watch now

Author Topic: Travel Pet Peeves  (Read 9577 times)

7galleons

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #20 on: August 29, 2019, 09:03:09 pm »
^SAME!!! Lol. Hindi pala ako nag-iisa.  ;D

Whenever may travel, ako ang laging nagbobook ng accommodations. Pinaka nababadtrip ako is kapag may grabe makareklamo pero gusto eh budget na accommodation. Yung tipong ang gusto e mala-hotel na facilities pero ang budget pang hostels/backpacker. Sarap sabunutan.  ::) ;D

Also, yung grabe makipag-haggle sa locals sa presyo ng tours, pasalubong, etc. I mean, c'mon! Majority sa kanila yun na ang pinagkakakitaan. Parang tulong na din natin sa kanila yun.

Di ba! I experienced this recently lang with friends. Some of them first time din kasi mag-out of the country. I mean what do you expect sa accommodation na P350 per head/night di ba?? Including breakfast and pool pa yan. Nakakaloka paano pa sila sa SG/Japan di ba? Hahahaha.

FayeP

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #21 on: August 30, 2019, 12:41:24 am »
Isa pa pala, meron kami nakasamang teammate sa out of town namin na bigla na lang nawawala...one time, nasa resto kami at nag iintay na makaupo kasi that time dami customers dun sa resto..hala bigla siya nawala...di man lang magsabi kun san nagpunta, pano kung talagang di siya nakabalik, pano namin siya hanapin, pano namin explain sa family nya na nawala siyang bigla...naghanap daw ng simcard ang bakla, walang pakundangan...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #22 on: August 30, 2019, 06:02:00 am »
3. Passengers sa plane na hindi marunong gumamit ng earphones or headset.
I experienced this last night sa UV. Kaimbyerna talaga lalo na boses chipmunks pa yung pinanonood niya.

Grabe naman yung 350 na budget sa accommodation choosy pa hahaha. Try kaya nila magtayo ng sariling guesthouse at dapat yung standards na hinahanap nila ang sundin for only 350 din payag sila?! Gusto ko na talagang maniwala na kung sino pa ang purita mirasol sila pa ang marereklamo.

On topic:
-Yung mga bata na sinisipa yung likuran part ng upuan ko lalo na sa plane tapos di man lang sinasaway ng nanay.

-Yung mga late sa group travel kainis sila. Nasisira itinerary.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #23 on: August 30, 2019, 07:43:02 am »
I rarely travel now with friends, mostly with hubby and my daughter lang. Pero one of my pet peeves when out with friends is that every place, every corner, every angle, gusto lage mag photo. I like taking photos too but when I'm on vacay, I prefer to relax and enjoy the moment. Nabbwisit ako yung ititigil ang lahat para lang mag picture.

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #24 on: August 31, 2019, 06:50:52 am »
ako naman yun papaluwal dahil ubos na pera nila kakashopping taos makakalimutan na pagbabayad kainis talaga dami nila nga pera sa Pinas pereo hindi magdala ng malaking pera

mei-mei

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #25 on: September 01, 2019, 10:42:28 am »
^ That is why I have not  travelled with friends for a long time now. I cannot scrimp on accommodations. Kaya nga ako nag vacation to relax and enjoy, which includes the place I temporarily live in while I am on vacation.

Anyway, my pet peeves are:
1. Mga tao na akala sila ang reason mo for taking pictures. I love taking pictures of places, of what I could add to my collection of good shots. I hate it when your friends or family see you getting your camera out then they will pose in front of what you intended to take shot of. Tapos ang daming shots na gusto kasi gusto nilang kung anong poses or angles. Then pag time mo na kumuha ng photography shots mo, feeling nila 1-2 clicks ok ka na, minamadali ka na.

2. Fellow tourists who are inconsiderate or selfish with pictures. Usually careful ako magpakuha ng pics and would just rely on selfie stick. Pero pag may nagpakuha ng pictures, I will ask na din for them to take my pics. Problem is, after mo silang kunan, parang wala silang interest na kunan ka. I also experienced a mainland Chinese couple who unabashedly asked me to take more than 15 shots of them, with coats on, off, with sunglasses, without.  Tapos grabe pa makautos with action na siguraduhin kunan yung background and full body nila. Ok. Parang hindi din kami turista na precious ang time. So naisip ko magpakuha na din kasi dami ko kinuha for them. Aba, 2 lang ang ginawang clicks tapos majority ng pic yung grass and sahig  ang kinunan, hindi yung background!

3. When you fly economy, inconsiderate people who take up your space of your seat or stretching their elbows and knees too wide. Kaya nakakatakot mag-economy sa long flights.

