watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413065 times)

Princess Anne

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #480 on: September 21, 2012, 10:30:05 am »
totoo nga ba ang tiktik? share ko lang,  nong kakapanganak lang ng sister ko tapos sa amin pa sha tumutuloy. pag gabi naririnig ko yung "ik ik ik", malakas yung sound with matching pagaspas pa. It was really creepy and to think na sa Manila ito, parang ang hirap paniwalaan. I was thinking before na baka naman paniki kasi super skeptic talaga ako pagdating sa ganyan, but kung titingnan mo wala namang paniki sa bubong ng bahay namin. but you could really hear it pag nasa room. But may nagsabi samin na pag malakas daw yung sound, ibig sabihin nasa malayo yung tiktik and they like the babies daw pag sariwa pa yung pusod.

I'm still a bit skeptic coz I haven't seen one, and dito naman sa canada walang tiktik tiktik na ganyan. Nong pregnant din ako, wala naman akong narinig or na experience na kakaiba. In my mind iniisip ko wala lang siguro yun, but it was a creepy experience.

mama_ni_kuykuy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #481 on: September 21, 2012, 03:44:50 pm »
^ korek ka dyan sis. tapos sabi pa kapag sa kaliwa mo naririnig ang sound nsa kanan daw talaga yung tiktik..

izzahh d iguana

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #482 on: September 21, 2012, 05:04:57 pm »
TIKTIK, ASWANG, WAKWAK, SIGBIN~ totoo para sa mga naniniwala, kwentong barbero sa mga hindi! gusto ko lang i share yung naging experience namin, these tiktik/aswang stories opted me to register na rin.

10years ago in q.c. sa bahay ng lola ko, nagising kami na sira yung bubong namin. hindi pumasok sa isip ng mga tita at pinsan ko na magnanakaw ang may gawa kasi maliit siya na pabilog na parang napunit (imposible daw na tao, wala silang dadaanan, firewall). inisip namin na may buntis sa mga kapitbahay, hindi ko rin alam nun na 4mos na pala akong buntis sa daughter ko. maingay din yung mga aso nung time na yun, mga 2am nangyari, sana nga uso na ang mga fb, instagram na yan para na ipost ko yung pagkasira ng bubong.

2009, madaling araw yun nagising kami dahil sa malakas na kaluskos (tunog ng asong nagkikiskis sa kahoy). sabi ko pa nun sa kapitbahay lang yan so binalewala namin. 6mos preggy ako that time sa son ko. weekends umuuwi ako sa bahay namin sa diliman (sobrang masukal doon, gubat sya kung titignan mo, tipong umuulan sa amin, paglabas mo ng katipunan maaraw na) yung bahay namin kahoy na capiz yung bintana, puro puno yung katabi. hindi ko na marecall kung ilang weeks after mangyari na... bumaba ako para mag cr, it was exactly 3am. sakto yung brother ko umakyat pala pag baba ko. noon lang daw sya nakarinig ng ganong klaseng tunog ng ibon. (marami kasi siyang alagang ibon sa bahay kaya kakaiba sa kanya yung tunog) sabi nya pa sa kapatid ko sino bang buntis kasi may narinig akong tunog kakaiba, nakakakilabot! dun lang nila naisip na buntis pala ako, sabi nila sa akin ate narinig mo ba yung tunog ng ibon, tiktik ata yun eh. dun lang namin naisip na baka iisa lang yung nilalang na narinig ko na kaluskos at yung tunog ng ibon. kasi imposibleng tao ang gagawa ng ingay sa dingding ng labas ng bahay. mataas kasi yung bahay namin at walang dadaanan kahit gawa sa kahoy. hindi yun kaya ng daga o pusa. at dis oras na ng gabi.

sabi nila wag muna daw ako uuwi sa diliman, kung kilala mo daw yung aswang, banggitin mo yung pangalan nya, babalik yung katawang tao nya. yung kapatid ko gumawa siya ng pangontra. (sa isang maliit na bote pinagsama nya yung bigas, asin, yung red na maliit na tela - pang kontra usog daw sa baby at basyo ng bala) palagi kong daladala yun until maka 1yr old yung anak ko nasa crib lang nya yung bote. tapos nun nasa altar [textspeak!] namin sya hanggang...

