watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413057 times)

protectivemom

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #500 on: November 15, 2012, 05:20:48 am »
thanks city hunter! naglagay nako ng asin sa small pouch sa may gate namin. may nakakita rin daw kasing '2 babaeng nakalutang na nagpapaikot' from isang bahay ng kapitbahay namin papunta dun sa isang pang bahay/puno. are salt, wooden rosary (crucifix) with St. Benedict medallion enough?

btw, yun kasing sinasabi kong mga nuns na nagb-bless ng ibang sacramentals namin e sa Sta.Clara church. Pwede na din ba yun?

And yung St.Benedict medallions namin were blessed by a priest pero wala yung short prayer that you sent me. is that ok?

thanks again!
« Last Edit: November 15, 2012, 09:03:41 am by mama squeak! »

CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #501 on: November 15, 2012, 09:37:52 am »
Hi, protectivemom. 

No.  There is a certain condition why its only priests are allowed to hold mass, hear confession and even bless items.  I am not familiar if the nuns of Sta. Clara have a special order as to why they can bless but generally most cannot.  However, they - the nuns - are powerful personalities that can make prayers heard much better. 

Again, no doon sa tanong na blessed incorrectly yun medallion.  The Vatican came out with that rule so it should not offend any Catholic priest when you make that request. 

Though I mentioned that I have ours blessed often at Quiapo Church due to its special significance and chi.


trfg888

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #502 on: November 21, 2012, 04:23:16 am »
Tik - Tik / Wak - wak - I believe its TRUE kahit up to this modern day. Most of them daw are normal/ordinary people that will only transform depending on the situation. :-X

olieyaoca

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #503 on: November 29, 2012, 07:53:50 pm »
joining...

siguro dun sa mga naka expercience na totoo. lalo na sa province. sabi kasi ng sis-in-law ko yung sister nya yung naka expercience nung nagbubuntis pa lang. pero sabi ng sis-in-law ko nung sya naman nag buntis wala naman daw sya na exp. na ganun kahit mag isa lang daw sya sa bahay nila. kaya daw pag buntis dapat daw mag suot ng itim na damit para hindi daw lapitan ng tiktik yan ang sabi sabi ng mga matatanda.

yengyeng

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #504 on: December 21, 2012, 11:42:44 pm »
Ngiiii, kakatakot naman...

Shadow Angel

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #505 on: January 06, 2013, 07:43:37 am »
Ang eldest brother ko may experience nito.. Un hipag ko kasi buntis that time sa youngest brother ko... Si big brother umuwi ng gabi mga 12 or 1am daw... Nun io-open na nya un gate namin may napansin sya anino sa may bubong unang tingin nya ibon kaso napa isip daw sya gabi may ibon sinilip nya ulit biglang lumipad kitang kita nya malaking paniki/kabag mas malaki sa pang karaniwang paniki un sabi nya.. Ang sabi nya ang tiktik hindi tao paniki lang daw na malaki hindi kasi sya naniniwala kahit nakakita na sya masyado raw maliit para maging tao un paniki nakita nya siguro nga mga kabag lang din un tiktik...mula nun hindi muna umuuwi si big brother sa house until makapanganak hipag ko.. hehe takot din pala..

little_princess

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #506 on: January 06, 2013, 01:57:29 pm »
i live in new manila, qc and i have to attest to the existence of these things. i and the maids have experience this as there are times that there are pregnant women in the neighborhood or sa squatter's area. i've heard of them as early as 10 years back and the last time the maids saw a cat sa fiber glass roof namin sa kitchen was about 2 years ago.

question, if concrete yung walls and roof, the windows have grills or glass windows, how can they enter?

indigo.tulle

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #507 on: January 09, 2013, 04:55:01 pm »
di ba they can shape-shift into something else or may stories yung tongue lang pumapasok...some stories also na they can just 'smell' in the victim.

scary talaga.

lent0t

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #508 on: March 03, 2013, 09:58:12 am »
dinalaw ko ang preggy kong tita last week, nag ask ako bakit may mga asin & bawang sa bintana ng bahay. sabi nya may aswang daw... to be specific tiktik yun sinabi nya. may one night daw kasi na parang may mabigat na paa naglalakad sa rooftop tapos may parang ibon na humuhuni daw pero pinagtataka nila 11pm onwards yun. bukod sa salt and garlic, lagi na sya nakabihis ng pula or black and sarado na ang mga bintana ng as early as 6pm. btw sa marikina yun house nya.

