watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413076 times)

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #540 on: May 05, 2013, 08:47:08 pm »
Hi sis..  Nakakatakot naman yan. Have you told your mom what happened? Maglagay ka na ng mga bawang at asin sa window ng room mo or wag ka matulog mag isa. Yung itak put it under your bed magsama ka na din ng pet mo kasi sila yung mas alert at malakas makaramdam ng mga ganyan.

I'm assuming mga nasa 1st trimester ka pa lang ng pagbubuntis kasi mabango daw sa aswang kapag bagong buntis pa lang. Make sure may kasama ka sa pagtulog. And keep a rosary near your tummy pati na din bawang.

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #541 on: May 09, 2013, 07:17:50 am »
^hi bro, ganyang ganyan din ang naririnig ko sa bubong namin dito sa second pregnancy ko. gumugulong
nga to describe the sound, akala ko din pusa pero bakit sobrang heavy naman ata nung pusa na yun?

nawala siya nung naglagay kami ng mga asin sa bintana at bawang sa tabi ko. at alam din siguro nung aswang na malakas
ako makiramdam at nagigising ako kapag may naririnig akong kakaiba, ginigising ko kagad si husband, alert na alert kami.

siguro kaya hindi nagiging successful ang pangangaswang nila for some pregnant woman kasi nababatayan talaga natin sila.

fireincitadel

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #542 on: May 10, 2013, 10:22:37 pm »
guys. I am interested in this topic eventhough male ako. I am searching the net about tiktik or aswang.. share ko lang itong weird experience ko sa cebu. nagbakasyon ako sa cebu nitong May 5-9, 2013 together with my wife and family and family friend nya. Nagpunta kami sa Bantayan Island and nagcheck-in sa isang resort. kinagabihan mga 11pm napagkasunduan namin na mag-island hopping sa virgin island. so we come up with the idea of renting a boat and start the journey at 6am the next morning. kinausap ko yung bangkero na magmemeet kami sa gate ng resort ng 5am para bumili ng noodles, bread and coffee para makakain kami sa boat habang nasa byahe. the next morning gumising ako ng 430am and 5am nga e magmemeet kami nung bangkero. gising na kaming lahat at nagpeprepare until nakarinig kami ng parang may gumugulong na bato or tumatakbong pusa pero parang hindi pusa kasi alam ko naman ang ingay ng pusa sa bubong. maganda yung resort and secure and napakaganda ng nirent namin na unit. kilala rin yung resort. nung narinig ko yung ingay at napansin din ng mother-in-law ko yung ingay, agad kong binuksan yung pinto and sinilip ko yung bubong kung may pusa or anuman. yung maingay na parang may gumugulong na bato or tumatakbong hayop napakalakas na ingay sa bubong madilim pa rin yun kasi around 4:45am yun. pero wala akong nakita. ang pinagtataka ko e 3 units lang kaming nag-overnyt ng gabing yun sa buong resort. and naulit pa yun ng pumunta kmi sa Palompon, Cebu at nakituloy kmi sa friend ng in-laws ko exactly the next day after namin magcheck-in sa Bantayan Island. nagising ako ng 4am in the morning and narinig ko ulit ang malakas na ingay na yun na parang may gumugulong na malaking bato or tumatakbong malaking hayop sa bubong. hopefully pag nakabalik kmi ng cebu e magsesetup na ko ng camera sa bubong ng pupuntahan namin. salamat sa response ni ceejhay dahil nakarelate ako sa experience nya and although hindi ako naniniwala sa aswang e sana may mag share din ng ganitong experience para maresolve natin itong kababalaghan na ito. Magcoconduct talaga ko ng further investigation pag nakapag-out-of-town ulit ako.