2weeks ago, nagtataka ako kung bakit yung pusa ko lagi siyang nasa tabi ko kahit saan ako magpunta. hindi ko naman siya katabi matulog pero ilang linggo na nya akong sinasamahan lalo na kapag nasa taas ako ng bahay. sabi ko pa nga sa kanya nung unang gabi siyang matulog sa kwarto ko "ano ba yan naaamoy mo bang mamamatay ako kaya ka nandito sa kwarto ko"! palagi rin kami nakakarinig ng tunog ng pusa, yung mga pitbul namin lagi umaalulong, magtatahulan tapos biglang parang iiyak na natakot yung mga aso sa madaling araw. dito na sinabi sa akin ng kapatid ko na kunin ko daw ulit yung bote na ginawa nya kasi hindi maganda yung feeling nya, mabigat daw. 2mos preggy ako now ;)

sa bahay may palaspas, insenso at buntot pagi. mahirap iexplain sa iba yung mga ganitong pangyayari, minsan kukutsain ka nila, tatawanan, sasabihan ka na guniguni mo lang. siguro nga pag kayo na mismo ang makakita, makarinig, o kaya magbuntis ewan ko na lang kung hindi rin kayo mag share dito! ;D


CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #483 on: September 24, 2012, 11:23:53 am »
Hi, mga sis.

Indeed this subject is up for serious debate when mga believers and non-believers discuss it na.

Explain ko lang what my bit of knowledge could share sa mga post ni sis izzahh d iguana - ha ha, what a unique handle!

First, yun remedy made - bote with rice grains, salt and red cloth - are classic defense against LOW LEVEL elementals such as the tiktik, aswang, wakwak, etc.  Ditto with the buntot pagi.  Mas higher level yun palaspas and incense IF properly blessed yun former and properly used yun latter.

Sa mga followers sa Feng Shui thread by now you know that cats are attracted to yin energy kaya it was not because death is hovering nearby but its because a yin being is nearby.

Do note na sinabi ko na low level yin beings ito and they serve more powerful masters.

Observer54

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #484 on: October 03, 2012, 02:41:54 pm »
up to now hindi ako sure kung maniniwala ko o hindi sa tiktik or aswang dahil hindi pa talga ako nakakakita. pero ikkwento ko na rin experience ko. when i was 17 yrs old sinamahan ko pauwi ng province ang pinsan kong buntis na hindi pinanagutan ng bf nya. diretso bakasyon na rin for me.
may tsismis sa lugar nila about sa isang matandang aswang daw. we were made aware kasi nga may buntis sa bahay. minsan nga umuwi ako ng gabi nakipag inuman nadaanan ko sa tapat ng bahay nila ang matandang ito. weird medyo malakas pa sa age nya at gabing gabi na nakatanaw pa rin sa terrace nila. isang gabi ako lang ang naiwang lalaki sa bahay. nangisda yung tito ko kasama mga pinsan ko. naiwan ang pinsan kong buntis at nanay nya. nagising na lang akong sumisigaw ang pinsan ko na may aswang daw. bumangon ako at tumuloy sa kwarto nya na bukas na ang pinto. andoon na rin ang nanay nya inabutan ko silang magkayakap. nakatingin sila sa saradong bintana. hindi ko alam kung matatakot ako or maeexcite. bagong experience ito. may aswang daw. lumapit akong konti sa bintana. parang may asong hinihingal. sobrang takot ko at umatras pero nakatingin sakin pinsan ko nahiya ako. hindi ako takot kung away tao lang suntukan kung suntukan pero langya aswang ata ito. di ko alam gagawin ko. hindi rin ako lalabas ng bahay mag isa. ano bale. pinilit ko sarili. lumapit ako sa bintana at nagsalita naririnig ko pa rin yung asong hinihingal(2nd flr na bintana). nagsalita ko ng mahina medyo takot. sabi ko   kilala kita pag di ka umalis bukas pag liwanag pupuntahan kita sa bahay nyo papatayin kita. tapos non nawala na. wala na rin naramdaman hanggang makauwi akong manila. so hindi ko pa rin alam kung ano nga iyon.

