Nabasa ko lang 'to na na-share ng isa kong FB friends regarding daw sa movie na Jacqueline Comes Home.
SPOILER ALERT!!! READ AT YOUR OWN RISK.
Don't read it kung gusto niyo panoorin Jacqueline Comes Home.
Done watching Jacqueline Comes Home. It should Thelma Going Home. Haha! I wanted to watch the movie para maging fair at para di ako one sided. Napanood ko na rin naman ang Give Up Tomorrow. Nagbasa na rin ako ng maraming articles and videos ng mga news about that case to look on different angles. Syempre kaya talagang pinush ko to panoorin to weigh things between this movie as well as the docu kasi you know naman this case or story ay trending talaga sobra ngayon at talagang nakakapukaw ng atensyon kasi nakakalungkot at nakakagalit yung injustice sa bansa back then until now naman.
Naging kwento ni Thelma yung movie halos. Naging kwento ng isang ina. I thought kasi they will show talaga yung case ng Chiong Sisters especially kay Jacqueline kung san ba napunta kaso hindi. Kay Thelma talaga umikot ang story, yung mga pinagdaanan niya as a mother na nawalan ng dalawang anak na babae. Konti lang yung narration about the case. It's more of Thelma as a mother and Chiong 7 as the bad ones. Nilinis at ginawa nila maganda image ni Rusia ron na parang anghel sa grupo. Binago nila names ng Chiong 7 don, may "Sonny" (Paco) at "Jeff" (Josman) at ginawa talaga nilang sobrang salbahe nung mga taong sangkot. Yung sa movie imbes na Chiong 7 lang nahatulan gaya nung footage sa Give Up Tomorrow na live dati eh sa movie lagpas, parang 10 or more than pa yung nakapilang nahatulan. Pinandigan nila na si Paco ay di nag aaral sa Manila kundi talagang stalker ni Marijoy the whole time. Yung body identified agad don ng father pero sa nangyari talaga na napanood kong footage eh di nga makilala yung body na natagpuan. Btw, sa movie sa Tanauan natagpuan yung katawan. Di ko sure kung dan ba talaga natagpuan pero yun sabi sa movie, May hearsay about kung nasan bangkay ni Jacqueline, sa dagat or ilog siya tinapon. At iba pa.
Siguro kung di to based sa true story eh mafifeel ko yung story kaso may background na ako and ayun, wala talaga, di ako naconvince nung movie. I thought it's really about the Chiong sisters case kaso naging kwento siya ng isang ina.
Watch niyo na lang then kayo magweigh.
PS: Kahit naman ganto naging thinking ko sa movie at sa case, I just want to congratulate the casts of Jacqueline Comes Home. Galing umarte

Napaisip lang talaga ko sa ilang bagay:
1. Sa movie, si Paco umpisa pa lang talagang ginawa agad nila panget yung image then paano ipapaliwanag na sa movie eh matagal at lagi sinusundan ni Paco si Marijoy pero diba ng aaral siya sa Manila or QC? Sige let's say umuwi si Paco nung July 16 pero paano yung mga nakaraang araw na sinasabi nila sa movie na sinusundan ni Paco? Kasi ang term ay stalker talaga at kitang kita naman sa movie na nasa Cebu lang siya the whole time at di nagpuntang Manila. So meron siyang katawan sa Cebu na stalker ni Marijoy and katawan sa Manila para mag aral sa culinary arts school? Yung totoo.
2. Bakit pinakita ron na talagang sadista at talagang mga salbaheng tao sila Paco? Tsaka kung talagang di close ang Chiong kila Paco, paano nila nalaman yung ibang bagay gaya nung babaeng minahal ni Paco sa movie pero di siya minahal? Paano nila nalaman yung ganung bagay? Eh wala naman si Rusia sa eksena sa part ng movie. Diba? Nagtataka lang ako kung paano nila nadescribe yung Chiong 7 na ganung mga tao talaga eh di naman daw nila kilala personally yung mga yon.
3. Bakit ginawang good talaga si Rusia sa movie? What for? Pinalabas na sunud sunuran at good boy talaga siya at napipilitan pero sa totoong buhay eh marami siyang kaso. Ang ironic talaga eh.
4. Kung talagang kasama si Rusia the whole time, bakit di niya maituro kung san ba talaga si Jacqueline? Kung paano pinatay or nawala kasi sa movie, hearsay lang ng mga farmers kung san napunta.
5. Bakit kailangan pang isama si Judge Ocampo sa movie just to say na nagsuicide pero balak niya magretire ng 70 years old pero 67 siya that time. Naguluhan ako kung para saan yun.
6. Bakit di shinow don na dapat tetestify si Dionisio sa drug lord bago mawala daughters niya?
7. Bakit identified agad ng tatay ang body sa movie? Eh sa footage nung 1997 eh hindi nga makilala yung body pero nung kumuha ng finger prints, match daw sa doc na kung anuman.
8. Bakit walang DNA test na nangyari? Para maconfirm na anak ba talaga nila yung natagpuang bangkay. Siguro naman eh may ganun na that time naman diba?
9. Kung narape talaga yung natagpuang bangkay, bakit di sila kumuha ng samples sa vagina nung nakuhang body to match sa mga suspects, diba? Kung matched edi confirmed kaso wala namang gumuwa.
10. At the end, hearsay lang ng farmers kung san napunta si Jacqueline. Sabi ron ayaw daw nila sabihin kila Mrs. Chiong kasi baka madamay pero bakit nalaman sa movie? Gulo nung part na yun tsaka edi sana sinabi ni Rusia kung totoo. Kung talagang kasama siya, malamang maituturo niya or macoconfirm niya kung totoo nga ba sinasabi ng farmers.
Di ako kaisa sa mga nagpost na iboycott ang movie na ito dahil kahit papaano ay binigyan ko ng chance na maipaliwanang ng Chiong sisters or family ang nangyari kaso yun na nga...
Watch niyo if you want to confirm sa mga sinabi tsaka for sure may mga mapapansin kayong iba pa.
#JacquelineComesHome #FreePacoNow #Chiong7