FayeP

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #26 on: September 01, 2019, 01:03:07 pm »
-yung mga nagspray ng pabango mismo sa upuan nila, worst is pag matapang ang amoy...eh kulob ang hangin sa eroplano my Gadh

drag0nfly

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #27 on: December 17, 2019, 03:38:37 pm »
Ngayon ko lang nakita thread na eto and it made me LOL.  "Na-trauma" ako sa isang OOTC trip with friends so NEVER AGAIN. 

Yung punong abala namin gumawa ng iti and sked.  Pina-review naman samen, pero mostly input nya yun.  Pati sleeping and waking up time nakalagay sa iti namin.  Sumama ang loob nya nung hindi nasusunod during the trip.  Tapos puro pa-pictures with matching emote/acting sa bawat spot.  I was secretly cringing pero anong magagawa ko, quiet na lang and wait for them to finish with their kaartehans. 

That was the only time I travelled with hindi family members and I will never repeat it.  Kahit sinong friends pa yan.  Family lang lagi.  And the best travel buddy is still my husband.


muning00

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #28 on: December 17, 2019, 05:46:06 pm »
for me, number 1 ko eh un #doitforthegram lang ang gusto. Un hindi nahihiya kahit humaba na un pila basta sila makapag todo pose lang. Recently sa Bali, group of indians, ang tagal na nga nag antay sa pila para sa picture hindi pa sila nkapag decide kung anung pose ang gagawin nila  nun turn na nila dun pa sila ng brainstorming at dun pa talaga sila namili ng pic at naka hundred retake ata sila. nakakaubos ng pasensya kase not less than ten sila sa group inabot sila ng more than 30minutes. nun turn namen kame na un nahiya para sa mga susunod so wala pa atang 2 minutes tapos na kame. kaya gusto ko din mga kasama un hindi adik sa picture.

-walang dalang toiletries
-tipid sa pagkain at late gumising kahit napag usapan na kung anung oras ang wake up call
-un tumayo na at nanguna na sa pagkuha ng luggage kahit naka lights on pa.

OT: un choosy sa pasalubong. Lol one time may relative ako mahilig kumain so nag uwi ako ng snacks kase kala ko magugustuhan nia aba choosy pa gusto daw nia tshirt. aun never na siya naka ulit saken. ahahaha
« Last Edit: December 17, 2019, 06:09:07 pm by muning00 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #29 on: December 17, 2019, 10:34:12 pm »
OT: un choosy sa pasalubong. Lol one time may relative ako mahilig kumain so nag uwi ako ng snacks kase kala ko magugustuhan nia aba choosy pa gusto daw nia tshirt. aun never na siya naka ulit saken. ahahaha

Haha akala mo nag-abot ng pampocket money kung makademand ng gustong pasalubong 😅

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #30 on: December 19, 2019, 10:31:54 am »
^Kaya ako, I don't buy pasalubong at all. Ang mahal kaya ng souvenir items noh. I usually just buy for hubby, myself, my daughter, and my mom. Hinde din nage entertain ng mga pasabuys because ayoko yung napi pressure ako to add extra trips just to buy whatever.

Madness

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #31 on: December 19, 2019, 02:30:10 pm »
Ugh! Just recently an officemate messaged me tapos nagpabili ng something sa 711  sa out of town trip ko. Pagabot ko sa kanya, binabayaran ako ng won. Aanhin ko naman ang won. Dahil won ang binayad ko, won din ang balik? Nagiisip ba siya? Humindi ako. Eto hindi na ako binayaran. Jusko! Tapos nakakasalubong ko, di man lang naisip iabot ang bayad. Di naman sya kamahalan pero teh, ano feeling mo ba pasalubong ko yun? Close tayo?

muning00

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #32 on: December 19, 2019, 05:17:10 pm »
hahaha kaya un relative na un tuwing naalis ako at naghihingi na pasalubong sinasabe ko talaga "wala, choosy ka eh." at nalalaman nalang nila pag nakabalik nako para iwas pabili na akala mo naman nagbigay ng budget.

