watch now

Author Topic: Weightloss diary THREAD 3 - support thread sa mga gustong pumayat (no slimming p  (Read 52380 times)

hushush

  • Guest
^uy fave ko din yan. Kaya lang mahirap magluto nyan eh need ihawin hehe. Matry nga bukas.
Fasting ulit ako 3pm til 7am bukas. Crossing my fingers na wag masira. 😀

Umulan ngayon. Naku baka hindi ako makahike bukas..

chiqmom

  • Guest
hello mga sis, pa active ulit sa thread na ito. low carb diet na ako, 1/2 cup per day lang. plus intermittent fasting. 16:8.

itt

  • Guest
@sis hushhush ayoko may meat sa ganun. gusto ko plain lang hehe.
gaaaaaaaaaaah

hi chiqmom :D

nag nutella ako :( lol isang pc ng white bread saka nutella. hehe pang satisfy lang ng cravings hehe :)

chiqmom

  • Guest
nagutom na ako pero tiis tiis lang. tomorrow 12 noon pa ako pede kumain. itutulog ko na lang ito. hehe

hushush

  • Guest
Hindi ako nakapag-tortang talong. Ginisang lettuce at cabbage instead.

Hindi din ako nakapaghike. Still raining eh.
Fasting na ako around 1pm.

@chiqmom
Bukas ka pa kakain? 24hrs na yun. Malufet hehe. 😊

engr_neechee

  • Guest
I'm down to 144.4 from 169.6 (February 5).  That's 25 lbs na ata in four months.....12 more to go!

hushush

  • Guest
^wooow! Congrats naman sis! 👏👏👏

Ia-add ko pala ang soft tofu sa diet ko hehe. Mura lang eh. Saka nakakahaba daw ng layf. Saka it can prevent breast cancer daw (soy bean, soy milk, tofu, etc).

Mas prone daw sa breast cancer ang palakain ng pasta at meat. Yung mga masasarap hehe.. As per studies ha. 😊 hmm. Kaya pala ang nanay ko di pa nagkakasakit nang malubha at age of 65..
 

itt

  • Guest
Lola ko din ayaw ng meat. Gusto lang nya veggies and fish. Yung beef ayaw nya talaga. Hehe. She was 97 when she passed. Sa gen natin mahirap na abutin yun!

hushush

  • Guest
^mahirap talaga lalo na sa pinas na super polluted ang hangin.. Especially sa para?aque..ang mga bata dun common disease na ang TB hehe. Kaya target ko bumalik na ng antipolo next year.
Long fast ako ngayon kasi mag-eat-all-u-can daw kami bukas. 😋

And since umaaraw na ngayon makapahike na ako bukas.. Yahoo!! Ilang trails kaya ang titirahin ko bukas?? 😁

hushush

  • Guest
Nakapag-hike ako nun sat, sunday at kanina.. Angkaso break - even lang kasi panay lamon ng weekend. Pizza at buffet.. 49.2kg as of today. hay makapagdiet na nga. kahit 5 days lang na mono meal. Duo meal ako today pero kape yun 2nd meal ko. Puro lettuce ang kinakain ko with chicken or egg. kaya pag mapupu puro dahon ang lumalabas hehe. 😊

naizlabonita

  • Guest
10kg na ang itinaba ko.. huhu.. ang hirapp mag diet sobra

itt

  • Guest
hi sis :D kaya yan :)kahit paonti onti muna :) try lessening  your junk  food and soda intake muna. tapos from there,you can take your next step :) ganyan din ako nag start :) right now, Im doing IF and sometimes, I calorie count :)

hushush

  • Guest
^^hirap nyan sis, 10kg. Yun 1kg nga mahirap ilose eh. Wag mo na dagdagam yan siis. Pababain mo na. Baka magka-heart problem ka..

AF days.. Kaya pala may unexpected gain ako. Kagutom.. Sarap kumain ng siomai..

kvandenhaak

  • Guest
10kg na ang itinaba ko.. huhu.. ang hirapp mag diet sobra

Maybe wag ka muna mag-diet. Just get rid of the junk. You will lose weight almost without effort the moment you do that. Basta all junk. That's the first thing I did when I started my weight loss goal in 2014. Ang bilis natanggal.

Ang challenge ko now is to lose 10 more lbs pero mabagal na ang progress. Hindi na ako tumataba kaso ayaw na ring pumayat.

naizlabonita

  • Guest
true mga sis ang lakas ko sa mcdo iced coffee vanilla.. araw araw ata.. okay so talaga need ko na to tanggalin..sobra nga talaga itinaba ko.. imagine 46kg ako noon ngayon around 56-57kg na ata ako.. lahat halos nasa tyan..pre pregnancy 46kg..nanganak ako naging 50kg..then nag boom na siya ngayon na 56 or 57kg hmp

â„¢Ppal_06

  • Guest
Hello, bagong napapadaan sa thread na ito ☺️ Kapag usapang weightloss lagi akong nahu-hook, pano ba naman, halos buong buhay ko di ko machieve-achieve ang weight goal ko, yun bang pang matagalan, kasi laging temporary.

Current Weight: 53kg, less than 30% bodyfat
Weight Goal: 45kg, 15% body fat

Panaginip sakin yang weight at body fat goal ko hahahaha ako kasi, laging naliligaw ng landas kalagitnaan ng diet ko.

Nung nagstart ako mag-keto,  laging nakatingin sa non-scale victories like kumasya na yung maluwag na damit, loose na yung tshirts. Mga ganon. Minsan kapag I feel like giving up, napapahiya na lang ako sa sarili ko kasi ang daming transformations ko nang nakita---at malalaki talaga sila, eh ako di naman ganon kalaki pero nasuko na kaya that's what keeps me going, kung kaya nila, syempre kaya ko din. Strong is the new sexy (para sakin ha) ☺️😬

Nagstop na ko magketo, di ako nagdadiet at nakaleave din sa gym, been feeling sick kasi suspected pregnant, or baka simpleng migrane lang. Hehe 🤗

hushush

  • Guest
Dapat 11 am or 12 noon ulet ang 1st meal ko bukas.. Sana wag mulan sa umaga para makaakyat ulit ako.☺
May leg injury pa naman ako. Kagagawan ng malilikot kong anak. Di bali keri pa naman. alalay lang sa paglalakad.

kvandenhaak

  • Guest
I am at 120 lbs, my friend is 118 lbs but she is wearing a bigger size clothing size than me. Bakit kaya? She's not the type that will lie to make herself look good. Her waist is bigger than mine by two inches lang naman.

hushush

  • Guest
^anong height sis ng friend mo vs sayo? ☺Meron din kasing mga tao na mahilig sa loose clothing. Like me for example, since i was a teen hindi ako nahilig sa mga fitted tops hehe. Minsan lang ako nagsusuot ng fitted tops pag feeling super payat like 47ish kilos. 😄

Speaking of weight, di pa ako nagtimbang ulit. Sa july na lang pag todo-diet na ulit ako.. For now, fasting lang at hiking paminsan-minsan ang maintenance ko. ☺
« Last Edit: June 24, 2018, 06:46:47 am by hushush »

kvandenhaak

  • Guest
^She is about an inch taller. Pareho lang kami ng style sa pagdadamit. Pero mas mabilbil nga lang sya sa akin. Hindi kasi sya naggi-gym and I pay a lot more attention to my abs dahil gusto ko bumalik ang Ms. Universe kong katawan...lmao! Pero hindi na ata babalik. I have to admit that I am that....old!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close