abbey

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #485 on: October 17, 2012, 12:32:45 pm »
i believe in ghosts pero medyo skeptical ako sa mga ganitong creatures or kwento. pero sabi ng nanay ko totoo daw. feeling nga niya yun yung dahilan kung bakit siya nakunan dati eh. kung my good force may evil forces din daw, ganon lang yun.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #486 on: October 17, 2012, 01:21:10 pm »
I experienced this sa province ng kapatid ni bf (now hubby)... last day na kasi namin yun and pauwi na kami ng manila the next day. I practically grew up in Panay island pero this is the first time I experienced with tiktik.

Nung afternoon, me and hubby plus his pamangkin decided to go to the beach para manood nung mga fisherman, pagdating namin sa likod bahay meron guy na nakaupo sa kubo. Akala namin ni bf kapitbahay lang ng relatives nila. Tinanong kami nung guy kung family kami at taga Manila kami at san daw kami nag sstay. Sumagot bf ko na dyan lang sa unahan tapos tinanong namin ano ginagawa nya dun, sabi nya nag aantay sya ng huling isda. Tinanong din sya ni hubby kung taga barrio sya ang sagot nya eh galing sya kabilang bayan which is known dun sa lugar na pugad nga ng mga aswang :P. Deadma nalang kami and pre-occupied. Hindi na namin sya napansin na umalis na pala sya sa kubo.

Kinagabihan, we decided to stroll around sa plaza. Galing kami sa bayan ni hubby plus his relatives. Pag uwi namin, nagkwentuhan kami lahat sa kitchen. It was already 10pm that time. Tapos maya maya napansin ko yung mga aso ng neighbors nila sunod sunod na umaalululong. Iba yung alulong nila eh. Weird pa parang each dog nag eecho yung alulung nila. Parang papalapit ng papalapit sa bahay ng relatives ni hubby yung alulung ng aso. Then may narinig kami na "ik ik" ng ibon. We ignore it nalang, pero alam ko na sanay na yung relatives ni hubby kasi sila mismo nagkkwento na meron nga daw nag eexist. Nung matutulog na kami, naririnig ko na yung tiktik na parang nasa labas lang ng bahay. Pinilit ko nalang matulog kahit takot na takot na ako, worst pa napanaginipan ko pa yung tiktik eh nag aantay lang sa labas ng pinto ng kitchen with super hairy feet at maitim. Lalaki sya sa panaginip ko. Nagising nalang ako pawis na pawis tapos naririnig ko pa rin yung tiktik.

Kinabukasan kinuwento namin sa relatives ni hubby yung sa tiktik kasi 3 days din kami nag stay sa kanila pero nung last night kami ginambala, ang hinala ng relatives ni hubby yung guy na nakita namin sa kubo eh yung aswang kasi tinanong nya kami kung taga Manila kami at alam nya na bagong mukha kami dun sa barrio.

I don't believe it before pero nung first hand experience ko na sya parang I didn't know entities like them still exist. Kala ko nga nung una kwentong bayan lang :P

dulcette

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #487 on: October 21, 2012, 03:51:52 am »
when my mom was 8 mos preggers with my older brother, they all swore (mom dad and GPs) na they saw a tiktik on top of a coconut tree near our house which they saw kasi the dogs started barking. what they did was they revved a motorcycle to startle it and it went away.

eh creepy kasi sabi nila that the tiktik is one step behind lang sa aswang (or is it the other way around?) like if you hear the tiktik sa gate ibig sabihin si aswang nasa front door na (heard this on a supernatual radio show before)

pero bakit satin lang meron nito? di ba sila pwede lumipad at mag migrate papuntang states? lol

FOURever

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #488 on: October 26, 2012, 04:53:34 pm »
Bakit kaya natatakot agad yung mga tiktik pag sinabi na kilala sila. Or pag minura sila?

