watch now

Author Topic: TICKS! Please Help  (Read 286357 times)

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #440 on: April 07, 2013, 11:11:48 pm »
^giga pet soap from sesou and caniherb from pet express, marami pang herbal soaps like papi and lori, check mo sa vet nyo or pet express. Kung gusto mo na mawala agad then use frontline na, mabilis ang results niya. Kawawa talaga lalo pag nagsusugat na kakamot/kagat. Kami kasi bihira magka fleas/ticks kaya try ko muna natural remedies kung magwork, pag hindi talaga gamit nako ng spot on.

coldsiren

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #441 on: April 07, 2013, 11:52:46 pm »
^ thank you. Try ko muna yung herbal soaps ng 1-2 weeks pag di mawala saka na ako bibili ng frontline.
Tinanong ko din yung maid namin kung nakita nya yun tick, hindi daw. Wala daw yun kahapon or last week.
Ako na nga nagpapaligo sa alaga ko, para sure na maayos yung pag shampoo at pag dry sa kanya.
Pero kanina ko lang na kita yung mga yun kahit na this week daily ko sya pinaliguan kasi mainit init this week.

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #442 on: April 08, 2013, 03:42:37 am »
^you're welcome. meron ding tick and flea shampoo ang seargent's, effective siya based on our experience. Check mo sya mabuti kung meron pa, baka makuha pa yan manually.

Maganda talaga na tayo mismo nagpapaligo&groom sa kanila para nachecheck din kung may problema, bonding moment na din natin yan at para masanay sila sa process. Yung mga alaga ko gusto ko ako lang hahawak sa kanila, feeling ko kasi pag iba nagpaligo/groom mali yung gagawin lol! pag nagpapagroom kami dun pa nagkakaproblema---nahahawa ng parasites, inuubo, nagkakaron ng ear infection :P

Yung shih tzu ko medyo nabawasan na, pinaliguan ko sya kanina at hirap nako maghanap ng fleas, the past few days kasi isang hagod ko lang ang daming baby fleas/ticks, ngayon pahirapan na maghanap. nalessen na rin scratching nya, sana effective talaga yung proticall. Kakaawa kasi nagkakaron na sya ng hotspots sa pagkagat sa katawan nya

twelve5

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #443 on: April 09, 2013, 10:13:06 am »
just wanted to share:

http://www.whole-dog-journal.com/issues/5_3/features/5436-1.html?zkMobileView=false


we dont do raw feeding and garlic though... but yung OC na pag linis talaga ng surroundings really help. ganun kasi dati ginawa ko. tumaas sobra water bills ko pero at least kampante ako. hehe

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #444 on: April 10, 2013, 01:38:36 am »
^thanks sa link sis.

it seems like na healthier yung bulldog ko kesa sa shih tzu, yun bulldog kahit indoor and constantly walks around the garden, 5 times ko lang ata nakitaan ng fleas. Pero yung shih tzu, kahit anong ingat ko, pero once madikit sa infected dog ang bilis kumalat. Lately nagharvest ako sa katawan nya for 2 days, pero parang di nauubos, kaya napilitan nako magspot-on kawawa kasi nagsusuffer na yung skin due to allergy and hotspots. I'm thinking tuloy if we should go back to raw or homecooked para mas lumakas immunity nya

twelve5

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #445 on: April 10, 2013, 08:46:24 am »
^ looking back now, mukhang malaki nga ata nagagawa ng diet sa pag control/prevent ng kuto. dati kasi nung eng-eng pa ako hehe, pedigree food ng dogs namin. mejo lapitin nga sila ng kuto nun... then nung nag convert kami to homecooked (+ canidae) mas madalang sila magkakuto and mas konti rin. pa isa-isa lang nakukuha namin, mostly due to pasyal pa kasi nga yung mga hitch-hikers.  ;D

try mo siguro adjust yung diet nya sis. kawawa kasi pag kamot ng kamot. baka magsugat din.

