watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (thread 63)  (Read 113201 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #100 on: August 22, 2019, 10:47:03 am »
I saw a photo of Kim Jones sa FB, is she pregnant?
Yan ba yung naka-white button-down polo siya? Sabi di daw siya preggy, hinangin lang daw yung damit niya.

Basta ako may mga lgbt friends. Friends kami pero di ibig sabihin susuportahan ko lahat ng kagustuhan nila sa buhay. And di ko din naman aasahan na susuportahan nila ako sa lahat ng kagustuhan ko. Saka ang mga gay friends ko agree sila na hindi sila dapat sa cr ng babae.

lyrahs

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #101 on: August 22, 2019, 11:31:03 am »
iwan na muna natin ang LGBT issue mga sis. Balik showbiz na tayo ;D

May namatay na child star, Sophie Corullo, dengue ata. Nadiscover or nanalo ata sa sa It's Showtime.

Gwen Zamora nanganak na.

Wala na masyadong ibang ganap.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #102 on: August 22, 2019, 11:42:28 am »
^Oo nga ang bata pa niya, 6yrs old lang. Hindi ko siya kilala or matandaan na napanood pero nanghihinayang sa buhay since ang aga niya nawala sa mundo. Lagi naman may paalala ang DOH sa sintomas ng dengue pero bakit ang dami pa din di nakakaalam. Ang pabalik-balik na sinat nakakaalarma.

lyrahs

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #103 on: August 22, 2019, 12:10:49 pm »
^pati daw yung dalawang kapatid nya naka-confine pa din due to dengue din. Nanghihingi nga daw ng bllod donations

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #104 on: August 22, 2019, 12:20:51 pm »

Wala na masyadong ibang ganap.

Meron sis, yung mga kumakalat na performance videos nung girl group sa Showtime. Nabbwisit nako sa feed ko lage ko nakikita :D In fairness to them, hinde ko malalaman about their group without those vids hahaha

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #105 on: August 22, 2019, 12:23:35 pm »
Anong vids sis? Hehe

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #106 on: August 22, 2019, 12:26:31 pm »
^Yung mga hinde sila sabay sabay sumayaw hahaha

lyrahs

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #107 on: August 22, 2019, 01:12:22 pm »
^hahaha, nakita ko din to sa newsfeed ko kagabi ata. Di ko pa lang napanood. Masilip nga!

Acetylcholine

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #108 on: August 22, 2019, 02:10:29 pm »
Yung Girltrends eversince hindi sabay sabay magsayaw siguro hindi sila naguusap pag rehearsal. Walang teamwork lahat gusto bida kaya ayan

https://www.facebook.com/123827071576662/posts/422894215003278/

lyrahs

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #109 on: August 22, 2019, 03:24:36 pm »
mas natatawa ako sa mga comments sa kanila eh ;D

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #110 on: August 22, 2019, 03:34:07 pm »
^Actually dun nga ko sa comments natatawa. Meron pang isang comment, kelangan daw ng Combantrin nung ibang girls ahhahaha

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #111 on: August 22, 2019, 05:31:24 pm »
Matagal na yang kino-call out ng pabiro ni Vice sa Showtime eh, pati Hashtags, pero more on yung girls nga kasi nga que horror naman talaga ang pagsabay-sabay at pagexecute ng steps. Halata mong di nagrerehearse ng maayos. Mga pasaway din.

Yung little girl na namatay is popular na in the kiddie modeling circuit, and recently yun nga nakasama sa Mini Me sa Showtime, tapos very recently sa MMK. Super sad lang na just when she's finally getting consecutive TV appearances, kumbaga on her way na sa dream nya si bagets eh - biglang wala na. :( Tapos yung mga kapatid nya and pati ata si mommy nya now nilalagnat na daw. :( Some are alluding na baka sa shooting daw ng MMK nakagat kasi sa probinsya yung shoot, pero feeling ko mas likely na sa community nila unless yung kapatid e dala din sa shoot. Scary talaga ang dengue ngayon. Minsan kahit anong ingat mo talagang...haaay :(


J.warner

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #112 on: August 22, 2019, 05:57:03 pm »
Parang may sakit si Gretchen sa last post nya. Possibly dengue?

https://www.instagram.com/p/B1VbSzpHWjc/?hl=en

Mahilig pa naman sya sa garden garden nya

thebratinella

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #113 on: August 22, 2019, 09:40:09 pm »
^^I saw the post of Sophia's aunt. May iniinda ng sakit yung bata on Tuesday. She had on-off fever, headache and tummy ache. They rushed her to the hospital on Saturday lang kaya it was too late. Hindi na kinaya ng organs and she was dehydrated.

