watch now

Author Topic: When you have no choice but to let go...  (Read 12791 times)

jasme1211

  • Guest
When you have no choice but to let go...
« on: March 07, 2019, 01:31:02 pm »
Hindi ko alam pano ko sisimulan yung kwento ko.  Ang alam ko lang kelangan ko ilabas ang nararamdaman ko.

I was a mistress for 8 years now. We are both married and hanggang ngayon kasama pa rin namin mga asawa namin. A lot of you will easily judge me at naiintindihan ko yun.
Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako masamang tao. For 8 years, I tried so many times to end the relationship. Hindi ko rin maintintindihan ang sarli ko kung bakit sobra ko siyang mahal na mahal.

Wala akong financial support na nakukuha sa kanya, no lavish gifts. Ako pa nga ang lagi nagbibigay eh. Nabuntis niya yung asawa niya sa pangalawa nilang baby.Akala ko yun na ang perfect timing to end the relationship 2 years ago, pero hindi bumalik pa rin ako.
Alam ko yung gagawin ko, pero hindi ko magawa gawa sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.
Masaya na ako na nakakausap siya, na nakakasama siya. Masaya na ako kung anuman meron kami. No more, no less.

As for my husband, alam ko ang laki laki na ng kasalanan ko sa kanya pati sa anak namin.
Ang dami ko reklamo sa kanya, pero alam ko mas malaki ang atraso ko sa kanya sa patuloy kong ginagawa.

Pero iba na ang nangyayari ngayon. Most you will call it?s ?karma? or say I deserve this. Last week nangyari na ang kinatatakutan ko. Yung dumating ang araw na kelangan ko na siya ilet go. At eto yung pinakamasakit, kasi I need to let him go hindi dahil para sa pamilya niya kung hindi dahil sa ibang babae na kaibigan ko pa. Yes, she?s my close friend. We belong to the same group, kasi officemates kami including the guy. Of course my friend has no idea of us. Kaya hindi ko rin magawa mainis sa kanya.

Last year, I broke up with this guy kasi nagseselos ako dahil lagi niya kasama yung friend ko.
Pero nagkabalikan din kami. Hanggang sa may nagsabi sa akin na nachichismis na  pala yung dalawa. My friend is married too. I asked her at inamin nya na nadedevelop na sila.
But the guy denied it, wala daw yun. Wala sila at ako lang yung mahal na mahal niya. And sa sobrang pagmamahal ko, nagpatuloy pa rin kami.

But 2 days ago, nung nagmessage ako sa viber niya. Hindi masend.
Then nakita ko online yung friend ko. While siya di na makita yung status niya.
Nung text ako sa kanya na may viber ako. Dun niya sinabi na ioepn niya viber niya at wala siya nareceive. So nagsend ako ng another message at pumasok. And I found out na habang kachat niya yung friend ko, he blocked me para di ko makita na online siya at the same time hindi ako magmessage sa kanya.

Sobrang sakit, para akong sinaksak.
I confronted him pero he denied. Binalik niya sa akin ang sisi. Sinabi pa niya na nawawalan na siya ng amor sa akin sa kakaduda ko. Kelangan ko maniwala sa sinasabi niya.
He asked me pa nung wala na ako tiwala sa kanya, tigilan na namin eto. At first, ayaw ko. Yes! Sobrang t**** ko. Pero pumayag na rin with 1 request, iblock niya ako sa lahat ng account niya kasi I?m sure babawi ulet ako.
Last night, sobra akong down. Nagmessage ako sa kanya, sabi ko sobra akong nasasaktan kasi I have no choice but to let him go. Kahit sobrang mahal na mahal ko siya, mas matatahimik at magiging masaya siya if I will let him go. Ang sakit sakit pero wala na akong ibang choice kasi di na siya masaya.
Nagreply siya, sabi niya sana maayos na kami.