minnie99

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #446 on: April 10, 2013, 04:24:28 pm »
Sis abu, yung shih tzu (mix, haha) din namin kamot ng kamot! Kahit bagong ligo, kahit bagong lagay ng spot on, kahit 4 days na after ng spot on, mahilig siya magkamot. Wala naman ako nakikita rashes or anything na suspicious sa skin nya. Could it be na parang itch lang talaga siya, as in normal lang and nothing to worry about? lately kasi di ko naobserve kung gaano kafrequent, siguro naconscious lang ako na pag nakita ko siya nagkamot, "palagi" na yung naiisip ko. Haha

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #447 on: April 10, 2013, 05:28:49 pm »
^naku si Abu ganyan na ganyan din, hari ng kamot, naiinis na nga kami kasi onting lakad magstop tapos magkakamot. Pag chineck ko balat okay naman. Sinabi ko yun sa vet, sabi nila baka habit na lang daw kung wala namang skin problem, or baka sadyang sensitive ang skin, arte! Eh nasanay ako dun sa bulldog na parang statue lang kaya naiirita ako kay Abu, para tuloy akong teacher na nagsasabi sa kanya ng "sit properly" hahaha!

Pero ngayon nagsusugat na tapos nagiging hotspot, may nana ewww! simula nung kinuto. Kating kati sya, kamot/kagat until magdugo :( ginagawa nya pag tulog ako, paggising ko gulo-gulo buhok nya tapos may sugat. Buti na lang madali gumaling, ilang days lang tuyo na at di naman nagscar.

twelve, natuwa nga ako nung nabasa kong ayaw daw ng parasites sa healthy dogs, nagfeeling ako na healthy si Diego kaya di siya nilalapitan haha! Yung food ni Abu, Acana lamb and apple + chicken/pork meat, may vitamins pa yan pero mukhang di sya singlakas ni diego. siguro dahil na rin sa small breed sya kaya di sya ganun katibay lol! Nung sinubukan ko sya lagyan ng cone of shame, ayaw nya gumalaw, nakasit lang sya sa isang tabi kahit anong tawag ko. Tapos iniwan ko nanood ako tv, pag balik ko andun pa rin nakayuko lang ;D

twelve5

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #448 on: April 10, 2013, 06:11:00 pm »
^ waaaah! kawawa naman.... pero nakakatawa!  ;D  ... hehe ang sama ko.

di naman ata sakitin si abu. baka nga dahil small breed, mas frail-looking lang, lalo na if compared pa kay diego na macho. hula ko lang. hehe

sana matapos na yung kati-kati nya. nakaka panic din kasi makakita ng sugat.


minnie99, baka parang tao lang din sila, minsan nagkakamot for no apparent reason. kasi ganyan din minsan mga aso namin, kamot to the max! pero pag inspection, wala naman makitang kuto, sugat or whatever.  ::)

minsan nga isip kong bumili ng monkey kasi sila yung mahilig magkuto/groom.  :P


abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #449 on: April 10, 2013, 10:32:47 pm »
^ako rin natawa nung nakita kong hindi sya gumalaw, kala ko nakatulog na e!
hindi ko ata dapat sila icompare lol! nakakastress kasi pag may problema sila, di naman nagsasalita kaya di ka mapakali, kinakausap ko nga sila sinasabi ko "ano bang problema?" hehe

medyo nawala na ang fleas pero mahilig pa rin magkamot, mukhang effective naman yung proticall. Wala naman ako nakikitang fleas sa bahay namin, sana mamatay na talaga sila haha!

hahaha! cute din alagaan ang monkey pero natatakot ako sa kanila, feeling ko bigla na lang ako sasampalin sabay smile! haha!

twelve5

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #450 on: April 11, 2013, 08:46:43 am »
^ hay, kung pwede lang sana sila magsalita para mabawasan ang pagka praning natin.  :)

sana ok na baby mo para stop na rin proticall nya... at di na kelangan ng monkey.  ;D

baka frequent washing nalang ng mga gamit nya kelangan para mamatay na rin mga nagtatagong itlog at larvae. ganyan ako dati - gloria labandera.  ;D

minnie99

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #451 on: April 11, 2013, 09:19:55 am »
^lol monkey! pwede yun ah. Hahahahaha! Or ibon na lang, train mo, lol!

Hmm baka nga wala lang! Ang arte arte lang siguro nya. Medyo kakaiba talaga tong bago naming puppy kaysa dun sa mga golden. Ang dami nyang arte! Hahahaha. Indoor dog naman sya though pinapalaro ko siya sa mga golden...

