watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413024 times)

mllapina

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #520 on: April 08, 2013, 04:36:59 pm »
brendzy and imagodei082990: kakatakot naman yon sis! at first di talaga ako naniniwala until ma preggy sister ko, she just found out last 2 weeks lang na preggy na sya, at kinwento lang yun about tiktik stories nung friend nya na kapitbahay din nila, nung preggy daw friend nya madalas daw sya maamoy nung tiktik na kalapit bahay din nila, as in sa likod bahay din ng sister ko. Sa umaga daw, normal people din sila, nagpapataya pa nga daw ng jueteng hehe  :D as in normal activities din daw ginagawa, pero pag dumidilim na, ayun naiiba nrin daw pakiramdam nila, kilala din nila and they call her "tikang",yun daw name nun tiktik, nakaka-kwentuhan din nung friend ng sister ko, minsan nga daw gusto himasin [textspeak!] tummy ng friend nya ayaw daw ipahawak at minura daw nya, para daw malaman nung tiktik na kilala din pala sila nito, dun hindi ka nila lalapitan. nagpakuha na rin sister ko ng buntot pagi, di nga lang nya alam san part ng kwarto yun ilalagay

sabi din daw nung "tikang" ayaw na daw nila sa bawang, di na daw effective pa sa kanila ang rosary or holy oil or yung nakaugalian na pangontra sa kanila, ang ayaw na ayaw daw nila is luya and asin.. ::) hmmm... di nya alam na yung ang gagawin nila panlaban sa kanya hahaha  :D kaka lola, di ko alam kung maniniwala ako sa kapatid ko, pero naisip ko bakit naman gagawa yun ng ganun kwento, and to think mas modern pa isip nun saken kase di sya madali maniwala sa mga sabi sabi lang.

tinanong nga daw nung friend ng kapatid ko si tikang, sabi nya daw bakit gusto mo ginagawa mo, sabi daw sa kanya di naman daw nila ginusto yon, nagkataon lang na ipinanganak silang ganon kaya wala silang magagawa, sa Quezon province kase kami, madami na ako naririnig na ganon, but di ko pa na experience, at ayoko ma try hehe  :)

brendzy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #521 on: April 09, 2013, 01:36:24 pm »
true sis mllapina! scary talaga yun, I just can't imagine kung ano gagawin ko pag naka-encounter ako! Wag naman po sana!

mllapina

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #522 on: April 09, 2013, 07:58:35 pm »
oo nga sis brendzy me too, baka himatayin nalang ako sa takot, di pa naman ako nakaka experience neto but dami na friends ko nakaranas nun, and ayoko din mangyari sakin to, myth, guniguni or kung ano man yun, ayoko sa kanila  :-\

pinkswirls12

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #523 on: April 09, 2013, 11:58:43 pm »
i am 8 months pregnant now and thank God hindi ako inaswang. siguro hindi ako "mabangong" buntis. lol. but i believe in aswang/tiktik. i cant remember if dito or sa ibang thread ko naipost when i was in college, 3 preggy sa street namin, nakarinig ako ng sobrang lakas na pagaspas ng wings, nasa 2nd floor ako ng bahay namin. akala ko groggy lang ako dahil mag3am na nanonood pa rin ako ng tv. pero nung muted na at para talagang may eagle sa labas ng window namin, natauhan akong ang dami nga palang buntis sa street namin. pinatay ko lang tv and lights at kumaripas ng takbo papuntang room ko. i did not dare to look at the window.

wowry

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #524 on: April 10, 2013, 03:05:09 am »
I think this is real though I'm too young to really believe kung totoo talagang nakita ko o guni-guni at imahinasyon lang kasi nga bata pa ako. Sa bulacan ko nakita sa bahay ng lola ko buntis kasi pinsan ko non, narinig ko un tik tik na sound then pagtingin ko sa bintana nakita ko anino ng malaking ibon. Grabe takot ko nun pero hindi ko sinabi sa lola ko.

annerocky18

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #525 on: April 10, 2013, 05:12:18 am »
May mga na back read ako that nung pregnant sila is my pusa. Weird! When I was pregnant laging may pusa na nagvivisit sa may window ko good thing na screen ako tapos yung sound nung pusa is not the regular meow! may sounds siya like nagsasalita. oh my G kinikilabutan ako. I swear im not making up stories. kase when im not pregnant naman wala naman ganun incident. Tapos one time pa yung pusa is yung kamay niya mismo kinakaskas niya dun sa may screen. Scary s***!

