TIKTIK, ASWANG, WAKWAK, SIGBIN~ totoo para sa mga naniniwala, kwentong barbero sa mga hindi! gusto ko lang i share yung naging experience namin, these tiktik/aswang stories opted me to register na rin.
10years ago in q.c. sa bahay ng lola ko, nagising kami na sira yung bubong namin. hindi pumasok sa isip ng mga tita at pinsan ko na magnanakaw ang may gawa kasi maliit siya na pabilog na parang napunit (imposible daw na tao, wala silang dadaanan, firewall). inisip namin na may buntis sa mga kapitbahay, hindi ko rin alam nun na 4mos na pala akong buntis sa daughter ko. maingay din yung mga aso nung time na yun, mga 2am nangyari, sana nga uso na ang mga fb, instagram na yan para na ipost ko yung pagkasira ng bubong.
2009, madaling araw yun nagising kami dahil sa malakas na kaluskos (tunog ng asong nagkikiskis sa kahoy). sabi ko pa nun sa kapitbahay lang yan so binalewala namin. 6mos preggy ako that time sa son ko. weekends umuuwi ako sa bahay namin sa diliman (sobrang masukal doon, gubat sya kung titignan mo, tipong umuulan sa amin, paglabas mo ng katipunan maaraw na) yung bahay namin kahoy na capiz yung bintana, puro puno yung katabi. hindi ko na marecall kung ilang weeks after mangyari na... bumaba ako para mag cr, it was exactly 3am. sakto yung brother ko umakyat pala pag baba ko. noon lang daw sya nakarinig ng ganong klaseng tunog ng ibon. (marami kasi siyang alagang ibon sa bahay kaya kakaiba sa kanya yung tunog) sabi nya pa sa kapatid ko sino bang buntis kasi may narinig akong tunog kakaiba, nakakakilabot! dun lang nila naisip na buntis pala ako, sabi nila sa akin ate narinig mo ba yung tunog ng ibon, tiktik ata yun eh. dun lang namin naisip na baka iisa lang yung nilalang na narinig ko na kaluskos at yung tunog ng ibon. kasi imposibleng tao ang gagawa ng ingay sa dingding ng labas ng bahay. mataas kasi yung bahay namin at walang dadaanan kahit gawa sa kahoy. hindi yun kaya ng daga o pusa. at dis oras na ng gabi.
sabi nila wag muna daw ako uuwi sa diliman, kung kilala mo daw yung aswang, banggitin mo yung pangalan nya, babalik yung katawang tao nya. yung kapatid ko gumawa siya ng pangontra. (sa isang maliit na bote pinagsama nya yung bigas, asin, yung red na maliit na tela - pang kontra usog daw sa baby at basyo ng bala) palagi kong daladala yun until maka 1yr old yung anak ko nasa crib lang nya yung bote. tapos nun nasa altar
[textspeak!] namin sya hanggang...
2weeks ago, nagtataka ako kung bakit yung pusa ko lagi siyang nasa tabi ko kahit saan ako magpunta. hindi ko naman siya katabi matulog pero ilang linggo na nya akong sinasamahan lalo na kapag nasa taas ako ng bahay. sabi ko pa nga sa kanya nung unang gabi siyang matulog sa kwarto ko "ano ba yan naaamoy mo bang mamamatay ako kaya ka nandito sa kwarto ko"! palagi rin kami nakakarinig ng tunog ng pusa, yung mga pitbul namin lagi umaalulong, magtatahulan tapos biglang parang iiyak na natakot yung mga aso sa madaling araw. dito na sinabi sa akin ng kapatid ko na kunin ko daw ulit yung bote na ginawa nya kasi hindi maganda yung feeling nya, mabigat daw. 2mos preggy ako now

sa bahay may palaspas, insenso at buntot pagi. mahirap iexplain sa iba yung mga ganitong pangyayari, minsan kukutsain ka nila, tatawanan, sasabihan ka na guniguni mo lang. siguro nga pag kayo na mismo ang makakita, makarinig, o kaya magbuntis ewan ko na lang kung hindi rin kayo mag share dito!