Pero ganun din siya, stop ng stop para magkamot. Kakainis tuloy itrain haha laging may distraction!

zoeymaicaboo

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #452 on: April 11, 2013, 10:27:35 am »
I think a good diet is key to lessening the number of ticks :)
Since I switched my dogs to home-cooked food  i noticed that they don't get sick as often as before and they have less ticks.  Before kasi they often get ehrlichia, which is a tick-borne disease. Now, they haven't really been sick since I stopped using commercial dog food.  they look healthier and their coats are shinier.
usually i just cook chicken or pork with squash and rice, and i add few other veggies minsan. don't add salt or  anything else, just a bit of oil.  i also give them fruits like bananas, watermelon, or apples  for snacks.  Except for the bananas, I don't  exclusively buy the fruits for them I just give them some if i have leftovers (FYI: avocados, grapes, and raisins are toxic to dogs) . and they also get the occasional pandesal too :)

For the occasional ticks, I avoid walking them at the park pag alam ko na tick season.  I trim their fur down during these times.  I also use Frontline spray but very sparingly lang. For the few inevitable ticks na naka manage talaga kumapit, let your dogs make lambing and puppydog eyes to your helpers while they are watching their favorite telenovella, the yayas will get rid of those pesky garapata in no time, hehe :)


abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #453 on: April 11, 2013, 03:35:52 pm »
^healthy diet = less parasites and sickness ;) My shih tzu is an indoor dog kaya wala talaga syang ticks, nagkakaron lang pag nilabas or may nagpastud. I'm the only caretaker of my dogs, my family don't even touch them that's why the pressure of keeping them healthy is too high. But that's fine with me bec. we have a very close bond, I can inspect their bodies for as long as I want without any restraints ;D
____
chineck ko ulit kung may ticks pa si Abu, may nakita akong isa pero hindi na sya ganun kaplump, feeling ko natutuyot sya due to proticall. Nagconclude tuloy ako na mas matapang nga ata formulation ng frontline kasi pag ito gamit namin, tuyot agad mga garapats tapos ang bilis nila gumalaw, napapraning sila sa medication hehe.

Buti hindi sila kumalat sa bahay gaya ng dati, b4 kasi pati ako kinagat, kumalat sila sa kama ko :P


minnie99

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #454 on: April 11, 2013, 03:45:40 pm »
^Lol dati nakagat din ako sis, panic pa ko kasi may tick-borne diseases na nabasa ako na nattransmit sa humans!

Wish ko rin makapag-home-cook ako for my dogs, pero di nga ako marunong magluto lol. Though I assume mas simple ang magluto for dogs. :) Tsaka parang mas di nakakadisappoint reaction nila dahil kakainin lang nila, hahaha! :P

Si Herc din indoor pero nilalabas ko to play with my goldens para naman di siya masyadong bully. Naka Frontline din sila kaya wala ako takot na baka mahawa si Herc sa kanila, though alam ko merong mga bwisit na garapata dyan pakalat-kalat!  :'(

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #455 on: April 11, 2013, 04:28:09 pm »
^Pinapak ako dati ng mga garapatang yan pero sabi ko okay lang kasi may magaalaga naman sakin if ever may mangyare, pero pag mga aso ko ako lahat mamomroblema so ako na lang kagatin nila kesa maloka ako pag nagkasakit sila haha!

Di mo need maging cooking master chef sis, tambog mo lang lahat sa pot then wait to boil, okay na yun di sila magrereklamo pag sinerve ;D

Maswerte ka nagkakasundo mga alaga nyo, yung 2 ko di pwedeng magtabi, laging may gera. Bigla ko naman narealize, never ko pala nalagyan yung bulldog ng frontline, he is turning 5 this sunday at wala pa ata sa limang garapata ang nakita ko sa kanya ;D

rinapie

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #456 on: April 11, 2013, 04:51:39 pm »
nag try ako na lutuan yung alaga ko pero ayaw niya talaga. kahit may konting seasoning na yun, ayaw pa din kaya....stick sa dog food.

