watch now

Author Topic: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?  (Read 123877 times)

amsalmo

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #400 on: February 02, 2009, 08:21:27 pm »
dead ma lang.My magagawa pa ba sila e ako ginusto ng anak nila!!!

eowyn

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #401 on: February 03, 2009, 11:41:19 am »
dati oo. ngayon?! nah!!

Imagine, in 5 years na mag BF kami ni hubby lagi na lang na maganda yung pakikitungo ko sa kanila. wala silang masasabi kahit kailan na binastos ko sila. Ngayon kasal na kami, kung ano ano yung sinasabi nila kay hubby na kesyo bakit daw pumapayag si hubby na ganun yung paguusap naming dalawa etc. Si hubby naman mega biglang pansin o hinahanapan ako ng mali kahit na wala namang mali sa context ng usapan namin. Pati kilos saka ginagawa ko lahat napapansin nila ngayon. Ang masama pa hinahanapan nila ako ng mali ng hindi ako kaharap. magtsitsismisan yung mga tita ni hubby kesyo ganito ganyan si ****. P*s*e! Kung tutuusin nga pasalamat sila at ako napangasawa ng pamangkin/anak nila e. Ako may sarili akong pera kaya hindi ko pinapakeelaman yung pera ni hubby. kahit san ko satusin yun pera ko pa din yun. kung sa luho man o kung san. hay...

Sis, parang nakakarelate ako dito ah....

Nung una okay naman sila sa akin. Lalo nung preggy ako, yung mga kapatid ayos naman. Kaso nung nag-away kami nung yaya ng baby ko (na yaya rin ng bunso nina SD- well, ano bang itatawag ko sa kanya eh di naman kami kasal) kasi sinigaw-sigawan niya ako at dinuro-duro ang baby ko, dun na nagsimula ang indifference with SD's family. Nandon naman yung isang utol ni SD, witness din ang ate ko sa pambabastos sa akin nung yaya (na akala mo kung sino umasta). Pero masakit lang kasi yung di man lang ako pinagtanggol ni SD, at masaklap pa, ako ang lumabas na nagsimula ng gulo. To think kasalanan rin naman ni SD kasi hindi niya pinapansin yung concerns ni Yaya Atribida kaya yung galit sa akin napunta. Syempre ayoko makialam masyado dun sa yaya dahil sila ni SD ang may paunang usapan. Kung ako ang kumuha sa kanya, siyempre makakapagdesisyon ako agad sa gusto niyang mangyari (bumalik sa probisiya dahil ayaw niya na mag-alaga ng bata).

Ngayon puro paninirang-puri yung isang kapatid ni SD sa akin, ang informer ko yung asawa ng pinsan nila na hinahamak-hamak rin nila. Di naman sa pagmamalaki, pero I graduated from a premier state university, I have a stable job, pleasing personality naman ako at marunong makisalamuha sa tao. Nakakaoffend yung sinasabi nila na "ok-ok na rin" ako kasi ang dating ang tataas ng tingin nila sa sarili nila. Samantalang di naman pogi itong si SD (di nga daw kami bagay hitsura pa lang), hindi pa intellectually stimulating at kung saang provincial college nagtapos. Di naman sa pagyayabang talaga, pero masyado nila akong hinahamak kahit alam nila sa mga sarili nila na mas achiever naman ako kesa kay SD. Sinasabi nila "nakaasa lang ako" kay SD, eh ako nga lahat nasagot sa utilities sa bahay nung magkasama pa kami at pati mga needs ni baby. Rent lang ng bahay ang toka niya. Sosyal siya masyado.

Kaya dahil sa ginagawa nila, nawalan na ako ng amor sa kanila. Sino ba namang hindi? Eh ako lagi ang pinapakiusapan ng mga kapatid ni SD na umasikaso sa mga bagay-bagay, inuutangan pa ako ng walang bayaran. Tapos ngayon daig ko pa si Max Alvarado (kontrabida) kung manira sila sa akin. Asar di ba.

alexispp

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #402 on: February 05, 2009, 05:12:58 pm »
I think it would depend on the individual!  Some kasi could leave with it, others not.  I have seen in-laws of friends and relatives, and my sister's that's why I say, depende sa tao yan!