Sinabi ko yun sa mommy ko yung mommy ko sabi nung una wala lang daw yun. nangyayari yun mga around 2am. eh wala pa kase hubby ko nun. and then one time napaaga ng uwi yung hubby ko. ayun naranasan niya na yung pusa sobrang lakas nun meow niya at parang nagsasalita. minura niya tapos nun morning kinuwento ko ulit sa mommy ko nun. ayun nadikdik siya ng bawang at asin nilagay niya dun sa windows ko. And lagi siya nagsasabit ng ginamit na t-shirt ng hubby ko sa may windows ko.

Never seen anything but alam mo yung yung feeling na something is strange.



ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #526 on: April 10, 2013, 07:23:20 am »
^yay!! sis annerocky18 that is so scary! parang nag sasalita yung pusa? OMG. pero ang tapang mo pa din ah
kasi kung ako yan baka tumakbo na ako sa mommy ko

brendzy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #527 on: April 10, 2013, 01:28:21 pm »
Scary naman yun sis annerocky18! I hope it won't happen anymore!

annerocky18

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #528 on: April 10, 2013, 09:17:30 pm »
^yay!! sis annerocky18 that is so scary! parang nag sasalita yung pusa? OMG. pero ang tapang mo pa din ah
kasi kung ako yan baka tumakbo na ako sa mommy ko

Haha actually sis tinititigan ko pa siya sa eyes niya. Im trying to see kung may kakaiba sakanya tapos im throwing some holy water dun sa cat. Ayun my time talaga na bumabalik siya and hindi ako makatulog kase naririnig ko padin siya. medyo guarded ako nakakatulog lang ako pag malapit na magka sunlight nun kase eventually umaalis na siya.

annerocky18

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #529 on: April 10, 2013, 09:20:37 pm »
Scary naman yun sis annerocky18! I hope it won't happen anymore!

Scary talaga sis. saka yung kapit bahay namin na matanda sinabi niya sa mom ko na maglagay daw ng  bawang and yun nga yung shirt na nasuot na na hubby ko near the windows kahit wala naman kami kinuwento dun sakanya about dun sa cat siguro their hearing something din.

imagodei082990

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #530 on: April 11, 2013, 06:05:26 am »
yung bahay namin kada bintana may bawang at bala tapos yung pinto namin binubudburan ko ng asin .. kakainis kase yung nga tiktik at aswang dito sa cavite kala mo mga patay gutom eh palaging gumagala. tapos yung mga aso tahulan ng tahulan tapos alulungan ng alulungan .. yung aso namin nakikisabay guard dog pa naman yun ..

annerocky18

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #531 on: April 11, 2013, 10:19:37 pm »
yung bahay namin kada bintana may bawang at bala tapos yung pinto namin binubudburan ko ng asin .. kakainis kase yung nga tiktik at aswang dito sa cavite kala mo mga patay gutom eh palaging gumagala. tapos yung mga aso tahulan ng tahulan tapos alulungan ng alulungan .. yung aso namin nakikisabay guard dog pa naman yun ..

