watch now

Author Topic: Close ba kayo sa Dad nyo?  (Read 147400 times)

greyzie

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #380 on: October 25, 2012, 05:19:30 pm »
dati hindi kasi OFW siya... parang kaka-adjust pa lang, aalis na ulet. pero now since he retired, parang barkada na rin. nabibiro, nauuto sa pagt-treat. i bought a house that needs finishing pa and talagang gusto ko unti-unti, he's the one who offered to lend me money para isang gawaan na lang daw. 

kikayako

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #381 on: October 25, 2012, 06:32:15 pm »
Dati yes, but ngayon iba na. nabbwisit na ako sa kanya.

i used to put him in a pedestal.. the perfect husband and father..

Pare-pareho pala tayo, sis queendi and sis xenos54. Dati close ako sa papa ko pero ngyn, hindi na. Napapansin ko dito sa thread na 'to na maraming galit sa daddy nila dahil sa issue ng infidelity. Sa case ko naman, faithful naman ang papa ko. 33 years na silang kasal ni mama. Akala nga ng karamihan napakasaya namin ng pamilya ko. Akala rin ng mga kaibigan ko na ang swerte swerte ko na parte ako ng buo at kumpetong pamilya. Para sa akin, ang swerte swerte ng papa ko sa mama ko. Napakabait at pasensyosa ng mama ko. Ako pa nga nagsasabi at nagtatanong k mama kung mahal pa ba niya ang papa ko at kung niko-consider nya na hiwalayan si papa. Nagagalit naman sa akin si mama. Si papa kasi napaka-negative, reklamador, mainitin ang ulo at may pagka-barumbado. Napapansin ko na yung pagkamainitin ng ulo nya at reklamador niya noong bata pa ako pero hindi naman nagbago tingin ko sa kanya. Sa abroad kasi siya nagtatrabaho at twice a year lang siya umuuwi. Pero nung na-mild stroke siya, dito na siya nagtrabaho hanggang sa magretire siya 2 yrs ago. Sa araw-araw na nakakasama ko siya dito sa bahay, nakikita ko yung kapangitan ng ugali niya. Reklamador (maliit na bagay pinalalaki), mainitin ang ulo (hobby niya ata ang magalit at mabadtrip), barumbado (minura nya yung driver namin sa harapan ng pinsan kong 10 years old. as in P----- I--!), hindi ko naman mailagay rito lahaaat ng mga incidents na magpapatunay na magaspang ang ugali nya, pero ang masasabi ko lang, napakaPASENSYOSA at napakaBAIT ng mama ko, kasi napagcha-tiyagaan nya ang papa ko. Pinagdadasal ko na magbago na ang papa ko kasi hindi deserve ng mama ko ang isang katulad niya. Kung maga-asawa ako, gusto ko na HINDI KATULAD ni papa ang ipagkaloob ng Diyos sa akin kungdi ang MALE VERSION ng mama ko.

Sa mga sisses na may issues sa daddy nila, pagdasal natin na magbago na for the better ang mga tatay natin. Yan kasi ang dasal ko eh.

Pasensya na dahil humaba na itong post ko :(

sixteen16

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #382 on: October 25, 2012, 10:44:37 pm »
dati close kami.. ngayon di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.. pinipilit ko maging happy and complete family kami pero ang dad ko ang gumagawa ng way para mag-away-away kami.. naiinis ako sa kanya.. i decided to delete his contact no. and unfriend ko sya sa FB.. bawat post ko sa fb, travel nmin ni bf, plans ko sa life.. lagi syang may side comment or kontra.. ayoko ng ganon.. nauuwi tuloy sa wala ang mga plano ko dahil sa mga pinagsasabi nya. sana tulungan na lang nya kami ni bf na maging maayos ang buhay kaso hinde eh.. tinutulungan pa nya kaming humirap.