gil12

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #489 on: October 28, 2012, 12:14:01 pm »
^ siguro takot sila sugurin siya ng taong bayan kapag sinabihang kilala sila kasi nagiging tao rin sila kapag umaga??

naaalala ko lagi movie ni Ding Dong Dantes kapag nababasa ko tong thread na toh.. Kapag nakikita ko trailer ng movie hindi ba OA kapag nagiging aso tiktik? mukha ng werewolf dun sa movie..  ;D

xxmiakaxx

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #490 on: October 28, 2012, 11:53:20 pm »
ive heard story's about tik tik sa  mga lola ko
nun bata pa kami every summer nag visit kami sa batangas
un house ng lola ko  gawa sa pawid  pati un bubongan 
karaniwan kwento na kapag may buntis sa isang bahay eh lapitin
ng tik tik damang dama mo kapag nag lalakad ito sa taas ng bubong
at bubuklatin lang ang mga pawid ay nakaka lusut ang Dila
para dukutin un sanggol   >_< 

megansmomma

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #491 on: October 29, 2012, 05:55:05 pm »
Kaya need ng buntot ng pagi pag me kasama kayong buntis sa bahay :)

france0220325143

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #492 on: October 30, 2012, 03:55:04 pm »
nung bumili kami sa bakery ng anak ko knina, pinaguusapan ng mga tao dun na may tiktik daw kagabi around our village. may nakakita daw. eh kagabi pa naman ang daming asong nagtatahulan kahit almost 1a.m na at hirap akong makatulog kahit dapat sobrang antok na ako nun. i'm 4 months preggy...  :'( katakot tuloy, kaya kanina pinasok ko na yung bed namin sa room. almost a week na kasing sa sala kami natutulog ng anak ko dahil mejo mainit sa room. d bale ng mainit, sa room na lang kami mula ngayon. pag ako nabiktima ng tiktik na yan, nako! papatay ako ng tiktik talaga!

FOURever

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #493 on: October 31, 2012, 04:07:46 pm »
Saan sila mas madalas? Sa bubong o sa bintana? Sa movies kasi laging sa bubong.. Nakakatakot kung makikita sila sa bintana :(

rhumbafrapp

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #494 on: October 31, 2012, 05:01:23 pm »
When my mom was pregnant with me, bale my older sister (yun sinundan ko) and my oldest sister were playing sa backyard, Mom was in the rocking chair ngpapahangin. It was around 4-5PM yata.

Then suddenly, my older sister said something to the effect of " Look, anlaking bird o! itim pa, anglaki laki". Wala naman daw nakita si oldest sister, and the other people in the house. Mabuti nalang may mga kasami that time si Mommy, namely Lola, Papa and Aunt ko, dali dali daw binalutan ng red cloth yun tummy ng Mom ko. Maya maya, mga night time, nilagnat na si older sister.

I am not sure re if tiktik ba yun, or something else.


france0220325143

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #495 on: October 31, 2012, 06:55:37 pm »
ang nakakatakot eh yung fact na nagkalat na ata sila sa city eh di ba dati naman kwentong barrio lang sila?

Miss Charcoal

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #496 on: November 01, 2012, 12:27:23 am »
Totoo daw sabi ng mga relatives ko sa Bicol.
Kasi daw nung buntis pa yung asawa ng pinsan ko, may nakikita yung mga rumurondang tanod sa rooftop ng pinsan ko na something pag gabi. Tsaka nagsusunog daw sila ng sungay ng kalabaw pangontra sa tiktik..

50-50 lang paniniwala ko dito haha. :D

CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #497 on: November 01, 2012, 06:21:31 am »
Matagal na sila here with us even in the urban areas.  Yun variety nga lang that one can encounter depends on the locale.  Its sickening lang that a lot of those in the church are turning a blind eye to such though at least not all are. 

Take note lang na as these beings manifest themselves in our world they are equally subject to our physical laws.  May certain instruments lang that may be more effective that others but still ganun pa rin.

