watch now

Author Topic: Close ba kayo sa Dad nyo?  (Read 147436 times)

gorgeous_me

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #340 on: June 15, 2012, 10:41:44 am »
hindi, tamang usap lang, siguro naging factor yung pagwork nya sa ibang bansa, tapos, nung andito na siya, parang hindi din namin kasama, mas close pa kami nung nasa saudi siya non, tapos mga bata pa kami, so sweet sweet pa sa phone, ngayon kasi, hindi na gaano, kaya buti pa yung iba, na parang barkada nila yung daddy nila, pero love pa din namin siya, hindi nga lang ganon ka-showy

Maewang

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #341 on: June 20, 2012, 11:28:49 pm »
Hi, newbie here...
Dati close din ako sa dad ko tawag pa nga nia sakin prinsesa eh, lagi pa niya ako pinagmamalaki sa mga kaibigan niya. Mama ko pg nagagalit sakin lagi niya sinasabi mag ama talaga kami tas tatawanan [textspeak!] namin mama ko pag galit siya. Pero ever since nabuntis ako hindi na kami close. Para sa kanya ako na pinaka sutil na anak, walang kwenta, puro masasakit na salita nalang naririnig ko pinaka masakit pa [textspeak!] sabihin niya sakin na hindi sya proud sakin at kapatid ko [textspeak!] sya proud!  :(  Ngayon casual nalang kami kng mag usap.

baby_bench

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #342 on: June 22, 2012, 11:34:48 am »
Nope. But we talk.

bollin_pop

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #343 on: June 25, 2012, 07:58:17 pm »
Dati hindi (he used to work abroad to support our family) pero ngayon iba na!
Close na kaming maituturing :)

cristyles

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #344 on: June 25, 2012, 09:15:49 pm »
Yup yung isang factor na kaya hindi na nagiging close sa Dads natin yung nagwowork sa ibang bansa. Seaman yung Dad ko dati, tapos everytime na umuuwi siya hindi man lang kami masyadong inaapproach which is once na magkaanak ako eh gusto ko close kaming lahat. Nakakainggit minsan yung close yung mga anak sa Dad or parents nila.

chedz.03

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #345 on: June 25, 2012, 10:40:34 pm »
@sis cristyles-depende rin siguro sa personality ng mga father kasi kami ng bro ko we grew up na sa abroad na talaga work ng father namin pero tanda ko pa lagi kami may voice tape para sa kanya kahit ano lang masabi namin or minsan kinakanta namin yung mga songs na tinuro sa school during elementary days. Ganun din si father, nagpapadala voice tape na puro pangaral samin at kinakantahan din kami hehe. Sobrang close talaga kanya kapag umaalis sya bumabaha sa naia hehe...

May mga tatay kasi na showy meron namang hindi..

chrisann

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #346 on: June 28, 2012, 07:45:40 pm »
yes, i'm a certified daddy's girl. kahit minsan tinatarayan ko siya, he always makes lambing. haha!

queendi

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #347 on: July 09, 2012, 06:35:05 pm »
Dati yes, but ngayon iba na. nabbwisit na ako sa kanya. i not with them pero kapag tumatawag ako, hindi ko na sya kinakausap dahil baka hindi lang maganda ang masabi ko.

xenos54

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #348 on: July 12, 2012, 05:20:42 pm »
i used to put him in a pedestal.. the perfect husband and father..
but something happened along the way..
now i hate him to the bone.. super.. duper..  >:(

xenos54

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #349 on: July 12, 2012, 05:55:23 pm »
I hate my dad.:) I live with him and grew up with him but I hate him. I wish I had a better father. yun lang kaya ko sabihin. :) hehe

hehe i understand you sis..
« Last Edit: July 12, 2012, 06:16:34 pm by xenos54 »

hot_chili

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #350 on: July 12, 2012, 10:37:38 pm »
^ same sentiments as shedaredevil...

phoebe1811

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #351 on: July 14, 2012, 10:30:32 am »
Im a daddys girl..he knew takot ako sa kanya and sa kanya lang ako sumusunod.he was an ideal dad to me and for me a good provider. Konting lambing ko lang eh okay na.when i was a kid he would give me a pedicure pa hehe i miss that  :) but when my parents got separated still hindi nag iba un tingin ko sa dad ko mas naging close pa kami
..i miss him tuloy. Ang layo kasi ng cavite e hehe

nageinna

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #352 on: July 15, 2012, 12:48:33 am »
Im a daddy's girl. :) my dad isnt the showy type. Hindi mo siya makikitang maglalambing. Bihira lang din magkuwento. Silent type. But i love him to bits. When i was young he would give me everything i want. Minsan maiinis pa mom ko kasi he's spoiling me too much na daw. Ayaw din niya pinapagalitan ako or pinapalo ako ni mom. Mas disciplinarian kasi my mother eh. Now all grown up na ko i love him more. Ewan ko as i mature mas na aapreciate ko both my parents in everything they've given us.

megansmomma

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #353 on: July 16, 2012, 03:21:10 pm »
Ayokong basahin 'tong thread nato kase alam ko masasaktan ako..

