i live in imus cavite, 3 years ago when i was pregnant may tiktik scare din kami.
i was 7 months preggy when it started. nung hapon kasi niyaya ko si hubby maglakadlakad. may nadaanan kaming nagtitinda ng gulay na naka sidecar. mag asawa siguro na matanda, yung lalaki nag pepedal ng bike. bumili ako ng petchay. tapos binati ng matandang babae yung tyan ko, babae daw ang baby ko, sigurado sya. sumagot naman ako all smile and friendly na opo girl nga. sabay hila naman saken ni hubby palayo.
sabi saken ni hubby buntis daw ako dapat hindi ako nakikipag usap kung kanikanino. sa isip ko ang rude ni hubs kasi nakangiti naman yung matanda, pero yung matandang lalaki hindi friendly ang mukha nya, pero nakatingin din sya sakin.
hubs kasi is 9 years older than me and lumaki sa bicol. tinapon nga nya yung petchay pag uwi namin, hindi ako aware nung una bakit ganun ang ginawa ni hubs.
until nung gabing iyon, i was peeing, i heard malaking pagaspas, then kalabog sa bubong. tapos yung feeling na may nakatingin sakin from the roof. im not usually matatakutin pero tumayo balahibo ko, i didnt dare look up. sumigaw ako tinawag ko si hubs, mga midnight na din yun at tulog na nga si hubs buti hindi ako nadulas sa pag mamadali at nakuha ko pa mag wash, malapit na ko sa room nung nagising si hubs.
tapos di na nakatulog si hubs, nilagyan nya ko ng kwintas na bawang and he kept his hands on my navel the whole night while i slept. the next day, ayan 2 kilong bawang naka bitin sa mga bintana at bubong, asin on the windows at asin binato sa bubong.
suspect ni hubs yung gulay vendor. every time we go out at madilim na kami uuwi, dadaan muna kami sa bahay ng mama ko to borrow garlic and salt, tapos pag dating sa bahay binabato ni hubs yung salt sa pathway and sa door, lalo na nung may pusa one time, sabi ni hubs umalis ka dito papatayin kita. hahaha, kakaloka diba. pero naniniwala talaga si hubs.
after i gave birth, may bagong lipat dito samin isang house lang pagitan namin, preggy bigla na lang nag pre mature delivery, 7 months lang sya, buti naging ok naman baby nya 2 years old na ngayon. pero sabi nya prior daw sya mag labor, may kumalabog daw sa bubong nila, nung sumilip hubs nya parang malaking black dog daw sa tapat ng gate nila ang nakita. after a few days, natutulog sila when her water suddenly broke.
ako skeptic parin ako if its true or not, sabi ni mama, wala naman masama kung maglagay ng bawang better safe than sorry.