Scary naman yan sis :o is it happening now? san ka sa cavite sis?

wowry

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #532 on: April 12, 2013, 02:07:46 am »
di ba mga sis ang tiktik ang taga-signal na may aswang?

imagodei082990

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #533 on: April 14, 2013, 06:00:40 pm »
dito sa imus sis .. Yung kapitbahay namin my bawang din sa bintana my baby din kase sila.

guilleanne

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #534 on: April 14, 2013, 11:24:07 pm »
i live in imus cavite, 3 years ago when i was pregnant may tiktik scare din kami.

i was 7 months preggy when it started. nung hapon kasi niyaya ko si hubby maglakadlakad. may nadaanan kaming nagtitinda ng gulay na naka sidecar. mag asawa siguro na matanda, yung lalaki nag pepedal ng bike. bumili ako ng petchay. tapos binati ng matandang babae yung tyan ko, babae daw ang baby ko, sigurado sya. sumagot naman ako all smile and friendly na opo girl nga. sabay hila naman saken ni hubby palayo.

sabi saken ni hubby buntis daw ako dapat hindi ako nakikipag usap kung kanikanino. sa isip ko ang rude ni hubs kasi nakangiti naman yung matanda, pero yung matandang lalaki hindi friendly ang mukha nya, pero nakatingin din sya sakin.

hubs kasi is 9 years older than me and lumaki sa bicol. tinapon nga nya yung petchay pag uwi namin, hindi ako aware nung una bakit ganun ang ginawa ni hubs.

until nung gabing iyon, i was peeing, i heard malaking pagaspas, then kalabog sa bubong. tapos yung feeling na may nakatingin sakin from the roof. im not usually matatakutin pero tumayo balahibo ko, i didnt dare look up. sumigaw ako tinawag ko si hubs, mga midnight na din yun at tulog na nga si hubs buti hindi ako nadulas sa pag mamadali at nakuha ko pa mag wash, malapit na ko sa room nung nagising si hubs.


tapos di na nakatulog si hubs, nilagyan nya ko ng kwintas na bawang and he kept his hands on my navel the whole night while i slept. the next day, ayan 2 kilong bawang naka bitin sa mga bintana at bubong, asin on the windows at asin binato sa bubong.

suspect ni hubs yung gulay vendor. every time we go out at madilim na kami uuwi, dadaan muna kami sa bahay ng mama ko to borrow garlic and salt, tapos pag dating sa bahay binabato ni hubs yung salt sa pathway and sa door, lalo na nung may pusa one time, sabi ni hubs umalis ka dito papatayin kita. hahaha, kakaloka diba. pero naniniwala talaga si hubs.


after i gave birth, may bagong lipat dito samin isang house lang pagitan namin, preggy bigla na lang nag pre mature delivery, 7 months lang sya, buti naging ok naman baby nya 2 years old na ngayon. pero sabi nya prior daw sya mag labor, may kumalabog daw sa bubong nila, nung sumilip hubs nya parang malaking black dog daw sa tapat ng gate nila ang nakita. after a few days, natutulog sila when her water suddenly broke.


ako skeptic parin ako if its true or not, sabi ni mama, wala naman masama kung maglagay ng bawang better safe than sorry.

imagodei082990

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #535 on: April 15, 2013, 12:34:20 pm »
madami talaga dito ..

brendzy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #536 on: April 15, 2013, 02:30:23 pm »
kaloka naman yang mga tiktik na yan. sobrang scary!  >:(

sima

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #537 on: April 16, 2013, 10:47:53 pm »
Totoo ang mga yan!  Noong nagbubuntis ako sa panganay ko, nagising ako kalagitnaan ng gabi dahil nakarinig ako ng malakas na tiktik!  Eh katabi ko yung sister ko sa pagtulog kaya ginising ko siya at narinig niya din ang lakas ng ingay na ginagawa nito.  Pag malakas daw ang tunog ng tiktik, malayo ang aswang, pero pag mahina ang tunog nito, malapit yung aswang.