FYI.  Sa mga thinking of resorting to the use of bladed weapons or firearms ay be responsible! 

protectivemom

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #498 on: November 02, 2012, 12:12:50 pm »
hi cityhunter. hope you'll be able to answer my questions below. thank you!:

1. is it enough for a priest/nun to bless the Saint Benedict medal using holy water lang (without the exorcism prayers for the blessing of the medal)?
2. why do evil spirits 'fear' red clothing/color?
3. why only use rosaries that are made out of 'natural' materials?
4. how often do we need to sprinkle/use holy water, salt, etc. to help deter such negative beings?
5. totoo ba yung effect ng salt, holy water, et. al sa mga 'aswang' / evil spirits katulad sa mga napapanood natin sa mga movies? as in, yung umuusok/namamatay?
6. kapag ba gumamit tayo ng mga sacramentals (st. benedict medal, pure olive oil, salt, holy water, etc.) pati ba yung 'good/positive' entities mawa-ward off?
« Last Edit: November 02, 2012, 01:01:44 pm by mama squeak! »

CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #499 on: November 07, 2012, 08:25:50 am »
Hi, protectivemom.

Sorry for the late reply as was under the weather the past few days and I don't really visit much this thread rin kasi.  Anyhow, try ko sagutin your questions as best as I could :)

1. Is it enough for a priest/nun to bless the Saint Benedict medal using holy water lang (without the exorcism prayers for the blessing of the medal)?

Only a priest of the Catholic Church can properly bless the St. Benedict's cross or medallion.  The following is a link to where you can find out more of this:

http://www.osb.org/gen/medal.html

The only time I find it equally as effective is when I have it blessed right after or before attending mass at a very special place like Quiapo Church.  And I do add certain prayers after due to the nature of my "work." 

2. Why do evil spirits 'fear' red clothing/color?

Its not simply the red color but the chi that is "programmed" to it due to how we associate it with the Fire element.  Also, Fire being one of the most powerful elements should at the very least control such yin beings. 

The other explanation is deception.  They thinking its something rich with blood for blood is the one of two earthly commodity that has of value to them - and whoever may say otherwise is just full of BS.  Again, this is subject to how it is used - the color red. 


3. Why only use rosaries that are made out of 'natural' materials?

BE VERY HAPPY you've yet to personally witness why this must be so.  Plastic and even metal will not stand up against to the forces that evil has at its disposal.  I will be mum on this as yan ang isang defining clue for people to know kung quack or not yun kausap nila - and medyo maraming quacks na are quite capable of using the internet to improve their "art" - bleh.

All I can say is that its something kasi that makes it more difficult for the bad ones to control to give you fright.


4. How often do we need to sprinkle/use holy water, salt, etc. to help deter such negative beings?

Depends on the situation and need.  One who is living in a place where there was a suicide may have to do it more often than one who is at one which has not suffered none.  Walang fixed formula for each situation is unique.  The best would be once a week syempre though even I tend to miss on that at times.


5. Totoo ba yung effect ng salt, holy water, et. al sa mga 'aswang' / evil spirits katulad sa mga napapanood natin sa mga movies? as in, yung umuusok/namamatay?

In a way ay yes.  Remember, subject pa rin sila sa physical laws natin so yun umusok sila happens.  Though yun mamatay sila is something I have yet to see.  How can you kill something which is already dead?  Or is then transferred to a different plane where the physical laws there aren't the same as ours anymore? 

Ang approach by some is to negotiate a deal with such.  I do that too especially in the old days but lately may iba talaga na parang nakikipag-usap ka sa mga Commies - useless.  Banishment ang other option but it must be executed right as kapag palpak ay "it" will come back with a revenge. 

FYI.  Sa mga nagmamagaling don't think its kids stuff to do this.  I'll happily trade my work for yours if you think its fun and profitable.

6. Kapag ba gumamit tayo ng mga sacramentals (st. benedict medal, pure olive oil, salt, holy water, etc.) pati ba yung 'good/positive' entities mawa-ward off?

The chemo-effect?  Nope.  Kasi we've attuned those defenses only to screen out yun baddies. 


 

Latest Stories

Load More Stories
Close