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #509 on: March 04, 2013, 07:20:41 am »
^ im the thread starter of this topic, gosh im pregnant again. i just found out last week. sana wala na yung
tiktik near my mom's house. ayoko na ma-experience ulit ito.

hallucinogen

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #510 on: March 05, 2013, 11:53:49 pm »
I'm just new here and I am male. My gf right now is pregnant. She moved in with me sa bahay ng parents ko. Sa isang subdivision dito sa province pero may pagkaliblib ang lugar. I'd like to give an advice lang sana sa mga soon to be moms or mga buntis jan, you should turn your bedroom lights on kung inaaswang kayo. di kaya, lagyan nyo ng lights sa labas ng bintana. dapat may mga lights sa labas ng bahay til morning dapat naka ON ang mga lights. Yan lang po panlaban namin sa mga tiktik na yan at makakatulog po kayo ng mahimbing nyan. Do not turn it off kasi yun po advice sa amin ng manggagamot dito. Lalagyan daw ng lights if possible sa labas ng bintana o ng bahay. Since we installed the lights, nakakatulog na po kami ng mahimbing at sabi pa nga po nila na hindi daw nakakakita sa liwanag ang mga yan. Parang madilim sa paningin nila ang liwanag. Yan lang po. By the way, interesting mga kwento nyo. We encountered same before. So, ingat na lang po tayo. :)

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #511 on: March 06, 2013, 07:47:48 am »
^thanks bro for the advice.

babyphat

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #512 on: March 08, 2013, 05:09:25 am »
ah ganun? when i was pregnant rin i turned on the lights pag matutulog na until morning na yun kasi nag-iisa lang ako sa bahay and si hubby is nagwowork sa gabi. tapos open pa window pero kasi compound yung dati nameng tinitirhan and may roof naman between samen and sa tapat namen. pero naglalagay rin ako ng bawang asin everyday kong pinapalitan para fresh ang amoy.

themodernpinaywife

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #513 on: March 12, 2013, 03:29:55 pm »
naniniwala ako dito, though hindi ko naman nakita ng actual ang tiktik.

first story: when my mom was pregnant with me raw, sa basement sila ng daddy ko nagpagawa ng room (first floor kasi nila was for business/commercial purposes, so yung basement served as thier "home"). my dad, since from the city, did not believe on these things. my mom, since provinciana from Bulacan, knew this things.  Pinagtawanan lang sya ng dad ko.  first, concrete ang roof ng establishment namin (as in no roof, cementado talaga), so wala raw dila na pwede magpenetrate dun, and second, nasa basement nga ang room.  until one night, they both heard kaluskos from the window (no blinds that time, no grills even, glass lang).  They did not see anything, but was hearing a lot of things from the window area.  My mom shouted "alis dyan!", and after a while, nawala.  Few more nights went like that, until one night, with the kaluskos pa rin, my dad saw a huge unidentified with-wings creature na nandun mismo sa glass window.  Sya mismo natakot!  So from then on, naniwala na si dad ko sa tiktik.


second story:  ako naman ang buntis.  i moved in to fairview with my husband, and this is the part of fairview where gubat talaga nakapaligid.  I mean, eco park was just over the fence, with tons of trees and all, with rare birds, with cold breeze, etcetera.  In other words, mukhang province itong fairview area na ito, and gubat side nga.  When i was pregnant, may mga naririnig rin ako sa roof namin, and yes, may mga malaking flying-creature palagi ako na naririnig na umaaligid.  roof namin is the usual corrugated sheet, so rinig na rinig ko yung movements, and even pag tama ng wings(?) sa roof.  di na ako nagtaka. gubat kasi paligid namin e. 


