watch now

Author Topic: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?  (Read 124027 times)

raspberryglace04

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #200 on: September 17, 2007, 10:51:14 pm »
^ ay grabeh talaga sis. muntik kong isoli asawa ko sa pamilya nya kasi hindi ko talaga ma-take ang trato nila sa akin. as in ako na mismo nagbabalot ng mga gamit nya at pinapalayas ko na siya. sabi ko i don't deserve any of those na ginagawang pambabastos ng pamilya nya sa akin at mas tahimik pa buhay ko nung mag-isa lang ako.

pero ano pa magagawa ko nagpakasal ako sa asawa ko kahit me inkling na ako sa ugali ng pamilya nya? eh ang mahal at ang tagal naman magpa-annul!  ;D

prettymamie

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #201 on: September 18, 2007, 12:28:12 am »
Dati, akala ko ok kami ng MIL ko pero isang araw bigla na lang marami akong naririnig and even i myself nahahalata ko na ayaw sa akin ng MIL ko..kesyo maraming nagtatanong kung bakit tita pa rin daw ang tawag ko sa kanya at hindi mommy, ang sagot ko na lang 'e sa un ang nakasanayan kong itawag sa kanya eh'(dahil ang totoo, ayaw nya pang tawagin ko siyang mommy)
at pag siya naman ang tinatanong, sasabihin nya' ayaw ko daw na tawagin ko siyang mommy'... whaatttt? ang gulo ha!

Nakikipagplastikan  pla siya sakin pero kahit ganun di ko mailabas ang sama ng loob ko dahil nga iniisip ko nakatira kami sa kanila. promise ko pa naman sa sarili ko na di ako magagaya sa mom ko na kahit kelan ay di sila nagkasundo ng MIL nya,which gets worst nung namatay dad ko. (kaya eversince, may gap na talaga ang family namin sa family ng dad ko, worst, di namin sila nakilala even ngayong malalaki na kami)Kaya naisip ko na lang with my MIL, pagpasensiyahan ko na lang siya hanggat kaya ko, almost lots of women in the world di kasundo ang mga MIl nila.

ayoko ng ipressure ang hubby ko na pilitin siya na umalis na kami sa bahay na nila. lagi nya sinasabi sakin na  Mag-iipon lang daw kami then after magsosolo na rin kami kelangan ko lang daw talaga muna magtiis sa ngayon at pagpasensiyahan mommy nya. well ano pa nga ba magagawa ko?

Pero nowadays, mejo nagkakasundo naman kami ng mommy nya. as in mejo wala na [textspeak!] feeling na ayaw-nya sa akin.well [textspeak!] narealize nya na wala naman akong ginagawa sa kanya and kahit anong gawin nyang panglilibak sa akin ay hindi ko pa rin nakakalimutan na siya ang nanay ng asawa ko and many many more.

Kaya payo ko lang sa iba, magpasensiya lang kayo hanggat kaya nyo, pabayaan nio lang sila, magsasawa din yan kakabackstab or pang-aaway sa inyo. Di pa lang nila narerealize na wala naman na silang magagawa kung tayo man ang pinili ng kanilang anak. Dapat nga thankful sila dahil kung dating pariwara man anak nila pero nung nakilala tayo aba e naging santo na anak nila.. Chika!

***sensya napahaba ata nobela ko ;D

UgLyLaDy

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #202 on: September 18, 2007, 07:19:05 am »
For me, yes... Kasi mahihirapan din [textspeak!] partner mo kung may conflict between you and his family eh...

madam eat

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #203 on: September 19, 2007, 01:07:09 pm »
Syempre big deal, kasi sa ayaw at sa gusto mo family mo na rin sila, mahirap yung feeling na lagi kang may iniiwasan or hindi pinapansin. Mabigat sa dibdib.

binlaten

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #204 on: September 19, 2007, 10:45:52 pm »
such sensisitve comments. that's very compassionate of you for your partners. let's make peace not war!

prettymamie

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #205 on: September 19, 2007, 11:35:19 pm »
big deal talaga kasi naiipit [textspeak!] hubby ko between me and his mom.
he's the one who's been much affected. So as not to make him worry, i promise him to make pasensiya all the time. After all, im not really mad naman talaga to his mom. I never showed her any disrespect.

Little by little i noticed that my MIL is being good to me now.
Thank God, He heard my prayers!.. :D :D ;)

crystalclear

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #206 on: September 22, 2007, 01:58:55 pm »
No it's not. Pero If they like me, mas maganda di ba? ;D

rose_nib

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #207 on: September 23, 2007, 04:55:57 am »
on my part naman hes dad doesnt like me...but based on hes stories with hes past relationships.hes dad never liked any of hes Girl friends..so the problem is hes dad not me..coz i didnt do anything to him...

mobilizer

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #208 on: September 24, 2007, 03:13:59 pm »
natural na [textspeak!] na ganyan ang treatment ng MIL sa daughter in law, there will never be a perfect MIL & DIL relationship in this world.  Karamihan, plastikan lang talga and being civil out of respect na dapat ibigay ng DIL sa MIL .  Swerte yung iba na nakatagpo ng tunay na nagmamahal na MIL. Aminin din natin sa sarili natin na meron din [textspeak!] tayong pagkukulang bilang daughter in law kaya naasar MIL natin sa atin.  Pero syempre gagawin lang natin ano ang kaya natin gawin, it needs super effort just to please them, at nakakapagod yun.  With my experience, kahit kailan d ko sya na please, yung mga gift nga na binigay ko sa kanya ni regalo nya sa iba e, kaya now, bahala sya pag bday nya or xmas, wala akong gift sa kanya. :'( 

pxoutletstore

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #209 on: September 25, 2007, 05:55:50 pm »
in a way yes. Who wouldn't want a harmonious relationship with in-laws, right? Syempre mas ok kung magkasundo kami.