myjoy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #543 on: May 21, 2013, 12:14:05 pm »
may experience din akong nakakatakot nung buntis ako sa first baby ko. palaging may kumakalabog sa bubong namin, sa tapat ng room namin. my husband works at night kaya ako lang mag isa naiiwan sa kwarto. although we stay with my mom, may sarili kaming room.
nung death anniversary ang dad ko, nagpa dasal kami sa bahay and merong 2 mandadasal na "nakakakita" at "nakakaramdam". yung isa, hindi na sya nagtagal sa bahay namin. pagkatapos namin magdasal, umalis na talaga sya agad..ni hindi na nagmerienda or nakipag usap. talagang nagmamadali sya umalis. tapos nalaman na lang ng mama ko, na madami daw syang nakikitang mga itim na nakatira sa bahay namin.
kinausap sya ni mama kung pwedeng paalisin yung mga nakatira sa amin at pumayag naman sya at in-schedule na namin yung pag-aalay ng manok.
around 6 months preggy na ako nun and a day before yung schedule na pag-aalay, binangungot ako ng grabe. i could see that there were 3 shadows sa pader and may nakadagan talaga sa akin. takot na takot ako nun at iniisip ko yung baby the whole time. inisip ko nun na kailangan maigalaw ko lang kahit isang daliri ko para makawala ako...talagang si baby ang naging motivation ko nun na makagalaw ako...mabuti naman at nagalaw ko yung daliri ko sa kamay ko at nagising na ako agad.
yun pala, may lalakeng itim na nagbabantay sa akin at nagseselos sa baby ko kaya gustong kunin. mabuti naman at napaalis at naitaboy paunta sa kapitbahay..hehe..
aside doon, nakita nung babae na may matandang nagbabantay din sa akin sa bubong ng kabilang bahay. ang kama kasi namin, nasa tabi ng bintana na katapat ng bubong ng kapitbahay. wlang nakatira dun sa bahay na yun kaya libreng libre sya magbantay. sabi nya minsan daw, nag aanyong pusa yun or kahit na anong hayop para hindi sila mapansin.
magmula nun, palaging nakabukas ang ilaw sa kwarto at sinasamahan ako ng sister ko sa pagtulog. pati si mama, napapatakbo sa kwarto namin kapag may narinig na kalabog sa bubong namin or sa kapitbahay. yung mga bintana, may asin, bawang at bala. yung tyan ko, tinalian din ng red na tali na may nakasabit na pulang tela at bawang at bala. naglagay din kami ng buntot ng pagi sa bintana.
may mga times pa din na nagigisng ako kasi may sumisitsit sa akin sa bintana. which is talagang nakakatakot kasi bakanteng bahay nga yung nasa likod namin.


and another story sa cebu naman...nagbabaksayon kami sa beach property ng lolo ko sa may lapu lapu city. kaming family lang at yung taga-bantay ang nakatira sa isang malaking malaking property. kaming magkakapatid, nasa isang cottage tumutuloy tapos one cottage apart yung parents naman namin. sa gitna namin yung kitchen. isang gabi, gustong mag hot choco ng sister ko kaya lumabas sya papuntang kitchen. pader lang naman ang pagitan at sobrang tahimik kaya rinig na rinig ko sya sa kabilang room at dinig na dinig din lahat ng ingay sa labas. biglang may narinig akong isang malaking ibon na dumaan sa bintana at parang weird yung tunog na ginagawa nya. akala ko, yung kapatid ko yung nag-ingay kaya tinawag ko sya, pero tumatakbo sya pabalik sa kwarto namin, sumisigaw na "hindi ako yun ate! hindi ako yun ate!" mula nun, hindi na kami lumalabas pag madilim na.

imagodei082990

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #544 on: June 11, 2013, 11:25:42 am »
Scary naman yan sis :o is it happening now? san ka sa cavite sis?

imus cavite sis .. yup!

imagodei082990

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #545 on: June 11, 2013, 11:28:07 am »
malalaman mo naman kung inaaswang ka kase magigising ka kase yung baby sa tyan mo ang likot naninigas tapos mainit yung pakiramdam mo..

