds na masakit daw tyan nya at magpapapacheck up daw sya..she even left her clothes sa bahay. nagadvance pa ng P1000 para pang pa-check up..binigyan ko ng P300 pamasahe pauwi ng laguna..my mom gave her P200 extra..

nainaj

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #65 on: May 28, 2010, 12:19:44 pm »
kami din may household helper na matanda na as in senior citizen!!
(kamag-anak kasi ng driver,walang makakasama sa buhay dahil ang mga anak ay may kanya kanyang pamilya na, naawa si mother kaya eto nasa bahay namin siya!)

from the start, d ko talaga siya gusto around.mabigat ang feeling ko sa kanya (don't know why)..

...mashado siya feeling!pag may bisita kami (esp bf namin ng sis ko) andun din siya nakikipagkwentuhan to think may gagawin din siya.

... tumaas ang electric bill namin dahil kakapanood nya ng tv (esp serye sa hapon) ayaw nya tanggapin na siya ang dahilan.ang tinuturo nya kami ng sister ko dahil daw halos maghapon daw kami mag laptop..d man lang nya inaalam na may ginagawang reports ang kapatid ko at ako naman may online job!haist!

... pushy masyado! minsan finals week ng kapatid ko,eh oras na ng kanyang papanood ng tv.pinipilit nya na manonood cia ng tv eh hindi nga pwede kasi nag-aaral ang kapatid ko

... pag inutusan mo bumili sa tindahan,pag wala yung gusto mo sya ang magdedecide para sayo (na madalas yung ayaw mo)

... mas marunong pa kesa sa mga tita ko!as in nagmamarunong!
sobrang p*ssed off na kami ng kapatid ko!

snowkittycat

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #66 on: May 28, 2010, 03:39:55 pm »
Our new maid is 47 years old, mag-48 sa June 8. Ok naman, mukhang magaan kasama at di na kelangan sabihan. Sana tuloy-tuloy na. In-orient ko siya sa mga gawain dito sa bahay pati rules ko (no visitors, no cash advance, etc).

Pangalawa na siyang older maid ko, yung isa dati ay naterminate dahil slow at di marunong or hindi matutong gumamit ng appliances, ultimo microwave oven eh takot gamitin. Maaksaya din sa tubig. Ay at hindi masarap (di marunong?) magluto.

Etong new maid ko, relax na lang sa hapon kasi ang bilis magtrabaho. OC pa siya sa pagpapaputi ng damit at paglilinis ng condo unit. Haay sana ok na talaga at di too good to be true.

mikaela325

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #67 on: June 30, 2010, 04:41:24 pm »
first maid/yaya namin ni hubby 51 years old. we got her last month kasi malapit na ko manganak. gave birth this june 6. and thankful naman ako kasi marunong sya sa baby so nakapagpahinga ako after i gave birth. maayos din naman sya maglinis.

but yesterday, sobrang natakot ako. kasi nahulog yung galon ng tubig ayun tumakbo sya to pick it up. pero nadulas sya. i went to her nakahiga na sya sa floor. tinulungan ko sya tumayo. i was terrified kasi may tumutulong dugo from her head. ginising ko si hubby para mapa check up si manang sa hospital. buti na lang may gasgas lang daw sya sa ulo. :( she's okay now.

pero yun nga lang ang downside ng older househelp. natatakot tuloy akong pumasok na sa shop namin ni hubby kahit it's just near our house. kasi parang ayaw kong iwanan si baby alone with manang. :(

ceejhei

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #68 on: November 02, 2010, 10:08:26 am »
^ my maid is older than me and hubby too, at according to her kwento at sa palagay ko eh, "know-it-all" siya at since marami na experience, malamang mahirapan din akong sabihan siya.. wish me luck sana maging okay, day 1 pa lang niya ngayon.. feeling ko di magtatagal.

marose17

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #69 on: November 02, 2010, 10:33:12 am »
I used to have a midwife-yaya was older than me.  Despite that, they called me "Ma'm" and my husband "Sir" always.  And she defers to my system and my decisions.  It helps because I have a strong personality and sa start pa lang (sa interview), I've already explained to her my system of taking care of the baby and running the household.  Naka-list ang mga tasks niya, at nagche-check ako palagi.  I also used to ask my mom's trusted helper to go to our place to check on her and her assistant often.  In short, wala siyang discretion masyado sa pag-aalaga and pagpapatakbo ng bahay, except for minor details. 

Oh, and every thing that she can do, I can do too.  Kaya naman may demo pa ako to make sure claro ang utos. 

Even if you are young, if you control the purse, you have the right na mag-utos and mag-impose ng system na gusto mo.  Of course, treat your older helper with respect always.  That is a given.  Pero, huwag mangingimi kasi ikaw ang nagpapasuweldo sa kanya.  Ganyan talaga ang buhay.  Dapat professional pagdating sa trabaho.
« Last Edit: November 02, 2010, 10:36:17 am by marose17 »

yapeegurl

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #70 on: November 02, 2010, 11:42:25 am »
Our maid is also older than myself but my husband's older than him.. since day 1 meron naka post na chart sa kitchen sa mga things to do nya.. Things To Do everyday (vitamins ng bata, sterilize all our utensils, sterilize baby's bottles etc), every week (palit ng bath towels, clean the bathroom, etc), and every 2 weeks (palit ng curtains, palit ng bed sheets, etc).. naka post din ang mga Reminders like "wag mag iwan ng food na walang takip", "wag hayaan lumapit sa mga socket ang bata".. mga simple notes na ganyan..

