Hindi ko alam pano ko sisimulan yung kwento ko. Ang alam ko lang kelangan ko ilabas ang nararamdaman ko.
I was a mistress for 8 years now. We are both married and hanggang ngayon kasama pa rin namin mga asawa namin. A lot of you will easily judge me at naiintindihan ko yun.
Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako masamang tao. For 8 years, I tried so many times to end the relationship. Hindi ko rin maintintindihan ang sarli ko kung bakit sobra ko siyang mahal na mahal.
Wala akong financial support na nakukuha sa kanya, no lavish gifts. Ako pa nga ang lagi nagbibigay eh. Nabuntis niya yung asawa niya sa pangalawa nilang baby.Akala ko yun na ang perfect timing to end the relationship 2 years ago, pero hindi bumalik pa rin ako.
Alam ko yung gagawin ko, pero hindi ko magawa gawa sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.
Masaya na ako na nakakausap siya, na nakakasama siya. Masaya na ako kung anuman meron kami. No more, no less.
As for my husband, alam ko ang laki laki na ng kasalanan ko sa kanya pati sa anak namin.
Ang dami ko reklamo sa kanya, pero alam ko mas malaki ang atraso ko sa kanya sa patuloy kong ginagawa.
Pero iba na ang nangyayari ngayon. Most you will call it?s ?karma? or say I deserve this. Last week nangyari na ang kinatatakutan ko. Yung dumating ang araw na kelangan ko na siya ilet go. At eto yung pinakamasakit, kasi I need to let him go hindi dahil para sa pamilya niya kung hindi dahil sa ibang babae na kaibigan ko pa. Yes, she?s my close friend. We belong to the same group, kasi officemates kami including the guy. Of course my friend has no idea of us. Kaya hindi ko rin magawa mainis sa kanya.
Last year, I broke up with this guy kasi nagseselos ako dahil lagi niya kasama yung friend ko.
Pero nagkabalikan din kami. Hanggang sa may nagsabi sa akin na nachichismis na pala yung dalawa. My friend is married too. I asked her at inamin nya na nadedevelop na sila.
But the guy denied it, wala daw yun. Wala sila at ako lang yung mahal na mahal niya. And sa sobrang pagmamahal ko, nagpatuloy pa rin kami.
But 2 days ago, nung nagmessage ako sa viber niya. Hindi masend.
Then nakita ko online yung friend ko. While siya di na makita yung status niya.
Nung text ako sa kanya na may viber ako. Dun niya sinabi na ioepn niya viber niya at wala siya nareceive. So nagsend ako ng another message at pumasok. And I found out na habang kachat niya yung friend ko, he blocked me para di ko makita na online siya at the same time hindi ako magmessage sa kanya.
Sobrang sakit, para akong sinaksak.
I confronted him pero he denied. Binalik niya sa akin ang sisi. Sinabi pa niya na nawawalan na siya ng amor sa akin sa kakaduda ko. Kelangan ko maniwala sa sinasabi niya.
He asked me pa nung wala na ako tiwala sa kanya, tigilan na namin eto. At first, ayaw ko. Yes! Sobrang t**** ko. Pero pumayag na rin with 1 request, iblock niya ako sa lahat ng account niya kasi I?m sure babawi ulet ako.
Last night, sobra akong down. Nagmessage ako sa kanya, sabi ko sobra akong nasasaktan kasi I have no choice but to let him go. Kahit sobrang mahal na mahal ko siya, mas matatahimik at magiging masaya siya if I will let him go. Ang sakit sakit pero wala na akong ibang choice kasi di na siya masaya.
Nagreply siya, sabi niya sana maayos na kami.
Alam ko dapat wala ng usapan. Alam ko mas madali na nga umalis. Alam ko dapat ko gawin. Pero sa totoo lang, nandun yung pinagiisipan ko na makipagayos.
Naaawa na ako sa arili ko. Naaawa na ako sa pamilya niya at pamilya ko. Gustong gusto ko na tapusin na. Pero sobrang nabubulagan talaga ako.
Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya.
Last night, habang tinitingnan ko ang mag-aama ko.
Naiiyak na lang ako at nasabi ko sa sarili ko ?I lost the battle, it?s time to go home now to where I really belong,?
I am so selfish I know. Hindi ko alam kung may pagasa pa ako. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko na umalis na sa affair.
Sobrang nahihirapan ako. At sana this time, magawa ko na talaga ang tama.
Sana this time, I can let him go.