Hindi na kami nakatulog ng sister ko that night!  Naglagay na kami ng gunting sa tabi ng higaan namin at yung imahen na nasa altar eh pinasok na rin namin sa kwarto.  Kinaumagahan, bumili kami ng sandamakmak na bawang at sinabit namin sa bintana, sa ulunan at paanan ng kama ko.

guilleanne

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #538 on: April 17, 2013, 12:49:41 am »
i remember ang eksenang bawang everywhere lahat ng bintana and doors going in and out the house. bawang on my bag. bawang na kwintas na pinapasuot sakin ni hubs as soon as mag dilim. gosh nakakagutom, nagrereklamo ako kasi nag cracrave ako ng garlic bread dahil sa amoy. tapos nung nanganak na ko, after a few months, pag naubusan kami ng bawang sa kitchen pinipitas ng maid namin nuon yung mga bawang sa bintana na di pa dried up.

tellycopter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #539 on: May 05, 2013, 03:53:12 pm »
Natakot tuloy ako kakabasa dito :(

This happened kanina lang, around 2:30am. Naglalaro ako ng Real Racing sa kusina. Ako kasi nagbabantay ng puppy namin gang 4am kasi inoobserve kung magseiseizure ulit. Kasi naheatstroke ata.

Open lahat ng window tsaka yung door namin sa kusina papunta sa likod, sa dirty kitchen. May puno ng mangga dun tapos meron kaming improvised bubong na trapal sa likod. Sanay ako na maraming ibon dun kasi nakatira sila dun sa mangga.

Hindi ako yung naniniwala sa aswang. Bigla may narinig ako na malaking ibon. Yung tunog nya di ko maexplain na parang butiki/tuko na ibon na malaki. Bago pa man ako makarinig ng sound, napansin ko na alerto na yung older dog ko. Palipat-lipat yung titig nya from the door and window. As in serious looking sya. Narealize ko na lahat pala ng pets namin kasama ko sa kusina. E usually yung isang pusa sa computer natutulog or tumatambay. Tapos yung isa natutulog lang sa isa sa mga upuan sa kusina. This time, yung tuta lang tulog tapos gising lahat yung iba. Puro alerto. Yung computer cat pabalik-balik tapos yung kitchen cat gising na nakatitig din sa bintana, sa bubong ng kapitbahay. Napansin ko na may sound galing dun tapos palipat-lipat, going from left to right, from the roof nila neighbor to our trapal. Tapos naririnig ko yung flapping of wings. Sobrang unusual kasi puro little birds lang nandito na hindi naman lumilipad sa gabi. Naririnig ko nagchichirp yung iba pero meron ng nangingibabaw na sobrang lakas na lizard-bird.

Napaisip ako. Nung una akala ko magnanakaw. Kasi mga kalabog pa lang naririnig ko nun pero nung parang may ibon na, sumagi sa isip ko yung tiktik. Hindi na ko makafocus sa nilalaro ko. Wala akong idea sa ganun di ko naman magising mama ko kasi aawayin ako nun. Hindi kasi sya naniniwala sa ganun. Si dad naman nasa work pa. Si bf nasa bahay nila kasi may company outing sa umaga. Nagstatus ako sa FB mabilis naman nagreply mga nocturnal friends ko. Asinan ko daw tiyan ko, kuha bawang, black na tela iwrap ko daw sa tiyan, kuha daw ako ng knife. Pinakauna kong ginawa yung asin sa tiyan. Habang naglalagay ako ng asin minumura ko yung creature. Pagkalagay na pagkalagay ko ng asin, nawala yung maingay.

Nagantay ako na bumalik yung ingay pero wala na talaga. Tsaka na ko kumuha ng bawang at itak. Buti na lang di na bumalik. Mga 30 minutes din nagingay yun. Mga 3:30am dumating na dad ko. Tsaka lang ako nakampante. Si mama mga 3:45am gising na. Di ko napansin pumunta pala yung older dog ko sa room nya tapos ginising siya. Di nga daw alam ni mama kung bakit.

Hay. Pano na kaya ako mamayang gabi? :( nakatira kaya sa mangga yung aswang? Pwede kayang dahil hindi nabless tong bahay namin sa 15years ng existence nito kaya lapitin kami ng mga ganito? Dati doppelgangers lang tsaka ghosts na ginagalaw mga gamit ngayon naman aswang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close