anyway, two months na yata since nagamitan ko ng frontline spot on yung alaga ko and okay naman, wala na akong nakitang ticks or fleas kaya ayos naman. sa pagkakamot, parang minsan habit na yata yun pero check din ninyo. yung alaga ko kasi may time na kamot nang kamot, walang sugat or kuto pero yung balat niya parang moist and medyo malansa? yeast yata yun...madali lang for me mapansin kasi maigsi ang coat nang bullmastiif. kaya baka kelangan ninyo check yun.

twelve5

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #457 on: April 12, 2013, 06:46:30 am »
pwede rin pala pollen sa mga plants ang cause ng itching. even laundry detergent.

http://fleaexpert.com/tag/dog-scratching-no-fleas/

zoeymaicaboo

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #458 on: April 12, 2013, 09:19:45 am »
indoors  lang din dogs ko kasi we don't have a lawn. fortunately may park right across the street so they can play on the grass  :)

for their food, sis abuanddiego is right (by the way sis, i notice you also use your pets' names sa username ;D ), you don't need to be a cooking master.  I just chop everything, add a bit of water and oil, nothing else, and steam it for around 15 minutes.  Don't add salt or any seasoning because its bad for the dogs.  if you want to add more flavor, try spices like cinnamon or ginger.

thankful talaga ako that i switched to home-cooking. i haven't gone to the vet except for their yearly shots. Hindi na masyado nabubutas wallet ko, hehe. And i can see that my dogs really do enjoy their food not like before with kibbles na parang hesitant sila kumain.

sis rinapie, i'm guessing you only have one dog?  kasi ganyan din ako dati when i only had one dog.  super picky siya with food but when the other three came along her appetite completely changed.  so i guess you need to adopt another one? hehe joke lang :)  try mo muna pick a few ingredients and see what he/she wants.  a choice of meat, 1 or 2 veggies, and a tiny bit of rice.  try adding a bit of chicken liver, my dogs love it. -  not too much though. trial and error lang.

for tick prevention, i use frontline spray now kasi i find the tube type a bit too expensive. a P400
+ tube is only single use, lasts around a month, and i have 4 dogs so kahit i divide ko one vial for two dogs ( as suggested by my vet) 2 vials pa rin per month.  the spray bottle is less than P700 and can last for months.  it's milder,  allows for multiple applications within a month if needed pag na wash off siya from bathing your dogs :) good for spot application too. just place a cotton bud directly  on the nozzle and pump once to moisten the tip and spot apply mo sa ticks. around an hour or two, the little buggers will fall off and die. very gratifying pag na aannoyed ka na sa mga garapata, hehe

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #459 on: April 13, 2013, 02:27:12 am »
rinapie, ganun daw talaga minsan pag nasanay sa isang food, pag hinainan ng bago feeling nila di pagkain yung sinerve mo ;D It might take time bago masanay, at babalik talaga kayo sa initial steps.

try mo brush sya regularly and see kung magiimprove ang skin and coat.

twelve, atopy/inhalant allergy ata yung tawag dyan. actually kahit ano daw foreign matter pwedeng magcause ng allergy lalo kung sensitive sila. yung mga alaga ko pansin ko pag namumulaklak yung mangga namin nangangati at nahahaching sila ;D Very helpful ang fish oil sa mga allergy symptoms.

zoey, lol! I have a habit of using their names as my username ;D I agree that any seasoning is not needed since dogs have lesser tastebuds than us, so di nila alam ano yung matabang sa hindi hihi. Pero kung di daw palainom ang dog, you can add some salt on his food to stimulate drinking.   

About being competitive when it comes to food, naexperience ko yan with my shih tzu. He stays indoor so wala syang kaagaw, one time ayaw nya kumain, ginawa ng niece ko lumapit sa bowl nya and pretend that she's going to eat his food, aba nagmadali kumain! Tapos everytime uulitin nya yun nagmamadali si Abu kumain ;D

Do you have big dogs sis? I have a computation in using frontline, dito ko rin ata napost. Nung nakafrontline kami, I can use the biggest dose for 4 months (dog weighs around 5kg). Yung alaga ko kasi habit nya kagatin sarili nya lalo pag kating kati, so delikado yung spray samin. Pag pipette okay lang kasi di nya abot shoulder blades nya hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close