i am hoping na lahat tayo na nakakadanas ng ganitong klaseng abuse ay makawala na sa bangungot na eto...helpful na may ganitong klaseng forum kase in a way para tayong asa group therapy. I myself was a victim. I had a bf whom i was with for 7 yrs... at sa loob ng 7yrs na yun pakiramdam ko nakita ko na ang impyerno.... lahat ng sakit nagawa na nya.. lahat ng kwento niyo dito kwento ko din. verbal, physical, emotional, psychological, financial, infidelity.. ironically my ex bf is a nurse...providing tender loving care to patients..pati sa relative ng patients na ngiging gf nya eventually while kami minamahal nya din. nung dumating yung time na nagreklamo ako at pumunta sa women's desk, for some reasons hindi ko itinuloy ang kaso,u see never ako lumaban sa 7taon na nakakulong ako sa relasyong yun....probably because wala nalang akong maramdaman kundi takot.. hindi ko pinaalam sa magulang ko,kahit sa mga kaibigan ko... nakain na ang pagiisip ko sa paniniwalang lahat ng sinasabi nya tama. I was like a walking dead, he would f**ck my mind na pati ang pagtulog ng mahimbing hindi ko gnagawa, dahil natatakot ako na gigicing na wala na sa sarili... hindi nya ako gnagamitan ng kamay pag nananakit,puro paa...kinukulong nya ako sa bodega ng cr namin kapag nagagalit sya sa akin,dun ako hihiga kasama ang malalaking daga at gagamba, na walang ilaw..at lalabas lang kapag pinalabas na nya..sinusundot ang mata, pinapalo ng kung anu2x sa ulo,infact my head is not round,marami syang uka..anjang dinuduraan sa muka...it was traumatic...and disturbing... when i finally got the courage na lumabas para magreklamo, nag pa medico legal ako mismo sa hospital kung saan sya nagwo work, sa tindi ng galit ko gusto ko syang pahiyaan, sa ganun bagay man lang makaganti ako.. only to realize na mas pinanigan pa sya ng mga staffs doon. he's highly manipulative,very intelligent. hindi ko alam paano nya nakuhang papaniwalain pati staff ng hospital na sya ang biktima..kunsabagay magaling sya makisama at masipag kaya maganda ang feedback sa kanya ng coworkers nya. what they dont know is maraming pilantropong pumapatay. ng ma desperado na ako at pakiramdam ko nagkamali ako sa paglantad ng sarili, inisip ko na i record ko ang conversations namin each time.but then i was told na ako pa ang makakasuhan ng wire tapping.... nakakahiya man bangitin, i feel so hopeless at wala ako mahingan ng tulong noon, nagsubok ako magpakamatay,baka kako yun nlng ang tanging solusyon..no words can describe the pain that i went thru at that time, i have no support, he's the victim in the eyes of other people while continously banging my head in the wall...sabi ko gusto ko na matapos ang sakit, but here i am.. buhay na buhay. I guess God has a purpose why im still here... its been a year now... nakawala ako eventually.. napagod, natakot, minahal ko na nga siguro ang pangalawa kong buhay...pero i chose to remain silent nlang.hidi ko na nabigyan kahit konting dangal ang sarili ko.. until now im still having nightmares, still have those sleepless nights.. mag isa pa rin ako till now trying to pick up the pieces together...gayunpaman, hindi ako nawawalan ng pag asa na someday ang lahat ng eto papalitan ni GOD ng masasayang alaala...