Grewing up with a father whose heartless, shameless & womanizer. as eldest of course i long for attention, for emotional support, to at least gain his trust & make him proud at the end of the day but it doesnt happened and will never happen. Lahat kami sinasaktan nia, -- pisikal at emosyonal kaya siguro hindi na talaga kami magiging close anuman mangyari. siguro ngayon sa anak ko nalang sya bumabawi ngayon pero ako, nawala na lahat ng respeto at pagmamahal ko sa kanya.

Just a tidbits, imagine how a daughter will feel with this, I joined a pageant twice during highschool & college but never got any praise or support from him. he even told me to stop that non-sense  :'(

I always dream of that father-like attention from him pero gang pangarap na lang yun..

megansmomma

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #354 on: July 16, 2012, 03:25:03 pm »
Kami hinde.. and never magiging close.
Abusive kase sya as in nanakit, minumura ako kahit batang bata pa ko.
Naranasan ko lagi nya minumura mama ko pati ako nadadamay.
Tapos sinasabihan nya ko na dapat daw di na ko nag-aaral at magkatulong na lang ako para makatulong sa knila dahil palamunin lang naman daw ako.
Hinahampas nya ko ng kung ano ano like, chair...
Buti sana kung good provider eh ni hinde man lang kame mabigyan nyan ng pang-gastos, mama ko lahat... na minsan mas madami pa gastos samen ang lola ko at mga tita ko.

pa-qoute po ng entire message mods; tia!

sobrang nakaka-relate ako sa buong message mo!

Purple_Power

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #355 on: July 17, 2012, 10:16:15 am »
Hindi kasi he is disrespectful lalo na sa babaeng tulad ko. Kaya nga now I totally value sense of decency and earning respect from other people if my dad doesn't want to do that to me.

Kami hinde.. and never magiging close.
Abusive kase sya as in nanakit, minumura ako kahit batang bata pa ko.
Naranasan ko lagi nya minumura mama ko pati ako nadadamay.
Tapos sinasabihan nya ko na dapat daw di na ko nag-aaral at magkatulong na lang ako para makatulong sa knila dahil palamunin lang naman daw ako.
Hinahampas nya ko ng kung ano ano like, chair...
Buti sana kung good provider eh ni hinde man lang kame mabigyan nyan ng pang-gastos, mama ko lahat... na minsan mas madami pa gastos samen ang lola ko at mga tita ko.

Ayun, iniwanan ko sya sa Davao, kinuha ko mama ko at mga kapatid ko.


Palamunin?  ??? Duuhhhh naman? honestly minsan parang gusto kong sagutin na eh bakit sarap na sarap kang gumawa ng bata hindi mo naman pala kayang maging responsableng tao?

Hay nako it is our tradition talaga to honor and respect our parents kaso they are abusive na eh! we are also human na nasasaktan rin sa ginagawa nila. It is a logic and scientific reaction na magrereact ka talaga sa mga ginagawa nila sayo. Masaklap niyan tayo pa parating masama.

xxmiakaxx

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #356 on: July 23, 2012, 12:57:20 am »
I love my Dad   iam a dadys girl   actually idol ko nga sya ...  kilala sya sa lugar namin bilan respected person at sa politics (barangay)  maganda din samahan nila ng mama ko base sa nakikita ko sabi ko nga kung pipili man ako ng lalaking mamahalin dapat kagaya nya dahil i always look up to him eh ... pero  there an incident na nanyari  Nag karoon sya ng Other woman   at nag ka anak pa  after 25 years of marriage nila ni mama saka pa nya nagawang mag loko   so for me na napaka taas ng respeto ko sa kanya masyado akong nasaktan .. so literally para sakin  guguho ang mundo    alto pinili nya parin kami sa huli at nakipag hiwalay sa kabit nya  pag lipas ng panahon napatawad na din namin sya papa ko parin sya eh saka familya kami ...

MARIZALLON

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #357 on: July 23, 2012, 07:26:24 pm »
close kami ng father ko kaso di maiiwasan ang magkatampuhan minsan.

Purple_Power

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #358 on: July 23, 2012, 09:32:57 pm »
^That story is familiar like in MMK. Yung daughter niya wants to have a bf na tulad ng Dad niya. Ganyan rin maganda ang samahan tapos yung pala nagka other woman nga rin. Tapos ayun pinatawad rin. At least naman sa kaso niyo maayos ang trato niya sa inyo.

tikitakz

  • Guest
Re: Close ba kayo sa Dad nyo?
« Reply #359 on: July 28, 2012, 11:51:35 pm »
oh yes close kami ng dad ko, yun lang minsan napaka protective and pakialamero but in a good way din naman, i have learned to understand him and to live with it na lagi kailangan alam niya kung anong gagawin ko. at pinupuntahan outing man yan o kahit pagpapa-facial pa iyan or pagpapa-gupit hehe. mas ok na sa akin na may nangungulit kaysa naman yung walang pakialam. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close