Author Topic: Close ba kayo sa Dad nyo?  (Read 112004 times)

kikayako

  • I'm a certified BITCH! (Babe In Total Control of Herself) o",)
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 573
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #480 on: November 12, 2018, 07:01:13 pm »
^ Mas nakaka stress pa diba pag nakikita mo. Nangyari sakin yan 1H 2018, ayoko rin umuuwi sa bahay na naaabutan ko sya and nakikita. Nag oOT ako lagi sa office and I make sure late ako makaka uwi like 11PM onwards para tulog na tatay ko, dun sya nakatambay sa living room bago matulog eh. Tapos aalis ako sa bahay ng around 5AM para tulog pa sila. Lol. I just made my world smaller. Ako lang rin ang na-hassle.

Buti pa ang papa mo sis kahit pano faithful. Ewan ko sa tatay ko, I didn't bother knowing. Sobrang lulong sya sa bisyo nya sa sugal lalo na sa casino ultimo halos lahat ng land titles namin naipagsasanla nya. Awa ng Diyos, kaming magkakapatid managed to pay off. Tapos sya ngayon retired na pero nganga. Didn't even bother na bayaran samin. Anyways, di naman ako naniningil. Pero bahala sila. Lol.

Cheer up. Don't let that hinder you from being happy and from appreciating the things you have now : )

Grabe, sis. Isang lupa pa lang eh milyon na. Paano kaya kung ilang lupa/properties yung binayaran niyo? Naiimagine ko kung gaano ka-stressful yung nangyari sa inyo pero na-survive niyo. Ang bait din ni Lord noh?

I?m virtually hugging you, sis. Parehong pareho tayo na kung may choice tayo eh hindi yung fathers natin ang pipiliin natin. Daanin na lang natin sa dasal ang lahat. Sana humaba ang tolerance natin sa kanila. And thank you for your advice. Sinusubukan kong maging masaya pag nasa bahay ako kahit naririnig ko ang papa ko na mainit ang ulo. Dun na lang ako sa kwarto ko nagkukulong. Hehe! 😁

Bridgette*

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 158
  • A LONE WOLF
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #481 on: November 20, 2018, 09:45:55 am »
^^ Sya ba yung pag nakikita mo sa bahay naiinis ka? Yaan mo lang, spoil yourself with space that you need and deserve. Bahala sila sa buhay nila.

^ Yun na lang talaga, mabait ang Lord. Oo sis sinabi mo pa, sobrang kapos ang budget ko nun for myself kasi mae-elite lahat ng yun at lulubog kami sa interest kung di aagapan. Nakikita ko pa na sinasaktan nya yung nanay ko, gumaganti rin naman sya ayaw nilang paawat. Can you imagine the stress. Pero sa kabila ng yon, tayo naman ang nahuhubog sis di naman sila kaya ipagpasa-Diyos natin lahat. Lagi kong inaalala yung favorite verse ko na "Come unto Me, all who are weary and I, will give you rest." Ngayon, okay naman na ang lahat : )

Virtual hugs to you too. Wag paapekto. Cheers to our happiness!  :)

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5045
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #482 on: November 20, 2018, 10:23:54 am »
^Yung makita ko lang biset na ko. Pagnarinig ko siya magsalita nabubugnot ako. Hindi pa din kami nag-uusap and mas tahimik ang pakiramdam ko. Walang mangungulit sa akin sa pera. Pero palagay ko next payday alam niya na bigayan ng 13th month pay. Sure ako kakausapin niya si dad na kausapain ako at mag-add. Sorry siya. Paninindigan ko na share ko lang sa bahay bibigay ko.

Sakit makarinig galing sa nanay mo ng salitang ?kung yan lang ibibigay mo, wag ka ng magbigay.? Nakiusap kasi ako na this year 5k lang muna mula sa 13th month pay ko ibibigay ko plus 5k na share ko sa bahay per cutoff. Total 10k. Parang pinulot ko lang yung 10k na ibibigay ko. Nasanay siya na kapag 13th month pay 10-15k bigay ko sa kanya bukod pa share ko sa bahay. Magbabawas kasi ako ng bigay kasi parehas ng tumanggap ng pension this year ang parents ko and regular naman padala ng 2 kapatid ko na nasa abroad, may tindahan ng bigasan din kami. 13yrs ako nagwo-work, tumulong ako magpaaral sa mga kapatid ko pero parang lahat ng meron ako gusto niyang higupin. Gusto ko magpundar pero wala akong suporta na makuha sa kanya. Hindi na yung financial e, moral support man lang sana. Kaso magsabi pa lang ako na gusto ko magpundar ang agad na banat niya basta wag na wag ko babawasan bigay ko sa kanya. Di niya naisip may anak ako na pinaghahandaan ang kinabukasan.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

Bridgette*

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 158
  • A LONE WOLF
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #483 on: November 20, 2018, 02:17:10 pm »
Sakit makarinig galing sa nanay mo ng salitang ?kung yan lang ibibigay mo, wag ka ng magbigay.? 