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #546 on: June 14, 2013, 09:41:08 pm »
^ i agree magigising ka nga kasi malikot si baby sa loob and iba ang pakiramdam. that's maybe the reason why some other aswangs/tiktik are unsuccessful kasi nagigising ang prospect nila

eleithyia

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #547 on: June 29, 2013, 08:22:40 pm »
This happened last week.

Around 2am-3am yun, kakarating lang ni hubby from work. Nagrequest siya sa akin ng massage sa likod kasi masakit daw. So ako, massage naman until he fell asleep. Then may narinig ako na ik-ik-ik-ik-ik na sound na medyo malakas. Hindi pa nagregister sa utak ko nung una. Then naulit uli. So pinatay ko ang electric fan para mas mapakinggan yun sound. Pahina na ng pahina hanggang sa mawala. Pinagiisipan ko gisingin si hubby kaya lang nakakaawa naman, kakatulog lang and pagod siya. So nakiramdam lang ako. Binuksan ko ilaw and kumuha ako ng bawang sa kitchen. I even searched Google and found this thread pero di ko muna binasa (scared din naman ako no). Nakatulog lang ako nung may dumadaan ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.

The next day ko knwento kay hubby. Bakit daw hindi ko siya ginising? Kasi pag daw humihina nga yung sound ibig sabihin malapit na yung tiktik. So ayun nagsabit siya ng mga bawang sa bintana (nasa 2nd floor room namin) and palagi nagsasaboy ng asin sa labas. Naglagay pa siya ng knife dun sa may bintana kasi daw ayaw daw ng tiktik sa silver kasi masisilaw? I'm not sure though. Haha! I'm not complaining sa precautionary measures niya since it's for me and our baby's safety naman. By the way, I'm currently residing in Pasay. And si hubby is sa Capiz pinanganak kaya knowledgeable siya sa mga ganyang bagay.

mischabella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #548 on: June 30, 2013, 10:39:07 pm »
Nung last year habang buntis pa yung asawa ng kapitbahay namin sa kabilang kanto, meron nga daw maingay lagi sa may bintana and roof nila. Sa may 2nd floor sila natutulog nun. Pero nung nabother na nga sila, dun na lang sila lahat sa baba natutulog plus the usual bawang and asin.

Ang weird lang kase nung bumisita yung sister ko na buntis din last year, tabi pa kami matulog, wala naman mga kakaibang nanyare. Siguro kase bungalow lang house namen tas yung tapat ng bahay namen hanggang 3rd floor. Baka pag nagingay siya eh kitang kita siya XD. Actually, inabangan ko talaga na may manyare kakaiba dahil dun nga sa nanyare sa kapitbahay namin. Pero wala talaga. O baka may ginawa na mom ko na di namen alam sa bahay para no more bad elements hehe.

Pero yung mom ko din daw dati nung buntis siya (sakin o sa kuya ko ata), madaling araw daw yun tas nung nasa garahe siya, biglang parang may malaking ibon daw na lumipad. Minuramura daw niya ~.~ Pinapadescribe ko pa talaga yung itsura, sabi lang niya basta daw parang malaking ibon.


Eto naman roommate ko dati sa dorm, yung katulong daw nila dati di naglalagay ng bawang sa pagkain. Lol. Bumisita daw one time yung tita niya. Buntis pero di pa sinabi that time. Nung pagalis daw, sabi daw sa kanya ng katulong nila ang bango bango daw ng tita niya o.0

iammechelle

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #549 on: July 04, 2013, 05:44:14 pm »
Di ako naniniwala diyan before, until I experienced this recently lang.