nasasaktan ako kasi ako ang anak, mas pinapaburan pa yung gf ng brother ko. lumalakas tuloy loob magsalita nung gf ng bro ko abt sa akin at kay bf. kung mag-utos sa katulong kala mo sya ang nagpapasweldo. porke't may stable na trabaho lang, akala nya pagmamay-ari na nya ang bahay. nasa ibang bansa kasi parents ko. pero wala naman sya naitulong sa bahay.. lumamon, matulog, mag-utos sa katulong lang. sa dad ko ok lang ang ginagawa nya. syempre , ako ang mali.

si bf kasi minsan sa bahay natutulog.. lahat ng prob dito sa bahay ako ang may hawak dahil panganay ako.. tinutulungan ako ni bf sa lahat. naging tatay at kuya nga sya ng mga kapatid ko.. kapag ginagabi sila ng uwi, sinasabihan ko sila na itext si bf ko kasi para sunduin sila. ok naman kay bf. kapag may tulo ang bubong o kahit anong gawaing panlalaki na dapat dad ko ang gumagawa ay si bf ang gumagawa. pero imbes na magpasalamat at iappreciate lahat ng kabutihang pinakita ni bf.. sa paningin ng tatay ko lahat ng ginawa ni bf ay mali. pinilit kong intindihin at unawain.. nagsumikap kami para wala syang masabi. nagkamali ako, lalo pa syang nagduda sa amin. sa lahat ng ama, sya yung ama na puro kamalian na lang ang nakikita nya sa amin. dapat nga maging happy sya dahil inaalagaan ako mabuti ni bf. alam nyang safe ako sa lahat kapag si bf ang kasama ko. hindi lang sa akin pati sa mga kapatid ko. alam din nya na masaya ako kay bf. pero wala.. masasakit na salita pa ang sinasabi.

pinatawad ko na nga sya dati nung kinalimutan nya akong pag-aralin. mas ginastusan pa nya yung kabit nya. d ko inaasahan na mangyayari ulit sa amin ang ganitong set-up. no communication ulit. ako na ang nagdecide na maging ganito ang set-up nmen ng tatay ko dahil nasstress lang ako sa kanya.

nagpapasalamat ako sa nanay ko dahil naiintindihan nya ko. pinagsasabihan nya ako na wag ng pansinin ang tatay ko. kung ako ang tatanungin mas gusto ko na maghiwalay sila. pero mahal talaga ng nanay ko ang tatay ko. sa dami ng kasalanan ng tatay ko, pinapatawad pa rin nya ito.

yapeegurl

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #383 on: October 26, 2012, 01:41:30 am »
I used to.. Until he died in 2002. 4 months after I graduated from College. Sa kanya ko nafeel ang unconditional love. On how to love unconditionally and how to be loved unconditionally.

stylishmomy

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #384 on: November 04, 2012, 07:30:46 pm »
^same answer with you sis "no and never will be"

Im an illegitimate child and the times that I spent with him, hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama.

Purple_Power

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #385 on: November 04, 2012, 10:34:43 pm »
^I agree very degrading magkaroon ng manyakis na ama. I understand the agony ng hiwalay na parents and broken family. But at times it can be also an advantage. Kasi kung siya yung tipong violent and worst case mapang harass pa then imagine if hindi sila naghiwalay, mapapasa yung agony sa mga anak.

Think of illegitimate child na naging successful in life. Lea Salonga is actually one of those.

stylishmomy

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #386 on: November 05, 2012, 07:03:57 am »
Shadow Angel manyakis sa ibang babae sis? katakot naman no. Like you said good thing wala na cya sa house.

The very few moments that I spent with my father, he "tried" to get close or act like a concerned dad but it was just awkward.

sixteen16

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #387 on: November 05, 2012, 09:20:05 pm »
grabe sis shadow angel.. ang hirap magpatawad lalo na kapag ganyan ang case.. better lumayo ka na lang sa kanya kaysa matuloy ang balak nya syo..

stylishmomy

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #388 on: November 06, 2012, 08:01:40 am »
^^so sorry to hear that sis, yes totally understand your situation...it's not something na you really feel comfortable sharing to others. Im really glad na wala na cya sa inyo.