Gusto ko magpundar pero wala akong suporta na makuha sa kanya. Hindi na yung financial e, moral support man lang sana. Kaso magsabi pa lang ako na gusto ko magpundar ang agad na banat niya basta wag na wag ko babawasan bigay ko sa kanya. Di niya naisip may anak ako na pinaghahandaan ang kinabukasan.

This is awful, she's terrible. Nakakasama naman pala talaga ng loob.

Tapos pag dumaing o nagreklamo ng konti yung anak sa pagsuporta sa bahay, yung anak pa yung ang sama sama. Haaaay.

young_maiden

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1579
  • Love yourself.
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #484 on: January 24, 2019, 08:09:53 am »
No. Nagkaroon ako ng issues with men dahil sa kanya. Hindi ko masikmura iyong pagiging maluho niya sa sarili niya pero pagdating sa mga anak namin, binabarat kami.

May pera siya pambotox at magpalinis ng ngipin. hindi man lang kami tanungin na mga anak niya if gusto din ba namin magpalinis ng ngipin.

sa tuwing shopping time at oras na magbayad sa cashier, bigla siya mawawala. mommy ko pa magbabayad.

puro needs lang ang willing siya ibigay at limited lang yun sa pagkain, shelter at education. ayaw niya bilhan kami ng clothes at shoes. ayaw niya bilhan kami ng gamot pag may sakit kami. kung gagastos man siya, ilang araw pa mainit ang ulo.

dahil sa kanya, isa talaga sa hahanapin ko sa isang partner iyong hindi kuripot.
The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become.

kvan

  • Introvert, Demisexual
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3249
  • Accidental Cougar
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #485 on: January 26, 2019, 07:05:14 am »
^Yung mahal ka at may malasakit ang hanapin mo. Because if you genuinely cares, hindi mo makakayang tiisin kahit gaano ka pa kakuripot.
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2045
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #486 on: January 26, 2019, 08:40:59 am »
^tama ka dyan husband ko di yan maglalabas basta ng pera lalo na sa ibang tao. Pero pagdating sa akin shower with suprise gifts ako madalas kahit walang okasyon. Si LO naman di ko masyadong pinapayagan si hubby ibigay lahat ang bilis kasing lumaki ng bata.

junepets

  • pink.purple.blue.green.yellow. red.elephant.hellokitty. havainas.lacoste
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1840
  • Happily married to the one I truly love....
    • my IG
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #487 on: February 04, 2019, 02:45:10 pm »
i was not close to my dad.
nun nag aaral ako.. you seldom see me at home..
nun nag work ako.. nakipag live in naman ako...
that's how i hated going home.

my dad was an alchoholic. lahat na perwisyo nya.
sent him for rehab 3x. pero tuwing lalabas, balik sa dati.

mom and dad got separated mga 7 years ago.

2 years ago, my dad was diagnosed with cancer.
throat cancer, coz of smoking and drinking.
kaya pa naman ma heal, and no spread.
kaso nanghina na talaga sya..

til, last year, he passed away.

i forgave him bago sya nagkasakit.
pero di na ko naging close sa kanya..

til now, i still cry... masakit, kasi, kahit pala gano kasama tatay mo.
mahal mo pa rin sya.

parang, sana nagka chance kami magkasama ng maayos.

though on his last day, sabi namin sa kanya iuuwi na namin sya samin (my mom ad sis) ako kasi lives with my husband na.

na magkakasama na kami.

naluha dad ko when we said that.

and the day after, he passed away.

siguro yun lang hinihintay nya..
yun magkakasama uli kami..
na malaman nya napatawad namin sya.

kaya, while they are still alive, patawarin pa rin natin sila.
mahalin pa rin.

his death anniv is on 8th of feb.
kaya mej emotional ako now.

just love them, ladies.
lalo na if they are too old na.
first love is important but last love is VERY VERY important.... because first love teaches what is love and last love teaches WHAT IS LIFE.

http://ytterpenuj.blogspot.com

Bridgette*

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 158
  • A LONE WOLF
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #488 on: February 04, 2019, 03:10:39 pm »
^ That's inspiring Sis.

But I wonder if my dad would be remorseful come that time na uugod ugod na sya. Lalo pa ngayon, just last week lumayas na sya sa bahay namin only for us to find out na nag loan na naman sya (last December pa) at nagsanla na naman ng mga alahas. Wag syang maka uwi uwi na napepeste at magpapa alaga, he better rot in hell.

just love them, ladies.
lalo na if they are too old na.