FayeP

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #114 on: August 22, 2019, 11:07:47 pm »
bakit ba ganun, yun palang simpleng lagnat or sinat na tumagal na ng 24 hrs dapat nang ipaconsult sa doctor, bakit pinaabot pa ng sabado, kasi iniisip nila kaya ng paracetamol?

ang dengue napakadaling i-manage basta naagapan...nagkadengue din ang 2nd baby ko nung 1year old siya, nagkalagnat ng on and off ng 24hrs then syempre kinabukasan dinala ko na sa ospital, ayun may dengue, confine na agad...para at least nasa ospital na di ba...

On topic, un Girltrends na yun, group nina Dawn Chang di ba?
« Last Edit: August 23, 2019, 01:41:14 am by FayeP »

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #115 on: August 23, 2019, 01:12:09 am »
Nung nakita ko pic nya sa Fashion Pulis, akala ko si Snookie Serna. At least si Snookie may edad na kase, sya decades ang layo pero ganong level na sya.

I'm also health conscious and I'm all for staying fit pero as you age, dapat may laman ng konti, otherwise mas nagmumukang matanda.

na-curious ako ano hitsura ni Maxene ngayon. Haha! Gustong gusto ko kasi face nya dati, pag check ko sa IG nya ngayon, nagulat ako. Parang tumanda ang face.

Payat na sya dati pero sobrang payat naman now.

Ok na sana katawan nya dati. Ngayon kasi parang walang glow. Maybe hindi lang ako fan ng sobrang payat.

FayeP

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #116 on: August 23, 2019, 01:42:42 am »
^sis super pale kasi ng face nya, humpak at ang dark ng circles sa mata, dry na dry din ang look nya...baka naman may sakit?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #117 on: August 23, 2019, 06:50:30 am »
Super strict diet din kase yata sya sis. Lage sya pino-post ng Diet Diva as one of their loyal customers.

iamsimplyprettyJM

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #118 on: August 23, 2019, 07:49:16 am »
Grabe yung ex mayor ng Calauan Laguna na si Sanchez convicted rapist and murderer may chance makalaya. Tapos yung statement ni Sen Bato nakakainit ng ulo. haayy

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (thread 63)
« Reply #119 on: August 23, 2019, 07:56:34 am »
Grabe yung ex mayor ng Calauan Laguna na si Sanchez convicted rapist and murderer may chance makalaya. Tapos yung statement ni Sen Bato nakakainit ng ulo. haayy

Nakaka high blood talaga, sis. Magkano kaya nabayad kay Bato para ipagtanggol niya ito? Paano naging "good behavior" yung nakuhanan ng more than a million pesos worth of shabu and other drugs sa selda niya? Akala ko ba galit siya sa drugs, so bakit pag kay rapist/killer ok lang, deserve daw ng 2nd chance. Dapat di kasama ang may kaso ng heinous crimes sa law na ito. Mas maraming deserving yung katulad ng nagnakaw lang ng sardinas at pagkain para sa mga anak. Nabasa ko na more than a can of sardines daw ang dami ng semen na nakita sa sex organ ni Eileen. Yung drugs tinago pa niya sa loob ng statue ni mama Mary at di nga niya nabayaran ng danyos na 4.5 million pesos ang victims niya. Wala ding hint ng pagsisisi or remorse.

Ang susunod naman daw na palalayain ay yung mga drug lords na nag testigo against De Lima. Naturingang galit sa drugs ang admin na ito pero ok lang sa kanilang palayain mga drug lords. There is simply NO JUSTICE IN THE PHILIPPIES, JUST TIIS !!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close