I ask her to mark the check box sa chart araw araw.. my goal is for her to have a routine and be reminded of things.. at night before we all go to bed, I check the chart and double check ang mga nagawa nya.. to make sure she did it right..

she calls me by my first name but she refers to me as "ate" when someone asks her about me.. kahit pag kausap ang asawa ko, she'll say "nakausap ko na si ate"..

I call her yaya para na din reference ng baby ko sa kanya..

We just need to know how to be firm with our decisions and set their limitations and expectations irregardless if they are older or younger than us.. nahirapan ako sa simula pero nasanay na din and na-oblige na din in the end..

jhez

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #71 on: November 10, 2010, 10:24:20 pm »
ok sana older maid, kasi samin tumagal ng 4years. wag lang talaga magiging kampante. well siguro kasi di ako kumikibo ng ilang taon. ngayon buntis ako, mas nakikita ko mga lapses... nagdabog sya kanina umaga. all this time ang intindi ko madami lang talaga nigagawa, pero yung bigas na isasalin sa kaldero OA na sa ingay eh sinasadya na..

mishmish

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #72 on: January 20, 2011, 02:39:11 pm »
In our case, both maids are older than me, pero ok lang, masisipag naman both. Although minsan pag-pinagsasabihan mejo sumasagot, pinapakita ko na lang na i'm the boss, kaya huwag sila masyadong epal.

ana mimi

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #73 on: January 21, 2011, 05:43:23 pm »
mas gusto ko yung maid na older saken since na 21 palang naman ako, ayoko ng younger saken kase inaapi ko talaga.. haha.. naiisip ko kase mga younger siblings ko, inaapi ko din e..

ayoko din naman ng ka-age ko, baka magka-inggitan pa on some sort of things, hehe..

kaya mas gusto ko yung older.wag naman yung super old. kase  baka hindi maid ang makuha ko kundi isa ko pang alagain.. haha

sasha``

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #74 on: January 26, 2011, 06:12:52 pm »
first time namin ni hubby nakahanap ng maid na decades older sa amin.  she's now 56y/o.  magaling naman magtrabaho pero mabagal nga lang. 

ang ayaw ko lang sa kanya,  mahilig mag cash advance.  when i hired her nanghingi na ng P6000 on top of her airfare.  deducted naman sa sahod niya, maliban na lang ang airfare, pero every month lagi may advance.  nung 2 months pa lang siya, nagpaparinig siya ng increase.  i told her na after one year lang ang increase sa amin.  weeks after nun, nagsabi siya na ang dati niyang amo, kinukuha siya ulit with a higher pay at sa november (last year) daw siya lilipat.  with no hurt feelings sinabi ko, na pwede siyang umalis as long as her new employer needs to refund first the air fare and all her outstanding balance.  nung nov, nagsabi siya na di daw dumating galing US ang dati niyang amo, so magstay muna siya.   Tas minsan nagpaparinig siya na naghahanap siya ng American employer, para mas malaki ang sahod. 

Yan ang ayaw ko sa kanya, mukha siyang pera.  Hindi na lang siya naging grateful na binigyan siya ng trabaho even with that age.  Before i hired her, my family and even my dad refused to hire her kasi matanda na, marami na daw sakit at baka pabigat lang instead na makakatulong, pero since magaan ang loob ko sa kanya, i trusted my instinct.   mali pala ako.


val

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #75 on: January 26, 2011, 10:48:36 pm »
not to be discriminating sis but I really refrain from hiring olde maids especially kung 50s na. They are slower and masyadong nosy especially when it comes to kids. My labandera is nice, masipag pero masyadong pakialamera sa mga bata. Like I shouldn't let my baby sit kasi wala pa daw ngipin .ewan, mga old beliefs, eh hindi naman part ng work niya kasi labandera lang siya.

Another concern for very old maids, baka kung madisgrasya like falls and trips..you have to shoulder the expenses. And we are not that rich to pay hospital bills in the future...

yapeegurl

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #76 on: February 04, 2011, 06:10:43 pm »
i dont mind having an older maid around the house if she was hired when she was younger (mid 30's).. ang disadvantage lang na nakikita ko eh baka labas pasok na sya sa hospital/clinic..

advantage naman sa older maid, mas marami na sila experience.. so dapat aware tayo on how to set their limitations..

MalditaMum

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #77 on: June 14, 2011, 02:49:56 pm »
First time namin ng hubby ko mag h-hire ng yaya, mas matanda siya sakin ng ilang years. Tama lang ba na tawagin niya ako na "ate"? Kailangan bang i-impose sa kanya na dapat ito tawag sa kin? This is my first time na maging amo so i really have no idea...

yapeegurl

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #78 on: June 15, 2011, 07:28:50 pm »
Our maid's 3yrs older than me... she calls me 'ate' now.. dati first name lang.. SIL ko nag impose sa kanya niyan..

itcha123

  • Guest
Re: Maid older than you?
« Reply #79 on: June 16, 2011, 03:05:25 pm »
newbie here, older maid than you means mas ang headache & pakikisama sa kanila, kasi feeling nila alam na alam na nila ang kanilang ginagawa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close