For me, I can't anymore. Di naman siguro masama na magpatawad ako respetuhin ko pa rin sya as tao, pero hindi na mahalin dahil choice ko na yun.

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5719
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #489 on: February 04, 2019, 03:24:09 pm »
^^naiyak ako sis. I felt the regret na hindi kayo nagkaron ng chance to get close before he passed. Ako nga, I idolise my dad and I love him so deeply pero nung nawala sya I still felt na kulang pa yung time that we spent together.

^I guess you can't really say until andun ka na sa point na yun. Sana maging maayos pa ang relationship nyo before it's too late. 🙏
...all adventurous women do.

junepets

  • pink.purple.blue.green.yellow. red.elephant.hellokitty. havainas.lacoste
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1840
  • Happily married to the one I truly love....
    • my IG
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #490 on: February 04, 2019, 05:33:54 pm »
^agree sis..
i curse my dad din dati...
i was in grade 4 nun umuwi sya from seaman-ing...
tapus nun.. ayaw na mag work..
puro inom.. kaya imagine, yun developmental years ko ganun na experience ko..
yun dapat tinuturuan niya ko..

mom ko naman housewife, so utang dito.. kausap dyan.. para lang mapag aral kami.. dad ko, walang ginawa..

pero, forgiveness mahirap talaga..
minsan we just have to pray and lift up everything to HIM.
:(
first love is important but last love is VERY VERY important.... because first love teaches what is love and last love teaches WHAT IS LIFE.

http://ytterpenuj.blogspot.com

O R E O O

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #491 on: May 24, 2019, 05:27:01 pm »
I tried to be close to my father, but it's hard. He likes my cousin a lot more than his own daughter, which is why I've never been close to my father but I love him so much. He used to compare me with my cousin and I don't like being compared to other. I always say this to my father every time we have this confrontation. He triggers my insecurity, although I am confident, BUT please don't compare me. I couldn't take it. I couldn't tolerate it. I hate it.


Pa! This is me, whether you like it or not I am your daughter. Learn to accept it. I love, trust, and value myself but you the only PERSON who doesn't value and appreciate me. You're hurting me :(

kikayako

  • I'm a certified BITCH! (Babe In Total Control of Herself) o",)
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 573
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #492 on: May 27, 2019, 10:24:35 am »
Lagi kong inaalala yung favorite verse ko na "Come unto Me, all who are weary and I, will give you rest." Ngayon, okay naman na ang lahat : )

Virtual hugs to you too. Wag paapekto. Cheers to our happiness!  :)

Awww...Thank you, sis! Ang hirap talaga magtimpi lalo na kung araw araw eh puro negativity na ang dulot niya. Wala na talagang pag asa ang tatay ko. Pati kapatid ko napansin na din yun. Ilang beses ko ng napagdasal na mawala na siya tutal wala naman siyang naitutulong sa amin morally and spiritually. Puro sarili lang niya iniisip niya. Simpleng gawaing bahay eh hindi siya tumulong. Pati magbuhat ng gamit ng mama ko eh hindi niya magawa. Nangangayayat na ang mama ko, hindi niya alagaan. I have been praying for his death. Minsan binabawi ko yung prayer ko dahil naaawa ako k mama. Siyempre asawa niya yun. Napagtiyatiyagaan niya ang ugali.

I?m just trying my best to be happy despite his presence. 🙂 I hope all is well with you now, sis. I mean, I hope things are better now. 🙂

Andi Venice

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #493 on: May 27, 2019, 01:42:53 pm »
My dad passed away 9 years ago. Ang bata ko pa nun pero may mga blurry na memories akong naremember. Naalala ko may lagi siya katext dati na magmmeet daw sila sa isang place, may time pa na may dalang stuffed toy yung papa ko, akala ko para saken, hinde pala may time pa na may kinakamusta siyang mga bata dun sa katext niya. Ngayon na matanda nako, I always question myself. Does he have another family? Alam kaya yun ng mga kapatid niya? ng mga kumpare niya? Is it bad na mag isip ng ganito na kahit wala na siya? 

FayeP

  • mom of three boys
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1461
  • life's good!
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #494 on: May 30, 2019, 02:51:16 am »
hindi, last time I saw him was in 2011
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2596
  • Live and let live. Love and let love.
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #495 on: June 02, 2019, 08:23:09 pm »
Sobra, we were very close and we have the best relationship, he went to heaven last Feb. 26, 2019. 79th bday nya last Feb. 14, he is the best father anyone can have, at least for me. I miss him everyday, I love him very much.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close