Need ni hubby magbakasyon sa probinsya together with my daughter. Di naman ako nakasama dahil matatagtag ako sa long-drive travel. Hindi pwede magdala ng sasakyan dahil may problema ang kotse namin noon. In short, naiwan kami ni yaya sa bahay. Di kami magkasama sa kuwarto. Hindi ako pinapatulog ng kaluskos sa bubong namin. Parang pusa na di naman pusa. And honestly, narinig ko lang yun nung time na ako lang mag-isa sa kuwarto at nung time na wala rin ang hubby ko for two weeks. ;-( Scary sya dahil, narinig ko lang ang mga kalabog sa bubong nung buntis ako.


thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #550 on: December 03, 2013, 11:55:00 pm »
^i'm sorry about what happened, sis. nakuwento sa akin ng mga grandmothers ko dati na yung lola ko (my mom's mother) ay inaswang. yung chinichismis na lalaking aswang sa town nila nakita niya habang pauwi siya sa pagvisit ng relatives sa barrio. she greeted the man at pagdating ng gabi nagising siya kasi yung kandila daw parang papalapit sa kanya. ginising niya lolo ko at that night sumakit sobra yung tummy niya. when the babies (twin boys) came out, patay na.  :( eldest kids nila ng lolo ko yun. brothers ng mom ko. galit na galit yung kapatid ng lolo ko at gusto sana sugurin yung lalaki pero pinigilan siya. it happened in antique btw.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #551 on: December 04, 2013, 11:09:38 am »
^ sis san sa antique? PM mo nalang sakin. Ako rin nung bumisita noon sa Antique I had experience with tiktik din. Scary talaga as in until now di ko pa rin makalimutan yung first visit ko dun and yung na-encounter namin.

Kami naman sa bahay mga last two weeks ago... malakas kasi pakiramdam ni hubby eh. We were at my in-laws house when we heard yung mga aso na nag iingay.. nung una di namin pinapansin tapos nag aya na si hubby na umuwi sa bahay. Malapit lang kasi in-laws ko pero he insist on bringing the car kesa maglakad kami pauwi. Saktong sakto pagpasok namin ng house, nag ingay sunod sunod yung dogs ng neighbors namin. I'm guessing paikot ikot sya kasi ganun din yung ingay ng dogs. Then we heard faint sounds ng ik ik... nagsarado kami ng doors and naglagay ng asin sa windows. Until 3am ang ingay talaga ng mga aso, then naalala ko full moon pa. Two days siguro sya paikot ikot sa area nag ssight malamang. Baby namin nag cover kami ng red blanket just in case lang.

Eto naman roommate ko dati sa dorm, yung katulong daw nila dati di naglalagay ng bawang sa pagkain. Lol. Bumisita daw one time yung tita niya. Buntis pero di pa sinabi that time. Nung pagalis daw, sabi daw sa kanya ng katulong nila ang bango bango daw ng tita niya o.0

katakot naman yang katulong ng roommate mo...

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #552 on: December 04, 2013, 03:37:31 pm »
^Sa Valderrama, sis. Next year, uwi kami for vacay with my daughter. The last time na nakaranas ako ng kakaiba dun 2008.  ;D Sanay na ako sa mga kuwento about aswang and engkanto from my grandparents.

Sa Cavite after mapanganak brother ko, may ganyang experience din kami. Noong buntis ako, every afternoon naghahagis ng salt sa paligid ng house pati roof lola ko. May salt and garlic din sa bedroom namin. May salt pa rin kami stashed in the bedroom now para mawala ang negative energy.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #553 on: December 04, 2013, 03:44:00 pm »
^ hehe. akala ko sa notorious na bayan dun sa Antique. Recently lang din bumisita kami dun with my baby and ok naman wala naman "bumisita" na iba. Pero natuto na kami kasi nilalagyan talaga namin ng pulang pouch si baby na may asin at luya. Nung una nga iniisip ko guni guni lang eh pero true talaga. Pero that time hindi pa ako pregnant sa baby ko nagkataon lang siguro yung encounter namin sa kanya.