Alam ko dapat wala ng usapan. Alam ko mas madali na nga umalis. Alam ko dapat ko gawin. Pero sa totoo lang, nandun yung pinagiisipan ko na makipagayos.
Naaawa na ako sa arili ko. Naaawa na ako sa pamilya niya at pamilya ko. Gustong gusto ko na tapusin na. Pero sobrang nabubulagan talaga ako.
Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya.

Last night, habang tinitingnan ko ang mag-aama ko.
Naiiyak na lang ako at nasabi ko sa sarili ko ?I lost the battle, it?s time to go home now to where I really belong,?
I am so selfish I know. Hindi ko alam kung may pagasa pa ako. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko na umalis na sa affair.
Sobrang nahihirapan ako. At sana this time, magawa ko na talaga ang tama.
Sana this time, I can let him go.
« Last Edit: March 07, 2019, 01:32:46 pm by jasme1211 »

three8one

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #1 on: March 26, 2019, 06:53:21 pm »
virtual hug na lang ma'am..

Evolet027

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #2 on: March 26, 2019, 07:38:18 pm »
^ bumalik ka na sa mag ama mo at magpaka buting asawa at ina. yung guy, gagawin at gagawin nya ng paulit ulit yan sa iba't ibang babae. Maawa ka sa asawa nya, sayo at sa friend mo. Kung malaman ng asawa nya yung kalokohan nyo, sobrang sakit nun. ikaw nga kabit ka lang, maka emote ka jan, how much more kung si original pa maka alam. Isa pa, hindi tunay na pagmamahal yan. kung mahal ka talaga nung guy, ikaw ang kasama nya at hindi yung asawa nya at yung bagong kabit nya. Utak over puso. Buti nga may babalikan ka pang mag ama eh, pano kung wala na?

ayusin mo buhay mo. as to your friend, payuhan mo na habang maaga pa para maka iwas sa kasalanan din. Kung  bitchy ka naman eh, pabayaan mo sya malunod sa kumunoy nya.  ;D ;D ;D

three8one

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #3 on: March 26, 2019, 08:12:52 pm »
tama nga naman si ma'am Kiara027. ;D

--------------------------

 tsaka additional TS, kung mahal ka talaga nun guy di solusyon ang kama para maipakita na mahal na mahal nyo ang isa't isa. Kahit sa sahig ayos na!






biro lang po.  ;D

khaleesiCersei

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #4 on: March 27, 2019, 01:14:27 am »
Bakit ganon? Parang sobrang normal na lang yung may kabit.. sorry sis ts ha, pero sa kwento mo lahat kayo may mga pamilya pati na rin yung friend mo na bagong babae ng jowa mo..may pamilya din tapos sa kwento mo parang wala lang, parang mga palamuti lang yung mga family nyo sa story nyo.. like their feelings dont matter..kasi mas focused ka sa feelings mo.. tsaka parang Ok pamilyadong tao ako, pamilyado din siya, so quits lang.

 i mean curious lang ako siguro bakit ganon na lang kadali para kumabit at magtaksil sa pamilya? Is it for the thrill? The attention? Does it make you feel more desirable? Special? Nakakataas ba ng self esteem?  And pano nyo nagagawa yun i-compartmentalize yung feelings nyo para sa pamilya at kabit nyo? Pano nyo nagagawa sumiping sa asawa nyo knowing na meron kang iba? Tapos may asawa din na sumisiping din sa asawa niya. Better yet how can you act happy while spending time with your family tapos may panakaw na moments with another? Para sakin ang hirap non.. mas madali siguro kung ako yung single tapos kabit lang ako. Pero kung may family ako tapos may jowa pa na may family din, i dont know pano ko magagawa yun, mahirap mag pretend at magtago lalo na ng feelings..

