I hope I can make it as short as possible but please read on.
So 12 years na ko dito sa company, 34 years old na ako,31k sweldo, call center agent, never been promoted kahit TL or coach kasi nung una may offer pero di naman sa tinaggihan e hindi lang ako ganun ?kahayok? kasi feeling ko noon di pa ako ready, takot ako ihandle mga officmates ko na sa pagkakakilala ko e mga pasaway mga may ?sungay? na, pero now karamihan nagsialisan na.
Itong si company may pinagdadaanan daw need cost cutting, mag tatanggal daw last in first out or kung sino gusto mag resign, yung mga matatagal na like 4 years and up, may makukuha daw na severance pay. Nagsabi ako na magreresign na lang ako, my reason was ayaw ng asawa ko dito ako mag work kasi malayo, ortigas to south and vice versa. Pero nung ng meeting kami, na convince ako mag stay kasi forever am na daw ako, issue din kasi sakin na 24/7 kami so minsan morning, minsan mid, minsan night. So ayun na nga hindi ako naka resign.
Ngayon etong asawa ko sa tuwing mag aaway, magtatalo ganyan, lagi bukang bibig ayaw niya dito ako mag work.
Ako naman iniisip ko oo nga bukod sa malayo wala na ako growth pero ipagpapalit ko ba talaga to? Morning shift, calls ko less than 10 per day, pwede kumain sa station, pwede matulog(discreet), pwede mag tagalog, pwede mag cellphone,may small business din ako dito, tinda tinda and pautang pero small time lang din, and kumbaga close n close ko na lahat kasi since mag start to andito na ako. Natatakot ako mapunta sa toxic na account, toxic product, toxic people sa office, toxic sched ganun.
Yung offer about severance pay wala na lumipas na pero napapaisip pa din talaga ako dapat na ba ako mag resign? Feeling ko sobrang masalimuot ang mundo ng totoong call centers with all their metrics, team player ka dapat no absent/late para yung team niyo angat sa stats, dito kasi wlang ganun e, macuculture shock ako ng bongga, hindi kasi kami totally bpo, small inhouse company kami, yung website na sinusupport namin yun lang talaga account namin.
Advice naman oh thanks