hi po mga sis!
meron po ba kayo alam na cheap hotel/inn s alaminos? we're planning po kasi to go to hundred islands. TIA
sis, kakagaling ko lang dun last month. marami nga mga transient dun malapit sa wharf. di ko marecommend yun pinag stay-an namin na bahay. mahina kasi yun tubig e. hehe.
anyway, share ko lang experience namin. mga 7am yata andun na kami. tapos nagsimula na kami maghanap ng pagsstay-an. yun una namin pinuntahan is yun Villa Milagros. ok naman kasi 40% pa sila sa rates. pero medyo luma na yun mga room nila. since marami kami (11), need namin ng 3 rooms so bale 2700. nag try pa kami hanap sa iba. punta dapat kami dun sa RJ yata yun, pero di na namin napasok kasi may nakausap kami dun sa tapat nun RJ na nagpapatransient daw sya (sya din yun naging bangkero namin later on). so dinala nya kami dun sa bahay nya na medyo ang layo gosh hehe.. pero ayun pagdating namin sa haus nya 2 lang rooms. tapos ang rate nya after tawaran portion is 2500. e kaso di kami kasya pala so umalis na kami. tapos may girl dun, dunno kung asawa nya or what basta sumama yun girl sa min palabas dun sa street habang naghahanap kami. let's call her "Ate".
tapos nakakita kami ng isa pang bahay kaso 5k naman daw ang rate sabi nya. then isa pa ulit. chineck namin, 4 yun rooms.. yun 1 may aircon.. tapos 3 ang CR. malawak yun place but halatang di nam-maintain. so una 3500 daw. then tinawaran, naging 2500. go na kami dun kasi pagod na kami kakahanap ang init na kasi. tapos naalala ko ipa-on yun gripo to check yun water flow. golly. walang tubig. naka off daw yun motor kasi may butas yun tangke. so ayun in-ON na nun may ari. may mga drum din. inipunan na nya ng tubig para daw pagbalik namin marami tubig. so ok na. off to the islands na kami.
paglabas namin ng house, andun c ate (yun kanina), nag o offer na sasamahan nya daw kami sa bilihan ng seafoods para may baon kami sa island kasi wala mabibilhan dun. pwede naman daw nya timplahan at ibilin sa boatman namin para yun boatman mag iihaw. ipapahiram na lang daw nya yun ice chest nya. (bait ni ate). so ayun, punta kami dun sa talipapa. medyo ang mamahal pa rin ng presyo ha to think na bagsakan na yun. buti inabot pa namin kasi till 8am lang daw yun. c ate parang di na tumatawad kagat na lang ng kagat sa presyo siguro may cut sya dun! hehe.
so ayun na, nilagay na sa ice chest na pinahiram ni ate yun mga napamili namin isda at hipon. tapos dun malapit sa wharf (yun sa tapat mismo nung Welcome to Hundred Islands), tumambay kami kasi may tindahan dun tapos andun c ate, may mga katulong sya sa pagprepare ng food namin. nagpasaing na rin sya dun. yun hipon niluto na nya. yun isda tinimplahan. nakalista lahat nun mga nakukuha sa tindahan na ingredients. tapos bumili na lang kami ng tubig, uling, paper plates, etc. tapos nagpahiram naman si ate ng kaldero at tray, etc. so after ng kwentahan ng expenses, binayaran namin yun mga nagamit na ingredients plus talent fee ni ate na bahala na daw kami so 100 pesos. thankful na sya. hehe. tapos nag offer sya na ipagprepare kami ng dinner pagbalik. bibili daw sya ng liempo sa palengke. (ayon sa mga kasama ko medyo mahal daw yun naging presyo ng liempo nun nakausap nila c ate kinagabihan, sabi na nga ba may cut c Ate hehe.)
oh well, so ayun, off to the islands na kami. 1800 ang bayad sa boat. sarap nun mga baon namin. overall, pwede na rin kasi pumunta kami dun wala kami mga baon na dala e. buti na lang din andun si ate. hehe.
so kung pupunta kayo, prepare na rin kayo ng baon nyo. ilagay nyo sa ice chest, yelohan nyo na lang para di masira yun mga iihawin. para at least pagdating nyo talaga sa island e dire diretso na kayo sa island hopping. yun iba naman e may mga take out kumakain na sila before sumakay ng boat. pero gugutumin ka talaga habang nasa island kasi swimming swimming e. kapagod. so masarap talaga magbaon kasi mahal ang bilihin pag sa island mismo.
ayan ang haba na pala ng kwento ko. hehe..