Parang people nowadays like to invite drama into their lives. They create their own drama and complicate things. The more complicated, the better, the more it excites them siguro.. to other people a happy and peaceful family life sounds boring and unfulfilling..just a thought

hushush

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #5 on: March 27, 2019, 11:55:42 am »
tama nga naman si ma'am Kiara027. ;D

--------------------------

 tsaka additional TS, kung mahal ka talaga nun guy di solusyon ang kama para maipakita na mahal na mahal nyo ang isa't isa. Kahit sa sahig ayos na!

biro lang po.  ;D

Loko ka talaga bro three8one magsagot ano.. Pero may point ka dun.wala sa kama o sahig..yung iba nga sa kitchen counter pa eh..kung gusto mo lang naman ng excitement.. Biro lang din po 😆

three8one

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #6 on: March 27, 2019, 06:43:08 pm »
^ haha.. di naman sa ganun.. seryosong usapan at maselan ito alam ko, kaya lang mabigat kasi sa dibdib basahin eh. pampagaan lang.  ;D

wala bang malupet na advice na mang gagaling sayo ma'am hushush? yun mga word of wisdom mo ang inaabangan ko sayo eh.
« Last Edit: March 28, 2019, 12:57:32 pm by three8one »

jasme1211

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #7 on: November 08, 2019, 03:49:22 pm »
Salamat sa mga message ninyo. Alam ko naman na wala akong right na mag-inarte kasi kasalanan ko naman lahat ng eto. Pero syimpre, lahat tayo may damdamin. Mali or tama, may mararamdaman ka. Walang ibang dapat sisihin kung sarili ko. Tanggap ko yun and whatever hurt/pain I am feeling right now, deserve ko siya.

Girltalker2

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #8 on: November 08, 2019, 07:51:40 pm »
How are you TS?

What happened na
Nagkabalikan ba kayo or pinanindigan ng kabit mo ang hiwalayan nyo?
Are you happier now? 

Ang masasabi ko Lang, just do the right thing. Alam mo Na yun at Hindi ka Na bata. It?s a blessing in fact mawala sya Sayo ng tuluyan.

FayeP

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #9 on: November 09, 2019, 02:12:49 am »
sis jasme1211, mas maganda wag ka na magdwell dun sa nangyaring hiwalayan..tutal ilang months na din naman ang lumipas. Focus all your energy to your family, they deserve your 100% attention and love.

hopefully you will find peace saka yun hinahanap mo, na natagpuan mo sa "kabit" mo, hanapin mo sa asawa mo.  Wag sa ibang kandungan.

jasme1211

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #10 on: November 09, 2019, 10:16:42 am »
I still love him but wala na talaga kami. Minsan nagmemessage siya sa akin na one day umaasa pa rin siya na magkakausap kami to clear things out. Pero di na ako nagrereply. Mahirap kasi na officemates pa rin kami. I don?t have the guts kasi na lumipat ng office kasi stable na ako sa work na eto and my family needs this.

I?m really trying my best to overcome  the feelings. It?s really easier said than done, 8 years din yun. Sabi ko nga kung may gamot lang sa mercury drug pinakyaw ko na yun.

I don?t reply to any of his messages. Hopefully one day, all the feelings for him will be gone.

jasme1211

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #11 on: November 09, 2019, 10:18:42 am »
sis jasme1211, mas maganda wag ka na magdwell dun sa nangyaring hiwalayan..tutal ilang months na din naman ang lumipas. Focus all your energy to your family, they deserve your 100% attention and love.

hopefully you will find peace saka yun hinahanap mo, na natagpuan mo sa "kabit" mo, hanapin mo sa asawa mo.  Wag sa ibang kandungan.

Yes, I am taking it one day at a time. Oo, matagal na pero as I?ve said officemates pa rin kami kaya mahirap. Pero no communication na kami. I chose not to give in sa mga message niya.

sweet_maldita

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #12 on: November 10, 2019, 05:14:03 am »

Last night, habang tinitingnan ko ang mag-aama ko.
Naiiyak na lang ako at nasabi ko sa sarili ko ?I lost the battle, it?s time to go home now to where I really belong,?


Ang sakit basahin nung story mo sis, pero ang sobrang sakit nun sinabi mo sa part na to.

jasme1211

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #13 on: November 10, 2019, 07:43:07 am »
Ang sakit basahin nung story mo sis, pero ang sobrang sakit nun sinabi mo sa part na to.

