watch now

Author Topic: Pangasinan  (Read 205847 times)

ember_sky

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #540 on: April 15, 2016, 01:32:51 pm »
Yung island hopping po ba sa Hundred Islands chill lang? yung pwedeng hindi mabasa yung lower body? kasi worry ko may period ako tom pag nag island hopping kami  :'(

Maein

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #541 on: December 01, 2016, 12:36:29 am »
Question mga sis, may byahe naman mga bus Dec 25? Tia!

michi247

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #542 on: December 01, 2016, 10:58:14 am »
Looking for an accommodation in Lingayen, Pangasinan. May masusuggest ba kayo or may natry na kayo? tia

Maein

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #543 on: January 05, 2017, 01:38:07 am »
Kwento mode lang mga sis from a recent Bolinao Trip last Christmas  :)

Finally nakapag Bolinao na din and I love the place. . it has its natural charm. Parang napakasimple ng life duon. Challenging lang yung bus because umalis kami ng Manila Dec 25 ng madaling araw. haha broken schedule as they call it. Wala kaming naabutan na direct Bolinao so nag alaminos (via Victory Liner Cubao) nalang muna kami kasi yun lang yung available. Umalis kami ng 1am, arrived 4am. Happy na sana kami kasi parang ang bilis ng byahe namin kaso tagal naman ng antay namin sa Alaminos ng bus going to Bolinao, halos magkalapit lang ang Victory liner and Five star kaso waley talaga. Inabot  na kami ng 2 hours sa kakaantay wala talaga dumating. Buti may dumaan na Bolinao Express (non-aircon) kaloka lang, parang scary kakarag-karag, good thing nakarating naman kami ng safe. . isang oras din ang byahe. Pagbaba ng bus makikita na agad ang St. James the Great Parish (it's a 400 year old church na).

Immediately we headed sa Puerto del Sol, dumating kami mga past 8am (trike 150). Gustuhin man namin na iwan nalang ang bagahe at mag tour na eh sobrang antok kami at tinatamad pa gumala. Since sobrang aga namin at 2pm pa ang check-in, nagulat din kami kasi jampack din ang resort. Dami din nag spend ng Christmas doon. allowed naman na kami mag ikot-ikot sa loob so ayun tumambay nalang muna sa beachfront at nag breakfast sa restaurant nila.

So 1st day literal nasa resort lang kami, infairness ang ganda ng weather dun. mainit kahit na signal no. 1 na ang Pangasinan according sa news because of bagyong Nina.

Day 2 lakwatsa mode na, yung trike driver na naghatid pala sa amin nung day 1 sa resort yun na din kinontrata namin para sa tour. 1k for one day tour and 9 spots na pwede namin puntahan kaso naka 7 lang kami.. di na namin pinuntahan ang wonderful cave at St. James Parish (kasi nakita na din namin to nung pagdating mismo ng Bolinao). So ang first  stop is yung Falls - Bolinao Falls 1 (mga 30 minutes away from resort, kalurkey ang daan ang sakit sa pwet! meron sementado na part at meron ding hindi).. 2kms away from falls 1 is the Bolinao Falls 2.  ;) Nagandahan ako sa mga falls nila although i've been to several falls na in the phils. di ganon kalakihan pero parang sarap mag swimming. pwede mag swimming kaso di na kami nagdala ng pang ligo at viewing lang kami. andami din tao that time, nga lang ginawang picnic area.. well maintained naman kaya may entrance fee bawat falls. haha!