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #554 on: December 04, 2013, 05:38:14 pm »
^PM mo sa akin, sis.  ;D Naniniwala talaga ako na may tiktik sa Visayas man or sa Luzon. Kahit dad ko naniniwala diyan. Naexperience daw nila sa Quezon province naman. Scary.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #555 on: December 05, 2013, 09:13:44 am »
^actually ata kahit san naman sa pinas... hehe. Sa quezon province meron din nagkwento sakin and even sa Marinduque. :D PM ko sayo sis.

rianne_mallows

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #556 on: December 29, 2013, 09:56:34 pm »
This december yung pinsan ng asawa ko nakwento niya meron siya naririnig daw sa gabi. Hindi talaga siya makatulog palagi. Tapos nun nilagyan ko siya pangontra na turo nung gumamot sa baby ko nung inaswang si baby. Sampaguita na inalay sa poon. Tatali sa kamay then since gabi na, room lang naasinan namin. That night hindi siya naaswang. Eh 3 days lang ako dun. Yung night na wala na kami inaswang siya ulit. Ginawa namin. Pinasundi na yung manggagamot.

Tinawas siya manananggal daw. Kita ko mismo yung image sa tawas grabe ang creepy. As in may ulo kalahi katawan saka may pakpak.  Dati yung tawas sa baby ko ibon malaki then may apoy sa gilid. Kitang kita din image.  Galing nga eh.

Ayos. Pinagpausok siya every morning for 3 days sampaguita. Tapos asin buong house 3 days din. Tapos pangontra na sampaguita sa kamay tapos  may buksa siya na asin na dinasalan niya mismo(ng buntis mismo) bale same na same lang yung pinagawa nung si baby ko before ang naaswang. Then sabi ni Ka Alice (manggagamot) kapag hindi daw siya tumapang baka hindi siya makabuo kasi nararamdaman daw ng mga ganun yun. Twice na nakunan yun eh. Pareho naaswang. Bale 3rd pregnancy ngayon.

Nhetskii

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #557 on: January 09, 2014, 01:51:01 pm »
sis gleek, di ko rin alam kung totoo ba yang tiktik na yan. Pero may experience ako nung buntis ako. Nag out of town ang husband ko for 3 days,  wala akong ibang kasama sa bahay... sa living room ako natutulog since walang CR sa taas na kwarto namin. Ang kasama ko lang yung askal namin. Sa loob ko sya pinapatulog para kahit papano may kasama ako. Napapansin ko sa kanya tuwing gigising ako lalo na sa madaling araw... napaka alert nya, tatayo sya agad at susundan nya ko hanggang sa kusina. tapos mag stay lang sya labas ng CR kapag nag cr ako, may time pa nga na pag matagal ako sa cr binubuksan nya talaga yung cr (sira ang lock ng pinto ng cr namin) para silipin ako. Pero nung nakapanganak na ko.. ala na dedma na nya ko pag tumatayo ako sa gabi at pumupunta sa cr.. titingin lang sya tapos tulog ulit... hehe

sabi ng friend ko, totoo daw yun.. kasi may experience din ako na may parang kumakatok naman sa bintana ng living room...madaling araw nun eh dahil nga di ako aware (at buti na lang hindi pa that time) sa mga aswang, tiktik at kung ano ano pa.. eh sinilip ko, hinawi ko yung curtain tapos ang nakita ko tao na maitim na nakatingala sa akin. After a week naikwento ko sa ka officemate ko, eh naniniwala sya sa ganon, ang ginawa nya, binigyan nya ko ng holy water.

sugardrop

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #558 on: March 08, 2014, 10:12:20 pm »
This week's episode of Grimm eh about aswang. Sa may opening scene is may tiktik na sound sa bahay nung buntis. Hehe.

DianeShishio

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #559 on: March 09, 2014, 02:31:35 am »
I spent the last hour (or two) reading this thread! Gaaaahd!

Silly me, matatakutin na nga basa pa ng basa :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close