I think we just have to handle it sincerely no matter what the case is. 

hannah23

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #403 on: February 13, 2009, 11:39:20 am »
kung nakatira ka siguro sa kanila sobrang big deal pero kung hiwalay naman kayo I don't think so.. Yan ang laging paalala sa akin ng mom ko eh.. No matter what wag na wag daw akong papayag na tumira sa iisang bubong kasama ang mga inlaws dahil kahit gaano pa daw sila kabait makikielam at makikielam sila sa buhay nyong mag-asawa.. Ako mejo swerte ako kasi [textspeak!] parents ni almost hubby (ikakasal na kasi kami early this year) pareho sila ng POV ng mom ko and mababait sila sa akin and they work abroad.. Gusto din nila magsarili kami to the point that they want to buy us house and lot para di na daw kami rent.. My only problem is dun sa lola ni almost hubby dahil 5 years na kami halos pero never nya akong tiningnan sa mata whenever I talk to her and I can feel that she doesn't like me.. I know hindi naman kasi ako perfect and maybe I'm not her ideal girl for her grandson pero nakakalungkot lang na parang sinarado nya na ata yung utak nya and I think she refuses to know me better.. Hindi 'to big deal for me pero syempre as much as possible you want everyone sa family ng hubby mo to like you di ba? Buti na lang nag-iisang anak si hubby and nagiisang anak lang din yung dad ni hubby kaya mejo konti lang ang papakisamahan as for his mom's family nasa Ilocos naman sila..

flounder

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #404 on: February 15, 2009, 12:22:25 am »
Dati I cared, until I stopped caring, dahil kahit ano pang bait mo sa kanila, may masasabi at masasabi pa din sila.

lyvtela

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #405 on: March 03, 2009, 03:20:08 pm »
they are not my in-laws yet, soon pa, after ng wedding namin next year.

before, alam ko ayaw nila sa akin, and i don't care. for me kasi, hindi naman sila yung pakikisamahan ko for the rest of my life, yung fiance ko. kaya ok lang.

pero lately, napansin ko, like na nila ko. before kasi, i'm not invited sa mga family gatherings, if invited man, sapilitan lang ni fiance, wala pumapansin sa akin. pero these days, pag text or call sila pag may family gatherings, lagi pinapaalala na dapat kasama daw ako. pag dating namin, ako agad kinakamusta nila at chika to the max na kami lagi ng soon to be in-laws ko

kaye27

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #406 on: March 04, 2009, 04:32:44 pm »
i guess yes kasi may effect parin sila sa relationship ninyo eh.. Syempre family sila ng Significant other mo kaya mas ok kung they like you para wala conflict kay hubby.. Pero if after all your efforts wala pa din eh di dedma nalang.. as long as hubby's on your side..

kikay_shopaholic

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #407 on: March 30, 2009, 08:47:50 am »
actually ito ang nagiging problema namin ni hubby ngaun e..yung inlaws ko..well, para sakin sobrang big deal [textspeak!] naapektuhan yung pagsasama namin ng asawa ko e..wala kming nagiging problema sa kahit na anong bagay..lahat naaayos namin..pag yung inlaws kona ang topic dun sobrang laki na ng away. they are doing things kasi na nakakagulo samin..like my hubbys' mom..kung ano anung sinusumbong sa asawa ko..simply because she dont like me.arrrg...kainis talaga. >:(

stormy_princess

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #408 on: April 08, 2009, 11:32:50 am »
yes for me is a very big deal tlaga yun..ang hirap kasi makisama lalo na pag ganun kahit na sabihin pa natin na we are living seperately with them..drating ang point na mag-a-argue talaga ang mag-asawa ng dahil lang sa ganun..good thing my in laws are nice to me. :)

famous02

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #409 on: April 08, 2009, 04:52:02 pm »
hindi ko pa sila inlaws pero syempre dahil 6yrs kami ng bf ko big deal talaga skin na magustuhan ako ng family nya..

actually lately ko napansin na dedma sila skin.. dahil marami din ako narining bad things about me..
sabi nila masungit ako,, lagi nakasimangot,, hindi ako tumutulong sa bahay nila,, hindi ako nghuhugas ng pinggan pagandun ako..

