Kwento mode lang mga sis from a recent Bolinao Trip last Christmas

Finally nakapag Bolinao na din and I love the place. . it has its natural charm. Parang napakasimple ng life duon. Challenging lang yung bus because umalis kami ng Manila Dec 25 ng madaling araw. haha broken schedule as they call it. Wala kaming naabutan na direct Bolinao so nag alaminos (via Victory Liner Cubao) nalang muna kami kasi yun lang yung available. Umalis kami ng 1am, arrived 4am. Happy na sana kami kasi parang ang bilis ng byahe namin kaso tagal naman ng antay namin sa Alaminos ng bus going to Bolinao, halos magkalapit lang ang Victory liner and Five star kaso waley talaga. Inabot na kami ng 2 hours sa kakaantay wala talaga dumating. Buti may dumaan na Bolinao Express (non-aircon) kaloka lang, parang scary kakarag-karag, good thing nakarating naman kami ng safe. . isang oras din ang byahe. Pagbaba ng bus makikita na agad ang St. James the Great Parish (it's a 400 year old church na).
Immediately we headed sa Puerto del Sol, dumating kami mga past 8am (trike 150). Gustuhin man namin na iwan nalang ang bagahe at mag tour na eh sobrang antok kami at tinatamad pa gumala. Since sobrang aga namin at 2pm pa ang check-in, nagulat din kami kasi jampack din ang resort. Dami din nag spend ng Christmas doon. allowed naman na kami mag ikot-ikot sa loob so ayun tumambay nalang muna sa beachfront at nag breakfast sa restaurant nila.
So 1st day literal nasa resort lang kami, infairness ang ganda ng weather dun. mainit kahit na signal no. 1 na ang Pangasinan according sa news because of bagyong Nina.
Day 2 lakwatsa mode na, yung trike driver na naghatid pala sa amin nung day 1 sa resort yun na din kinontrata namin para sa tour. 1k for one day tour and 9 spots na pwede namin puntahan kaso naka 7 lang kami.. di na namin pinuntahan ang wonderful cave at St. James Parish (kasi nakita na din namin to nung pagdating mismo ng Bolinao). So ang first stop is yung Falls - Bolinao Falls 1 (mga 30 minutes away from resort, kalurkey ang daan ang sakit sa pwet! meron sementado na part at meron ding hindi).. 2kms away from falls 1 is the Bolinao Falls 2.

Nagandahan ako sa mga falls nila although i've been to several falls na in the phils. di ganon kalakihan pero parang sarap mag swimming. pwede mag swimming kaso di na kami nagdala ng pang ligo at viewing lang kami. andami din tao that time, nga lang ginawang picnic area.. well maintained naman kaya may entrance fee bawat falls. haha!
After that diretso na kami ng Balingasay river (one of the cleanest river in the Phils), dun na din kami nag lunch sa Sungayan Grill.. ganon din dami tao, okay naman ang food masarap din at mura kaso parang walang sistema. Bahala ka maghanap ng uupuan mo at magtawag ng waiter o pumunta sa counter para kunin ang menu.

After Lunch gora na kami sa Rock View resort, viewing lang kami so may entrance fee din. ganda din dito.. Ganda ng mga rocks, ay hindi pala rocks mga corals daw yun said to be a thousand years old. Kaso medyo gloomy na kala nga namin uulan na. After that diretso na kami sa Cape Bolinao Lighthouse, ayun walang entrance fee at biglang uminit na. Haha. Ang hirap mag picture kasi andami din tao, dami photobomber sa likod.
After lighthouse, punta kami ng Patar beach.. excited ako dito kasi eto yung nakikita ko na naifeature sa isang travel show. Toinks. Public beach pala itey at ang daming tao. tinamad tuloy kami maglakad lakad sa beachfront, picture lang saglit tas alis na. buti naman at walang entrance fee na dito.
Last stop, Enchanted Cave.. yes may entrance (150 each) plus 20 petot sa parking ng tricycle. Haha. Na amaze lang ako kasi pag akyat ng entrance eh makikita mo mga corals. sabi ng guide eto daw ang proof na ang Bolinao was once part of the sea. ang taray lang. ayoko na isipin kung paano nangyari yun.

Going down the cave, walang kahirap hirap.. may hagdanan eh. at ganun din ang daming tao, daming nagsswimming. Pwede din pala mag overnight dun kasi meron na din sila mga accommodation na inoofer.
Going back to Puerto del Sol, we really enjoyed our stay. naka 50% off promo sila, 2N/3D kami dun. Mansion Villa kami medyo epic fail lang ang CR, may something sa lababo na pag binuksan ang tubig ayun basa pati floor. tsaka masyado sila nagtitipid sa ilaw.. dilaw na parang ang dilim kasi ang baba ng wattage. Anyways, keri lang. buti okay ang aircon. at sa tapat lang ang pool. di na namin na try ang jacuzzi dahil di kami makasingit. haha. Sa kabilang banda, maganda yung Sitio Amore, mukhang bago at modern ang design. di ko alam kung magkano ang rooms dun. maganda din ang infinity pool. Pwede din kami mag swimming dun kaso tinamad na kami. Restaurant food mapa ala carte or buffet ay happy naman kami. And yung isang staff nila na sobrang friendly at accommodating (di ko nakuha name ni koya).. kilala nya na mukha namin dahil ni rereserve nya yung spot kung saan kami unang kumain.. and that was a very sweet gesture.
All in all, given a chance.. gusto ko bumalik.

Sarap lang sa Bolinao! Btw, pasalubong sa palengke .. dried fish, yung parang sword fish na mahaba. dried squid tapos danggit. then yung Binungey or Bamboo Rice cake (usually nasa terminal nabibili).. bumili ako ng isa, tried it. Okay sa akin, masarap lalo na may sugar.
Ayyy! Napahaba ang kwento.