janedoe007

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #514 on: March 24, 2013, 11:17:50 pm »
Dunno kung baka specie ng ibon to that makes tiktik sound hehe or yung tiktik talaga na alam naten..pero there were two instances na nakarinig na ko neto...noche buena yun, dec 25..kami na lang ni mama gising, doing the dishes, siguro 3am na rin yun..Mejo nagtone down na yung kasayahan at maramirami na ring houses around the neighborhood ang naglights out. So habang naghuhugas kami ng pinggan biglang narining namin "tik-tik" "tik-tik" napahinto ako sa paghugas lingon ako kay mama I asked her kung narining nya ba yun tango lang si mama tapos we listened closely ulet talagang tik-tik noise narinig namin then nawala din. Walang preggy sa house namin pero that time maraming buntis at nanganak sa subdivision namin..the next christmas narining ulet namin ni mama...so for me, yes meron talagang something that makes that kinda sound...

Nuriko

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #515 on: March 25, 2013, 03:02:27 pm »
grabe natakot naman ako bigla. magbabakasyon kasi kami ngayong holy week sa hometown ng mom ko, sa isang liblib na baryo na mahigit 1 oras ang byahe mula sa mismong bayan. tapos ang tutuluyan namin eh talagang kubo lang na bakasyunan at walang kuryente! haha. kwento rin nya sakin noon may tiktik daw syang maririnig nung bata pa sya pero wala pa syang nakita talaga. siguro dun ko rin malalaman kung merong tiktik talaga. kelangan lagi akong me dalang camera, picturan ko yung tiktik pag nakita ko sya, yun eh kung maisip ko pa yun pag nangyari yun. lol :D

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #516 on: April 01, 2013, 08:12:30 pm »
^ i am not sure if this is happening to me again. lagi kami may naririnig ni hubby ko na naglalakad sa bubong ng kwarto namin
it didn't happen nung di pa ako preggy, im 9 weeks preggy now and kagabi yung last na narinig namin na may naglalakad,
he's still doing work sa small office sa room namin, tapos nagising ako kasi nakarinig ako ng naglalakad sa bubong, i also heard him walk towards me
nilagay yung bawang sa tabi ko. tapos iniilawan niya yung kisame ng flashlight. and weird lang kasi andito kami nakatira sa makati, san antonio village.
parang gusto ko pang paniwalaan sa house ng mom ko in novaliches pero not here. pero sabagay, they can go anywhere naman.

tapos parang nagising ako na iba yung pakiramdam ko na sumasakit yung tiyan ko. ewan ko ba. lumabas nga hubby ko daw to check kung ano yung nasa roof
but he found nothing. we are suspecting na baka pusa lang, pero bakit ganun ang lakad? ang lakas lakas.

pjiyeon

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #517 on: April 01, 2013, 10:27:55 pm »
it's true. My cousin had a first hand experience of it. Even manananggal is true. But they were living in Cebu kasi somewhere na liblib. Kapre is true din sabi ng father ko since taga barrio sya

imagodei082990

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #518 on: April 08, 2013, 10:44:19 am »
naexperience ko na yang tiktik at wak wak na yan.. sa 1st baby ko nasa bulacan pa kami nakatira with my mom. yung bahay namin walang kesami. simula nung napunta ako dun every night hindi ako makatulog or nagigising ang init init ng pakiramdam ko tapoang likot likot ng baby ko sa tyan ko kaya ako nagigising. tik-tik-tik mahina lang sya. ginigising ko yung ate ko tapos minumura nya umaalis din ..
sa 2nd baby ko naman andito na kami sa cavite. one night habang natutulog na kami ng hubby ko with my eldest nagising kami pareho sa wak wak grabe ang lakas akala ko panaginip ko lang pero bumaba yung hubby ko kumuha ng knife ..

pag malakas raw malayo pa pag mahina malapit na

brendzy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #519 on: April 08, 2013, 03:01:29 pm »
true daw ito, according to my mom, when she's pregnant with me, meron daw silang naririnig na tik,tik,tik sa roof pag midnight going madaling-araw. same thing daw nung night na ipanganak ako,

 

Latest Stories

Load More Stories
Close