In my case naman, my father doesnt live far...but we really dont see each other, no effort in both parties. Nahihiya siguro cya and ako naman, I dont see any reason in seeing him, deadma nalang since he's got a family of his own.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #389 on: November 06, 2012, 07:29:55 pm »
grabe sis shadow angel.. ang hirap magpatawad lalo na kapag ganyan ang case.. better lumayo ka na lang sa kanya kaysa matuloy ang balak nya syo..

Oo nga sis at kahit kelan hindi naman sya humingi ng tawad sa akin..nagpapasalamat ako tapos na bangugot ko sa kanya..anyway thanks...

Shadow Angel

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #390 on: November 06, 2012, 07:33:20 pm »
^^so sorry to hear that sis, yes totally understand your situation...it's not something na you really feel comfortable sharing to others. Im really glad na wala na cya sa inyo.

In my case naman, my father doesnt live far...but we really dont see each other, no effort in both parties. Nahihiya siguro cya and ako naman, I dont see any reason in seeing him, deadma nalang since he's got a family of his own.


Thanks sis.. Kahit pa matagal na nagyari hindi ko pa rin nakakalimutan sabi nga ng bf ko demonyo father ko.

Purple_Power

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #391 on: November 06, 2012, 08:39:43 pm »
^Sorry to hear that sa nangyari sayo. Nakakayamot nga yan. Mabuti na lang maayos bf mo. Hindi rin kita masisise na hindi mo siya mapatawad lalo na yung pagkatao mo at dignidad mo pa ang nasakripisyo.

Inggit rin ako sa mga ama na may respeto sa anak lalo na sa babae. Kaya nga ang resulta mashado na rin akong sensitibo sa mga lalakeng bastos magsalita eh!

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #392 on: November 12, 2012, 10:08:56 pm »
i am. we all are. parang siya nga yung mom namin eh. :)

actually just last weekend, may pic na nakita si daddy of me and my sis. i was 3 back then and 1 naman yung sis ko. it's a big picture. tinitingnan niya. sabi niya kamukha pa rin daw namin yung mga babies dun, lalo na yung mga mata. then he said "you'll always be my little girls." aaaww.

daddy is my "skinned-knee kisser" forever.    ;)

pink_saphire

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #393 on: November 15, 2012, 10:39:22 am »


Y E S  as in very very much close to my DAD. he is the best for me, yun nga lang he is working abroad kaya ayun di nya ako mapagtanggol pag wala siya. :(

trfg888

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #394 on: November 21, 2012, 04:23:57 am »
YES! - That's why its very hard for me to get married.. Im on my 30's already :(

ashleycole

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #395 on: November 30, 2012, 11:38:25 am »
dati di kami close ni papa kasi sobrang strict at lahat kami takot sa kanya, pero nung na aksidente sya dis month lang ay parang natibag yong pader na nakaharang sa aming lahat..thankful kami & he survive coz we love our papa so much.

jieunae

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #396 on: December 05, 2012, 01:38:10 pm »
sobra.i miss him now especially seeing how me and my siblings have grown.lalo na when i got and my degree and passed the board exam.i wonder what will be his reactions.he must have been very proud.before he past away nursing ang course ko then tumigil ako because of money issues since he's our family's provider.when i got the chance nag aral ako ulit.architect na ko now.im sure matutuwa siya. :)

isa.v00

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #397 on: June 15, 2013, 02:25:32 pm »
Pano nga ba maging close sa dad???

j.adore

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #398 on: June 16, 2013, 01:58:57 am »
isa.v00, find a common ground :) O kaya saan ba siya magaling? Ano expertise niya? Makipagkwentuhan ka at manghingi ng advices tungkol sa buhay ganon..

jhenpretty

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #399 on: June 16, 2013, 02:47:34 am »
Yes. Close ako sa daddy ko. I love him so much. Happy Father's day po daddy and to all fathers out there.. ^_^

 

Latest Stories

Load More Stories
Close