After that diretso na kami ng Balingasay river (one of the cleanest river in the Phils), dun na din kami nag lunch sa Sungayan Grill.. ganon din dami tao, okay naman ang food masarap din at mura kaso parang walang sistema. Bahala ka maghanap ng uupuan mo at magtawag ng waiter o pumunta sa counter para kunin ang menu.  ;D

After Lunch gora na kami sa Rock View resort, viewing lang kami so may entrance fee din. ganda din dito.. Ganda ng mga rocks, ay hindi pala rocks mga corals daw yun said to be a thousand years old. Kaso medyo gloomy na kala nga namin uulan na. After that diretso na kami sa Cape Bolinao Lighthouse, ayun walang entrance fee at biglang uminit na. Haha. Ang hirap mag picture kasi andami din tao, dami photobomber sa likod.  :D

After lighthouse, punta kami ng Patar beach.. excited ako dito kasi eto yung nakikita ko na naifeature sa isang travel show. Toinks. Public beach pala itey at ang daming tao. tinamad tuloy kami maglakad lakad sa beachfront, picture lang saglit tas alis na. buti naman at walang entrance fee na dito.

Last stop, Enchanted Cave.. yes may entrance (150 each) plus 20 petot sa parking ng tricycle. Haha. Na amaze lang ako kasi pag akyat ng entrance eh makikita mo mga corals. sabi ng guide eto daw ang proof na ang Bolinao was once part of the sea. ang taray lang. ayoko na isipin kung paano nangyari yun.  ;D Going down the cave, walang kahirap hirap.. may hagdanan eh. at ganun din ang daming tao, daming nagsswimming. Pwede din pala mag overnight dun kasi meron na din sila mga accommodation na inoofer.

Going back to Puerto del Sol, we really enjoyed our stay. naka 50% off promo sila, 2N/3D kami dun. Mansion Villa kami medyo epic fail lang ang CR, may something sa lababo na pag binuksan ang tubig ayun basa pati floor. tsaka masyado sila nagtitipid sa ilaw.. dilaw na parang ang dilim kasi ang baba ng wattage. Anyways, keri lang. buti okay ang aircon. at sa tapat lang ang pool. di na namin na try ang jacuzzi dahil di kami makasingit. haha. Sa kabilang banda, maganda yung Sitio Amore, mukhang bago at modern ang design. di ko alam kung magkano ang rooms dun. maganda din ang infinity pool. Pwede din kami mag swimming dun kaso tinamad na kami. Restaurant food mapa ala carte or buffet ay happy naman kami. And yung isang staff nila na sobrang friendly at accommodating (di ko nakuha name ni koya).. kilala nya na mukha namin dahil ni rereserve nya yung spot kung saan kami unang kumain.. and that was a very sweet gesture.

All in all, given a chance.. gusto ko bumalik.  :) Sarap lang sa Bolinao! Btw, pasalubong sa palengke .. dried fish, yung parang sword fish na mahaba. dried squid tapos danggit. then yung Binungey or Bamboo Rice cake (usually nasa terminal nabibili).. bumili ako ng isa, tried it. Okay sa akin, masarap lalo na may sugar.


Ayyy! Napahaba ang kwento.  ;D


rocky

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #544 on: February 24, 2017, 01:52:37 pm »
mga sis, may nakapunta na ba sa inyo sa sunflower maze? from cubao ilang hours byahe? TIA :)

aravn22

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #545 on: March 06, 2017, 02:34:17 pm »
Hi, do you think it's okay to bring kids sa Bolinao this summer? specifically sa falls?
for caves, i've seen families bring kids/toddlers. but for falls parang okay or safe lang kaya to bring kids? thanks in advance!

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #546 on: March 20, 2017, 02:54:25 pm »
my family and i will be staying in punta riviera mga sis, reachable naman yung ibang destinations if ever? thanks!

ginger01

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #547 on: April 22, 2017, 09:59:55 pm »
Sunflower maze is ❤. 4hrs byahe from cubao.

jp_jameop

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #548 on: May 12, 2017, 08:08:51 pm »
I've been to manaoag, sunflower maze and hundred islands...

Manaoag - holy friday.. madaming tao sa church.. pero nice ang dinaanan namin kasi nagsctex-tplex kami from pampanga. Umuwi muna kasi kami pampanga before going to pangasinan.. parang sa sobrang daming tao, for me nawala na [textspeak!] solemn nya. 😢

Sunflower Maze - kinda dissappointed and not worth the 4 hour drive. Sorry siguro pagpunta namin wala na bulaklak. Nag expect lang kasi ako na malawak sya at makakita ako ng flower garden talaga. Tho madami namang instagramable portion parin. 😊 pero 2/5 lang rate ko. Di namaintain.. pero puede pa nila maimprove talaga...