smoothie

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #210 on: September 25, 2007, 11:30:27 pm »
Dati oo. magkasundo pa nga kami (ata) before ng nanay niya ng bigla na lang nagkaroon ng distance sa amin. biglang hindi na lang niya ako pinansin. why?!!!! kasi hindi ko sinabi sa kanya ng officially na pupunta  ako sa US kahit na nakwento ko na dati and hindi pa sure dahil tatay ako ang magbabayad tpos tinuloy nga ng tatay ko. at na confirm lang 1 week bago ang flight namin at patay pa nun ng lola ko.
after that, ay naku, na realize ko na hindi big deal.
pero ang pinaka away ko ay yung nilalayo yung loob ng anak ko sa akin.

ngayon lang, narinig ko siya sinasabihan yung anak ko "mama will not get you, amah(chinese term for lola) is here". sobrang bad trip ako. gusto ko maglayas ngayon, totoo. hinihintay ko lang si hubby makauwi para pag usapan namin ito. dahil sa totoo. hindi ko na ata kayang tumira dito.

isa pa, liit na stuff ang bilis niyang mainis. no wonder, lahat ng tao dito sa bahay galit sa kanya. bwis *t siya eh. iinis talaga ako.

comp_nurse

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #211 on: September 26, 2007, 10:34:49 pm »
it is better to have harmonious relationship talaga with your in-laws, kasi di mo sila pwedeng iwasan kasi mgcrocross talaga landas niyo, sa ayaw niyo't sa gusto. kaso pag ayaw talaga sayo, mahirap talagang ipilit na magustuhan ka. buti na lang ok ako sa in laws ko ngayon. they treat me as their daughter kasi wala silang anak na babae. kaso [textspeak!] sa mga past relationship ko di ko din kasundo mga parents ng ex ko. luckily naging ok dun sa lalaking pinakasalan ko kasi mas mahirap talaga kung sila di ko kasundo. lalo pa't sa kanila kami nakatira.

snowhite_12

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #212 on: September 27, 2007, 12:25:21 pm »
it matters to me alot.
its a big deal for me. i dont want to live a life where in my inlaws doesn't like me.

i_v_y

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #213 on: September 28, 2007, 12:08:36 am »
Nope. Actually im in that boat right now but I dont really care. As long as hindi nia ako binabastos ng harapan, ako rin ganon, i will still be humane and give her due respect. I know that she doesnt like me because she tells my maid about it.

I dont have control over her mind so why bother about it. Not liking me doesnt mean im a bad person. As long as my hubby and i are okay, im okay.

dedski

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #214 on: September 28, 2007, 01:09:08 am »
di big deal kung ayaw nila sakin basta wag lang sila pakilamero sa buhay namin mag-asawa at pamilya namin saka walang bastusan. thank God nalang at kasundo ko mga byenan ko, mas masarap matulog na wala ka iniisip na kaaway.

hungryheart

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #215 on: October 04, 2007, 04:08:40 pm »
ofcourse who wouldnt want to be liked by your inlaws pero kung talagang ayaw sa iyo what could you do. so long as ur husband stands by ur side then i believe that wouldnt be a problem diba? di naman sila pakikisamahan mo diba? so long as ur happy and ur husband makes u feel loved and treasured then to hell with them. so long as di ka nila inaaway and civil kayo when you are together di ok lang.

baboots

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #216 on: October 16, 2007, 05:12:45 pm »
It is NOT a big deal IF it won't affect your relationship with your husband. Of course, it will bother me a bit but as long as my husband is on my side, then it won't bother me anymore. I'm lucky cause no matter the trials I've had with my in-laws, my husband stood by me all the time and in fact, he is the one who tells me that I don't have to please his family, just him. :)

cheskacruz

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #217 on: October 17, 2007, 03:06:36 am »
Yes it is a big deal for me!

#1 because I live in their house and my MIL makes my life miserable.
#2 I don't feel happy anymore. Nadedepress ako feeling ko wala akong kakampi
#3 Important MIL ko sa hubby ko and it somehow ruins our relationship coz hindi niya ako kaya ipagtanggol
#4 ayoko mapansin ng anak ko when he grows up that there is something wrong with his family
#5 pagod na'ko. I feel like a trash.

No choice naman ako kc I have to stick with them, kaya nakikisama na lang ako. Deadma na lang kung ano sabihin about me. Basta I have to save for our future para makaalis na dito sa bahay na ito.

johan

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #218 on: October 17, 2007, 09:37:01 am »
sis baboots, we're the same po.  :) me, it's okay if my in-laws doesn't like me. but i think it's always better if we would get along. so far, we're all getting along naman po, even my sis in-laws. pero si hubby, sinasabi rin sakin na i don't have to please them or makisama sa kanila, kasi minsan daw, [textspeak!] masyadong closeness pa daw dun nag-start yung mga gulo..

honey_iya

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #219 on: October 17, 2007, 10:51:24 am »
for me it's a big deal--kasi family ng husband ko close sila eh.

lahat naman sila kasundo ko. marunong naman ako makisama basta mabait din sa akin. dati tumira na kami sa in-laws ko ok naman, kaya lang syempre di maiwasan na mangingialam sila kaya bumukod kami para iwas gulo nalang. sabi naman ni hubby wag ko nalang daw papansin mother niya pag nangingialam na. anyway carry ko naman ;D

sa totoo lang, mas gusto ko pa family ng hubby ko keysa sa family ko :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close