Yes, aminado naman ako na sobrang sefish, sinful yung ginagawa ko. Kaya nga wala ako sinisisi na iba kung hindi sarili ko. This is what I got after loving him so much. Again, sa 8 years na yun never nawala sa isip ko even a single second na mali ginagawa ko, or try na umalis. Ang hirap explain pero di ko rin alam na you have all the reasons to go pero kapag gagawin mo na nababago na isip mo. Di ko alam kung sobrang t*nga ba ako or sobrang mahal ko lang siya.

sweet_maldita

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #14 on: November 10, 2019, 09:31:14 pm »
***hugs***

Pray lang sis na makayanan mo lahat

jasme1211

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #15 on: November 10, 2019, 10:48:02 pm »
Thank you mga sisses. Sa mga message niyo ako nakakakuha ng lakas to let go of the feelings. Whether good or bad message, ninamnam ko lahat yun. Kahit naman ako, gusto ko talaga matapos na yun matagal na pero sobrang hirap talaga na gawin. Magsisisi ka na lang na sana di mo talaga ginawa from the very start.

Kaya sa mga sisses natin na nasa ganitong situation, or nagiisip na mag enter sa isang affair. Wag na. Iwasan niyo na.

sweet_maldita

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #16 on: November 11, 2019, 02:28:54 am »
Naging kabit din ako sis pero tinigil ko na kasi ang sakit nung sinabi nya na "alam mo naman na family ko ang priority ko e".. so ni-let go ko na

jasme1211

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #17 on: November 11, 2019, 08:52:32 am »
Naging kabit din ako sis pero tinigil ko na kasi ang sakit nung sinabi nya na "alam mo naman na family ko ang priority ko e".. so ni-let go ko na

Understandable pa nga yun kasi yun naman talaga ang dapat niya gawin. Kung ganyan case ko, hahanga pa ako dun sa guy. Nasa matino pa pala pagiisip. Mas madali yata ilet go yung bumalik siya sa family niya.

Sa case ko, ga*o talaga. Naghanap na ng ibang kabit aba talagang kaibigan ko pa.  Walang kwenta kaya siguro kahit mahal ko pa siya parang madali lang ako nakapag adjust. Alam mo yun, hindi lang ako aware pero pagod na pagod na rin pala ako umintindi, pagod na pagod na rin pala ako na mahalin siya, at pagod na pagod na ako sa kalokohan niya. Kaya tama yung sis natin dito, it's a blessing na yung guy na ang nagkusa. Kasi kung di niya yun ginawa, I think makukuntento na lang din ako na nanjan siya.

Shadow Angel

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #18 on: November 11, 2019, 09:30:04 am »
Kung talaga nagmamahalan kayo bakit hindi nyo hiniwalayan mga partner nyo. Siguro wala ng excitement kapag di nakaw na sandali. Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi asawa mo? Paano ka nakakapagpretend na masaya kapag kasama mo mag ama mo? Obvious naman init lang ng katawan ang hanap noon lalaki.

Napakaswerte mo may pamilya ka pang uuwian kahit napakahabang panahon mo silang niloloko.

jasme1211

  • Guest
Re: When you have no choice but to let go...
« Reply #19 on: November 11, 2019, 09:43:54 am »
Kung talaga nagmamahalan kayo bakit hindi nyo hiniwalayan mga partner nyo. Siguro wala ng excitement kapag di nakaw na sandali. Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi asawa mo? Paano ka nakakapagpretend na masaya kapag kasama mo mag ama mo? Obvious naman init lang ng katawan ang hanap noon lalaki.

Napakaswerte mo may pamilya ka pang uuwian kahit napakahabang panahon mo silang niloloko.

I never claimed naman na mahal niya ako, or never been proud na nagmamahalan kami. Ang sabi ko nga, enough na sa akin kung ano ang meron kami. Sa totoo lang, di ko rin alam ang sagot sa mga tanong mo. Kasi kung alam ko mga sagot, hindi kami aabot ng 8 years.

Yes, alam ko na swerte ako for still having them despite of my sinful actions.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close