Last saturday, may 6 nag 100 island hopping kami. Veryyy nice. Super worth it na 3am kami umalis ng manila at nakarating ng 8:30 am na (kasi walang tulog ang driver at medyo lasing pa. 😠 another kwento naman yun. Heheh )

Diretso kami sa lucap wharp. Nagregister and pay for our boat. Large ang nirerent namin pero wala available so medium nalang since 9 lang naman daw kami..  sinabi ko kay kuya bangkero na idiretso kami sa island na pinakamagandang pagswimingan and stay since mga kasama namin 3 kids, 1 senior and 3 barako na tamad mag akyat baba sa bangka hahahah..

Dumiretso kami sa lopez island and sa boat kami kumain ng brunch namin. Di na kami nagrent ng cottage... nagbabad kami dito. Ganda ng sand and super linaw ng water. 12 noon umalis kami ng lopez island and sight seeing nalang. Nagsnorkling kami. 😊 madaming fish pag may dala kau tinapay. Lalaki ng clams. Heheh pero dont compare to puerto prinsesa syempre. Heheh

Tas mga after an hour, soght seeing ulit sa mga island. Naligo lang ulit kids sa romulo island. Mas maganda sa lopez island. Walang bato dun..

Sa governors  island di malinis. Di kami bumaba. Tas sa quezon island daming tao. Dun puede magbanana boat, jetski, etc. Tamad na mga boys namin kaya di na namin nagawa. 2pm asa wharf na kami ulit. Bad thing here is di madami ang shower room buti nalang around the whatf may mag nagpapaligo i mean rent ng mga shower room. Dun na kami naligo.
Overall 5/5 ang rating ko at babalik ako ulit dito.. 😀

OfficeGirl

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #549 on: May 23, 2017, 04:56:54 am »
^Sis, HM banana boat sa Quezon Island? Will go there this June. :)

**My Sweet November**

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #550 on: May 23, 2017, 07:27:01 am »
Balak din namin magpunta sa Manaog para ipa bless iyong car na binili ni hubby. Can you give us a sample itinerary if apart from Manaog eh gusto naming puntahan iyong Sunflower Maze Farm, Bolinao & Hundred Island? After ng Pangasinan doable bang magpunta din sa Ilocos Sur/Norte?

Salamat sa sasagot at magbibigay ng tips/ITI.

marcee7

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #551 on: November 06, 2017, 08:37:24 pm »
meron po ba kayong alam na marerentahan ng van from manila to bolinao?

marcee7

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #552 on: November 13, 2017, 05:50:52 pm »
sis, okay lang ba mag island hopping ang 5 year old sa hundred island?

eeatrice

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #553 on: January 24, 2018, 10:26:51 pm »
i have 2 kids 3yrs old and 1yr old, they love playing in the sand, alin ang mas mag-eenjoy sila na beach front treasures of bolinao or punta riviera?

Valkerie

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #554 on: February 06, 2018, 07:43:21 pm »
Hi mga sis!!! Open na po ba ang Sunflower Maze? I want to bring my daughter there kasi for the weekend - balikan lang. I'm trying to find out din sa google but walang makasagot eh hahaha... thanks so much sa sasagot mga sis!  :)

stormy_princess

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #555 on: March 05, 2018, 01:27:10 pm »
May nakita akong post sa fb sis..around March open na sya ulit. Plan to go there ng holy week. Naghahanap lang kami pwede pagstayhan hehe

bluish_mommy

  • Guest
Re: Pangasinan
« Reply #556 on: April 12, 2018, 11:37:18 am »
hello mga sis, any recommended resort na medyo mid to upscale na may pool at beachfront in Bolinao?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close