mei-mei

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #33 on: December 20, 2019, 11:12:16 pm »
^ Kahit naman yung nagbabayad or nagpapabaon money to buy for them, nakakainis pa din kasi usually, we have a fixed luggage allowance or planned to bring only a certain size of luggage. Tapos pag nagpbili pa yung iba, parang they?re inconsiderate din of you lugging their stuff around and including it in your luggage allowance or space. Lalo na pag babasagin pinapabili, nakakainis! May mga malalaki pa na babasagin like giant mugs or collectible lamps... ikaw pa ingat na ingat tuloy sa luggage mo dahil sa pinabili nila. Or yung magpapabili din ng ilang pieces ng bags or electronics sa mga outlet stores or shops... as in plural sa dami na parang 1/4 ng luggage mo para sa kanila na lang. Then pag nagbayad, sakto lang naman bibigay sayo na cost ng pinabili nila, not as if they paid extra for luggage allowance.
« Last Edit: December 20, 2019, 11:14:02 pm by mei-mei »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #34 on: December 21, 2019, 06:45:07 am »
Speaking of pasa-buy, share ko lang Friend 1 is travelling out of the country with 15kls baggage allowance. Friend 2 has a sister who resides in that country that F1 will be visiting.  F2 asked F1 kung pwede makipasabay ng padala for her sis, konti lang naman daw so F1 agreed. Nung makita ni F1 ang papadala ni F2 may mga dinagdag pa palang items na wala sa pinag-usapan nila, hindi na lang kumibo si F1 at tinanggap na lang. Di pa natapos diyan. May listahan pa na binigay si F2 na pinabibili niya abroad plus pasa-buy items din galing sa ibang friends ni F2 (so parang nag-invite pa ata itong si F2 ng ibang friends niya na may gustong ipabili). So sabi ni F1 kung pwede bang sis na lang ni F2 ang bumili ng mga items na yun tapos iabot nalang sa kanya bago ang balik niya sa Pinas. Sabi ni F2 di daw pwede na sis niya ang mamili kasi busy daw, si F1 nalang daw mamili, isingit while namamasyal. Ang masaklap wala pa daw pera na binigay si F2, babayaran na lang daw pagnakuha niya ang items. Sa estimate ng BF ni F1 (na nagwowork sa Korea) aabot around 10k (in pesos) ang mga items na pinabibili ni F2. Ay napa-wow ako talaga, yung mga nakikisuyo nalang ang demanding ngayon. Kung sa akin yan di ako papayag kung pumayag man ako papatungan ko talaga ang mga presyo.

RoadrunnerXCX

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #35 on: December 22, 2019, 10:06:59 am »
This..  "When you fly economy, inconsiderate people who take up your space of your seat or stretching their elbows and knees too wide. Kaya nakakatakot mag-economy sa long flights."
Kasumpa sumpa na 11-hr flight Taiwan to Vancouver ganito sitwasyon ko. Talagang never again. Yung katabi ko pa namili ng aisle seat only to sleep during the whole flight e wiwing wiwi na ako talaga kaya ginising ko sya pakealam ko.
« Last Edit: December 22, 2019, 10:09:28 am by RoadrunnerXCX »

muning00

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #36 on: August 16, 2020, 02:23:43 pm »
un feb going back to manila from baguio. etong si kuya hiniga na niya agad un upuan niya eh kami un uupo sa likod niya, sabi ko excuse po paayos nalang po muna ng chair niyo, im  very sure narinig niya kase lumingon siya pero si kuya derma. so siniksik ko ang sarili ko para makaupo which was sa window. eh hindi talaga ko nakatiis kase as in ang sikip, kinalabit ko si kuya sabe ko kuya paayos naman po ng upuan. aba nagalit sabe niya, islant mo din kasi yang upuan mo. triggered ako, i said "AY KUYA, MAY TAO DIN SA LIKOD KO, KUNG GUSTO MONG MALUWAG EH DI SANA NG FIRST CLASS. HINDI KAME MAGAADJUST PARA SAYO." ayun inayos niya na. umarte ng ayon sa binayaran na serbisyo. kairita

mysterioza_me

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #37 on: August 16, 2020, 05:15:59 pm »
^Ako sis nahihiya ako i-slant ang upuan sa bus or sa plane. Pag di ko na kaya kasi masakit sa likod yung upuan kapag super straight, nagsasabi ako sa nasa likod kung pwede Ko i-slant ng kunti. Ayaw ko din kasi ng ini-slant ng nasa harap ko yung sandalan, kadalasan kasi halos ihiga na nila. Di iniisip yung tao sa likod. Galit pa kapag nasagi mo yung uluhan kapag lalabas ka para mag-restroom hahaha.

muning00

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #38 on: August 16, 2020, 05:27:30 pm »
^ same sis, sobrang bihira ko mag slant ng upuan at i make sure talaga ngsasabi ako sa tao sa likod ko, kase hello parehas lang tayo ng binayaran na serbisyo. ayokong mang abala ng kapwa. tama din un sabe mo na kung sino pa ang maralita sila pa ang demanding.  ::)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Travel Pet Peeves
« Reply #39 on: August 16, 2020, 06:27:21 pm »
^Oo sis. Bakit napaka-feeling entitled ng iba?! Madalas di ko na lang pinapatulan lalo na kapag bakasyon ang purpose ng travel ko, nakaka-bad vibes kasi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close