ako kasi lumaki ako dito sa abroad,, sabi ng mommy ko sya ang may kasalanan na lumaki ako na walang ka-alam alam bout mga gawain sa bahay..

pero masakit sakin kasi kinocompare ako sa gf ng panganay nilang anak..na smiling face daw,, mabait,, maasikaso sa anak nila,,

hallerr??? walang perpekto na tao.. tsaka grabe in 6 yrs dami ko nagawang mabuti para sa anak nila...

ano sa palagay nyo ang gagawin ko?? un pakitang tao ba?

boogieston

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #410 on: April 13, 2009, 03:56:57 pm »
as long as your husband loves you...go lang!

you can't please everybody, but don't act like you don't care! Still try to please them, but if they don't, that's their problem. Your husband married you, and he loves you. They'll have to deal with that.

nicoletta

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #411 on: April 15, 2009, 03:21:34 am »
famous02

if it means so much to you to get their approval, it won't hurt to adjust ng konti.  why not offer to cook?  ako ayaw ko rin talaga maghugas ng plates, offer to help nalang talaga if wala silang house help.  smile?  siguro konti?  sa 6 years niyong pagsasama hindi pa nila kitang personality mo yan?

tink ^-_^

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #412 on: April 18, 2009, 12:48:51 pm »
siguro kung BF/GF palang kami, it would be a big deal. medyo mag-eeffort ako ng konte...at titiisin ko sila.. para naman present sila sa kasal namin if ever! nyahaha!!

pero pag kasal na kami, wala na ako paki. basta wag lang kami magkikita, ok na yun!

cinnamon168

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #413 on: April 18, 2009, 02:06:46 pm »
yes it's important na you're in good terms sa in-laws. Considered as family mo na din kasi sila  :)

My mom was not close sa ILs niya kaya we grew up na seldom ko lang nakikita yung lola ko which I don't want to happen for my kids  :)
kaya kahit annoyed na ako minsan sa in-laws ko todo smile pa din not that your plastic, you still have to show respect pa din naman sa parents ng hubby/bf pero syempre may boundaries pa din

mgeoffrey_88

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #414 on: April 20, 2009, 04:25:29 pm »
for me big Y-E-S talaga ang approval nila. me and bf are together for 9yrs na. i want them kasi to consider me as part of their family din. same thing with my bf, gusto ko family din ang turing niya sa pamilya ko.

mikey_mouse_219

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #415 on: April 23, 2009, 11:31:53 am »
big deal coz they are the family of your husband or boyfriend. in other words, part of the family na rin ako.

its important coz whatever relationship we have, affected si husband. i dont want my husband to think that they dislike for me for this and this reason.

kaya lang there are inlaws talaga that are hard to please. as in whatever you do, its still wrong or they think you're doing them no good despite everything.

in my case naman, its me who's deadma lang sa inlaws ko. hindi ko kasi mashado feel ang sobrang old school ways nila. lalo na if they're insisting it sa upbringing ng baby ko. its still me who gives the last word sa baby ko. and sometimes feeling ko eh they don't like it na kinokontra ko ang old at maling habits nila.

pero carry lang hehe

lilithfair

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #416 on: April 24, 2009, 02:00:50 pm »
duh, i dont care if they dont like me. the feeling is mutual naman  ;D  i dont get to see them often din so ok lang.

satya

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #417 on: April 24, 2009, 03:18:59 pm »
yes it is...ang hirap ng feeling na di ka gusto ng inlaws mo...

Alishah

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #418 on: April 25, 2009, 09:48:54 pm »
yeah it is if you are living together and seeing each other most of the time. and in cases na may family gatherings na hindi mo sila maiwasan.

but who cares si hubby naman ang kasama mo with your life and not them.

LOVEmyLIFE

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #419 on: April 25, 2009, 11:01:59 pm »
A little... haha! there was a time na binansagan ako ng MIL ko n "tampalasan"! haha! i didn't really care at all coz sobrang love ako ng hubby ko and kahit gaano pa ko "katampalasan", it never bothered him... good thing when it comes to me, walang impluwensya ang in-laws ko sa anak nila... hehe! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close