Author Topic: Gabay  (Read 1428 times)

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 931
Re: Gabay
« Reply #20 on: January 25, 2020, 11:06:05 pm »
Naku sis, gamitin mo na maayos yung gift mo. May napanood ako sa Rated K ata yun, ginamit nya sa masamang paraan. To the point na naging mangkukulam na sya.


Hindi talaga ako naniniwala sa mga ganito, pero mula nung pinanganak ko ang baby ko nagkakaroon din ako ng mga kakaibang experience. Tapos feeling ko ang gabay talaga ng baby ko yung kapatid kong namatay kasi napanaginipan ko sya noong naglilihi ako. Siya nagsabi kung ano ang gender at ano ang ipapangalan ko.

Sis yung tumatawag or nakakarinig ka ng voice, naisip mo ba na baka napaparanoid ka lang? Kasi sa akin iniisip kong baka lang nagkamali ako.


sweet_maldita

  • iM nOt a SUPERWOMAN...
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 256
  • white devil
Re: Gabay
« Reply #21 on: January 26, 2020, 06:51:43 am »
Naku sis, gamitin mo na maayos yung gift mo. May napanood ako sa Rated K ata yun, ginamit nya sa masamang paraan. To the point na naging mangkukulam na sya. 

Honestly, muntik na or should I say umabot ako sa ganon. Pero hindi naman super sama ng ginawa ko like pumatay na nang tao. Kung makikita mo yung thread about sa bulong sa patay, nagawa ko na din yun sa tito ng ex husband ko.

Mostly naman kandila gamit ko, tinigil ko na rin kasi may FT na nagsabi sakin na oo marunong nga ako, pero hindi ko minsan alam kung kelan ko dapat gawin yun at hindi ako expert. Ginagawa ko lang yung at my own risk. May balik karma din daw kasi (totoo naman). Saka baka daw kasi kakagamit ko ng kandila (minsan black candle) e may matawag akong demons, wala pa naman daw akong panangga.

Hindi talaga ako naniniwala sa mga ganito, pero mula nung pinanganak ko ang baby ko nagkakaroon din ako ng mga kakaibang experience. Tapos feeling ko ang gabay talaga ng baby ko yung kapatid kong namatay kasi napanaginipan ko sya noong naglilihi ako. Siya nagsabi kung ano ang gender at ano ang ipapangalan ko.

Sis yung tumatawag or nakakarinig ka ng voice, naisip mo ba na baka napaparanoid ka lang? Kasi sa akin iniisip kong baka lang nagkamali ako.
 

Hindi sis, kasi yung una sa bahay namin tinawag ako 3x sa name ko. Saka pati mama ko nakakaexperience din nun sa bahay. E meron dun sa bahay na yun.  Nakakapanakit pa nga e. Then yung 2nd time yung iyak na narinig ko sa Camiguin. First time ko lang makaparinig yun.  Parang yung mapapanood mo sa TV, pero basta iba sya pag ikaw nakarinig. Parang ang lamig ng boses na nasa ilalim ng lupa. After nun nilagnat ako.
« Last Edit: January 26, 2020, 10:15:56 pm by sweet_maldita »
whenever you compare yourself with others, you will only be vain or bitter because according to Desiderata, "there will always be a greater and a lesser person than yourself." so never compare yourself with others..compare yourself only with yourself

 


Latest Stories

Load More Stories
Close